Part 10
Read my story: Greg's Diary! :)
+++++++
Matapos ng usapan namen ni Sir Benj, may kakaiba akong naramdaman na hindi ko mapaliwanag. Pero ang alam ko lang, gumaan lalo yung loob ko sa kanya.
Nag asikaso na akong mag ayos para pumasok at para na rin sa dinner namen.
Pagbaba ko sa sala ay nakita kong may kalarong babae si Butchok, napakagandang batang babae at mukha rin namang mabait.
"Kuya, kuya, si Krisha po!" pakilala ni Butchok saken.
Lumapit naman si Krisha at nagpakilala na para siyang isang prinsesa.
"Magandang Umaga po!"
"Wow, sobrang cute mo naman!" puri ko sakanya. Ang gandang bata kasi talaga.
"Maraming Salamat po!"
"Osige, dito lang kayo ah? 'Wag kayo masyadong magpapawis."
"Opo, alam ko na po 'yon!" ang tatas din sumagot ni Krisha, nakakatuwang bata.
Binilinan ko na rin si manag na bantayan si Butchok. Hindi ko naman makita si mama kaya hindi ko na rin siya hinanap. At saka ako umalis papuntang opisina.
+++
Pagbabang pagbaba ko pa lang ng sasakyan, saktong pababa rin ng sasakyan niya si Sir Jack!
Magtatago sana ako pero nakita na niya ako! Kaso mukhang wala rin siya sa mood kaya dinaanan niya rin ako.
Shet, dahil ba hindi ako nakapagreply sa kanya? Parang imposible, hindi naman siguro ganon kalakas ang impact ko sa kanya.
Imbis na problemahin ko 'yon, pinroblema ko na lang sarili kong problema, at yun ay ang dinner namen mamaya.
+
Pag akyat ko sa office, nakasalubong ko na naman si Sir Jack na palabas ng kwarto namen. Ngayon, nakangiti na siya at parang maganda yung mood.
"Uy, bakit hindi ka nagtext kagabi?" tanong niya sa akin.
Ang gwapo talaga ni Sir Jack, may killer smile talaga na sobrang nakakainlove!
"Sorry, sir. Nakatulog ako."
"Nakatulog? Eh na seen mo pa nga yung message ko"
Shet, wala naman akong kawala rito.
Buti na lang biglang dumating si Sir Benj at kinausap ako.
"Ready ka na later?" Wow! Yung aura ni Sir Benj ngayon parang nagbago na rin! Ang gwapo gwapo niya rin today at mukhang maganda ang gising niya.
"Ohhh, mamaya na pala yung 'secret' dinner niyo, di'ba?" singit ni Sir Jack.
"Nako Zachary, alam ko naman na hindi ka rin mawawalan ng date mamaya!" sagot ni Sir Benj.
Ang hot nilang dalawa. Ang hot pa ng boses nila. Yung tipong boses pa lang eh lalabasan ka na, mga ganun!
"Haha, you really know me that much. But yeah, I'm just enjoying my single life!" sagot ni Sir Jack.
Single? Eh may babe ka nga di'ba?!
"Okay, if you say so."
"Good, so, aalis na ako. And Ethan..."
"Yes, Sir Jack?"
"Magtext ka. Okay?"
"Ah, sige po sir" sagot ko sabay tapik saken sa balikat ko ni Sir Jack.
Paglabas niya, pinapunta muna ako ni Sir Benj sa opisina niya.
"Nagkakatext pa rin kayong dalawa?" tanong niya.
"Ah, opo."
"Don't text him anymore" medyo serious na uli siya, pero di siya nakatingin saken.
"Po? Bakit Sir Benj?"
"Gusto ko ako lang katext mo"
..
...
....
"Ethan?"
Talagang sinabi niya 'yon? Oh namali lang ako ng pandinig.
"Ethan!"
"Ay Sir Jack! Este Sir Benj!"
"See? That's what I'm talking about, siya na naiisip mo! Ako 'tong fake boyfriend mo eh!"
Ang clingy, moody, hot, jusko, 'di ko talaga alam takbo ng utak ng taong 'to.
"I mean, baka mapansin ni Sir Miggy at Cielo 'yan! Gusto ko hindi masira image natin sakanila" pahabol pa niya.
Buti na lang pinaliwanag niya, kung hindi, aasa na naman ako.
"Hey"
"Yes Sir?"
Napatingin lang siya sa akin saglit at ngumiti. Hindi ko alam ibig sabihin ng ngiting 'yon.
"Thank you, Ethan. You can go now," sabi niya pa.
Ang weird talaga ng boss kong 'to pero sumusunod naman ako sa mga gusto niya.
Paglabas na paglabas ko ng pinto ng office ni Sir Benj, biglang umakbay sa akin si Allen.
"Ethan, saan lakad niyo ni Sir Benj mamaya?" bulong niya.
Siya talaga ang number one chismoso dito sa office.
"Wala naman, meeting lang" sabi ko.
"Walang special girl?"
"Wala, Allen haha. Chismoso talaga neto!"
"Haha, pasensiya na Ethan! Naninigurado lang!"
"Pasaway!"
Bumalik na ako sa desk ko at sa tabi ko, si Laura, napansin ko naman na may bouquet ng bulaklak siyang hawak at chocolates.
"Wow! Secret admirer?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, kilala ko naman kung sino siya eh" kilig na kilig niyang sabi.
"Ohh? Taga office?"
Bumulong sa akin si Laura.
"Kilala mo si Jack Zachary? Yung anak ng may ari? Siya."
Kilig na kilig talaga si Laura pero hindi ko alam isasagot ko. Napaka babaero naman pala ni Sir Jack! Nakakainis!
"Ang sabi niya pa, ilalabas niya raw ako mamaya!"
"Ahhh...." ayun na lang nasabi ko.
"Tapos alam mo, ang hot niya pa! Single pa siya ngayon! Anong gagawin ko Ethan? Sa tingin mo ba okay lang na sumama ako sa kanya?"
"Bakit naman hindi?"
"Wala lang, first time ko kasing makikipag date"
"What?! Seryoso?"
"Shhhh... 'Wag ka naman maingay, sikreto ko nga 'yon eh!"
Shet, kung first time neto, siguradong masasaktan 'to kapag malaman niyang babaero 'yon!
"Gusto mo ba?" tanong ko.
"Hindi ko sure eh, pero parang may mali kasi eh. Kaya siguro hindi na lang, magtitiwala na lang ako sa nararamdaman ko"
Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa sagot niya, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol kay Sir Jack eh.
At speaking of Sir Jack, nagtext na naman siya sa akin.
"Busy?"
"Bakit naman si Laura pa" hindi ko alam kung bakit yan yung nireply ko sa kanya, pero concern din ako ng kaunti kay Laura! Siya kasi ang una kong nakasama rito sa office!
"Gusto mo bang ikaw na lang? 😉"
Okay kalma, Ethan. Yung mga ganyang lalaki yung papakiligin ka lang tapos kapag inlove ka na saka ka iiwan na parang walang nangyari. Mga fuckboy ika nga.
"😒😒😒😒😒" ang taray ng reply ko.
"Okay, I can explain"
"Okay, go"
"Kaya kita gustong maka text para makahingi ng info tungkol kay Laura. Napansin ko na kasi siya nung pumunta ako diyan sa office niyo"
"Eh paano yung girlfriend mo?"
"I don't have one"
"Oh? Multo ba yung pinakilala mo sa akin?"
"Haha no, she's just a friend"
"Friend? Babe? Ganun?"
"Haha you know, I can imagine you right now saying that in front of my face. Too cute 😍😍"
Okay confirmed. Fuckboy nga si Sir Jack.
"Well, sana mabuti intensyon mo kay Laura kasi kaibigan ko siya at ayaw ko siyang masaktan"
"Noted boss Ethan 😊"
Bakit kinikilig ako sa kanya? Dapat bang kiligin ako?
"Boss Ethan?" reply pa niya.
Hindi na ako nag reply sa kanya, feeling ko kasi alam niya yung tungkol sa akin kaya inaatake niya yung kahinaan ko. Pwes, hindi ako magpapa apekto.
Binaba ko na yung phone ko, at nagsimulang magtrabaho.
++++
6PM, naka ayos na ako ng susuotin ko, long sleeves na white, slacks at shoes. Wala na rin tao sa office kaya okay lang na maglakad lakad ako rito ng ganito suot ko.
Medyo nakakakaba lang talaga 'tong pagpapanggap nameng dalawa kaharap ang bigating mga tao!
"Ethan!" sigaw ni Sir Benj at hudyat na 'yon para pumasok sa opisina niya.
Natulala lang ako sa itsura ni Sir Benj! Sobrang gwapo niya kasi at mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa suot niya.
"How do I look?" sabi niya.
Ang sarap, hot. Sarap mong sunggaban! Payakap! Super gwapo mo!!
"You look good, Sir" sabi ko. At nung sinabi ko 'yon, napangiti lang siya ng todo.
"Shall we?" biglang abot niya sa mga kamay ko.
"Sir, wala namang tao, hindi natin kailangan mag panggap" sabi ko sa kanya.
"I know, gusto ko lang" hawak hawak niya kamay ko habang pababa kami ng elevator, papuntang parking lot. Medyo nahihiya ako pero ang maganda talaga, walang nakakita sa amin.
Pingbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. "After you, honey" ngumiti siya saken ng malaki habang ginawa 'yon.
Ang swerte swerte ng nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya sa akin.
Pagpasok niya ng sasakyan, nag drive na kaagad siya paalis.
"Pacheck naman ng messages sa phone ko. Nasa bag ko" sabi ni Sir Benj. Kinuha ko yung bag niya sa likod at kinuha ko yung phone.
"5 messages sir"
"Pakibasa, ayoko kasing tumitingin sa phone habang nag ddrive"
Binuksan ko yung message at yung tatlo doon galing kay Sir Miggy.
"Good Morning, Benjamin. I'm sorry we have to cancel our dinner later. I have to go to Tokyo tonight, emergency meeting. I'll update you as soon as possible!"
"Seryoso?!" medyo nainis na sabi ni Sir Benj.
"Opo Sir"
"Fvck! Yung ibang message?"
"From Sophie po" bigla naman siyang nag preno ng sasakyan. Nasa gitna pa kami ng kalsada 'non!
"Sir, gilid mo po muna" sabi ko. Sumunod naman siya kaagad at kinuha niya yung phone niya.
Binasa niya yung text at kita ko sa reaksyon niya na natutuwa siya na naiiyak.
Bigla siyang tumingin saken na parang naiiyak nga.
"Gusto mo mag inom?" tanong niya.
Tutal wala naman na kaming pupuntahan kasi hindi na tuloy, at yung mindset ko eh aalis ako. Kaya naman pumayag na rin ako sa gusto niya.
+++
Akala ko party party pupuntahan nameng dalawa, dinala niya ako sa tahimik na bar, senti lang tugtugan, may mga nagiinuman din pero hindi talaga maingay. Yung ambiance niya, dark but sweet.
Umorder kaagad siya ng isang bote ng whiskey at tumagay kaagad ng tatlong shot
"Sir, hinay hinay lang po"
"Hehe, pasensiya na. Oh, shot ka!" sabay abot saken ng shot glass.
Mukhang broken na naman 'to si Sir kaya sasabayan ko na lang siya.
"Hoy, bakit ganyan mo ko tignan, para kang naaawa sa'kin!" bigla niyang sabi sa'kin.
"Hala hindi po!"
"Pwede bang maging kaibigan kita ngayon? At tanggalin mo muna yung pag lagay mo ng po sa'kin?"
"Sige Si..... Benjamin"
"Good. Oh, shot lang tayo!" hindi naman malakas boses niya pero shot lang siya ng shot.
Isang oras pa lang nakakalipas pero nakalahati na niya halos yung iniinom nameng alak.
"Ano ba yung nabasa mong text ng ex mo?" tanong ko. Inabot naman niya yung phone niya at binasa ko.
"Hi Benjamin! Hope you're doing okay. I'm currently here in Bataan for business purposes. Hope we can see each other, catch up? Hehe. I miss you!"
Bago ako makapagsalita, siya na yung may sinabi.
"Makikipaghiwalay tapos sasabihan ka ng I miss you, nakakaloko talaga 'yang mga babaeng eh no?"
"Ehh baka naman may feelings pa rin. Alam mo na, inuna niya lang yung sarili niya"
"Di'ba dapat kapag nagmamahal, iisipin mo rin yung mararamdaman ng partner mo? Siya kasi wala, siguro papayag naman ako kung sasabihin niya sa'kin, pero bigla na lang siyang nakipaghiwalay."
Tinitigan ko siya at ramdam na ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Hindi niya siguro deserve yung ganitong scenario kaya hinawakan ko kamay niya at hinila ko siya palabas.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Basta!"
Hindi na siya nakasagot at pagsakay namen sa sasakyan, ako na nag drive papuntang BGC.
"Anong gagawin natin sa office?"
"Hindi tayo pupuntang office, ano ba!"
Nabalitaan ko kasi yung mga stalls ng streetfoods dito sa BGC tuwing gabi, na pwede ring mag inuman.
"Aba, hindi ko alam na may ganito ah?" sabi niya.
"Well, alam mo na ngayon!"
"Kaso, hindi ako kumakain ng ganyan eh"
Ineexpect ko na rin ng konti 'yon.
"Nako sir, 'wag kang maarte, masarap 'yan!" inabutan ko siya ng isaw na bulate. Tinignan niya lang yun na parang nandidiri siya.
"Isawsaw mo kasi sa Suka tapos kainin mo!" utos ko.
"Hindi ba ako mamamatay dito?"
"Huwag kang OA Benjamin! Haha kainin mo na 'yan!" sabi ko pa. Ganun naman ginawa niya tapos nung kinain niya, nandidiri pa siya nung una pero habang tumatagal, mukhang nag eenjoy na siya.
"Aba! Ang sarap!" kumuha pa siya ng dalawa at kumain.
"Oh, at saka limang piso lang 'yan!"
"Haha, talaga? Akalain mo 'yon! Eh eto, ano 'to?"
"Tokneneng 'yan!"
"Ano naman 'yan?"
"Itlog na nakabalot sa arina tapos pinrito"
Kumuha rin siya at tumikim, aba tuwang tuwa at sarap na sarap sa kinakain niya. Kumakain na rin ako ng tenga at balat non.
"Hala, Ethan ang sarap talaga!!" nakangiti na ngayon si Sir Benj habang tuwang tuwa sa pagkain.
Bigla naman siyang tumingin saken.
"Bakit?" tanong ko.
"Ang dumi mo talagang kumain!" sabi niya sabay hawak sa may labi ko, at mukhang may tinanggal!
Shet! Ang daming tao nun eh! Tapos ganun yung ginawa niya!
"Oh, etong bilog bilog ano 'to?" parang wala lang talaga yung ginawa niya pero para saken......
"Ahhh, tikman mo na lang!" sabi ko pa.
Ang saya saya talaga pagmasdan ni Sir Benj ngayon. Malayong malayo sa itsura niya kanina!
++
Naglakad lakad kami ni Sir Benj sa damuhan, at napagpasyahan nameng maupo sa harap ng parang magic na bato na 'to. Hindi ko alam kung saan nanggagaling yung tubig.
"Grabe, busog!! Puspusang work out na naman ako neto bukas haha!"
Nakasandal siya sa mga kamay niya sa likuran habang pinagmamasdan yung malaking bato sa harapan namen.
Niyakap ko naman sarili ko kasi medyo giniginaw ako.
Maya maya, inabot ni Sir Benj yung coat niya at nilagay sa likuran ko.
"Hala, hindi na kailangan Si.... Benj"
"Sus, giniginaw ka na eh. Hayaan mo na"
Ang bango bango pa ng coat niya.
"Salamat Ethan, napasaya mo ko ngayong gabi. Kahit hindi tuloy yung dinner kay Sir Miggy at Cielo tapos dahil sa text ni Sophie, pero dahil sa'yo naging okay naman lahat"
"Hehe, walang anuman"
"Siguro tanga tanga yung ex boyfriend mo no? Iniwan ka niya eh."
"Bakit naman biglang napasok si Bill?"
"Hehe pasensiya na, naisip ko lang, kasi ang bait bait mo tapos maaalalahanin ka pa, mukha ka pang mapagmahal at isa pa, cute ka rin. Parang epitome of bisexual ka eh!"
Medyo namula ako sa sinabi niya non.
"Hindi nga Ethan, siguro kung bisexual din ako tapos nakilala kita, siguradong liligawan kita."
Hindi pa rin ako makasagot, nahihiya ako sa compliments ni Sir Benj.
"Ang sarap pa kaya ng labi mo, ang lambot lambot!"
"Kung hindi ka lang nag dadrama about sa girlfriend mo, iisipin kong may gusto ka na sa'kin!" ayun na lang sinabi ko.
"Haha, malay mo may gusto na nga ako sa'yo di'ba?" tumingin ako sa kanya at akala ko nakatingin siya sa bato, nakatingin pala siya saken.
"Medyo salitaan ng mga paasa yang mga ganyang linya"
"Haha, pasensiya na Ethan, pero sa halos dalawang linggo na magkasama tayo, masasabi ko naman na hindi ka mahirap mahalin. Malay mo, sa huli tayo pala talaga di'ba?"
Bakit ba ganito tong boss kong 'to?
"Ganito na lang, kapag 24 ko at single pa ako, liligawan kita."
Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niya, hindi ko naman kasi siya tinignan eh.
Pero maya maya, bigla siyang umakbay saken at pinapasandal niya ako sa balikat niya.
Wala siyang sinabi.
Wala rin akong sinabi.
Inenjoy ko na lang yung moment nameng dalawa.
++++++
EVERY MONDAY TO FRIDAY NIGHT ANG UPDATES! 😊😊
VOTE AND COMMENTS!!!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top