Seventeen
Leickel's P.O.V
Pagpasok na pagpasok ko ng condo namin ay bumungad na siya sa akin kaya't nangilid na agad ang mga luha ko.
"Tell me you're okay, tell me."
"Twin!" saka ako parang bata na yumapos sa kanya ng sobrang higpit.
"I won't forgive her," hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Basta't nakayapos lamang ako ng mahigpit sa kanya habang walang tigil ang pag agos ng luha sa mga mata ko.
"I don't know, what should I do now? Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin. Para na kong mababaliw."
Mula ng malaman ko kay tita Yna ang lagay ko ay tila na ako naputulan ng mga paa. Hindi ko na alam paano ba kumilos o kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko na alam!
"Just be what you are, Lei. I'll do everything I can to save you from this misery."
"What do you mean? Alam mo na ba?" I asked. At alam kong mali na tinanong ko pa, dahil we are talking about Aeickel here. She doesn't have to see for her to know.
Instead of answering, I felt her hands caressing my back as if telling me that everything would be fine. Lalo akong napahagulgol sa ginawa niyang 'yon.
"Live the way you want, Lei. Don't make nonsensical decisions. Hindi ko sasabihin na huwag kang magpaapekto, ang sa akin ay huwag mong hahayaan na kainin ng problema ang mga magiging desisyon mo."
Humiwalay ako sa kanya at pinagmasdan siya sa mga mata. Mga mata na para na din akong nakatingin sa sarili kong mata ngunit ang kanya ay mas malalim at mas mahiwaga. Maraming nais sabihin ngunit ayaw iparating.
"Gusto kong sundin ang suhestyon mo, pero Aei, para akong sinasakal. Para akong kinakapos ng hininga. Para akong isinumpa. May nagawa ba 'kong mali?" tuloy tuloy lang ang mga luha ko sa paglandas sa pisngi ko.
"You don't have to hold it. You don't have to bear with it. I'm simply saying that, don't let your decision be affected by your emotion. You'll regret it one day. If you'll decide about something, do it because it is the best choice you have, do it because it will bring you the least pain, do it because it will give you the best outcome. Never decide based on what you feel. Decision making is the job of the brain, and heart has nothing to do with it."
"Does life need to be this hard?" I asked generally, not pertaining to mine.
"You wouldn't feel alive if it will be as easy as you think it would be," saka niya ako tinalikuran at itinuloy ang kapeng tinitimpla niya kanina. "Wipe your tears. Baka sunduin ka ng magaling mong boyfriend at kung ano pang isipin. Alam kong tinakasan mo siya."
"Twin, how can I face him? Paano kong sasabihin sa kanya na, 'hi Whynter, I was so careless and now we're not allowed to have a child'. Twin isa akong Freezell, minsan lang may karapatan magka anak, ang sakit lang na ultimo ang karapatan na 'yon, nawala pa sa akin."
"Tell him. Kung hindi ka niya matatanggap, I'm gonna fucking kill him," her voice was too serious for me to take it as a joke.
"Hindi ganoon 'yon, Aei. Hindi ganoon kadaling sabihin 'yon lalo na't sa taong mahal mo pa kailangan mong sabihin iyon. Maiintindihan mo 'ko kapag natutuhan mo nang magmahal."
"Okay."
Pinunasan ko ang mga luha ko at naupo sa sofa. Kapag talaga ganitong drama, hindi mo makakausap si Aei ng matagal. Ayaw niya ng umiiyak, ayaw niya ng nakaawa. Maliit palang kami, ayaw na ayaw niya ng mga bagay na nakakaiyak o madadrama.
"Twin?"
"Hmmmm?" she answered as she took a sip in her coffee.
"Sino sa palagay mo ang gagawa sa akin noon? Random lang ba ang pagkakatusok sa akin noon dahil napagtripan ako o talagang may nagtatangka sa kaligayahan ko."
Nakita ko ang biglaang pagtingin niya sa akin ng malalim. Hindi ko siya kinakitaan ng gulat o pagpiksi, ang nakita ko ay ang Aeickel na tila nag iimbestiga.
"Don't trust someone just because she smiles at you. Even a snake will first hug you until it finally kills you. Be aware of someone's sweet words, it may taste like honey, but it has a deadly venom," saka na siya tumayo at nagtuloy sa silid niya. Iniwanan niya nanaman ako ng isang palaisipan.
NAGISING ako sa walang hintong pagdodoorbell sa condo ko. Nakatulog nanaman pala ako s kakaiiyak sa kakaisip sa estado ng katawan ko. Napadako ang mata ko sa orasan at halos mag aalauna na ng madaling araw. Halos dose oras akong nakatulog.
Tumayo ako at hindi na inisip silipin kung sino ang nagdodoorbell. Pupungas pungas akong binuksan ito. Bumungad sa akin si Whynter na tila pinagbagsakan ng langit at lupa.
Hindi pa ako nakakapag salita ng bigla na lamang niya akong higitin at yakapin ng mahigpit saka kalaunan ay hinalikan ng napaka riin. Nalasahan ko ang lasa ng alak sa mga labi niya.
Itinulak ko siya dahil pakiramdam ko ay magdurugo na ang mga labi ko sa sobrang tindi ng pagkakahalik niya sa akin. Kung halikan niya ako ay tila niya ako pinarurusahan.
"Ano bang problema mo!" sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ang mga labi ko.
"YOU! Ikaw! Ikaw at ikaw lang naman ang nagiging problema ko, Lei!" sa isang iglap ay bigla naman rumagasa ang mga luha sa mata niya.
"WHAT!? What the hell is wrong with you!?"
"You left me! Hinanap kita. Pinagtanong. Pang siyam na balik ko na 'to dito sa condo niyo. Para akong pakawalang babae na iniwan nalang bigla ng isang fuck boy matapos gamitin."
"Where are you getting at, ha Whynter?"
"Bakit hindi ka nagpaalam!? I thought, nawala ka na sa akin. I thought, tinakbuhan mo na ko. I heard you last night. You are asking for my forgiveness. Why, Lei? Anong mali? Masaya palang tayo 'di ba?" Narinig niya!?
"W-Walang mali. W-Wala."
"Wala? And you want me to believe you?" hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Kung magsalita siya ay parang may alam siya pero kung tititigan mo siya ay parang clueless pa din siya sa kalagayan ko.
"K-Kung ayaw mong maniwala, fine! Huwag!"
Bigla nanaman niya akong hinatak at niyapos. This time ang yakap niya ay yakap nalang ng pangungulila. "I'm sorry, Baby. I'm sorry. I'm fucking obsessed with you. Para akong mababaliw dahil akala ko iniwan mo na 'ko."
"W-Whynter."
"Promise me you won't leave me again. Ever. Promise me that we'll build our own home, our own family, our own love nest."
"Whynter-."
"Promise me."
"I-I promise," I said hesitantly. Dahil ako mismo hindi ko alam kung matutupad ko ba ang pangakong ito lalo na ngayon na hindi ko kayang sabihin sa kanya ang kalagayan ko.
Hindi ako natatakot na iwanan niya, ang kinatatakot ko ay ang katotohanan na hindi niya ako matanggap, mawala na ang ganitong kasidhi niyang pagmamahal sa akin at higit sa lahat hindi ko maibigay ang pamilyang pinapangarap niya.
"MADAM!" ramdam ko ang gigil at diin ng pagkakabanggit ni Fifi non nang makapasok ako sa entrance ng MiFiLei.
"Fi-."
"Don't Fifi me! I'm mad!"
"Mi-."
"Hep! Don't talk to me."
Gusto ko nanaman maiyak sa sinasabi niya. Alam kong nag aalala sila ng husto sa akin kaya't ganyan ang mga reaksyon nila.
"Please."
"Ano 'to? Lulubog lilitaw ka kung kelan mo gusto? Pag aalalahin kami ng sobra? Aba magaling kang bilat ka kung ganon," saka niya pa ako nakahalukipkip na inismiran.
"Fifi naman. Sobrang dami kasing nangyari-."
"Ayon na nga e. Sa sobrang dami ba kaya hindi mo man lang naisip na may mga kaibigan ka dito na hindi mo nga naman best friend na nag-aalala sa'yo?" this time ay ramdam mo na talaga ang hinanakit sa boses niya.
"Hindi naman sa ganon Fifi-."
"Pero ano? Parang ganon na nga?" pagsingit naman ni Mimi.
"Please guys here me out first?"
"So ayon nga? Lagi ka nalang mawawala tapos kami abang abang nalang sa mga kwento mo pagbalik?" sabat naman ni Fifi.
"I love you two. Thank you for always putting up with me all this time. Thank you for understanding my short comings. Marami lang talagang nangyari-." Pero bago ko pa mayari ang kung ano mang dapat na sasabihin ko ay sinugod na nila ako ng yakap dalawa. I've been receiving to many hugs these days.
"Huwag ka ng magkwento. Galing dito 'yong jowa mo kahapon dahil hinahanap ka. Siya na 'yong nagkwento ng lahat lahat ng nangyari. Walang labis walang kulang," wika ni Mimi.
May kulang Mimi. Dahil kahit si Whynter ay hindi masasabi sa inyo ang problema dahil siya mismo ay hindi niya alam. Hindi ko din maibabahagi ang binubuo kong desisyon sa inyo. Marami, maraming kulang.
"Really?" tanging naisagot ko nalang.
Hinainan nila ako ng makakain dahil daw napakalaki daw ng ibinagsak ng katawan ko.
"Bilat, sa susunod na lalayas ka at alam mong mapapatagal sabihan mo kami agad ha? Para naman hindi kami nanghuhula kung napapano ka na," magkakasunod naman na tango ang itinugon ko sa sinabing iyon ni Fifi.
"Nga pala Lei, nnong mga linggo at araw na wala ka laging nandito si Lila. Mukhang alalang alala na din sa'yo 'yong isang 'yon. Nagpupunta daw siya sa bahay ng parents mo, lola mo, ay condo mo pero wala ka daw lagi," bigla akong napatigil. Oo nga pala si Lila!
"Hayaan mo't bibisitahin ko siya mamaya-."
"Baby." agad akong napalingon sa likuran ko dahil alam ko kung sino 'yon.
"Nandito ka nanaman? Alam mo malapit na 'kong magka phobia sa'yo e. Kapag nandito si Lei at pumunta ka siguradong ipupuslit mo nanaman siya," nakasibangot na wika ni Fifi.
"Nope. This time you'll be joining us."
"Huh?" magkapanabay na sagot ng dalawa.
"Aalis tayo ng alas tres ngayon. Prepare your clothes for two days. We'll be out of the town for two days."
Mabilis pa sa alas kwatro na tumalima ang dalawa at nagkanya kanyang dial sa telepono para mag utos ng tao na aasikaso ng mga gamit nila sa kani-kanilang bahay.
"Where are we going? Whynter gusto ko muna sanang mapag isa at makapag isip," tanong ko sa kanya habang busy ang dalawa.
"Ano bang dapat mong pag isipan. Baby, let's just enjoy ha?" gusto ko man magprotesta ay napatango na lamang ako.
HALOS hindi magkamayaw ang mga tao sa harapan ko sa pagtatampisaw sa dagat. Yes, dagat nanaman. Bumalik lang kami dito sa Five Fingers ng Mariveles, Bataan. This time ay kasama na namin ang pamilya ko. Pwera lang kay Lola Cassandra at Tito Loard. May aasikasuhin daw kasi sa kumpanya.
"Tita Lei," napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Ayler na nakangiti sa akin habang may hawak na talangka. Anak ni ate Aiyell at kuya Claw sina Ayler at Ayce.
ANAK. Anak na hindi ako magkakaroon.
"Hala baby boy, hindi ka ba naman kakagatin niyan?" may pag aalala kong tanong.
"No po tita. Sabi kasi ni Ayce hindi naman daw po nangangagat 'yong like this po according daw po sa book."
"Okay okay. Just be careful ha?"
"Yes po tita," saka ito ngumiti at nakita pa ang bungi nito sa ngipin.
"Kuya Ayler!" kapwa kami napalingon ni Ayler sa nagsalitang iyon. Si Axel. Ang anak ni ate Avrein at kuya Vience.
"Bakit Axel?" tanong ni Ayler dito.
"Tawag tayo ni tita Leyvance, wala daw kalaro si Leik," sagot naman ni Axel.
"'Yong lawa talaga na 'yon. Tara na nga," saka nito inaya ang nakababatang pinsan at pinuntahan si Leik. Si Leik ay ang anak ni ate Leyvance at kuya Dreik.
Si Leik. Si Leik na mawawala na dapat kay ate Vance ngunit may himalang nangyari. Ako kaya? Magkakaroon pa kaya ng himala? Alam kong malabo na. Malabong malabo.
"Mag iingat kayo, kids."
Paalis na sila nang bumalik si Ayler sa akin, "Tita tawag po pala kayo ni Mommy doon po sa likod po ng cottage."
Tumango naman ako at tumayo sa buhangin na kinauupuan ko. Tinungo ko ang likod ng cottage at ganoon nalang ang gulat ko sa nakita ko.
May mga petal ng rosas na nakakalat sa sahig ngunit sa pinakagitna ay mayroong nakahugis ng puso. Kinakabahan man ay nilakaran ko ang tila daan na hinigus ng mga petal ng rosas.
Nang makarating ako sa gitna ay biglang tumugtog ang isang may kasiglahang awitin at lumabas sa Whynter sa hindi ko malamang sulok habang may hawak na mic. Gusto kong matuwa ngunit parang alam ko na kung saan hahantong ang senaryong ito. Bakas sa mukha niya ang kaba at butil butil na pawis. Sinabayan niya ang ritmo ng tugtog habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang boses niya.
Sa isang banda hindi iyan ang gumugulo sa akin sa ngayon.
Beautiful Soul
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
I know that you are something special
To you I'd be always faithful
I want to be what you always needed
Then I hope you'll see the heart in me
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Your beautiful soul, yeah
You might need time to think it over
But I'm just fine moving forward
I'll ease your mind
If you give me the chance
I will never make you cry c'mon let's try
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your beautiful soul
Am I crazy for wanting you?
Maybe do you think you could want me too?
I don't wanna waste your time
Do you see things the way I do?
I just wanna know that you feel it too
There is nothing left to hide
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
You're the one I wanna chase
You're the one I wanna hold
I won't let another minute go to waste
I want you and your soul
I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul
Ooooooo
Beautiful soul, yeah
Oooooo, yeah
Your beautiful soul
At gaya ng inaasahan ko, gaya ng mga madalas kong iutos sa mga naging asawa ng mga pinsan ko, bigla siyang lumuhod sa harap ko habang may hawak na kahitang pula.
"Lei-."
"W-Whynter please don't-."
"Baby. Leickel Avria Lou- Freezell soon to be Villafuerte. I'm so obsessed with you. I feel like my whole world is breaking just merely not seeing you. Baby I'm not good with these things. Baby, will you marry-."
Ngunit bago niya pa matapos ang dapat na sasabihin niya ay tinabig ko ang kahitang hawak niya. Dinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin. May mga tao na pala. Nandito na pala ang buo kong pamilya. Nandito na pala sila. Masasaksihan nila kung gaano ako magiging walang pusong tao. Masasaksihan nila kung ano ang nabuong desisyon ko.
"Hindi. Hindi kita pakaksalan. Hindi kahit kailan."
And with that, I turned my back at everyone. I TURNED MY BACK AT HIM. AT SOMEONE I LOVE THE MOST. I run as fast as I could. I tried to escape in this world full of sufferings.
I'm sorry. Masyado kitang mahal at hindi ko kakayanin na ibigay sa'yo 'yong pamilyang pinapangarap mo. I'm sorry.
--
A/N: Please do comment para mamotivate akong mag update. Kasi bilang manunulat dadapuan at dadapuan ka kasi talaga ng 'katamlayan' lalo na kung hindi mo na alam 'yong outcome sa readers.
Ps. Once a week ang update. Kapag hindi naiupdate ng Thursday, Saturday niyo na asahan. Kapag wala pa din ng Saturday, Sunday na non. AT KAPAG WALA PA DIN, KABAHAN NA KAYO. BAKA NAWALAN NANAMAN AKO NG ENTHUSIASM SA PAGSUSULAT.
SALAMAT AT PATAWAD. - Lay
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top