Part 2: The Boss
Welcome sa panibagong story. Sana magustuhan niyo ito!
NOTE: Please, kung ayaw niyo ng hindi SPG na story, that's okay with me pero sana alis na lang kasi ayoko na talaga gumawa MUNA ng spg story eh. Ayun lang.
VOTE AND COMMENTS ULI GUYS!
+++++
"So, Kumusta ang contract signing bes?" tanong ni Jaycee sa akin.
Gwapo talaga si Jaycee at malaki pa yung katawan. Kung hindi ko lang talaga alam na bakla 'to eh hindi mo masasabi na bakla siya.
"Pumirma lang ako tapos umalis na rin"
"Tutal contract signing nga di ba? Hindi naman contract staying. Pipirma ka lang!"
"Pilosopo ka na naman"
Natahimik ako kasi naalala ko na naman yung anak ng boss at yung supladong lalaki na nakabunggo ko sa may elevator kanina.
"OH MY GOSH BES!" biglang sumigaw si Jaycee na parang gulat na gulat.
"Oh?! Bakit?!"
"Ang tahimik mo at malalim ang iniisip! Ibig sabihin nakakita ka ng gwapo! O kaya naman maganda! Either way sana gwapo mo nakita mo!"
Ako ang mas nagulat kay Jaycee! Alam na alam niya kaagad yung iniisip ko.
"Details bes! Dalian mo!" sabi niya.
Mukha naman wala akong kawala at nagkwento na ako. Buti na lang wala masyadong tao sa coffee shop at pwede kaming magtagal.
Dinescribe ko sakanya yung anak ng boss, syempre detail by detail, walang palya. Naaalala ko pa nga yung itsura niya eh.
Pati na rin si suplado. At habang nagkekwento ako, inggit na inggit saken si Jaycee.
"Pinagpala ka bes!! Magtatrabaho na ako! Mag aapply na ako diyan!"
"Dahil lang sa mga gwapo?"
"Ano pa bang magiging dahilan ko?"
"Seryoso ka ba diyan?"
Pero hindi siya makasagot at mukhang may tinitignan sa likod. Lumingon din naman ako at isa rin ako sa natulala sa nakita ko.
Si suplado!
Kinapa ko yung kamay ni Jaycee ng hindi inaalis yung tingin kay suplado.
"Bes, siya yung supladong sinasabi ko sa'yo!" bulong ko.
Hindi pa rin makapagsalita si Jaycee.
"Bes? Ano na?" sabi ko sakanya.
"Ayan bes, naka order na. Mag isa lang siya at mukhang wala pang kasama. Teka," bigla siyang tumayo hawak yung cellphone niya.
"Anong gagawin mo bes?!"
"Stolen shot lang! Sandali!" hindi ko na napigilan si Jaycee.
Tinignan ko naman si suplado at mukhang may malalim siyang iniisip. Nakatingin kasi siya sa labas at mukhang seryoso.
Mas ngayon ko napansin yung itsura niya at oo, ang gwapo niya nga talaga. At ang hot pa! Bakat kasi yung malaki niyang katawan sa hapit niyang damit. Ang gwapo. Sobrang gwapo.
Maya maya, bumalik na si Jaycee at nakangiti! Napansin ko kasing napicturan niya si suplado kanina.
"Ang ganda ng kuha ko bes, tignan mo!"
"Jusko bes!! Ang ganda nga!!" sabi ko.
"Mukhang problemado si pogi ah?" nakatingin pa rin si Jaycee pero ako tumalikod na, baka kasi makilala niya pa ako.
"Oo nga eh. Baka girlfriend." sabi ko.
"Ofcourse, girlfriend ang dahilan! Yang mga ganyang mukha at kargada dapat talaga ginagamit yan!"
"Grabe naman. Malay mo naman hindi ganun yung babae!"
"Kung ganyan jowa mo sa tingin mo magpapa bebe ka pa? Di'ba hindi na? Ikwarto mo na kaagad!"
"Hinaan mo naman boses mo bes, mamaya marinig ka!"
"Hindi 'yan. Mukhang may kausap sa phone eh"
Pasimple akong lumingon, nagulat ako ng napatingin din siya sa pwesto namen kaya tumalikod ako kaagad.
"Hala bes! Nakita niya ako!" medyo kinabahan ako.
"Oo nga, nakita ka niya. Paalis na siya eh! Ang panget mo daw"
Lumingon uli ako at nakita ko na siya na palabas ng pinto dala dala yung inorder niyang pagkain.
"Sundan ba natin?" sabi ni Jaycee.
"Wag na!"
"Sus. Tara na!!" hinila ako ni Jaycee at wala na akong nagawa. Sinundan nga namen si suplado hanggang sa makarating siya sa sasakyan niya. Hindi na nakapagtataka na yayamanin siya.
Pero bago siya sumakay, may mga batang kalsada na naglalaro sa kalsada saka niya binigay yung pagkain at inumin niya.
"Bes, nakakainlove!" sabi ni Jaycee.
Totoo. Masyadong malayo sa pagkakakilala ko. Pero isang beses lang kami nagkita akala ko masamang tao na, pero hindi pala.
Sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis na.
"Bes, alamin natin yung pangalan! Hindi ako makaka tulog hangga't hindi ko alam pangalan niya!" pangungulit saken ni Jaycee.
Gusto ko rin malaman kung sino 'tong si suplado kaya pumayag ako. Siya na uli pinagdrive ko at umuwi na muna kaming dalawa.
+++
"Okay na ba anak?" tanong ni mama habang busy sa pag fefacebook. Nagluluto naman si manang ng meryenda sa kusina at si Butchok, ang aking bunsong kapatid, busy sa paglalaro sa sala.
"Okay na po Ma"
"Unang sweldo mo sa akin ha? Pang ayos ng buhok ko haha"
"Haha sige po Ma"
"Joke lang anak, loveyou"
"Loveyou too Ma"
Ganun lang kwentuhan namen ni Mama palagi.
Umakyat na kaming dalawa ni Jaycee sa kwarto ko. Agad niyang binuksan yung aircon at kinuha agad yung laptop ko sa may study table ko saka dumapa sa kama ko.
"Minsan nagtataka rin ako kung sino ba talaga naka tira sa bahay na 'to eh. Mas feel at home ka kasi eh!"
"Shhhh shhhh! Halika na rito bes!"
"Ano bang plano mo?"
"Mag iistalk tayo! Tuturuan kita ng stalking skills ko, halika!" sabi niya pa.
Lumapit ako at dumapa rin sa kama at humarap sa laptop.
"Okay, so sino una nating hahanapin? Si Suplado o si anak ng boss?" tanong niya.
"Yung anak ng boss, mas mukhang madali 'yon eh" sabi ko.
"Okay so ang keyword natin sa paghahanap sa kanya eh yung pangalan mismo ng boss niyo. Sino ba nagpapalakad ng company niyo, kilala mo ba?"
"Hindi, hindi naman ako nag background check"
"So ang gagawin natin, hahanapin na lang natin yung company mo sa google, titignan yung nagmamayari at kukunin natin yung last name saka natin hahanapin sa facebook"
"Wow. Ibang level na yan bes!"
"Natutunan ko lang 'to nung college haha." so tinype na niya yung company sa google at walang kagatol gatol, lumabas kaagad yung picture niya.
"Bes..... Siya ba yan?"
Nung makita ko yung mga pics parang naglaway din ako. Grabe! Ang hot din pala niya! Ang laki ng katawan at ang gwapo ng smile!
"Jack Zachary Salvatierra.... Bes, pangalan pa lang ang sarap na!"
"Totoo"
"22 years old. Business Ad graduate from DLSU, single at mag tatake over ng huge family business nila sa Pilipinas. Pak, masarap na yayamanin pa!"
Hindi ako makapagsalita. May nag eexist palang ganito, parang too good to be true.
"Bunso sa apat na magkakapatid pa bes, ano na! Ibig sabihin may mga kapatid pa siya sigurado masasarap din yung mga 'yon!"
"Bes, hindi ko pa rin maimagine na magtatrabaho ako para sakanya"
"Para sa kumpanya niya, hindi mismo para sakanya. Illusyunada. Haha yung si suplado naman!" sabi niya.
"Wala tayong alam, ang alam ko lang nagtatrabaho siya dun sa company ni Jack tapos ayun lang, wala ng iba. Siguradong mahihirapan tayo!"
"Uh ahh.. May nakalimutan kang detalye!"
"Ano naman?"
"Nasa starbucks siya kanina bes! Ayun keyword natin. Mamaya nagpost siya sa ig na nasa SB siya or what, then makikita na natin siya!"
Hindi na niya ako pinasagot at nagsimula na siyang mag type sa ig ng 'starbucks BGC'. Scroll kami ng scroll hanggang sa makita ko yung picture niya kaso group picture eh at hindi siya nag upload.
"Wag tayo mawalan ng pag asa, baka naka tag siya!" sabi ni Jaycee pero wala, picture lang nakaupload.
"Sa mga likes bes!! Siguradong ni like niya yang post na yan!!" sabi pa ni Jaycee.
300+ ang nakalike pero tinyaga namen yun isa isa hanggang sa wala kaming makita na nilike niya yug post.
"Suko na bes" sabi ko.
"Hindi! May lead na tayo! Yung nag post ng pic na 'to, siguradong friend niya sa facebook yan o finafollow sa twitter!"
Binuksan pa ni Jaycee yung fb account niya, sinearch niya yung lalaki na nagpost sa ig nung picture at nakita naman namen kaagad.
"Oh di'ba!! Sigurado na akong naka tag siya rito!" hinanap pa ni Jaycee yung naka tag pero wala talaga siya.
"Sa friend list!!" sabi ko.
"Naka hide friend list niya eh"
"Wala, suko na tayo! Wala ng pag asa"
"Tama. Siguro abangan mo na lang siya uli sa opisina niyo baka magkatrabaho pa kayong dalawa!" sabi niya.
"Oo nga, ganun na lang"
++
First day ko sa work at syempre naka long sleeve ako at slacks, gusto ko kasi na ganito yung suot kapag papasok, feeling ko talaga professional ako eh.
Hinatid muna kaming mga bagong empleyado sa isang kwarto, mukhang mga fresh grad din 'tong mga 'to at mga excited.
Maya maya, may pumasok na babae, siya yung HR, at inassign kami sa iba't ibang department. Inassign ako syempre dun sa inapplayan kong trabaho.
"Parehas tayo?" sabi nung babae sa tabi ko. Maganda, sexy at mukhang mabait 'to.
"Siguro nga hehe"
"I'm Laura, BTW."
"Ethan" nagkamayan kami habang hinahatid kami sa pupuntahan namen. Medyo kinakabahan na ako, nakalimutan ko kasi maglagay ng piso sa sapatos ko.
Maya maya, pumasok kami sa isang napakalawak na kwarto na maraming computers, at table. Ganitong ganitong naman yung naiimagine kong itsura ng pagtatrabauhan ko.
Sa dulo yung opisina ng boss namen at parehas kaming excited na kinakabahan ni Laura.
"Benjamin Llander Fortalejo" nakalagay na pangalan sa labas ng opisina niya. Wow, pangalan pa lang mukhang sosyalin na.
Kumatok yung naghatid samen doon at pumasok na kami ni Laura. Nakatalikod naman yung boss namen at may kausap sa phone.
Matangkad siya at kahit nakatalikod, alam mong gwapo siya.
"Okay, thank you. Bye!" nung humarap siya, nagulat ako. Siya nga 'to!!
Si suplado!
"Sila ba mga bago kong tauhan, Maam?" ang formal niyang tignan at pakinggan.
"Yes sir"
"Thank you"
May inabot lang yung babaeng naghatid samen sakanya ng sulat at lumabas na siya ng opisina.
"Nagkita na ba tayong dalawa?" tanong kaagad saken ng boss ko. Tatlo lang kaming nandun sa loob ng kwarto niya.
"I don't think so, sir" sabi ko.
"Oh, okay. Well, first of all, Welcome! Nandito kayo saken kasi una, maganda ang grades niyo nung college. I maybe biased but kinukuha ko lang na tao ay mga academically inclined." ang hot din pala niya magsalita.
"I'm Benjamin Llander, sa office I want you to call me, Sir Benj or Boss Benj, not Llander or Fortalejo. Pero kapag nasa labas, just Benj. Okay?"
"Okay sir." sabay nameng sagot ni Laura.
"Good...." bigla niyang pinindot yung telepono niya ".... Allen, punta ka sa office ko right now"
Mabilis naman na may pumasok sa office niya.
"Yes Sir?" siguro siya na si Allen.
"Escort Mr and Ms....?"
"Uhm, Ethan Sir" pakilala ko.
"Laura, Sir."
"Escort them in their respective tables, alam mo na rin, turuan mo sila okay?"
"No prob, sir Benj"
Tumayo na kaming dalawa at lumabas, pero sumulyap muna ako ng tingin kay sir Benj at nakita ko naman na nakangiti siya. Hindi ko alam kung sa akin ba, pero nakangiti siya nung nakita ko siya.
++++
Yung mga picture, kinuha ko lang sa google,so credits to google! Haha
VOTE AND COMMENTS!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top