Part 16

"Nasaan na si Butchok?" tanong ko kay Sir Benj habang nasa kalagitnaan kami ng inuman ni Sir Benj.

"Nako, baka nasa kwarto ko 'yon at naglalaro pa ng PS4!"


"Anong oras na, uuwi na kami"

"Sige, halika!"

Sinamahan niya ako paakyat ng kwarto niya.

Nagulat akong malinis yung kwarto niya, nakaayos lahat at may mga gamit doon, parang maliit na bahay, kumbaga.

"Hala, ang sarap na ng tulog!" nakahiga na kasi si Butchok sa kama, nakayakap sa controller ng PS4, katabi si Krisha na natutulog din.

"Tsk, 'wag mo ng gisingin, dito mo na patulugin"

"Sa kabilang bahay lang kami nakatira oh"

"Eh malay mo magalit kapag ginising mo pa! Hayaan mo na siya diyan sa kwarto ko"

"Nakakahiya, Sir"

"Sus, hindi naman ako dito umuuwi eh. Hayaan mo na, halika na, balik na tayo sa inuman!" halata kong lasing na si Sir Benj kaya sumunod na lang ako sa kanya.


Habang nasa kalagitnaan kami ng inuman at kantahan, biglang bumulong sa'kin si Sir Benj.


"Samahan mo naman ako sa labas" seryoso yung pagkakasabi niya at parang may gusto siyang sabihin sa'kin.


"Sige" inakbayan niya ako palabas at naglakad lakad kami sa subdivision.


Mapayapa sa lugar namen kaya napili namen rito na manirahan. Tahimik, at kahit madilim, hindi nakakatakot. Wala ng tao sa paligid at tanging poste na lang ng Meralco yung ilaw nameng dalawa.



Pumunta kami sa may court, hindi kalayuan sa bahay nameng dalawa. Naupo ako sa bench pero humiga siya habang nasa likod ng ulo niya yung kamay niya.


"Bakit hindi kita nakita nung pumunta ako kina mama nung natapos yung bahay?" tanong niya sa'kin.


"Baka ayun yung panahong pabalik balik ako sa opisina kasi natanggap ako sa trabaho"



"Oh, I see. Buti sa'kin ka napunta no?"


"Medyo nakakasisi nga eh, sana sa ibang department na lang" biro ko.


"We? Ayaw mo ba sa'kin?"


"Hehe, hindi naman Sir."


"I mean, ayaw mo ba sa'kin? Yung boyfriend type. Ayaw mo?"


Alam ko kaming dalawa lang ni Sir Benj yung nandoon at sigurado akong ako yung tinatanong niya.


"Huh?" ayun na lang nasabi ko. Baka kasi nabigla lang siya.


"Hindi ba ako kamahal mahal para hindi mo magustuhan?"


ETO NA NAMAN SIYA! Eto na naman! Akala ko tumigil na siya kanina pero inextend niya pala yung pagpapaasa sa'kin dito sa park.


"Sir Benj, malinaw yung usapan natin di'ba? Walang sweet talks kasi baka ma fall ako" diniretso ko na siya.


"I know. Pero tinatanong ko lang naman. Wala akong ibang intensyon."


"Naaapektuhan kasi ako, Sir" sabi ko pa.


"Oh. So, kagusto gusto rin pala ako kahit papano" paliwanag niya pa.


Hindi na ako sumagot at baka saan pa mapunta yung usapan namen.


"Ethan...." sabay hawak niya sa bewang ko.


"Sir! Mahilig ba kayo sa aso?" tanong ko bigla para mawala yung pagiging clingy niya.


"Huh? Aso? Sakto lang, bakit mo natanong?"


"Wala lang, gusto ko lang magkaroon ng aso"

"Ehh bakit hindi ka bumili?"


"Eh kasi mahal! Syempre gusto ko may lahi!"


"Ahh, sige bibilhan kita. Ano bang gusto mo?"


"Seryoso ka?"

"Oo! Ano bang gusto mo?"


"Iba pa yan sa bibigay mo sa'kin na 100,000 kapag nakuha mo yung deal ah?"


"Haha! Ofcourse! Nextweek, bibilhan kita ng aso."


Nakakatuwa rin pala kapag lasing tong si Sir Benj eh.

"Ethan, nilalamig ako"


"Tara na Sir, balik na tayo"


Patayo na sana ako ng hawakan niya yung kamay ko at hinila pahiga sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit non habang naririnig ko pag hinga niya sa tenga ko.


"Mamaya na, gusto ko ng body contact" bulong niya sa'kin. Medyo seductive at sexy yun pero kumakawala ako.


"Sir Benj...."


"Ethan.. Mamaya na."


Gusto kong umiyak kasi sobra akong kinikilig. Sobra akong natutuwa at sobra kong nagugustuhan yung nangyayari ngayon.


"Ang bango mo" bulong niya pa uli.


Eh kanina pa ako pinagpapawisan sa init ng alak at lalo na sa init ng pwesto namen.



"Sir Benj, balik na tayo" bulong ko rin sa tenga niya.


"Ayaw mo ba ng ganito?"

"Gusto"


Puro bulungan lang sa isa't isa yung ginagawa namen. Nakapatong kasi ako sa kanya habang nakatutok yung bibig nameng dalawa sa tenga ng isa't isa.


"Gusto ko rin ng ganito tayo" bulong niya pa.



Gusto ko na talagang umiyak. Sa sobrang saya at lungkot, kasi alam kong hindi totoo 'to at lasing lang siya kaya niya nasasabi 'to.



Hinihimas himas niya yung likod ko at nararamdaman kong hinahalikan niya ako sa leeg ko.


Doon na ako nanlaban at tumayo kaagad.


Pero nakapikit lang si Sir Benj, at alam kong lasing na lasing na siya. Pinagmasdan ko lang siya saglit, ang inosente niya 'pag tulog.


Pilit ko siyang binubuhat para alalayan pabalik. Mukhang kinakaya naman niya kaya naglakad na kami pabalik.


+

SARADO NA YUNG BAHAY NILA PAG DATING NAMEN!


Sarado pinto at ilaw! Hindi nila siguro alam na nasa labas kaming dalawa. Nagdodoorbell ako pero walang sumasagot.


Ang kulit na rin ni Sir Benj at mukhang gusto na niyang humiga.

No choice na ako kundi patulugin siya sa kwarto ko.



Inalalayan ko siya paakyat doon at hiniga ko na lang sa kama ko. Pinalitan ko rin yung suot niyang damit ng damit ko. Pinunasan ko rin siya para hindi madumihan yung higaan ko.



Nung hinahawakan ko na kamay niya, hinawakan niya yung akin ng mahigpit at hinila niya uli ako palapit sa kanya, this time, nagsakto yung labi nameng dalawa.


Hinalikan niya ako.


Gusto kong umalis pero gusto ko, gustong ko talaga yung pagkakahalik niya. Madiin, masarap, at parang may pinapatunayan. Hindi ko maexplain basta gustong gusto ko.


"I...." sabi niya.


"Hmm?"

"I love you..."


Nakatulog na uli siya pagkatapos niya akong halikan. Pero yung iniwan niyang impact sa salitang 'yon, tumagos sa'kin. Natahimik ako sandali kasi may sinasabi pa siya.


"Sophie.... I love you, So...phie"


....


....


....

Tinapos ko na lang yung pag punas sa kanya at sa sahig na lang ako natulog.


Natulog akong umiiyak.


++++++

Nagising ako na nakahiga na ako sa kama ko, medyo masakit yung ulo ko pero tandang tanda ko yung mga nangyari kagabi.


Bigla namang pumasok si Sir Benj sa kwarto ko, suot yung dami ko.


"Ako ng bahala sa absent mo ngayon sa office, hehe 'wag na tayong pumasok" masayang bati niya tapos lumapit siya sa'kin.



"Maaga pa naman, makakahabol pa tayo"


"Eh, nakakatamad at saka masakit ulo ko. Dito na lang muna ako sa higaan mo"


Basta alam ko na ngayon na lahat ng 'to, 100%, Sure na sure ako, na hindi totoo at lahat ng pinapakita niya ay hindi totoo.


Baka sinasadya niya lang talaga na ma fall ako sa kanya para maging mas makatotohanan yung pagpapanggap nameng dalawa.


"Oh, gusto mo bang pumasok?" tanong niya.


"Opo Sir Benj, kasi po mag iisang buwan pa lang ako tapos panget na agad record ko." sabi ko sa kanya sabay tayo.


"Wait wait wait, okay ka lang?" nakahawak siya sa kamay ko at mukhang nag aalala.


"Okay lang po, Sir Benj" talagang pinapamukha ko sa kanya na boss ko siya at empleyado niya lang ako.


"Really? Parang 'di ka okay, may problema ba tayo?"


Ayan na naman siya sa tayo niya! Okay, isipin mo na lang yung 'I love you Sophie' na sinabi niya kagabi.


"Ofcourse, Sir. If you don't mind mag aasikaso na ako" sabi ko. Hinayaan ko na lang siya at iniwanan sa kwarto ko.


++++++

Naramdaman kong naging malamig na pakikitungo ko kay Sir Benj sa mga nagdaang araw pero siya, pilit akong sinusuyo. Hindi ko talaga maintindihan 'tong lalaking 'to eh.


Pagkatapos ng shift namen, agad siyang lumapit sa'kin.


"May gagawin ka, Ethan? Inom tayo. 'Wag kang mag alala. Tayong dalawa lang" ang saya saya niya pa nung lumapit siya pero ni hindi ko siya binigyan ng ngiti.



"Sorry Sir Benj, may gagawin pa ako sa bahay eh"


"Oh? Gusto mo tulungan kita? Tsaka wala naman akong binigay sa'yo na maraming trabaho ah?"

Wala naman akong kawala sa lalaking 'to.

Sakto naman dumating si Sir Jack sa kwarto namen.


"Aalis po kasi kami ni Sir Jack eh" sabi ko na lang. Pinarinig ko ng malakas kay Sir Jack at sinenyasan ko siya na sumakay lang siya at mukhang naintindihan naman niya.



"Yes, Benjamin! Pahiram muna kay Ethan, may... Pupuntahan lang kami" sabi ni Sir Jack.


Mukhang disappointed naman si Sir Benj.


"Ganon ba? Hmmm. Sige, balitaan mo na lang ako Ethan" ngumiti lang siya non at bumalik sa office niya.


Nagmadali naman kaming lumabas ni Sir Jack at nagpasalamat ako sa kanya.


"Para saan 'yon?" tanong niya sa'kin.


"Wala lang po hehe. Sige po, salamat uli!" naglakad na ako papuntang elevator pero tinawag niya pa ako.


"Saan ka pupunta?" tanong niya.


"Uhm. Uuwi na po"


"Akala ko ba aalis tayong dalawa?" medyo nakangising sabi niya.


"Sir, joke lang 'yon!"


"Well, sa'kin hindi joke 'yon." medyo seryosong hindi yung expression niya.



"Hala, Sir..."


"Kaya ako pumunta sa office ni Benjamin para magpatulong sa kanya, ang dami ko kasing gagawin.... Since, nandito ka na, ikaw na lang tumulong!"


"Seryoso ka ba Sir?"


"Oo naman. Mukha ba akong manloloko?"


Sasabihin ko sanang oo pero pinigilan ko sarili ko.

"Halika na, kundi ilalaglag kita kay Benjamin!" panakot pa niya.


Mas gusto ko namang sumama kay Sir Jack kaysa sumama kay Sir Benj kaya mas pinili ko na lang si Sir Jack. Sumakay na kaming elevator at umakyat ako sa office niya.


+++

"So, para saan yung pagtatago mo kanina kay Benjamin? Akala ko ba.... Close kayo?" tanong ni Sir Jack habang nagpipirma pirma siya ng papel habang ako naman may tinatype lang sa computer niya.



Ang laki ng opisina niya, anak nga siya ng may ari ng kumpanya.


"Ah, wala 'yon Sir."


"Ayaw mo talaga mag open sa'kin no? Sabi ko naman sa'yo, magaling ako makinig eh" sabi niya pa.


"Hindi na talaga Sir"


Nagulat ako! As in literal na nagulat ng bigla siyang humawak sa likuran ko na parang hinihilot niya ako. Parang kanina lang nasa table siya, tapos nasa likuran ko na siya.



Medyo nag eenjoy ako sa hilot niya sa'kin to the point na napatingala ako sa sarap.



Doon ko narealize na boss ko pala humihilot sa'kin!



"Sorry Sir Jack!" napatayo ako bigla.



"Okay lang hehe. So, ano na problema mo?" pinaupo na niya ako uli at kumuha siya ng upuan saka umupo sa harap ko.



Hindi naman ako makapagsalita.



"So?...." pangungulit niya pa



"Ehh kasi..."



"You're falling for Benjamin, right?"



"Po?"



"Sabi na eh, tama ako! I can see it in your eyes, Ethan. Iba na yung tingin mo sa kanya"



Guilty ako kaya hindi ako makasagot.



"Hays. Alam na ba niya 'yan?" tanong niya pa.

Umiling lang ako.



"To be honest, may something kay Benjamin lately. Hindi na siya yung suplado at maangas. Nakikita ko na uli siyang tumawa ngayon."


Naalala kong sinabi ni Stephen sa'kin 'yon! Siguro dahil na rin talaga sa'kin!




"Are you alright?" tanong niya pa uli.




"Oo naman po"



Tinignan niya ako sa mata na parang pinag aaralan niya yung sinabi ko.



"Nope, you're not okay! I can see it. May hesistant at may sadness"



"Hehe, si Sir Jack, ma chismis"



"Hehe sorry. Pero kanina, parang nag selos si Benjamin sa'kin nung makita niyang magkasama tayo"



"Sus, hindi 'yon. Paasa lang talaga siya"



"Haha, really? Well, sa tingin ko nga. In fact he's straight and I really don't remember anything about him na may.... Ka fling siyang lalaki"



Hindi ko talaga alam kung saan pupunta 'tong usapan namen. Pero ang cute lang pagmasdan ni Sir Jack habang nagsasalita, may ngiti kasi siya na parang kulam! Ang gwapo kasi. Yung nakikita mo yung ngipin niya sa mga ngiti niya.

"You want us to test if nagseselos nga siya?" alok pa ni Sir Jack.



"Huh? Paano po?"



"Well, we can be 'sweet' infront of him. Doing touchy things, and we'll see how he will react!"


"So technically magpapanggap na naman? Kakabreak lang namen ni Sir Benjamin diyan tapos magpapanggap na naman ako sa iba? Kailan ba ako magkakaroon ng totoo naman? Haha" biro ko pa.



"Oh, gusto mo totohanin natin"



Nawala yung ngiti ko sa biro ko dahil sa sinabi ni Sir Jack. Ewan ko kung seryoso siya. Naghintay ako ng sasabihin niya at dinugtungan niya nga.



"Ano? You want us to be together?"



Isa pa 'to eh! Mag tropa talaga sila ni Sir Benj! Mga paasa. Mga fuckboy.



"Sir.... Ang awkward po" sa dinami rami ng pwede kong sabihin bakit ayun pa.



"Haha, no I'm serious. Gusto mo ba?"



Punyemas na lalaki 'to!! Akala ko nagbibiro siya.



"Sir, sorry...."



"I get it. Hehe, well, atleast sinabi mo"



Fuck, straight ba 'tong lalaking 'to.



"Hey, baka kung anong isipin mo. I've never been with a man before, never. Okay? And I really don't know bakit kita tinanong ng ganon haha, sorry"


Fuckboy talaga.



"Tama na 'tong trabaho. Ihahatid na kita sainyo." tumayo na siya at nag ayos ng gamit niya.



Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Sir Jack! Siguro nga lapitin lang ako ng mga katulad niyang paasa. Buti na lang at napipigilan ko pa sarili ko.



"Hey, we're friends right?" sabi pa ni Sir Jack.



Naghuhubad siya ng longsleeves niya at Tshirt sa office niya. Fvck, ang abs! Parang walang bahid ng taba! Pero bagay na bagay sa kanya, sobrang sarap. Pang Cosmo yung datingan!



Nagsuot uli siya ng panibagong Tshirt.



"Ethan..." ginising niya yung diwa kong nasa loob ng pantasya ko sa kanya.


"Po?"


"I see you as a friend. And I want to help you, ayokong nasasaktan yung mga kaibigan ko so as soon as possible, tutulungan kita tungkol kay Benj. Pwede nating malaman kung fake lang ba talaga lahat, or totoo na. Either way, matutulungan pa rin kita."




"Ano po bang gagawin natin?"



"I can be your fake boyfriend for your 'fake boyfriend', itetest lang natin siya, lugi ka kasi na fall ka na eh."



Bad but good idea, wala naman sigurong mawawala kung ganon yung gagawin ko.



"Think about that, but for now, let's go home hehe. Gutom na kasi ako eh" sabi pa ni Sir Jack sabay akbay sa'kin palabas ng opisina niya.



+++++++

VOTE AND COMMENTS!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top