Part 20

Siguro okay na rin na kasama ko si Sir Jack ngayon, para malayo ako ng bahagya kay Sir Benj. Kapag siya kasi palagi kong kasama, sigurado akong mas maiinlove ako lalo.


Nasa kalagitnaan pa rin ako ng paliligo pero iniisip ko yung mga nangyari kagabi, wala talaga akong idea na ganon ako ka lasing. Parang ayoko talaga maniwala na ganon ako.




Pagkatapos ko maligo, bumalik ako sa kwarto at nakita ko na si Sir Jack na nakahubad sa kama ko at natutulog! Bakit naman ganito siya sa'kin? Inaakit niya ba talaga ako oh sadyang kaakit akit lang siya.



Bakit siya nakahubad? Buti na lang suot pa rin niya yung short niya pero bakat eh. Nakakainis, hindi ko na siya ginising at nagbihis na ako. Tumalikod lang ako sa kanya sandali at nung naka underwear na ako, tinanggal ko na yung tuwalya ko.



"Don't seduce me Ethan, I'm seducable" narinig kong boses niya at mukhang gising na siya.


"Sir Jack!!" nagtakip kaagad ako ng tuwalya.


"Haha, nahihiya ka pa eh nakita ko na, at saka parehas naman tayong lalaki eh. Okay lang 'yan" bumangon siya at naupo sa kama. Kahit nakaupo siya, kitang kita pa rin yung abs niya. Parang walang wala naman siyang taba!



"Saan niyo bang gustong pumunta?" kinuha niya uli yung damit niya at sinuot na niya uli 'yon.


"Ahh.... Ehhh... Kayo po bahala. Sagot niyo naman eh"biro ko saka ako nagbihis.


Kukunin ko sana yung green na damit kaso si Sir Jack na yung namili ng susuotin ko. Kulay blue ng polo shirt ko yung kinuha niya sa damitan ko.


"Ayan na lang suotin mo para parehas tayo ng kulay" abot niya sa'kin.


Okay lang din naman 'yon kaya ayon na rin sinuot ko. Naka t shirt siya ng blue, at ganon din yung sa'kin. Bigla namang pumasok si Butchok at kulay blue rin na damit yung suot niya.


"Wow, para tayong isang masayang pamilya!" biglang sabi ni Sir Jack.


"Ready na po ako Kuya Boss!" sabi ni Butchok.



"Ohh... Saan mo ba gustong pumunta?"


"Hmmm.... Pwede po ba sa park?"


"Park? Sa iba naman. Sa malayo, kahit saang lugar, sabihin mo lang."


"Hmmm.... Pwede po bang sa Star City?"


"Nice! Okay lang ba sa Kuya mong mapang akit?" tanong niya sa'kin.


"Mapang akit po?"


"Huwag mo ngang lasunin yung isip ng kapatid ko!" sabi ko kay Sir Jack.


"Haha, okay lang ba Kuya?" si Sir Jack 'yon.



Tumingin lang ako kay Butchok at mukhang gustong gusto niya pumunta doon. Nabanggit na niya sa'kin na gusto niyang pumunta roon kaso nga busy ako kaya hindi ko siya masamahan doon.



"Sige. Pero alam mo naman..."



"Opo Kuya!"



"Good. Sir Jack, tara na?"sabi ko. Nagmadaling bumaba si Butchok at lumabas ng bahay. Pababa naman kami ni Sir Jack.

"Stop calling me Sir Jack, nasa labas naman tayo ng office eh"



"Eh. Hayaan mo na po."



"You can call me Jack or Zachary or babe, baby, honey, anything you want. Pero mas prefer ko yung babe, I'm your babe!"




Pinipilit ko naman na 'wag damdamin yung sinasabi niyang kakiligan sa'kin at piniling hindi sumagot sa sinabi niya.



+++


Nakarating na kami ng Star City at kitang kita ko yung excitement sa mukha ni Butchok. Hindi siya mapakali na nakahawak sa kamay ko.


12years old na 'tong kapatid ko pero hindi ko naman masisisi na maexcite siya ng ganito.

"Tara Kuya Boss! Extreme rides kaagad tayo!" sabi ni Butchok, nakakatuwang makita si Sir Jack na parang close na close na sila ng kapatid ko. Nakaakbay pa si Sir Jack sa kanya.



"Butchok, easy lang ah?"



"Oo naman Kuya!" nagmadali silang maglakad papunta sa mga rides samantalang ako naman tumingin tingin muna sa mga stuffed toy na binebenta. Nakakatuwa kasi halos kasing laki ko na yung iba roon.



Nalingap lang ako sandali pero wala na sa paningin ko yung dalawa kaya nagmadali na akong maglakad. Napansin ko rin na parang tumutunog yung phone ko at tumawag si Sir Benj.



18 missed calls! Lahat galing kay Sir Benj! May mga text messages din siya.



"Good Morning. 😊"
"Bakit hindi mo sinasagot?"
"Lumalayo ka ba?"
"Ethan..."
"Honey."
"Pst"



Okay na 'to, kailangan ko ng time sa ibang tao para kalimutan ko yung taong hindi ko dapat pinag iinvestan ng oras ko.




Sinakyan namen lahat, pinasok namen lahat at syempre, si Butchok talaga ang pinaka nag enjoy. Nakakatuwa rin talaga na tinupad ni Sir Jack yung sinabi niya na para kay Butchok 'tong araw na 'to.



Hindi niya ako hinaharot, parang chaperone nga nila akong dalawa. Halos lahat pa naman ng rides doon eh pang dalawahan, ako talaga yung walang kasama. Yung walang katabi.

Makikita kong tumitingin tingin si Sir Jack sa'kin pero iiwas din ako kaagad ng tingin.



Napagpasyahan nameng kumain na muna sa may foodcourt doon at hindi ko mapinta yung saya sa mukha ng kapatid ko.

"Masaya ba si Butchok?!" tanong ni Sir Jack.


"Opo Kuya Boss! Ang saya! Maraming Salamat po! Pagkatapos po natin dito, sasakay pa tayo ah?"


"Oo naman!"



"Grabe po! Ang saya saya talaga!"



"Nakakatuwa ka Butchok, sobrang saya mo. Gusto ko tuloy magka baby bro"


Silang dalawa lang nag uusap, pinagmamasdan ko lang kasi si Sir Jack habang kakwentuhan si Butchok. Sobrang nakakagaan kasi tignan. Parang ganito yung gusto kong partner, yung kaya rin mapasaya yung kapatid ko. Si Bill kasi hindi masyadong close kay Butchok pero sinusubukan naman niya.




"Sana po palagi kayong dumalaw sa bahay para palagi po tayong lalabas!"



"Ha? Hindi ka ba pinapalabas ng Kuya mo?"



"Hehe, hindi po kasi pwede eh"



"Ha? Eh paano yung school mo?"


"Hindi po ako nag aaral. Home schooling lang pero sobrang nakakatamad po"



Napatingin sa'kin si Sir Jack at mukhang naaawa kay Butchok. Napansin ko rin nalungkot bigla yung kapatid ko. Sa tuwing nababanggit niya talaga yung school, nalulungkot siya.



"Kuya Boss, saan po yung CR?"


"Ayun lang oh. Halika, samahan kita"



"Hindi na po, malaki na po ako kaya ko na po!" nagmadaling nag CR si Butchok at doon naman ako kinausap ni Sir Jack.


"Bakit hindi nag aaral kapatid mo?!" hindi ko alam kung galit siya or what.



"May sakit kasi siya at hindi siya pwedeng mapagod, mapawisan, maexcite, mga ganung bagay kaya hindi ko siya pinapalabas masyado."



Natahimik naman siya.


"Kaya nga sana hindi na kayo sumakay sa extreme rides kasi mamaya baka 'di niya kayanin" sabi ko pa.



"Mukha naman siyang okay ha? Mukhang malusog"


"Ganon daw talaga. Traydor yung sakit niya, akala mo okay lang pero hindi talaga. Baka raw anytime biglang atakihin"



"Inatake na ba siya?"


"One time, habang naglalaro sa labas. Bigla na lang siyang bumagsak at hindi makahinga. Sinugod namen sa ospital, at doon namen nalaman yung sakit niya. Ayoko na siyang makita na ganon. Sobrang nakakaawa"



"Grabe pala yung kalagayan mo. Hindi ko naman inaakala na may ganyan ka palang pinagdadaanan"



"Okay lang hehe. Kaso nga lang nalulungkot ako kasi nababanggit na niya na gusto niyang pumasok. Eh hindi ko naman alam kung pwede na, ayoko rin mag take ng risk."



"Naiintindihan ko Ethan, pero naaawa lang ako kay Butchok, ang bait na bata tapos ganyan, may ganyan pala siyang sakit."



"Kaya nga eh...."


Nakita ko ng pabalik yung kapatid ko at sinenyasan ko si Sir Jack para mag change topic na kami kaagad.


"Butchok.... May sasabihin sana ako sa'yo eh" biglang sabi ni Sir Jack.



"Ano 'yon, Kuya Boss?"


"Takot kasi ako sa heights, nahihiya lang akong aminin kanina pero natatakot talaga ako sa extreme rides eh hehe. Pwede bang sa loob na lang tayo uli?"



"Ay ganon po ba? Sige po okay lang. Try po natin yung pwede tayong manalo ng stuffed toys! Nakita ko po kanina eh!"



"Ayan, sige sige! Pagkatapos natin kumain ha?" hindi naman nawala yung ngiti ni Butchok at alam kong ginawa ni Sir Jack 'yon dahil alam na niya yung kalagayn na kapatid ko.



+++


Hindi lang namen sinakyan yung rides sa labas pero sa loob, lahat pinasok namen kahit yung may mga additional charges. Gabing gabi na 'yon at napagpasyahan ni Sir Jack na mag dinner kami sa Tagaytay.


"Ang layo naman ng kakainan natin" sabi ko pa.


"Hehe para perfect lahat. Kesa naman diyan lang tayo sa tabi tabi di'ba. Ayos ba Butchok?" hindi sumagot kapatid ko at napansin kong nakatulog na siya sa likod.




"Ano? Tuloy pa tayong tagaytay?" tanong ni Sir Jack.



"Huwag na po Sir Jack, sa MOA na lang, sea side"



"Okay. And I told you not to call me Sir Jack, call me babe"


"Sir, baka marinig kayo ni Butchok."


"Haha, I think he's aware"


"But still, ayokong nakikipaglandian sa harap ng kapatid ko"


"Ohhh so we're flirting? Are we flirting now? Okay,"

"No no no.... Nasabi mo na, we're flirting! It's official okay? Uhm.... August 5 is our day."


"Hala Sir Jack!"


"Haha nakakatuwa ka talaga Ethan. Sa'yo lang ako nakakatawa ng ganito"



"We? Kay Laura hindi?" tanong ko.



"Oh.... Hmm, well she's beautiful, sexy, attractive, seductive... But something's missing. And I really don't know kung ano 'yon."



"Baka hindi ka kasi nag ttry Sir Jack. Subukan mo siyang kilalanin pa."

"Trust me Ethan, ginagawa ko. Pero ayun kasi yung napansin kong mali eh"



"Ano po yung mali?"


"I'm trying my best to like her pero dapat di'ba, hindi ka nag ttry? I mean, if you like her, parang effortless lahat. Pero sa kanya, I always try and try. Ayun siguro yung kulang."



"Ahh... Siguro ganon ka dun sa ex mo na nang iwan sa'yo no?"



"Haha you've mentioned her. Well, yes. Actually meron pang iba" sabi niya.



"Oh? Bakit hindi siya yung nilalabas mo? Eh effortless naman pala?"



"Haha trust me, ginagawa ko 'yon!"


"Aw! Dapat isa isa lang dine date mo! Sumbong kita kay Laura!"


"Haha but that person is you, Ethan. Ikaw 'yung tinutukoy ko. Ang effortless para sa'yo na patawanin mo ko, at ganon din ako sa'yo. Kaya nga na weweirduhan ako sa sarili ko. I like teasing you though pero sobrang nageenjoy talaga ako. Lalo na kapag kasama ka. I don't know haha. Am I weird?"


Napaisip na naman ako, parang sumasama pa siya sa iniisip ko ngayon!



"Hey, alam kong tinutulungan lang kita makalimutan si Sir Benj mo kaya 'wag kang mag isip tungkol sa'kin okay?"



Mukhang nabasa niya yung nasa isip ko at buti na lang sinabi niya 'yon. Saktong nabanggit niya si Sir Benj at bigla siyang tumawag sa'kin.



"Aba, ngayon lang siya tumawag?" tanong ni Sir Jack.


"Kanina pa nga po eh"



"Aba, hindi mo sinasagot?"



"Hindi po eh hehe. Kailangan kong i maintain yung boss to employee relationship namen."


"Paano kung kailangan niyo na uling mag panggap?"



"Edi magpapanggap kami. Nangako ako sa kanya eh"

"Hehe, good! Good!"


Ineenjoy ko na lang muna na hindi ko na nakakasama si Sir Benj at mabuti na rin na nandito si Sir Jack!



+++

Sa kwarto ko na pinatulog si Butchok at nagpasalamat ako kay Sir Jack sa paglabas sameng dalawang magkapatid.


"Okay lang 'yon Ethan hehe. Para kay Butchok!"


"Hehe, maraming salamat talaga"


"Wala bang kiss diyan?"


"Haha, loko ka talaga Sir Jack" buti na lang talaga sinabi niyang tinetease niya lang ako sa tuwing ginaganyan niya ako.

"So... I'll go ahead. Sleep well. Sobrang nag enjoy din ako." siya na yung humalik sa'kin sa pisngi at sabay kindat. Natawa na lang ako at lumabas na siya ng bahay namen.


Maya maya, nagtext kaagad siya sa'kin.


"Sobrang enjoy talaga kapag kasama ka. Thank you, Ethan ❤"



"Thank you rin, Sir Jack. 😊"



"I told you not to call me Sir Jack!😒"



"Haha, thank you babe 😍❤" biro ko sa kanya.

Napansin kong medyo matagal pag reply niya at mukhang naasar siya sa sinabi ko.


"Joke lang po Sir Jack!" pahabol ko.


"NPAKAPAASA MO ETHAN, 'wag mo kong paasahin 😢" reply niya.



"Hala si Sir,"


"Huwag mo na akong itext ng babe, ayokong umasa sa wala 😃"



Tinetease ka lang niya Ethan, ganon lang 'yon.



"Goodnight Sir Jack 😊"


"Okay Goodnight, malapit na rin ako sa bahay, sleep well. Sleep tight. Miss you already 😙"



Hindi ko na siya nireplayan at kasi iba na naman nararamdaman ko tungkol kay Sir Jack.


++++


Pagdating ng lunes, naka abang kaagad si Sir Benj sa upuan ko at nung makita niya ako, kaagad niya akong hinatak papunta sa opisina niya.


"Ano ba? Bakit hindi ka marunong magtext?! Text ako ng text ah?!" oo, galit siya.



"Umalis po ako."



"Alam ko, galing ko ng bahay niyo kahapon eh! Kung wala lang akong meeting nung sabado hinintay na sana kita!!"

Hindi naman ako makasagot kasi hindi ko alam kung saan nanggagaling yung galit niya.


"Galit ka ba sa'kin? Or nagtatampo? Ano, Ethan?" bigla siyang bumait!



"Wala Sir. Gusto ko lang po ng konting space hangga't hindi pa natin kailangang magpanggap"



"Eh...."

"Ano po?"



"Bakit ayaw mo na akong kausapin?" tanong niya.



"May dinedate na po kasi ako. Syempre hindi naman siya aware na may set up tayong fake boyfriend kaya lumalayo po muna ako" pagsisinungalin ko na lang.


"Ah... Okay. Good." tumalikod siya at naupo na uli sa upuan niya.


"Sir, meron pa po ba kayong kailangan?" tanong ko.



"Good to know that you're happy now. Sige, ayun lang you can go back to work now"


Hindi ko alam kung nalungkot siya sa sinabi ko pero hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ni Sir Benj kaya umalis na ako kaagad.

+


Lunch break ng tumawag sa'kin si Sir Jack.

"Ethan, where are you?" sabi niya.



"Sa office Sir. Mag lulunch"


"Oh good, nandito kami ni Butchok sa St. Lukes, puntahan mo siya rito nasa 7th floor kami"



"St. Lukes?!!!! Bakit?! Sige papunta na ako diyan!" bigla akong kinilabutan at naiyak,bakit nasa ospital si Butchok?! Buti na lang halos sa kabilang kanto lang yung St. Lukes!



Pagakyat ko ng St. Lukes, nakita ko si Sir Jack sa may labas ng pinto na may kausap sa phone at nagmadali akong lapitan siya.



"Nasaan si Butchok? Anong nangyari?!"



"Wait lang Ethan. Easy"


"Easy?! Bakit nandito kapatid ko?" hindi ako mapakali kaya binuksan ko yung pinto at nakita ko si Butchok doon na nakaupo at nakikipagtawanan sa isang babaeng doctor.

Niyakap ko kaagad si Butchok ng mahigpit


"Anong nangyari? Nahihirapan ka bang huminga? Ano?" halos nagpapanic na talaga ako.


"Hala Kuya, hindi po."


"Okay ka lang? Promise? Jusko kinabahan ako. Eh bakit ka ba nandito?"



"Dinala po ako ni Kuya Boss dito!" lumingon ko at nakita ko si Sir Jack sa likuran ko na nakangiti.



"Ano 'to, Sir Jack?" tanong ko.



"Uhm, excuse me, Sir?" sabi nung babaeng doctor.



"Yes?"



"Hi, I'm Dr. Rica, I'm a good friend of Zachary." mukhang bata pa si Doktora at kaedaran lang ni Sir Jack.



"Hi, I'm Ethan. Ako po yung kapatid ni Butchok. Ano pong nangyari sa kapatid ko?"



"You can calm down now, Mr. Ethan, there's nothing wrong with your brother."


Naguguluhan ako, bakit nandito si Butchok.


"We've scanned your brother and upon checking the results, he's in good condition. Good enough to go to school."



Hindi ako makapagsalita. Pero mahigpit hawak sa'kin ni Butchok at mukhang masaya siya sa narinig niya.



Bigla naman sumingit si Sir Jack.



"Nabobothered ka kasi kung anong mangyayari sa kapatid mo kaya pina check ko siya kay Rica. Good news, right? Makakapag aral si Butchok!"



Kinikilabutan ako sa ginawa ni Sir Jack pero namumutawi yung saya. Masaya talaga ako.


"But still, hindi siya pwedeng mapagod. Hindi pwedeng ma stress, hindi pwedeng pagpawisan." sabi pa ni Dr. Rica.



Hinawakan naman ako ni Sir Jack at inescort palabas.



"Kailangan lang siguro ni Butchok mag aral sa magandang school, sa private school para mabantayan siya. Ipasok mo siya sa foundation ng company, ako ng bahala sa papers para makatipid ka."



Hindi ako makapagsalita sa ginagawa ni Sir Jack, sobrang...... Sweet.



"Don't deprive him to be happy. Gusto niyang mag aral, then ayan na. Okay na, may go signal na ng doctor"



Wala akong magawa kundi yakapin na lang si Sir Jack at maiyak sa sobrang tuwa.



"Maraming Salamat Sir Jack, hindi ko alam kung paano ko 'to mababayaran...."



"No, hindi kita pagbabayarin! And this is all for your brother, okay"

"Salamat, salamat.... Salamat po talaga!"


"You know, I have one condition though"

"Ano po 'yon?" pinunasan niya yung luha ko at tinignan ako sa mga mata.


"From now on, call me Jack."


++++++++


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top