Part 14
Read my story: Greg's Diary! :)
+++
Excited na ako mag time out kaso wala pa sa kalahati natatapos ko. Nakakainis talaga 'tong si Sir Benj! Pero wala naman akong magawa, inutos niya 'to sa akin eh.
Maya maya, nagpaalam na silang lahat sa akin para umuwi at ako na lang natira doon.
Imagine, ang dami nameng empleyado pero ako lang pinapagawa neto ni Sir Benj!
Pumunta muna ako ng pantry para kumain ng kung anong pwedeng kainin.
Bigla namang tumawag sa akin si Stephen.
"Ethan Ethan Ethan, out mo na? Nasaan ka? Dali, tulungan mo ko!" wala man lang hello o hi, ayan kaagad yung sinabi niya sa akin.
"Ay sorry, ang daming pinagawa sa'kin ni Sir Benj eh, babawasan ko lang 'to para hindi na ako matambakan nextweek"
"Ahh ganon ba? Sayang naman. O sige, salamat na lang. Goodluck din haha, alam mo na ba kung anong problema ni Benjamin?" tanong niya pa.
Bago ako makasagot, bigla namang pumasok si Sir Benj sa pantry.
"Sinong kausap mo?" tanong niya.
Ha? Masyadong personal! Bakit kailangan niyang tanungin 'yon?
"Pati ba 'yon, dapat mong malaman?"
"Si Stephen ba 'yan?!"
Pinakinggan ko si Stephen.
"Si Benjamin ba 'yan, Ethan?" tanong niya.
"Sige na bye na. Bukas na lang" sabi ko pa at binaba ko na yung tawag.
"Hoy, sino yung kausap mo?!" sabi pa ni Sir Benj. Hindi ko alam kung seryoso siya oh ewan, hindi ko kasi maexplain expression niya. Parang natatawa na ewan.
"Aba, 'di ko sasabihin!"
"Sabihin mo!"
"Ayoko nga" dinilaan ko siya sabay labas ng pantry. Ang isip bata ko sa part na 'yon.
"Hoy, nilalabas mo pa yang dila mo, hindi mo nga nagamit sa'kin 'yan!"
Pag upo ko sa upuan ko, nainis ako sa sinabi niya. Pero mukhang natuwa siya sa ginawa niyang pang aasar sa'kin.
"Sir, bumalik na kayo sa trabaho niyo. Baka marami pa kayong gagawin!" sabi ko pa.
"Wala naman akong ginagawa eh, pinagawa ko na sa'yo lahat!"
"Aba!"
"Umaangal ka?"
"Hindi. Edi umuwi na kayo, Sir. Kaya ko naman mag isa rito"
"Eh ayoko, titignan ko kung ginagawa mo talaga yung trabaho mo!" kinuha niya yung upuan ni Laura at naupo sa tabi ko habang pinagmamasdan ako.
Ang awkward. Sobrang awkward, nakakainis kasi yung tingin niya. Ang gwapo kasi tapos nakafocus sa'yo!
"Hindi ako makapagtrabaho" medyo mataray kong sabi.
"Aba, may pag taas ka na ng kilay mo ah?"
"Sir Benj, ano bang problema mo?!" halos masigawan ko na siya non. Buti na lang talaga kaming dalawa lang yung tao doon.
"Sino nga kausap mo kanina sa phone?"
"Bakit ba gusto mong malaman ha?!"
"Eh bakit ayaw mong sabihin? May tinatago ka ba sa'kin?!"
"Kung meron man, eh ano naman sa'yo? Boss kita, empleyado mo ko, hindi mo kailangan malaman kung sino kinakausap ko sa phone!"
Natahimik naman siya pero nakatingin pa rin siya sa'kin.
"Tama ka nga. Okay. Good. Just good. Okay."
Tinignan ko lang siya na parang naguguluhan pero tumingin din siya na parang naguguluhan.
Tanginaaa, ang gwapo talaga!! Gwapo gwapo gwapo!!
"Sige na, umuwi ka na. Bukas mo na gawin 'yan!"
Ayan, bigla na naman siyang bumait. Jusko naman, ano bang utak meron 'tong taong 'to!
"Sige na, mag linis ka na diyan. Then, sabay na tayong bumaba" tumayo na siya at dumiretso sa opisina niya. Ako naman nagligpit na rin ng gamit. Sabay na kaming bumaba pero hindi pa rin kami nag uusap.
+++
Sinalubong ako ni Butchok pagkauwi ko at pinaalala yung Birthday ng kaibigan niyang si Krisha para sa sabado.
"Oo, pero ihahatid kita sa sabado para bilinan ko parents ni Krisha na hindi ka pwedeng magpapawis!" sabi ko pa.
"Hehe, okay Kuya! Pero kuya, bakit napapansin kong hindi mo kinakausap si papa?"
"Oh, bakit naman ganyan yung natanong mo?"
"Wala lang po, magkausap kasi kami ni Papa kanina tapos sinabi niya sa'kin na namimiss ka niya. Hindi mo raw kasi siya kinakausap eh"
Ginamit pa yung bata para palabasin na masama akong tao! Nakakainis!
"Hayaan mo, kakausapin ko siya bukas" sabi ko pa. Ayoko namang sirain yung imahe ni papa sa kapatid ko, wala naman siyang kamuwang muwang eh.
Nung makatulog na si Butchok sa kwarto ko, bumaba ako para tignan kung gising pa si papa, nakita ko naman siyang umiinom ng kape.
"Nagugutom ka anak?" tanong ni papa.
Sa tuwing nakikita ko talaga siya, nagagalit ako. Parang lahat ng sama ng loob ko sa kanya, lumalabas ngayon at parang gustong sumabog.
"Bakit nakakaya mo akong kausapin ng ganyan?" panimula ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin, anak?"
"Nakakainis yang pagtawag mo sa'kin ng anak! Pwede ba, tigilan mo?!"
"Bakit ka ba nagagalit sa'kin anak?"
"Sinong hindi magagalit sa'yo? Ehh iniwan mo kami para sa ibang pamilya mo!!"
Hindi siya nakapagsalita. Siguro guilty, pero natahimik siya.
"Tapos sasabihan mo kapatid ko na parang ako yung masama sa'ting dalawa?!"
"Hindi ganon 'yon anak,"
"Ganon 'yon! Ni hindi ko nga alam kung bakit ka nandito eh! Kung bakit ang tagal mo na rito! Di'ba aalis ka na? Bakit hindi ka pa umalis ngayon?!"
"Kung galit ka, sige ilabas mo sa'kin, tatanggapin ko anak"
Pucha, bakit hindi siya nagagalit?! Nagmamakaawa pa siya, pero ako naman naaawa.
Ayoko siyang makita, ayoko ng ganitong scenario.
Tumakbo ako palabas at sumakay sa sasakyan ko, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ang gusto ko lang, makaalis sa bahay na 'yon!
+++
Nagising ako sa loob ng kotse ko, suot pa rin yung pangtulog ko. Tinignan ko kung nasaan ako.... Nasa parking lot ako ng office.
Hindi ko rin kasi alam kung bakit dito ako pumunta, feeling ko kasi mas gagaan pakiramdam ko rito.
Nung tinignan ko yung oras, punyemas, mag aalas otso na! Ang sarap pala ng tulog ko rito at magsisimula na yung trabaho ko, siguradong late na ako neto, buti na lang may damit ako sa table ko.
Nakakahiya man, pero pumasok ako ng building na nakapambahay, sumakaya kaagad ako ng elevator na hindi pinapansin yung mga nakatingin sa'kin.
Pag pasok ko ng office, nandun na yung ibang tao at nagtawanan sila nung makita nila ako. Dali dali ko naman kinuha yung damit ko at nagbihis ako.
Nakita ko kaagad si Sir Benj pero sinupladuhan na naman niya ako. Edi ganon din ginawa ko, kasi wala ako sa mood makipag laro sa kanya.
+
Nakatutok lang ako sa trabaho ko ng biglang magtext sa'kin si Sir Benj.
"Kumain ka na?"
Hindi ko pinansin 'yon.
"Okay, walang pagreply"
Hindi ko pa rin pinansin.
"Aba, nakita kong tinignan mo yung phone mo! Bakit ayaw mo magreply?"
Hindi ko pa rin pinansin.
Buti naman at tumigil na siya sa pagtext pero laking gulat ko na nasa tabi ko na pala siya.
"Ay puki mo!!"
"Oh, akala ko ba hindi 'yon ang hanap mo?" sabi niya.
"Ano ba, bakit ba ang kulit mo?"
"Lunch break na kaya, hindi mo ba alam? Ikaw na lang tao rito oh!"
Nung tinignan ko nga, oo nga. Ako na nga lang yung tao!
"Eh, marami kang pinagawa eh," sabi ko.
"Oo, kailangan ko na 'yan kaya bilisan mo!"
Alam kong nakikipaglaro na naman siya pero wala ako sa mood. Nagkasagutan kami ng tatay ko, nakatulog ako sa kotse ko at hindi pa ako naliligo.
"Ethan, bilisan mo diyan, may ipapagawa pa ako, nasa opisina ko."
Punyemas talaga, sinusubukan ako ng taong 'to ah!
"Hoy Ethan, ang sabi ko may papagawa ako sa'yo!"
"Eh bwisit!!! Kung ganyan lang din gagawin mo sa'kin mabuti pang hindi na ako magtrabaho para sa'yo! Leche nakakabwisit!"
Ayun, nilayasan ko siya at lumabas! Bumaba at dumiretso sa Mozu para mag inom! Sobrang nakakainis talaga!! As in!
"Oh, bakit sira ata mood mo?" familiar yung boses na 'yon at alam ko kung sino siya!
"Sir Jack"
"Kumusta? Ilang araw din tayong hindi nagkausap na dalawa ah"
Naalala ko na naman yung scenario sa bar!
"Hey, look. I'm sorry kung...." pinutol ko yung sinasabi niya.
"Sir please, I'm not really in the mood. Gusto ko lang sana mapag isa" sabi ko.
"Ohh.... I see, uhm...." mukhang naoffend ko ata.
"No, sir. Don't get me wrong, hindi pa kasi ako naliligo"
Natawa siya sa sinabi ko.
"What? Haha" sabi niya.
"I mean, hindi ko naman sinasadya, nakatulog ako sa sasakyan ko tapos nagising ako sa office, tapos hindi ako naligo"
Hindi ko naintindihan sinabi ko pero siya tumatawa pa rin.
"Haha, straight to the point ka talaga magsalita haha"
Nahiya naman ako, bakit ko pa kasi sinabi na hindi pa ako naliligo.
"You really wanna be alone? Or gusto mong samahan kita. I can listen to your problem"
"Nasaan po pala si Laura?"
"I don't know. So yeah, what's your problem?"
"Anong nangyari sa inyo ni Laura, sir? Break na ba kayo?
"What? We're not even committed"
"Akala ko exclusively dating kayo?"
"Seriously, what?! Saan mo nakukuha 'yan. Ofcourse not!"
Aba, mukhang ayaw na ayaw niya talaga.
"Fuckboy ka ba, Sir Jack?"
Bago ko mapigilan bunganga ko, nasabi ko na 'yon sakanya! Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa sinabi ko, pero natawa lang din siya.
"Wanna try?"
Shet! Bakit naman ganyan sagot mo?!
"Just kidding, no, I'm not into labels, Ethan" paliwanag pa niya.
"Edi fuckboy nga"
"Hahahha no! I'm not, marunong din akong mainlove ha!"
"We?"
"Yeah, actually, I'm inlove right now" naging seryoso siya bigla, pero kahit ano namang gawin niya, gwapo pa rin siya!
"Oh, eh bakit pinaasa mo si Laura?!" sabi ko.
"Hindi ka man lang ba curious kung kanino ako inlove?"
"No! Mas curious ako sa ginawa mo kay Laura! Pasabi sabi ka pa na ilakad kita sa kanya tapos iiwasan mo rin pala"
"Hindi ko siya iniiwasan! Lumalabas pa rin kami, nagkataon lang na wala siya rito ngayon and busy siya. Nagtataka nga ako kung bakit ka nandito eh, alam ko marami kang ginagawa eh"
"Nako, isa pa yung kupaal ba Benjamin na 'yon nakakabwisit!"
"Hahaha, lumipat ka na lang sa'kin, gusto mo?"
"Anong trabaho sa deparrment mo?"
"Wala, babantayan mo lang."
Hindi ko alam kung nilalandi ako ni Sir Jack pero kung ganon nga, sana hindi na! Pero baka assuming lang uli ako.
"Bakit bigla bigla kang tumatahimik kapag nag uusap tayo, Ethan? Gusto ko mabasa iniisip mo!"
Well, wala naman talaga Sir Jack pero kasi feeling ko nilalandi niyo ako at 'yon ang iniisip ko ngayon.
"Wala sir, cute niyo kasi!" biro ko na lang.
"I'm even cuter when I'm naked you know, wanna see me naked?"
Ayan, natahimik na naman ako! Napalunok ng laway at tumingin sa katawan niya na kahit nakasuot siya eh bakat na bakat yung muscles niya!
"Ahh ehhh... Akyat na po ako, Sir! Hehe, baka magalit pa si Sir Benj eh" sabi ko at tumakbo na ako kaagad paakyat sa office.
Galawang Sir Jack, Galawang fuckboy.
+
Hindi na naman ako kinausap ni Sir Benj hanggang matapos yung trabaho, buti na lang talaga at weekend na, dalawang araw ko siyang hindi makikita.
Pero pinatawag niya ako sa office niya kaya nagmadali akong pumunta roon.
"Ako na gagawa nung mga papel, akina!" sabi niya sa'kin.
"Po?"
"Fvck, Ethan. Are you deaf?! Akina yung mga papel! Ako na gagawa!!" sigaw niya sa'kin.
Naghalo yung takot at inis ko sa kanya kaya kinuha ko yung mga papel sa table ko at binagsak ko sa table niya.
"Good, libre ka na makipagkita kay Jack!"
So, tungkol naman 'to kay Sir Jack?!
"Lahat na lang ba, Sir Benj?!"
"Ang sabi mo ayaw mo maging sweet ako pero in reality, gusto mo ibang lalaki gumagawa sa'yo niyan! Akala ko ibang klase ka ng bakla pero hindi pala! Gusto mo maraming lalaki! Sige na, bahala ka na sa buhay mo!"
Naapektuhan ako sa sinabi ni Sir Benj, at parang naiyak ako bigla. Medyo below the belt na kasi talaga yung sinabi niya sa'kin eh.
Tinignan ko lang siya ng masama at walang sinabi. Saka ako lumabas ng opisina niya at dumiretso na pauwi.
++++
Kinalimutan ko muna sandali yung nangyari sa office! Parang ang dami daming nangyari ngayong araw! Parang pagod na pagod ako!
Pero eto ako ngayon, hinahatid si Butchok sa kapitbahay namen para sa sleepover party ng kaibigan niyang si Krisha.
Pagpasok ko sa bahay, napansin kong maganda 'yon! Maganda kasi talaga sa labas, aba dapat pati yung loob.
May mga batang nagkalat at naglalaro sa sala, bigla namang tumakbo si Butchok para makipaglaro. Gusto ko sana pigilan kaso hawak ko yung unan niya at regalo para kay Krisha.
"Hehe, hayaan mo na. Mga bata ehh!" sabi nung babae sa'kin, mukhang siya yung nanay ni Krisha. Medyo matanda na rin, mga 50's pero mukha siyang mayaman.
"Bawal po kasi pagpawisan ehh"
"Ah oo, nabanggit nga ni Krisha 'yon"
"Ako po pala si Ethan" pakilala ko.
"Lani na lang, mommy ni Krisha"
"Kuya po ako ni Butchok hehe, uhm, ang ganda po ng bahay niyo"
"Salamat. Well, salamat sa Kuya ni Krisha! Siya kasi nagpagawa neto eh"
"Mommy, pupunta na ba si Kuya?" sabi ni Krisha habang kasama si Butchok na lumapit sa'min.
"Hi Krisha, Happy Birthday!" inabot ko yung regalo namen ni Butchok sa kanya.
"Maraming Salamat po!"
"Walang anuman, para sa'yo talaga 'yan"
"Hindi po, salamat po dahil po pinayagan niyo si Butchok dito"
"Ahh, mapilit eh hehe. Pakibantayan siya Krisha ah??"
"Opo, bawal mapawisan at mapagod hehe!"
Mabait na bata si Krisha, mararamdaman mo naman.
Pinagmasdan ko muna si Butchok, mukhang masaya naman siya kaya pinagbilinan ko siya ng mga dapat gawin saka ko siya iniwan.
Palabas na ako ng pinto ng may makabunggo akong lalaki!
Si Sir Benj!
"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko sa kanya.
Pabuka na yung bibig niya para sumagot pero bigla siyang ngumiti. Akala ko sa'kin, 'yon pala para kay Krisha!
Tumakbo si Krisha sa kanya at niyakap niya 'to ng mahigpit.
"Akala ko hindi ka na pupunta, Kuya!" sabi ni Krisha.
Sht.
"Sorry, marami pang ginawa si Kuya sa trabaho, may mga empleyado kasi akong pasaway at hindi sumusunod eh"
Alam ko pinapatamaan niya ako pero nagulat ako.
Technically, pamilya ni Sir Benj yung kapitbahay namen so...
Kapitbahay ko si Sir Benj.
++++++
VOTE AND COMMENTS!!!!
MONDAY NIGHT ULI UPDATE!!!:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top