Two

Leickel's P.O.V

"BEKSSSSSSS!" naalimpungatan ako sa malakas na tili na iyon at pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang mga mukha ni Mimi at Fifi na halos ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko.

"What the-" mabilis napamulagat ang mga mata ko nang mapagtanto ko na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa counter.

"Anong watda watda ka dyan, girl? Haler. Bakit dito ka natulog sa shop? At dyan pa talaga sa counter to be specific?" pang uusig ni Mimi sa akin.

Napahawak ako sa ulo ko na bahagyang kumirot sa pag alala sa nangyari nang nagdaang gabi.

******

"Ang cute mo. Hindi ako kriminal. Hinahabol lang ako ng mga pinagkakautangan ko. Siguro mali lang talaga ang paraan ng pagkakakilala natin. By the way, I'm Ice. Ice Summers."

"Hindi match ang name mo. Parang ikaw. Abnormal. Sala sa init, sala sa lamig."

"Ikaw? Anong pangalan mo?"

"I'm Kciel," kinuha ko ang Leick ng Leickel at binaligtad ito. Wala akong maisip na apelyido kaya't ang nasabi ko ay ang apelyido pa ng lalaking kinasusuklaman ko. "Kciel Villafuerte."

"I see. Nice to meet you." saka niya inabot ang kamay niya para sa handshake na kinuha ko naman.

"Ahmm, for formality pwede ko bang makita ang mukha mo?" tanong ko dito.

"Sure." sagot niya nang hindi man lamang binibitawan ang kamay ko.

Ginamit ko ang isang kamay ko uoang alisin ang takip niya sa mukha. Nang saktong naalis ko na ay sumabay ang pagkawala ng kuryente kaya't hindi ko nakita.

Bigla naman akong napayapos sa kanya ng hatakin niya ako palapit. Naramdaman niya siguro mula sa kamay naming hindi pa nagbibitaw ang panginginig ko. Takot kasi ako sa dilim.

Hindi ko na namalayan ang nangyayari, basta ang nararamdaman ko lang ay may mainit na bagay na nakadampi sa labi ko, kasabay ng mainit at mabangong hininga.

*****

Nang muling bumalik ang kuryente ay wala na siya sa harap o maging sa paligid ko. Multo ba talaga siya?

"WAAAAHHHH! HINALIKAN AKO NG MULTOOOOO! WAAAAAHHHHH-" isang dagok sa ulo ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Bakla ka. Nababaliw ka na ba? Ano kinukuda kuda mo dyan!?" tumingin ako kay Fifi na siyang sumapok sa akin. Bakas sa mukha nila ni Mimi ang nawiwirduhang tingin sa akin.

"Beks, kiniss ako ng multo. 'Yong first kiss ko sa multooo!"

"Gaga! Walang multo. Manahimik ka nga dyan!" sagot naman ni Mimi sa akin.

Dahil sa kawalan ng pruweba ay ikinuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin noon sa parking lot ng bar at ang nangyari kagabi.

"Bruha ka! May mumu ba na nagdadrive ng racecar? May mumu bang kaskasero? May mumu bang nasusugatan? Ay ewan ba sa'yo Leickel. Kinain ka na yata ng sistema kakanood mo ng mga korean fantasy dramas!" tila naman ako natauhan sa sinabing iyon ni Mimi.

"So bakit pala siya biglaang nawala kagabi?" inosenteng tanong ko.

"Baka nabahuan sa hininga mo, bakla?" - Fifi.

"Baka hindi ka kasi marunong humalik?" - Mimi.

"Mga bwisit kayoooo!" saka ako nagpapadyak na parang bata. "At pinaalala niyo pa talaga na nakuha niya ang first kiss ko! Waaaaaahhh!"

"Ang arte mo bakla ka, akala mo naman puri mo na 'yung nakuha! Jeske. Magtrabaho na nga tayo Mimi. At ikaw Leickel na lukaret, umuwi ka muna at maligo. Kami na munang bahala ditech. Gora! Babush!" saka niya hinatak si Mimi papasok ng kusina at magflip hair pa na akala mo ba e long hair talaga ang bading.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinabi ni Fifi. Habang lulan ako ng sasakyan ko ay hindi ko mapigilan mapaisip.

Ano kayang trip 'non taong 'yon sa buhay niya? Matapos akong mahalikan, saka ako nilayasan. Badtrip! Hindi ko man lang naipaglaban ang first kiss ko. Hayst!


NANG makarating ako ng bahay ay nadatnan kong walang tao. Kaya't naligo lang ako at mabilis na bumalik sa MiFiLei Pastry Shop.

Open na ang plakard ba nasa pintuan ng shop senyales na on the go na ang business namin. Malaki naman ang tiwala ko kay Mimi at Fifi kaya walang kaso sa'kin kahit na magdesisyon sila para sa shop.

Pagka pasok na pagka pasok ko ng shop ay bumungad na agad sa akin ang maraming tao. Dahil nga siguro katabi ng dalawang university ang shop namin kaya't mabenta ito. Pero sa dami ng taong nakikita ko, nakuha pa din ng isang babaeng nakaupong mag isa sa pandalawahang table ang atensyon ko.

Tila malalim ang iniisip niya at hindi man lamang namalayan ang paglapit ko. "Besty!" sigaw ko dito saka ako pumitik sa harap ng mukha niya para mapansin niya ako.

Bahagya siyang napaigtad at kalaunan ay ngumiti sa akin ng mapagtantong ako ito.

"I missed you!" wika nito saka ako niyapos ng mahigpit.

She's Lila Blessy Aragonez. My one and only bestfriend. Masasabi mong siya ang kalahati ng kaluluwa ko.

"I missed you too! Ang tagal mo din sa Switzerland ha?" nakangiting sabi ko dito matapos niya akong pakawalan mula sa pagkakayakap niya.

"Sorry ha, hindi tayo nakapag video chat habang nandoon ako. Gusto kasi ni Papoo (lolo niya) na panay kaming naggagala. Kung saan saan nga kami nakarating e," masiglang kwento naman niya. Halos makalimutan ko na nga ang itsura niya kanina na parang may napakabigat na problema.

"Okay lang 'yon. So how's your Papoo and Mamoo? Are they doing good?" tanong ko.

"Yeah. Super good. Lalo na si Papoo. Bagets na bagets ang aurahan," saka kami kapwa nagtawanan sa sinabi niya.

Nagkwentuhan pa kami ng lumapit sa akin si Cedes. Isa sa dalawang server namin. "Miss, pinatatawag po kayo ni Miss Mimi. Nandyan na daw po pala kayo."

"O sige be. Papunta na ako."

Nagpaalam lang ako kay Lila at sinabing pupuntahan ko nalang siya sa bahay nila mamaya.

Nadatnan ko sa pintuan ng counter si Fifi na salubong ang kilay. "Ano 'yon, bakal? May pagbeso pa talaga ha. Tomboy ka na ba?"

Sinapok ko nga ang bading. Nakakaloka siya. "Gaga, ayon 'yong bestfriend ko. Si Lila. Umalis na kasi siya e. Don't worry. Kapag nadalaw siya ulit dito, pakilala ko kayo ni Mimi. Malay mo maging lalaki ka kay Lila," saka ko pa ito sinundan ng tawa.

"Yuck Lei! Don't say badwords! Nako! Magtrabaho ka na nga. Doon ka muna sa counter. Pineperfect pa namin ni Mimi ang specialty namin. Gora!" saka niya pa ako ipinagtulakan sa counter.

Katabi ko ang isang counter kung saan si Lani naman ang namamahala. Kapag hindi nakakapag counter si Mimi, si Lani ang pumapalit dito at si Cedes lang mag isa ang server. Kung minsan kapag wala naman ng nag oorder ay kaming nasa counter ang nagseserve.

"Good morning Miss Lei," bati nito sa akin habang ineentertain ang customer.

"Good morning din Lani. Palipatid mo na dito sa counter 2 'yang ibang customer mo. Para mapabilis tayo," tumango naman ito bilang tugon at ginawa ang sinabi ko.

Nakaka labing apat na customer na ako na walang hinto. Pakiramdam ko ay hilo na ako, napagtanto ko din na hindi pa nga pala ako nag aalmusal.

"Good morning po. Welcome to MiFiLei Pastry Shop. May I take your order po?" tanong ko nang hindi man lamang tumitingin sa customer. Nahihilo kasi ako kaya medyo naka yuko ako sa harap ng screen.

"Four blueberry cheesecake. Five cheesecake. Six vanilla cake with almond and two chocolate cake. Take out," otomatikong napa angat ang ulo ko sa tinig na narinig ko.

"Ikaw!?" halos lahat ng customer sa shop ay napatingin sa akin dahil sa pagsigaw kong iyon kaya't napayuko na lamang ako. Lumabas ako ng counter at hinatak ang lalaking kanina pa lumiligalig sa utak ko.

Dinala ko siya sa parking lot sa pamamagitan ng paghatak ko. Gaya ng dati ay may takip nanaman na itim na tela ang kalahati niyang mukha.

"You love parking lots, huh?" may pagka hambog sa tono nito.

"Hoy Ice Summers! Bakit ka biglang nawala kagabi? Tapos ngayon naman bigla ka nanaman sumulpot?"

"Why? Did you missed me? Ilang oras palang naman tayong naghihiwalay," at sinundan niya pa ng nakakalokong bining halakhak.

"Ay hanep, ang kapal! Curious lang ho ako mister! Aba syempre pagkatapos mo akong...... ano! Basta!" kusa akong napatigil sa kagagahan ng bibig kong derederetso kung magsalita. Bakit ba ni wala man lang akong nakuha sa katahimikan ng kakambal ko kahit kapiranggot?

"Ano misis? Ituloy mo," saka siya nagsimulang maglakad palapit sa akin at ang paghakbang ko naman patalikod.

"A-Anong misis ang p-pinagsasabi mo dyan!?" lintek na dila ko! Bakit bumabaluktot!? Dapat na ba akong magpa tingin kay tita Yna?

"Why? Don't you like the idea?" saka nanaman siya muling humakbang paabante sa akin. "You..... Me..... getting married."

Nang uurong ako ay naramdaman ko sa binti ko ang bumper ng isang sasakyan tanda na wala na akong uurungan.

Itinulak ko siya, ngunit para lang din akong nanulak ng pader sa ginawa ko. Grabe! Bakit ba bukol bukol 'tong taong 'to?

Pati kaya 'doon' nakabukol din?

Lintek ka utak ha! Manahimik ka dyan! Kalokohan mo ha!

"He!" saka ko hinampas ang dibdib niya. "Magpapakasal nalang ako sa sarili ko, huwag lang sa'yo! Ang bait bait mo na kagabi tapos ngayon pinairalan mo nanaman ako kayabangan mo!" nagpapasalamay ako sa dila ko na nasabi ko iyon ng tuloy tuloy.

"We'll see," saka niya biglang hinawakan ang pulsuhan ko at kinaladkad ako palapit sa passenger seat ng isang familiar na sasakyan.

Sapilitan niya akong isinakay nang hindi man lamang ako nakapanlaban.

"Isasama ko na muna siya. Salamat," nagulat ako nang nagsalita siya kaya't sinundan ng mga mata ko ang kinausap niya. Nakita ko sa pintuan ng shop sina Fifi at Mimi na kakaway kaway.

"Gora lang afam! Knowings ka naman namin. Hihihi. Kahit huwag na kayetch bumalik o kung babalik man kayetch, sana tatlo na kayo. Ingatan mo si Le-Kciel ha afam, labyu!" saka na sila parang kiti kiti na umalis ni Mimi sa pintuan.

Mga walang kwentang kaibigan! Ipinamigay ako! Lintek kayooooo!


"BWISET KA! MAGDAHAN DAHAN KA NGA! WAAAAAAHHHH! MOMMY KO! DADDY! TWINNNNNN! WAAAAAAAHHHH!" tanging malakas na halakhak lang ang isinagot sa akin ni gago, kahit halos mamatay na ako dito sa sobrang takot sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya!

"GAGO KA! KUNG GUSTO MO NG MAMATAY, HUWAG MO AKONG MADAMAY DAMAY!!"

Kung dati muntik lang ako tumama sa dashboard, ngayon umabot na talaga ako mabuti nalang ay maagap niyang nalagyan ng baby pillow ang harapan ko. Kung hindi baka pinaglalamayan na ako ngayon sa biglaan niyang pagpreno.

Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko at dinamba ko siya saka ko pinaghahampas sa dibdib!

"Walang hiya ka! Mayabang! Kaskasero! Gago! Walang modo! Lintek ka! Kung mamamatay din naman ako dahil sa pagdadrive mo, uunahin na kitang patayin-" kusa akong natahimik at napatigil sa paghampas sa kanya dahil may naramdaman akong matigas na tumusok sa pang upo ko.

"But it looks like you're a better driver than I am."

At lintek! Doon ko lang napagtanto na nasa taas niya ako. Nakaupo ako mismo sa kandungan niya paharap sa kanya!!!!!

Para akong natuod sa nangyayari. Hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Hiyang hiya ako na parang gusto kong kainin na ako mismo ng lupa ngayon din!

"Oh? Ayaw bumaba? Enjoying the feeling? Kung hindi abala sa'yo pwede kitang isatisfy-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Mabilis kong binuksan ang pintuan ng driver's seat.

Pero lintek lang talagaaaaa! Wrong move. Dahil sa pagkukumahog kong makababa, na slide ang paa ko nang itinulak ko ito sa passenger seat para sana maka alpas na ako ng labas. Ang siste ay nasubsob ako sa kanya......

...

...

...

...

...

...

...

Ang mukha ko ay nasa ibabaw ng ulo niya, at ang mukha niya ay nagpapakasasa sa dibdib ko!

LINTEEEEEEEEEKKKKK!

-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top