Twenty

Leickel's P.O.V


"BABY!" bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon.

Si Whynter lang naman ang sumigaw na iyon. Mukhang may hihingin na naman siya sa akin na imposibleng pagkain.

Naiinis na ako sa paglilihi niya. Kung anu-anong gustong bilhin ko sa kalagitnaan ng gabi, at kung anu-anong pinapagawa sakin sa pagkatirik tirik na araw. Gaya nalang kaninang madaling araw.

*****


"Baby," siguro pang limampung tawag na niya sa akin na hindi ko siya pinapansin. Alam ko kasing uutusan na naman niya ako.

"Matulog ka na Whynter!"

"AYOKO!" saka pa siya parang humikbi.

Heto nanaman ang drama niya. Mag iiyak iyakan para masunod ang gusto niya. Napaka abnormal niyang maglihi. Hirap na hirap akong mag adjust!

"Please Whynter, let me sleep. Makakasama sa bata 'tong pamumuyat na ginagawa mo sa akin kahit na ba ikaw ang naglilihi!" inis na siring ko sa kanya.

"Siguro hindi mo na ako mahal? Siguro meron ka ng iba ang gusto? Siguro may iba ng nagpapatibok ng puso mo?"

Heto na... heto na ang mga litanya niya na akala mo e niloko siya at iniwan sa ere. Jusko po! Kapag naman tinamaan talaga ng lintek.

"Oo na! Ano bang gusto mo!?"

"Gusto ko po Baby ng sabaw ng sinigang na may patatas at kamias," may halo pang pagpapacute na wika niya sa akin.

Nawala na ang angas ng drag racer na nakilala ko. Malapit na 'kong maloka sa ibang klaseng panlasa niya.

PASALAMAT TALAGA SIYA AT SA CONDO NIYA KAMI NGAYON, KASI KUNG NASA CONDO LANG KAMI NAMIN NI AEICKEL MALAMANG PINADLOCK KO SIYA SA CR!

"Wala na ba? Siguraduhin mo na lahat ng gusto mo Whynter dahil ipapa grab food ko lang 'yang gusto mo!" may gigil na wika ko.

"Baby galit ka ba?" at nagtanong pa nga?

"Hindi Teryong. Tuwang tuwa ako sa'yo," saka na ako nagdial sa phone ko. Mabuti na lamang at friend ko ang isang restaurant owner kaya kahit anong kaimposiblehan na pagkain ang gusto niya ay madali kong maipaluto at maipadeliver.

"Sorry, Baby."

Nagpout pa ang loko. Halata mong gusto lang magpacute talaga. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na kurutin siya.


*****

Napahawak ako sa tiyan ko na wala pang umbok at hinimas ito ng bahagya.

Anak, pwede mong manahin ang kagwapuhan, kakisigan, kabaitan, katapangan, at kasarapan ng tatay mo pero huwag ang utak niya ha? Hehehe.

"Bakit?" tanong ko nang makalapit na ako sa sala kung saan ay nakaupo siya at kumakain ng burger ng Jollibee na buns at mayonnaise lang ang laman. Tinapon niya ang patty. Hindi ba naman magaling 'di ba?

"Upo ka dito."

Aba? Kung makautos akala mo hindi ako napuyat sa kanya kagabi.

"Ano nanaman bang gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Nagsasawa ka na ba sa'kin?" ohh. That caught me off guard.

"Ano bang pinagsasasabi mo?" saka ko siya tinaasan ng kilay.

"Ayan gaya niyan, lagi ka nalang masungit sa'kin. Hindi ko naman kasi choice 'to Baby. Hindi ko naman ginustong maglihi para sa'yo. Hindi ko naman ginusto 'to," at ito na nga, nagsimula na mangilid ang luha niya.

Bigla ko na lamang siyang sinunggap ng isang mabilis na halik at muling dumistansya.

"Huwag ng magdrama Teryong. Kulang lang ang tulog ko kaya masungit ako. Naiintindihan kita don't worry, and few months from now ikaw naman na ang makakaranas nitong nararanasan ko," saka ko siya kinindatan.

"Oh fuck Baby, don't do that!" wika niya matapos ang panlalaki ng mata dahil sa ginawa kong pagkindat.

"What?" saka ko pa sinadya na maglip bite para lang asarin siya.

"FUCCCCKKK! WHY THE HELL ARE YOU DOING THIS TO ME LEICKEL AVRIA? GUMAGANTI KA BA!?" halatang halata sa kanya ang pagpipigil na gusto kong ika bunghalit ng tawa.

"Oh Baby, I'm not doing anything to you. I'm just being the usual me," at saka ko pa binasa ang mga labi ko gamit ang dila ko.

"FUCK! FUCK! FUCK!" halos pagsusuntukin niya na ang sofa sa gigil niya. Doon ay hindi ko na napigilan ang pagtawa ko ng napakalakas na ikinasama ng tingin niya sa akin.

"What now?" tumatawang baling ko sa kanya.

"You are taking advantage of my fucking weakness Baby. You're testing my fucking patience!" may gigil na ang mga salitang binibitawan niya.

"No I'm not," saka ko tila hinaplos ang leeg ko na tila ba may masakit dito pero ang totoo ay inaakit ko lamang siya.

"Hindi ko na kaya," and with that ay bigla na lamang niya akong sinugod saka binuhat at dinala sa kama.

Shit! Ginusto ko 'to.... at mukhang kayo din ay alam niyo na ang kasunod na nangyari.

"You'll pay for seducing me lady. You'll surely pay."

"AHHHHHHHH!"

KATATAPOS niyang magshower at ngayon ay tinutuyo niya ang buhok niya ng blower.

"Whynter?" napalingon naman siya sa akin sa pagtawag kong iyon.

"Yes Baby?"

"How did you endure looking at me from afar? Gaano mo tiniis na hindi ako lapitan at ibilin lamang kay Tyler?" tanong ko sa kanya na bahagyang ikinaigtad niya.

Bago siya sumagot ay umupo siya sa gilid ng kama kung saan naroon ako. "I love you enough to endure things. I love you enough to make your wishes true. You wanted peace, I gave it to you. You wanted to breathe, I had let you. You wanted space, I gave it to you. I love you so much that I'm willing to give up, fall back, tendure, and shift back everything if it will make you happy and comfortable. I can do everything for you, and if I can't, I'll force myself even if it'll cost my life."

Halos hindi na kainin ng sistema ko ang mga iba pa niyang sinabi dahil tumarak sa isip at puso ko ang bigat ng mga kataga ng pagmamahal niya. Why am I so lucky to find such guy?

"At first akala ko tinalikuran mo na din ako nang talikuran kita. Akala ko tuluyan mo na akong hinayaan sa buhay na gusto ko."

"Those flowers that you received everyday? They are from me.... saying na, I'm always there. Supervising you, watching you, and loving you. Kapag nga hindi kita nadalaw ng isang buong araw, pumupuslit pa ako sa bahay na tinitirhan mo at panonoorin kang matulog sa gabi. Sapat na sa akin 'yon. Just looking at my angel while she's asleep, that's more than enough. But please...." bigla niyang binitin ang dapat na sasabihin niya.

"What?"

"Don't be far away from me ever again. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Hindi ko na alam kung magkakaroon pa ba ulit ako ng lakas ng loob na panoorin kang masaya habang kausap ang iba. I had enough for those past few months. Please?"

Iyong mukha niya ay iyong mukhang hindi mo magagawang tanggihan. Mukha ng isang taong nagmamahal ng totoo, at mukhang ng isang taong sabik sa taong mahal na mahal niya.

"Yes. I promise," and with that, we sealed my promise with a very long passionate kiss.

I guess, this is really how we should do it.

Whynter's P.O.V

Iniwan ko muna si Leickel sa mga magulang niya. Tinawagan kasi ako ng kanyang anghel upang makipag usap ngayon sa akin. Mukhang mahalaga ang nais niyang sabihin.

Binabagtas ko ngayon ang kahabaan ng Batangas. Sa tagong lugar niya nais makipagkita dahil daw mas mabuti na ang ganito kaysa isugal namin ang kaligtasan n iba. Ibang klase talaga siyang mag isip. Minsan ang hirap ma arok ng kanyang kaalaman.

"You're late," bungad niya sa akin pagbaba na pagbaba ko ng sasakyan ko. Nakasandal siya sa puno ng mahogany at mukhang nakahanda talaga sa pagdating ko.

"Pasensya na. Iniwan ko pa kasi ang kakambal mo sa bahay ng parents niyo."

Yep. I met up with Aeickel.

"Enough of your reasons," saka siya umalis sa pagkakasandal sa puno at unti unting lumakad papalapit sa akin. "Things went rough."

"What do you mean?" gulong tanong ko dito.

"I showed her myself. Gulat na gulat siya, but the main point is, she's insane."

"What the fuck? Akala ko ba hindi ka magpapadalos dalos pero bakit nagpakita ka sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"It is so saddening na hindi maabot ng utak mo ang pag iisip ko," then she smirked. "I did that to save both of you."

"Both of us!? From what!?" gulong gulo na ko sa mga sinasabi niya at hindi ko na mahuli kung saan ba kami patungo.

"From her other plans. Ngayong alam na niya, na alam ko kung sino siya, ay tatahakin na niya ang mas madaling paraan para mapatay o masaktan si Leickel," confident na wika niya sa akin na lalong ikinagulo ng isip ko.

"I think your calculations are wrong, missy--"

"No Villafuerte. My data and calculations were never wrong."

"And how the fuck am I suppose to understand what you just said? Ginawa mo 'yon para tahakin niya ang madaliang pananakit kay Lei? Wow. You just really did the right thing," alam kong kababakasan ng sarkastiko ang tinig ko.

Bigla na lamang niyang hinigit ang baril sa bewang niya saka bigla siyang nagpaputok sa puno ng mahogany at ganoon na lamang ang gulat ko nang may bumagsak doon na isang malaking ibon at kasunod naman ay nagliparan ang maliliit na ibon paalis.

"Just like this big bird, mawawala siya sa landas nating lahat at pare-pareho tayong makakalaya. The more she choose the short cut, the more it is easier for me to deal with her. Less polished plans, more chances of getting caught. Gaya ng ibon na ito, mas pinili niyang kainin ang maliliit na ibon kaysa magtyaga na manghuli ng isda sa dagat pero hindi niya alam may trahedya na palang naka abang," saka niya ako tinitigan ng mataman saka ngumisi.

Fuck. I'm getting speechless. She's so fucking cool and accurate.

"Know where you stand Villafuerte. Pinili mo ang kakambal ko, mas mabuti siguro kung medyo hahasain mo ang utak mo. I don't want my sister and nephew to be in danger again, or else I'm gonna fucking kill you," saka siya may inihagis sa akin na isang kahon mula sa bulsa niya.

"What is this?"

"It's for you to find out," at mabilis na siyang umibis sa sasakyan niya at humarurot paalis.

Nang buksan ko iyon ay bahagya akong nagulat. Sa pagkakatanda ko ay nawala ko na ito noon.

Leickel's P.O.V

Kanina pa ko nakasibangot dito dahil napakatagal ni Whynter na sunduin ako. Sinabi niya may aasikasuhin lang daw siya pero halos buong araw na siyang wala.

"Nalugi ka yata anak," napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig.

"Paano kasi Papa, si Whynter hindi pa din ako sinusundo," pagmamaktol ko.

"Ah. Kaya naman pala mahaba pa sa San Juanico Bridge iyang nguso mo at mas lukot pa sa pinaka abstract na pinta ni Pablo Picasso 'yang mukha mo."

"Papa naman e!" namusit pa.

"Halika nga dito," nakita kong ibinuka niya ang mga kamay niya na nagpapahiwatig na nais niyang yakapin ko siya na agad ko namang ginawa. "Haaaay. Ang bunso ko, buntis na."

"Ooopp, ooopp, hindi ka pwedeng himatayin buntis ako, hindi kita masasalo!" babala ko na dahilan kaya pinitik niya ang ulo ko.

"Nalulungkot lang ako," halata nga ang pananamlay sa tinig ni Papa.

"Bakit naman Pa?"

"I know, sooner or later hihingin ka na sa amin ni Whynter and I don't think if I have emough courage to let you be with him. All your life, I'm the only man you love. Syempre hindi counted si Aeickel, mukha lang lalaki 'yon pero babae pa din 'yon," pareho kaming natawa sa tinuran niya.

"Papa nothing will change naman kung mangyayari man 'yon. Ako pa din 'to. 'Yung mahal mong bunso. 'Yung batang umiiyak kapag iniwan mo habang tulog. 'Yung batang sasalubungin ka ng halik pagkagaling sa school. Ako pa din 'to pa. Madadagdagan ka nga lang ng isa pang alagain," saka ko itinuro ang tiyan ko na ikinangiti ni Papa.

"If only your Lolo Leandro is alive, naku makakatok ka noon kasi mas nauna ka pang nabuntis kaysa ikinasal."

Kasal? But I rejected him once. I don't think na maikakasal pa ako.

"Tito?" napakalas ako kay Papa ng marinig ko ang tinig na iyon ni Whynter. Agad akong napatakbo sa kanya at sinunggaban siya ng yakap.

"Wow ha, 'nak! Pasabi sabi ka pa na ikaw pa din 'yong baby ko, pero nakita mo lang 'yang jowa mo nakalimutan mo ng ako 'yung tatay mo na dahilan ng pagkasilang mo sa mundo," kapwa naman kami natawa sa sinabi ni Papa.

"Papa kita, pero siya 'yung tatay ng anak ko, kaya Pa, siya muna ngayon ha," saka ko siya kinindatan at inakay na si Whynter paalis.

This is one peaceful life. Sana magtuloy tuloy na.

ISANG kalabog ang gumising sa akin sa himbing kong pagkakatulog. Agad akong napatalima at napabangon. Halos hindi ako magkamayaw sa pagkukumahog na marating ang pinto ng condo dahil sa kaba ko.

Nadatnan ko si Whynter sa harap ng pinto at halatang gulat na gulat. Agad akong humangos sa kinaroroonan niya at ganoon na lamang din ang gulat ko nang makita kong may dalawang nakaitim na lalaki ang nakahiga sa pintuan namin na tila wala ng buhay. Tila ang dalawang ito ay isa mga gwardya ni Lola Cassandra!

Halos panawan ako ng ulirat sa nakita ko. Luminga linga ako sa paligid at mas lalong hindi matanggap ng sistema ko nang mahagip ng paningin ko ang unti unting pagsakay ni.......

...

...

...

...

...

...

...

...

Mimi sa elevator ng nagmamadali at..... may hawak siyang baril.

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top