Part 15
Nakakatuwa na kahit BxB story eto eh may mga babaeng nagbabasa! Hi sa mga girls!
Hi din sa mga boys!! Haha.
At hi din ATE xakni_allyM 😊😊
++++++
Habang buhat buhat ni Sir Benj si Krisha, nagmamadali na akong lumabas ng bahay nila.
Ano ba 'to? Bakit kasi hindi ako naging curious kung sino yung kapitbahay namen? Jusko! Sila Sir Benj pala.
"Ethan!"
Fvck! Boses ni Sir Benj 'yon! Kunwari hindi ko na lang narinig at nagmadali na ako papunta sa bahay.
"So, diyan ka pala nakatira!" sigaw niya uli.
Hindi ko na lang pinansin at pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Sumilip ako sa bintana para makita ko yung kabilang bahay pero nakita ko si Sir Benj na nakatayo sa tapat ng bahay namen!
Napatingin siya sa kwarto ko at dali dali kong sinara yung bintana.
Ano ba naman 'to? Bakit ganito! Bakit si Sir Benj pa? Pwede namang ibang tao na lang!
Pagkasilip ko uli sa bintana, nandun pa rin siya at napansin kong may tinatawagan siya. Bigla namang nag ring yung phone ko at si Sir Benj yung tumatawag.
"Hoy! Nasaan ka?" sabi niya pag sagot ko.
"Aba, matutulog na ako"
"Hindi ka pa matutulog! Nakita kong bukas pa ilaw ng kwarto mo oh!" nakita ko ngang nakatingin siya sa may kwarto ko.
Kahit sa malayo, kitang kita mo kagwapuhan at kakisigan ni Sir Benj na parang dreamboy na naghihintay para sa'kin na bumaba at kausapin siya.
Pero, galit ako sa kanya! Oo galit ako sa kanya at kailangang imaintain ko 'tong galit ko.
"Matutulog na po ako, Sir Benjamin Llander Fortalejo. Goodnight!" binabaan ko siya ng tawag at pinatay ko na yung ilaw ng kwarto ko.
Naupo ako sa kama ko saglit at nag isip. Ano ba 'to? Tadhana ba naglalapit sa aming dalawa o naiisip ko lang 'to kasi assumero ako? Either way, kapitbahay ko pa rin si Sir Benj at sa dinami rami ng pwede kong maging kapitbahay, siya pa!
Sumilip ako sa labas at napansin kong wala na siya roon. Hays, buti naman.
Nagmadali ako para kausapin ko si Jaycee, tinawagan ko kaagad siya pero hindi niya sinasagot. Nakakainis, kung kailan naman gusto kong magkwento sa kanya, wala siya.
"Ethan, anak??" boses ni papa 'yon!
Bakit naman kumakatok sa pinto si papa! Bigla tuloy nawala yung mood ko!
"Bakit?" sabi ko pagbukas ko ng pinto.
"May naghahanap sa'yo sa baba. Benjamin daw,"
"Hala! Sabihin mo pa, tulog na ako! O kaya naliligo o busy! Paalisin mo siya!!"
"Ay, bakit hindi mo naman sinabi, pinapasok ko na siya. Nasa baba na siya"
Bwisit!!! Ano ba 'to! Bakit naman ganyan?
"Gusto mo bang paalisin ko na anak?"
"Hindi, sige na, bababa na ako" sagot ko na lang. Dahan dahan akong bumaba at sinisilip ko siya. Para siyang inosenteng tao na nagmumuni muni sa sala, tinitignan niya yung bahay namen at napatingin siya bigla sa may pwesto ko.
Sht.
"Ano bang problema mo, Sir Benj?" tanong ko sa kanya paglapit ko sa kanya.
"Wala naman! Gusto ko lang makita 'tong bahay mo."
"Pwes, nakita mo na. Pwede ka ng umalis"
"Aba, ang taray! Sige," tumayo siya at nag ayos ng damit. Yung tingin niya rin sa'kin parang supladong lalaki na nagtataray. Kahit ganon siya, ang cute niya pa rin!
"Bye" sabi ko pa.
"Bye." lumabas na siya kaagad ng bahay. Lumingon naman siya sandali para tignan ko pero wala siyang sinabi at tuluyan ng bumalik sa bahay nila.
+++
Hindi ako mapakali sa kama ko, iniisip ko pa rin si Sir Benj.
Para rin akong tanga eh no, pagtatabuyan ko siya tapos iniisip ko siya ngayon.
Buti na lang talaga tumawag sa'kin si Jaycee.
"Ano ba bes! Kanina pa kita tinatawagan!" sabi ko sa kanya pagsagot na pag sagot ko ng tawag niya.
"Ahm... Si Jack 'to, Ethan"
Natahimik ako at tinignan ko kaagad kung sino kausap ko, oo nga, si Sir Jack nga! Namalikmata lang ako na si Jaycee yung tumatawag.
"So, hindi ako yung ineexpect mong tatawag kaya hindi ka na magsasalita, ganon ba 'yon?" sabi niya.
"Ahhh hindi po Sir, may iniisip lang ako"
"Sige, pag usapan natin 'yan, ano ba yang naiisip mo?"
Shet. Isa pa 'tong lalaking 'to eh! Bakit kasi ang bait bait niya sa'kin na parang inaalagaan niya ako.
"Ah, wala naman Sir, tungkol lang dito sa bahay" sabi ko na lang.
"Oh, ano ngang meron?
Makulit ka ah.
"Wala lang sir, wala lang talaga" sabi ko uli.
"Wala lang o ayaw mo talagang sabihin?"
"Uhm, parang ganon na nga Sir" umamin na ako sa kanya.
"I see, natutulog ka na ba?"
"Matutulog na po sana"
"Can I talk to you for a minute?"
Ngayon ko lang narealize na iba yung tono ng boses niya. Malayo sa masayang Sir Jack na kilala ko kapag kausap ko siya, ngayon naman, parang may mabigat siyang problema.
"Sige po,"
"Well, Sorry na lang pala sa istorbo, itutulog ko na lang 'to. Salamat na lang sa pag sagot, Ethan!"
"Teka...." binaba na niya kaagad yung tawag. Gusto ko sana siyang tawagan kaso baka gusto na rin niyang magpahinga kaya hinayaan ko na lang.
Sa pag tawag ni Sir Jack, nawala yung pag iisip ko tungkol kay Sir Benj at nakatulog na ako ng mahimbing.
++
Pagkagising ko kinaumagahan, naligo kaagad ako at nag ayos para puntahan si Butchok sa kabilang bahay, pinagbuksan naman ako ng isang lalaki, siguro ay tatay niya.
"Ahh, gising na po ba yung mga bata?" tanong ko.
"Ahh oo, sige, halika, pasok ka" pagpasok ko sa loob, nakita ko yung mga bata na naglalaro. 9 pa lang ng umaga pero gising na sila kaagad at naglalaro. Nakita naman ako ni Butchok at nagmadaling lumapit sa'kin.
"Kuya ang saya kagabi!! Sana hindi ka na lang muna umuwi!" yakap niya sa'kin.
"Eh, gusto ko kasi mag enjoy ka, ano bang ginawa mo rito magdamag?"
"Naglaro lang kami ng PS4 ni Kuya Pogi, kasi sabi ko sa kanya bawal ako pagpawisan. Kasama ko rin pong naglaro si Krisha!"
"Oh, may iba ka pa bang Kuya na Pogi maliban sa'kin?"
"Eh ayun daw po kasi itawag ko sa kanya eh, Kuya Pogi"
"Sino ba si Kuya Pogi?"
Bago ako makasagot, lumabas si Sir Benj na nakasuot lang ng boxer short at sando na maluwag. Pucha! Ano ba 'to!
ANG SARAP NI SIR BENJ!
Ang kinis ng kutis niya, walang bahid ng pagkakamali. Tapos yung braso niya, shet! Ang laki pala talaga. Napatingin din ako sa ibaba, grabe din! Ang laki! Oo malaki kasi bakat na bakat!
"Ohhh... Gising na pala si Butchok eh!" nakipag apir si Butchok kay Sir Benj!
"Opo! Kuya Pogi, eto pala si Kuya Ethan ko!" pakilala ni Butchok sa'kin.
"Ahhh so siya pala yung Kuya Ethan mo" mapagkunwari rin 'tong lalaking 'to eh!
"Boss ko siya, Butchok" sabi ko.
"Ah talaga po? Di'ba sabi niyo po sa'kin nung nakaraan nabibwisit kayo sa boss niyo?"
Napatingin ng masama sa'kin si Sir Benj.
"Biro lang 'yon Butchok, hehe. Ikaw talaga"
"Nabibwisit pala ah"
Hindi na lang ako sumagot.
"Oh ano? Uwi na tayo?" sabi ko.
"Bakit kayo uuwi? Nagluluto si mama ng pagkain nila" sabi ni Sir Benj.
"Oo nga Kuya, pwede po bang dito na rin kumain si Kuya ko?" tanong ni Butchok.
"Oo naman! Pwedeng pwede!"
"Yehey!! Kuya maglalaro muna ako kasama ni Krisha ah?" nagmadali na siyang umalis at naiwan na kami ni Sir Benj doon.
"Nakakabwisit pala ah" sabi niya uli.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa baba niya. Nakakadistract talaga! Bakat na bakat eh.
"Bakit ka nakipaglaro sa kapatid ko?"
"Hoy," ang cute ng Hoy niya! "....nung una, hindi ko alam na kapatid mo siya, sabi niya lang kasi na hindi siya pwedeng magpapawis kaya niyaya ko siyang maglaro ng PS4. Saka ko nalaman na kapatid mo pala siya"
"Okay"
"Edi okay din"
"Okay. Uuwi na ako, dito na muna kapatid ko."
"Teka teka teka..." hinawakan niya kamay ko para pigilan ako.
"Bakit ba?"
"Dito ka raw kakain sabi ng kapatid mo! Bakit ka aalis ha?"
"Ayoko kasi nandito ka eh!"
"Aba, ikaw pa 'tong may ganang magalit ah?"
"Bakit hindi ako magagalit? Ang dami ng pinapagawa mo sa'kin?!"
"Ehhh paanong hindi ako maiinis sa'yo, eh kung kani kanino kang lalaki nakikipagkita!"
"Eh ano naman sa'yo?"
"Nakakairita lang tignan na sa iba't ibang lalaki ka sumasama. Alam ng lahat ng bisex....." tinakpan ko kaagad yung bibig niya bago pa niya masabi yung sasabihin niya.
"Hindi alam sa bahay! Kaya 'wag kang maingay!"
"Oh, hindi pala alam eh, tapos sa iba iba ka pa sumasama!"
"Eh ano naman nga?! Bakit may masama ba don?"
"Ehh paano kung mapano ka?"
"Mapano? Eh si Sir Jack at Stephen lang naman kasama ko ah? Kilala mo naman sila di'ba?"
"Oo nga pero...."
"Pero ano? Bakit ka ba nagagalit sa'kin ng ganyan ha?"
"Gusto ko ako lang kasama mo!"
Parang tumahimik yung lugar at napansin kong wala palang tao sa sala, nagsipaglabasan siguro yung mga bata. Tapos kami lang ni Sir Benj nandoon. Nakatingin lang siya sa'kin ng seryoso, hindi ko alam gagawin ko.
"Ang ibig kong sabihin.... Ayoko lang talaga na may makakita sa'yo na may kasama kang iba. I need you to be my fake boyfriend and for that to happen, gusto ko ako lang kasama mo"
5 seconds ago, medyo umasa ako na gusto niya akong makasama pero dahil sa paliwanag niya, parang nawala at bumabagsak talaga yung lahat sa pagiging 'fake boyfriend' namen sa isa't isa.
Hindi pa rin ako nagsalita at tinalikuran ko na siya saka lumabas ako ng bahay nila. Nakita ko si Butchok na nakaupo sa gilid habang pinagmamasdan yung mga bata na naglalaro.
"Kuya, saan ka pupunta?" tanong niya.
"Ahh... Inaantok pa kasi ako Butchok, sige, diyan ka na muna. Mag enjoy ka. Makipaglaro ka rin sa kanila pero 'wag ka masyadong magpapagod ha?"
"Talaga? Pwede po?"
"Oo, papabantayan kita kay Manang ah. 'Wag ka magpapawis!"
"Opo, salamat Kuya!!"
Nakita ko namang palabas na si Sir Benj ng bahay nila kaya nagmadali na akong pumasok sa bahay at iniwan sila doon. Hindi ko talaga alam kung ano 'tong nararamdaman ko.
Feeling ko naiinlove na ako kay Sir Benj.
+++
Hindi ako lumabas ng bahay, nakahilata lang ako sa kama hanggang alasais ng gabi. Sabi naman ni manang okay lang si Butchok kaya kampante ako.
Bumaba na rin ako para kumain pero walang tao. Lumabas ako at nakita ko si Sir Benj na may kausap sa phone sa labas ng bahay nila.
Si Sir Benj lang ba tao sa Pilipinas at siya lang palagi kong nakikita?
"Ethan, wait!" sigaw niya.
"Bakit?!" sabi ko paglapit niya.
"Pwede bang 'wag na muna tayong mag away, at mag usap naman tayo ng matino?"
"Matino ako"
"Edi mag usap tayo. Halika!" inakbayan niya ako papunta sakanila.
"Teka lang!"
"Sumama ka na. Nasa loob kapatid mo at mukhang inaantok na. Mukhang dito na naman siya matutulog"
"Hala, hindi! Uuwi na kami mamaya"
"Oh, sunduin mo na siya" sabi niya.
Pagpasok namen, napansin kong may videoke at may nag iihaw sa labas. Nasa labas din yung nanay at tatay niya at mukhang nag iinuman sila.
"Yehey! Halika rito, Ethan! Maki shot ka!" yaya ng nanay niya.
Ngumiti lang si Sir Benj at mukhang eto nga yung plano niya, ang papuntahin ako para makipag inuman.
"Halika na, 'wag ka na mahiya! Dali!" medyo nahiya ako kung tatanggi ako kaya naupo na ako at nakipag inuman sakanila.
Tumabi naman sa'kin si Sir Benj at umakbay sa may upuan ko. Naka Tshirt lang siya at short pero hindi siya nahihiya na ganun siya sa'kin. Medyo maingay sa videoke kaya siguradong hindi kami naririnig ng parents niya na nag uusap.
"Galit ka pa rin ba sa'kin?" tanong niya.
Akala ko ba siya yung galit? Ay oo, moody nga pala.
"Eh kasi masyado ka...."
"Pasensiya na talaga Ethan, hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito eh. Natatakot lang talaga ako na mawala yung deal sa'kin"
Yung tinutukoy niya yung kay Sir Miggy at Cielo.
"Naiintindihan ko, pero sana nagsasabi ka"
"Alam ko Ethan, siguro dahil lumayo na rin sa'kin si Sophie kasi nasasakal siya sa'kin. Ganito kasi akong klaseng boyfriend, yung 'gusto ko ako lang' type."
"Ang cute kaya ng ganon" sabi ko sabay ngiti.
Ngumiti rin siya sa'kin.
"Ayan, nag ngitian na tayong dalawa. Ibig sabihin ba neto, bati na tayo?" tanong niya.
"Basta babawasan mo na yung pinapagawa mo sa'king trabaho"
"Hehe sige! At papangako mo na sasabihin mo sa'kin tuwing makikipagkita ka sa iba ha?"
"Seryoso ka ba don?"
"Oo nga Ethan, nagseselos kasi ako"
NAGSESELOS?!
"I mean..,, alam mo na ibig kong sabihin, hindi yung selos as selos."
Pinilit ko na lang intindihin kahit hindi ko maintindihan.
"Opo, Sir Benj" sabi ko na lang.
"Salamat! So let's cheers to that!" inabutan niya ako ng bote ng alak at nag cheer kaming dalawa.
"Bakit hindi mo kamukha tatay mo?"tanong ko sakanya.
"Ahhh hindi ko tatay 'yan, tito ko 'yan. Tapos si mama katabi niya, tapos yung dalawa, tita ko rin! Yung nag iihaw, si Lolo naman"
"Ahhh.... Eh nasaan tatay mo?"
"Remember? Sabi ko may daddy issues din ako hehe ayoko lang pag usapan for now, gusto ko lang enjoyin kasama ka kasi bati na tayo"
Eto na naman! Kinikilig na naman ako kay Sir Benj!!!
"Na miss mo ba ako? Parang hindi mo naman ata ako na miss eh!" pahabol pa niya.
"Ha? Ayan ka na naman sa mga paasa mong salita!" babala ko sa kanya.
"Huh? Paasa ba? Sorry..... Pero na miss mo nga ako?"
"Hindi ah!"
"We? Halos isang linggo rin tayong mag kaaway, hindi mo talaga ako namiss?"
Sa totoo lang hindi talaga kasi gusto ko yun na hindi kami nagpansinan, masyado na kasi akong malapit sa kanya eh.
"Hindi nga kasi!" pilit ko pa.
"Oh? Ako kasi na miss kita ng sobra eh"
Napatigil ako sa pag inom at tumingin sa kanya. Sobrang seryoso ng itsura niya at mukhang totoo ngang na miss niya ako.
Grabe yung kislap ng mata ni Sir Benj sa'kin. Parang tintignan niya buong pagkatao ko.
Nasira lang tinginan nameng dalawa ng biglang lumakas yung tunog ng Videoke at nagpalakpakan sila! Napansin ko naman si Sir Benj na natawa bigla dahil sa tunog. Tinignan ko yung kanta.
Can't take my eyes of you by Walk of the Earth
Familiar yung kanta sa'kin dahil sa beat at sa lyrics.
"Kanta ni Benjamin 'yan! Ibigay niyo yung mic sa kanya. Woooo!!" sigaw ng Lolo niya sa likod na hindi naman mukhang matanda.
Natatawa naman si Sir Benj pero inabot niya yung mic at tumayo siya. Mukhang kakanta nga siya.
"You're just too good to be true. Can't take my eyes of you.... You feel like heaven to touch... Oh I wanna hold you so tight"
PAKINGSHET!!! Kumakanta si Sir Benj!!!! Ang ganda ng boses niya!! Ang dreamy, ang laki, grabe!!! May kasama pa siyang pagsayaw ng konti habang kumakanta.
Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakanta at mukhang masaya siya sa kantang 'to! Iba yung ngiti niya ehhh.
Nung bandang chorus, alam ko na 'to. Kaya nakikanta ako sa kanya, pero nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa may pwesto ko na parang inaakit ako.
"I love you baby! And if it's quiet alright, I need you baby, to warm my lonely nights, I love you baby! Trust in me when I say...."
Shet!!! Kinakantahan niya talaga ako,
"Oh let me love you honey, let me love youuuuuuuu!"
Binago niya yung lyrics from 'baby' to 'honey'!! Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Tinignan ko yung mga kamag anak niya at nakikitawa lang sa ginagawa ni Sir Benj.
Pero ako, sobrang kinikilig na talaga!!
Natapos siyang kumanta na titingin sa videoke pero pag dating sa chorus, sa'kin siya nakatingin!
"Aba aba, wala talagang aagaw sa kantang 'yan sa'yo anak! Haha" sabi ng mama niya.
"Haha, akin lang 'yan!" sagot niya.
Na curious ako kung bakit ayun yung favorite niyang kanta.
"Ang ganda kaya ng lyrics! Bagay sa partner mo!" sabi niya sa'kin.
"Ahh theme song niyo siguro ni Sophie 'yan no? Hehe buti hindi ka nalulungkot?"
"Ha? Hindi namen kanta 'yan. Hindi ko pa siya kinakantahan niyan"
"Ah ganun ba?"
"Oo, plano ko kasing kantahin sa kanya 'yan sa kasal namen kaso...."
"Uyy... Sorry, pinaalala ko pa! Wala akong intensyon"
"Ahh, 'wag kang mag alala. For the first time, nababanggit ko na pangalan niya ng hindi ako nalulungkot."
Medyo gumaan loob ko dahil sa sinabi niyang 'yon.
"Hehe, buti naman" sagot ko na lang.
"Siguro nga dahil sa'yo yun eh!" pahabol pa niya.
"Ha?"
"Ewan ko ba, kinantahan kita ng favorite song ko na kahit kay Sophie hindi ko nagawa haha. Siguro special ka na talaga sa'kin!"
Eto na naman yung puso ko, bumibilis sa pag tibok! Pinapakilig talaga ako ni Sir Benj at sobra talaga akong kinikilig!
"Kanta na nating dalawa 'yon ah!" pahabol niya pa.
"Po?"
"Themesong na natin! Kaya sa tuwing maririnig mo 'yon, dapat ako maaalala mo!"
Hindi ko talaga alam kung anong gustong mangyari ni Sir Benj, pero sa tingin ko hindi talaga siya aware na sobra na akong kinikilig sa mga sinasabi niya.
"Ahhh... Saan yung CR? Naiihi na kasi ako"sabi ko.
"Ah, pasok ka lang tapos sa dulo, makikita mo na kaagad" sabi niya pa.
Nagmadali akong pumunta ng CR para makalayo sa kanya saglit at para kumalma.
+++++++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! 😊😊😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top