Nineteen

Leickel's P.O.V

"Anak!" napalingon ako sa pinanggalingan na iyon ng tinig. Bumungad sa akin si Tita Whynona, ina ni Whynter na may nag aalalang mata habang tulak tulak ni Nana Maring ang wheelchair na kinauupuan nito.

"Tita," hinarap ko ito saka lumuhod sa harap niya.

"Leickel anak, anong nangyari kay Whynter? Nasaktan ba siya? May malubha ba siyang karamdaman? Anak sabihin mo naman oh," ramdam ko ang paggaralgal ng boses nitong dahil sa mga luha niyang nagbabadyang tumulo.

"Tita, okay lang po si Whynter. Huwag po kaying mag isip ng kung anu-ano dyan," nakangiti kong saad dito. Ngiti na naniniguro. "Baka nga po isa pang magandang balita ang dumating," makahulugan kong pahayag.

Nakaabang lang kaming lahat sa paglabas ng doktor na tumitingin kay Whynter. Iilan ilan lamang kaming narito dahil hindi ko pa naipapamalita ang nangyari kay Whynter.

Umaasa ako na ang nangyaring iyon kay Whynter ay dahil sa isang magandang dahilan, isang magandang dahilan na kahit kailan ay hinding hindi ko tatanggihan.Pero anhin ko mang isipin, isa iyong kaimposiblehan, ngunit hindi nga kaya iba ang lakas ng pagmamahal sa akin ni Whynter?

Kung anu-anong pumapasok sa isipan ko. Kung anu-anong posibilidad, kaimposiblehan at pangarap. Sa simpleng pagkakahimatay laamng niya ay lubos akong umasa. Pasimple akong napahawak sa aking tiyan.

Nariyan ka na nga ba talaga, anak? Hinihintay mo nga lang bang maramdaman ka ni Mommy? Pero paano kang nakaligtas sa kemikal na iyon, nak? Mukhang isa kang magaling na swimmer ah?

Para akong timang na nangingiti sa naiisip ko.

"Tita are you getting insane?" napatingin ako sa masungit na si Ayce na ngayon ay nakaupo na pala sa tabi ko. Sinama kasi siya ni ate Aiyie ng malaman nila kay twin na nasa ospital ako. "Why are you smiling?" nakanguso pa nitong singhal sa akin.

"It's because.......... Tita Lei is thinking what name would best fit a baby boy." sabat naman ng kakambal ko na narito na din pala sa tabi ko.

"Hmmmm?" nakahalukipkip at nakataas ang kilay na wika nito sa akin. "I guess I'll be having a new cousin soon," saka na kami nito tinalikuran at sa gulat ko ay bigla na lamang itong hinimatay na mabuti nalang nasalo agad ni Aeickel.

"Sinasabi ko na nga ba," iiling iling na wika ni twin saka binuhat si Ayce.

"Mahirap talagang takasan ang pagiging isang Freezell, twin. Pati habits naipapasa. Kahit gaano pang kasungit itong si Ayce basta't tungkol sa sanggol ay hindi din pala makakaligtas," tumatawa kong pahayag.

Bigla naman lumabas ang doktor at nilapitan ako. Kanina kasing dinala ko si Whynter dito ay sinabi ko na sa kanila na ako ang nobya niya.

"Ms. Freezell, wala naman ho kaming nakitang mali sa kanya maliban lang sa mga sugat niya sa kamao na tila ba ipinansuntok niya sa isang matigas na bagay," litanya sa akin ng doktor.

"Salamat ho dok-"

"Oo nga po pala Ms. Freezell, tinext ako ng tita Yna Azalea niyo na makipagkita daw kayo sa kanya ngayon."

Hindi na ito nagdalawang salita sa akin at agad kong tinungo ang opisina nito. Hindi ko na napansin ang mga naiwan kong tao na tila tulala sa iginagawi ko.

"Yes tita?" ika ko pagkapasok ng pagkapasok ko ng opisina niya.

"I think you already has a hint why I asked you to be here," walang gatol at ligoy na wika nito,

"Sort of, but I still want to clarify things."

"I didn't mean to make you suffer, it's just that I was left with no choice-"

"Because I asked her to tell those things to you," nagulat ako kay Lola Cassandra na kalalabas lang ng banyo at nagpupunas pa ng kanyang mga kamay.

"Lola-?"

"Yes, Leickel?" halatang halata ang taras nito sa simpleng pagbitaw lamang ng pangalan ko.

"Why-? I mean, what did I do for you to do that thing to me?" parang bigla ay gusto kong magalit. Parang gusto ko siyang kamuhian.

"That's the problem with you, my apo. You didn't do anything. Nasanay ka na puro gusto mo ang nasusunod. Nasanay ka na lahat ng nangayayari ay nakapabor lamang sa mga nais mo. Nasanay ka ana kapag ang sitwasyon ay sumalungat na sa kagustuhan mo ay bigla ka na lamang tatakas at magpapakalayo layo."

Gustong gusto kong hulihin ang mga sinasabi niya, ang mga nais niyang iparating ngunit hindi ko alam kung paano.

"Lola, I don't get you at all-"

"It's not that you don't get me at all, it's just that you're too afraid that I touched your weakest spot."

Napakatalinhaga niya.

"Mama did that to you para matuto kang makibagay, para matuto kang makiayon, para matuto kang pahalagahan hindi lamang ang sarili mo. Leickel iha, hindi lamang sa'yo umiikot ang mundo. Hindi ito hihinto dahil lamang baliktad ang gusto mong inog," napakahabang turan ni Tita Yna.

"Plinano kong lahat. Ang pagsaksak sa'yo ni Claw ng inakala mong masamang kemikal sa supermarket, ang pagsasabi sa;yo ng Tita Yna mo na hindi ka ana magkakaanak, lahat iyon ay plinano ko. Gusto kung paano mong pakikiharapan ang ganoong sitwasyon, but missy, you disappointed me," saka pa siya iiling iling na tumingin sa akin.

"Don't you know that Mama gave Whynter a test, too?" doon ay napaangat ang ulo ko mula sa pagkakaduko.

"What??"

"Yes. I gave Whynter a test for me to know how much love he can offers you and what are the things he can gives up just to have you, and you know what? He passed. He undoubtedly passed," sagot naman ni Lola Cassandra.

"What test have you gave him?" tanong ko.

"His car and his career as a drag racer. He left it as soon as I told him that I will only tell him, where did you run, if he would quit racing and give up his precious car."

"What!? You did that to him!? Lola what are you thinking!?"

"I didn't do this for fun Avria, I did this to secure your happiness. I did those things to make you realize that, no matter how bad the situation is, no matter how cruel the world is, always choose to love, always choose what makes you happy, always choose what your heart tells you to do, for in the end, love conquers all, and if it can't conquer everything, then it is not love at all."

Doon ay para akong tinanggalan ng tinik sa lalamunan. Mabilis akong napayakap sa Lola ko. "I'm sorry, Lola. I'm so sorry. I will never disappoint you ever again."








PARA akong sira ulong nakangiti habang nakatitig sa maliit na aparatong hawak ko. Papasok ako ngayon sa dining table ng mga Freezell. Tinipon kaming lahat ni Lola Cassandra dahil kaarawan ni Lolo Leandro ko, at ngayon ko din balak sabihin sa lahat ang mabuting balita.

"...oo nga Mommy! Tapos sabi ko ni kuya Ayler ikiss ko daw po para akin na siya agad," bibong wika ni Axel.

Nagtawanan ang mga nasa hapag at nakita kong pakunwaring pinagalitan nina ate Aiyell at ate Avrein ang kani-kanilang mga anak.

"Ehem," pagkuha ko sa atensyon nilang lahat.

"Baby come here, upo ka dito sa tabi ko," nakangiting giya sa akin ni Whynter. Wala pa din siyang alam sa sitwasyon. Pinakiusap ko muna sa mga nakakaalam na sasabihin ko na lamang kapag kumpirmado na.

"Ahmmm. I have an announcement po," malawak ang ngiti ko sa kanilang lahat bago ko tuluyang inilabas ang maliit na aparato na itinago ko sa likod ko.

"NOOOOOOOOOOOOO-"

"LEI, 'WAAAAAAAAGGGGG-"

"SHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIITTTTTTTTTTT!"

"I'M PREGNANT!" halos gusto kong magtatalon dahil sa ibinalita kong iyon. Inaasahan ko na magiging masaya silang lahat para sa akin ngunit ibang iba ang nangyari. LAHAT NG MGA LALAKI AY HINIMATAY. Halos hindi magkamayaw ang mga asa-asawa nila sa pagsalo sa kanila.

Napatingin ako kay twin at nakita kong ngumisi siya sa akin at bumulong, "You're so naive."

Halos himatayin din ako nang bigla na lamang ay bumangon ang mga lalaki na tila mga zombie. Walang focal point ang kanilang mga mata. Para silang gising na tulog.

Bigla ay lumapit sa akin si Whynter at kinuha ang pregnancy test kit sa kamay ko saka siya lumuhod at maingat na binitaw ito bago niya ito sinamba na parang nag hahallelujah. Ginaya din siya ng ibang kalalakihan. Matapos sambahin ay biglang tumayo si Whynter at sumigaw ng....

"OHHHHHHHHHHHHH! WHO LIVES IN A PINEAPPLE UNDER THE SEA?" - Whynter

"SPONGEBOB SQUAREPANTS!" ¬- all boys

"ABSORBENT AND YELLOW AND POROUS IS HE!" - Whynter

"SPONGEBOB SQUAREPANTS!" - all boys

"SAAAAAAAAAA ILALIM NG PUTING ILAAAAAAAAWWWWWW!" halos maputol na ang litid ni Whynter sa lalamunan sa pinaggagawa niya ngunit hindi ko siya mapigilan kaya't hinahayaan ko na lamang.

"SAAAAA DILAWWWW NA BUWAAAAAAAAAAANNNNNNN!" si Papa iyan na hindi na din maawat ni Mama.

"TITA LEI IS PREGNANTTTTTTTTTTTT!" lahat kaming babae ay napalingon sa batang bata pang si Leik. Pati siya ay nakuha ang habit na ito.

"WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" lahat ay halos mabaliw na.

Ang mga tito ko ay nagtatalon na sa kama saka nag headbang, ang mga asawa ng mga pinsan ko ay nagpadulas sa mahabang hagdan ng mansion na akala mo mga bata, at si Whynter na ayun, nakikipag bato bato piks sa malaking salamin.

Wala na kong hahanapin pa sa pamilyang ito. Wala na.












Someone's P.O.V

"PUTANG INA!" saka ko nagsiiwasan ang mga katulong dahil ibinato ko na lamang bigla sa kanila ang basong nasaharapan ko.

Nanggagalaiti ako sa nalaman ko. Buntis ang malanding Leickel. BUNTIS SIYA.

"Boss, kumalma naman po kayo-"

"EH KUNG PAKALMAHIN NALANG DIN KITA HABANG BUHAY, GREG? SA PALAGAY MO LANG?" taas kilay na alok ko dito.

"Boss naman. Ako na nga lang 'yong napagkakatiwalaan niyo tapos ginaganto niyo pa ko," sentimyento naman nito.

Sa halip na pansinin ay tumayo ako at dumaan sa harap niya. Pumunta ako sa dart board ko kung saan naroon ang mga litrato ng limang magpipinsan na Freezell.

"Buntis? Tandaan mo Leickel, isang beses ka lang maaaring magkaanak, at kapag nawala iyan, goodbye family life. Malapit na tayong magtuos. Malapit na malapit na," saka ko ibinato ang dart ay bullseye ang mukha ni Leickel Avria Freezell.

"Iyon ay kung makakalapit ka sa kanya," tila natuod ako sa tinig na iyon. Tila ako nagyelo. Gulat, takot at kaba ang bumalot sa akin lalo na nang makita kong wala ng ni isa sa mga tauhan ko ang malay tao at hawak niya pa sa mga bisig niya si Greg habang may nakaumang na patalim dito.

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

"AEICKEL!?"

"Yes dear, it's me."

-


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top