DIFFERENT FINALE
ZACHARY
"Jack!" tawag saken ni Ate.
"Yes? Late na ako ate!"
"Huwag mo kong ginaganyan, tayo may ari ng kumpanya, bakit ka male late? haha" biro niya.
"Haha, oh bakti ba kasi?"
"Eh kasi ayoko na manahimik."
"Please, kung tungkol 'to kay Ethan..."
"It's all about Ethan. Your accident, yung pagbenta mo sa condo mo, yung New York, it's all because of him. Please, hindi ka ganyan. I mean, you're the sweetest person ever simula nung naging kayo ni Ethan and I kinda miss that."
"Ate...."
"Maniwala ka saken. Hindi ka ba nagtataka sa pictures sa phone mo?"
Hindi pa rin ako sumasagot. Nakangiti lang ako.
"Please, Jack! I know na paulit ulit ako, at kilala mo ko! Hindi ako ganito pero I'm telling you, you love Ethan so much. To the point na halos magpakamatay ka na, literally. Kayo dapat magkatuluyan!" sigaw niya pa sabay yakap saken. First time ko lang makita si Ate na ganito, I understand. Sinadya ko lang lahat.
"Please calm down, ate. I know...."
"Hindi, hindi mo alam! Si Ethan mahal mo! Dapat kayo magkatuluyan!!"
"Ate, calm..."
"Hindi ako kakalma hangga't hindi mo sinasabi na mahal mo si Ethan!"
"Ate..."
"Sinasabi ko sa'yo Zachary!! Kapag hindi mo siya niligawan uli puputulin ko...."
"ATE!!" ayaw niya kasi akong pagsalitain.
Natahimik siya at kumawala sa yakap.
"Mahal ko si Ethan, Ate!" sabi ko sa kanya.
How can I forget Ethan?
Tinignan lang niya ako na parang gulat na gulat.
"I love him, Ate. I love him so much!"
Nagulat ako ng bigla niya akong sapakin sa braso ko! Kahit babae 'to, napakalakas niya manapak.
"Bakit ka nagpapanggap? Pinatagal mo pa ng taon yung pagpapanggap mo?!!"
"No, hindi ako nagpapanggap ate. I just woke up one day and I remember him. I remember it like it was yesterday."
"Bakit natatahimik ka lang diyan?!"
"No, I already talked to Sir Miggy. Makikipagkita ako sa kanya on friday!"
"WHAT?! Bakit hindi pa ngayon?!"
"Ayoko siyang biglain, at isa pa, ngayon lang pumapasok lahat ng memories ko sa kanya. Mas lalo akong naiinlove sa kanya."
Yinakap uli ako ni ate ng mahigpit!
"YES!! Go get your love of your life dali!!!!"
"Haha, I will ate. I will." sabi ko naman.
+++++
"Why would I forget?" sabi ko kay Ethan.
Good thing at walang tao sa loob ng conference room kaya tinayo ko si Ethan, inayos ko yung nagulong buhok niya at hinalikan uli sa labi.
"I want to spend the rest of my life with you, Ethan. Naalala ko, nangako ako sa'yo na papakasalan kita pag uwi ko from New York"
I saw him cry. Pero I think tears of joy to!
"Everything happens for a reason. I think we need this long break from each other to realize how much we love each other. I realized how much I loved you. I love you so much, you don't know how much I'm feeling right now. Gigil na gigil ako sa'yo, I wanna kiss you, hug you, I wanna do everything to you. But most importantly, I wanna see you, with me, in the future, holding hands, while watching our children to grow."
Iba yung ngiti niya and I know, tuwang tuwa siya. I can feel it. I know it. He loves me.
"Ethan James Aguilar..." lumuhod ako sa harapan niya, nilabas ko yung singsing sa bulsa ko. Singsing na magiging tanda ng pagmamahalan namen.
"Will you marry me?"
BENJAMIN
Yung moment na tumapak ako ng New York, I know, it's time for me na kalimutan na si Ethan. I want to spend the rest of my life with him pero hindi na pwede dahil alam kong mahal niya si Zachary.
Time passed at walang oras na hindi sumagi sa isip ko si Ethan.
Gusto ko rin ayusin sarili kong buhay kaya instead na problemahin ko si Ethan, kinausap ko si Adrian, na dito na manirahan. I can see in his face na sobrang tuwang tuwa siya, together with his wife and daughter. It's the least I can do, I guess.
"Salamat, tol! Hindi mo alam kung gaano mo kami natulungan dahil dito, tatanawin kong malaking utang na loob 'to, dalawa na kayo ni Ethan!" sabi ni Adrian. Sa tingin ko nabigla rin siya nung nabanggit niya si Ethan kaya humingi kaagad siya ng tawad.
"Alam mo tol, simula pa lang, Team Benjamin na ako eh!" bigla niyang bawi.
"Loko! Haha"
"Haha totoo 'yun! Eh si Tom lang naman yung Team Jack sameng dalawa eh. At saka, hindi naman kita masisisi kung bakit ka nainlove kay Ethan. Napakabait na tao"
"Alam ko hehe."
"Ilang buwan na rin simula ng maging successful operasyon mo ah? Ayaw mo ba gamitin yang new and improved puso mo? Tara! Hanapan kita rito, iba ang gandang amerikana! Mamaya pang foreigner ka pala"
"Loko, ayoko! Gusto ko lang magpahinga muna!"
"Uhm... Ayoko sana sabihin pero may bago ng trabaho si Ethan, at balita pa saken ni Tom, nagfofocus lang siya sa trabaho. Gusto raw niya muna mapag isa."
"I know. Kaya gusto ko rin muna mapag isa"
"Haha sorry tol, sige iwan na muna kita diyan!" paalam niya.
++
I don't know why pero everytime na mag isa ako, naiiyak na lang ako.
"Benjamin?" katok bigla ni Sophie sa kwarto ko.
Oh yes, sumunod siya rito saken pero malinaw sa kanya na hindi na ako makikipagbalikan sa kanya.
"Crying again, I see." sabi niya,
"Hehe, sorry. Bakit ka pala nandito?"
"Uhm, okay na yung pagpapalit ng names from Ethan, kina Adrian na yung mga properties mo" sabi niya.
"Talaga? Ang bilis pala no? hehe salamat"
"One more thing, eto pala." inabutan niya ako ng flight ticket.
"Oh, babalik ka na?"
"No, ikaw ang babalik. Balikan mo na si Ethan, Hindi pwede yung ganyan ka."
"What?"
"Don't act stupid Benjamin, okay? Kasalanan ko from the start, masyado akong inlove sa'yo na halos siraan kita sa kanya. I want you to be happy in the end, please. Give it a try. At saka isa pa, may taon na rin ang nakalipas. Surprise him!"
"What if hindi niya ako makilala?"
"Nakakainis yan! haha Imposibleng makalimutan ka non! Haha dalian mo na, bukas na yang flight na yan. Kung hindi, atleast you've tried. Pero what if, oo? Di'ba? good thing you've tried."
Wala naman sigurong mawawala, pero natatakot ako, Pero anong magagawa ng takot ko diba? Napayakap na lang ako ng mahigpit kay Sophie.
Nagpaalam ako sakanila na babalik muna ako ng Manila para makipagkita kay Ethan.
+++
I talked to Sir Miggy and Cielo, sakanila na kasi nagtatrabaho si Ethan. Umamin na ako sakanila,lahat ng kalokohan na ginawa ko. Pero imbis na magalit sila, natawa lang sila saken.
"Alam na namen Benjamin" sabi nila.
"Ha? Paano po?"
"Matagal na! haha kaya hayaan mo na 'yun!"
"Pero nasaan po si Ethan?"
"Why? He's happy and single pa rin haha"
"Hala, sir naman! hehe"
"Why? You want to meet him?"
"Opo..."
"Hmmm... Well, gusto ko rin makapag usap kayong dalawa. Hindi pa raw kayo nagkakausap simula nung umalis ka eh and I think that was a year ago!"
"Yes. And ever since hindi po siya nawala sa isip ko!"
"How sweet.. okay, I'll set you up a meeting with him and bahala ka na okay?"
"Yes, thank you po!!!"
Sinabihan ako na sa conference room kami magkikita kaya inayos ko na lahat doon. Naglagay ako ng balloons, music, korean food. Gusto ko prepared lahat sa pagkikita namen.
Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero bahala na. Sasabihin ko lahat sa kanya.
Maya maya, pumasok na siya sa loob ng conference room. I know siya yon, favorite niya kasi yung kulay violet na long sleeve at fit na slacks, Wow. Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. May something sa kanya na hindi ko maexplain, ang ganda ng aura niya.
Mahal na Mahal ko pa rin talaga si Ethan.
He saw me standing, sinira niya lang yung pinto at walang sinasabi.
Pinatugtog ko kaagad yung kanta nameng dalawa at sinimulan ko siyang kantahan.
"You're just too good to be true... can't take my eyes off you..."
Hindi siya sumasagot, pero unti unti ko siyang nilalapitan. Hinawakan ko yung kamay niya at pumunta kami sa may table.
"I love you honey... and if it's quiet alright, I need you honey, to warm my lonely nights, I love you baby.... trust in me when I say.."
"Ano 'to?" ayun lang yung sinabi niya. Pero enough na 'yun para mapangiti ako.
"Hindi ko na kaya Ethan. Sinubukan kong kalimutan ka! Pero hindi ko talaga magawa. Ikaw lang talaga mahal ko. Ikaw lang kaya kong mahalin at ikaw lang mamahalin ko habang nabubuhay ako"
Naiiyak na siya. Hindi ko alam kung dahil masaya ba siya o ano pero pinunasan ko 'yun.
"Saktan mo ko, sige! Sigawan mo ko! Sige! Lahat gawin mo sake, titiisin ko lahat hanggang sa mawala yung galit mo saken. Lahat gagawin ko para sa'yo! Ayokong mawala ka sa buhay ko!"
"Sir Benj..."
"Nangako ako sa'yo, bago ako mag 24, liligawan kita. Nangako rin ako sa'yo na papakasalan kita, Gagawin ko na lahat ng 'yun!"
Hindi siya sumagot, pero ngumiti lang siya. I know that smile, ayun yung ngiti na binibigay niya saken everytime na masaya siya na kasama ko.
"Wala akong kilalang tao na gusto kong makasama habang buhay kundi ikaw. I told you before, and I'll tell you now, you taught me how to love. You're the love of my life. I will always be your fake boyriend, real boyfriend and hoping someday your loving husband."
Hinawakan ko yung kamay niya at hinalikan ko 'yun.
"Your smile, Your kiss, Your everything, that's what I want to see in the future. All I want is you. I know in my heart that you love me, I can feel it."
Ngumiti lang talaga siya at naramdaman ko yung paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Unti unti kong nilapit yung mukha ko at dahan dahan ko siyang hinalikan sa mga labi niya.
Akala ko pagtatabuyan niya ako pero hindi niya ginawa, niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahalikan siya. Ang sarap, ang basa, ang lambot, eto ang hinahanap hanap kong labi! Wala na akong ibang hahanapin pa.
Hinalikan ko uli siya ng paulit ulit sa labi hanggang sa matawa na lang kaming dalawa.
"One more thing, Ethan..." sabi ko,
"Ano 'yun?"
"Will you marry me?"
++++++++
ETHAN
"KUYA ANG GULO PO! Bakit dalawa silang nagpropose sa'yo?!" sabi saken nung sinasabihan ko ng story.
Nagkekwento ako ngayon sa mga grupo ng lgbt teens na nacurious sa lovestory ko, sabi nila para sa thesis pero hindi ko sure, pero okay lang na ishare ko yung story ko sa kanila.
"SINO PO BA PINILI NIYO??" tanong nila saken.
Natawa ako.
"Sino ba sa tingin niyo?" tanong ko.
"Syempre po si Sir Jack! Dapat siya kasi simula pa lang hindi ka na niya sinaktan, simula pa lang siya na yung nagmamahal at hanggang sa huli, ikaw pa rin yung gusto niya!" sabi nung isa.
"No, sigurado akong si Sir Benj! Mas may struggles silang dalawa kaysa kay Sir Jack! Mas masarap yung ganon na marami kayong pinagdaanan pero in the end kayo pa rin nagmahalan!" sabi nung isa.
"Pero bakit dalawang ending po yung binigay niyo samen? Ano pong ilalagay namen dito?" sabi nung isa
"Bahala kayo. I just want you to know that life is a matter of choice. What if pinili ko yung isa, edi ganito nangyari sa isa. What if yung isa naman pinili ko, edi ganito nangyari sa isa. Think before you choose."
Hinanap nila yung pictures ni Sir Jack at Sir Benj at pinakita ko naman sakanila.
"Uhm... Dapat po dalawa na lang silang pinili niyo, sa umaga si Sir Benj, sa gabi si Sir Jack tapos salitan every other day!"
"Haha loko kang bata ka!" sabi ko pa
"Biro lang po! Pero curious po ako kung sino pinili niyo?" tanong nila.
"Hmm.... Let's see. Pauwi na rin siya at nagtext na malapit na siya" sabi ko
"Ohhhh. Sige po! Pero bakit po dalawang storya yung ending niyo? I mean, alam ko po na life is a matter of choice pero parang totoong nangyari yung dalawang ending"
"He died and that was his last request. Gawan ko raw siya ng magandang ending between sameng dalawa"
Natahimik sila.
Yung isa, nilamig na parang kinilabutan.
Pero ako, napapikit lang. Ayoko na sanang sabihin yung tungkol don pero wala na, nangyari na eh.
I miss him. I really do.
Biglang bumukas yung pinto at dumating na siya, napatingin silang lahat sa kanya at yung isa napasigaw pa
"Ikaw po pala yung pinili ni Sir Ethan!" sabi nung isa.
Natawa siya at lumapit siya saken sabay halik sa labi ko,
"Kinwento mo uli?" tanong niya,
"Hehe, thesis daw eh!"
Pero nakatingin lang yung mga bata samen.
Biglang nagsalita yung isa.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na nawala yung isa."
Humigpit yung hawak saken. Alam ko nalulungkot din siya.
"I miss him" sabi ko.
"I miss my bestfriend too."
++++
This is what really happened. I told you kakaiba 'to sa ibang ending.
It's up to you kung sino yung nakatuluyan niya. :)
THANKS FOR SUPPORTING MY STORY. :))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top