Five
Leickel's P.O.V
Lulan kami ng sasakyan niya pabalik ng Maynila. Hindi kami nag uusap, o mas tamang sabihin na hindi pa kami nag uusap buhat ng may naganap kagabi na hindi dapat maganap.
Nakatanaw lang ako sa bintana ng passenger's seat. Pinagmamasdan ko ang malalawak na bukirin na hindi ko nakita ng papunta kami sa lugar na ito gawa ng tulog ako.
Ang Lola niya? Sakto lang na nagpaalam ako dito bilang paggalang nalang ngunit hindi na ako nagsalita pa ng iba. Ayokong lalo ako nitong ayawan, well not that nagpapa impress ako. I just don't want issues lalo na't pamilya siya ng masasabi kong 'boyfriend' ko ngayon.
"Kciel. Talk to me please."
Napalingon ako sa gawi niya dahil sa pagpukaw niya ng atensyon ko. "What do you want me to say?"
Bigla na lamang niyang ipinreno ang sasakyan, mabuti nalang talaga at naka seatbelt ako.
"Damn, atlast you talked. I'm so damn worried na baka hindi mo na 'ko kausapin. About last night-"
"Let's just pretend that nothing happened," walang emosyon na wika ko sa kanya.
"Honestly....... I liked it. I like the way you smell, the way taste, the way you touch me, the way I crave for you and the way I want you. I like it."
Nanatili lamang blangko ang mga mata ko sa sinabi niya. Nahihinuha ko na kung saan papunta ang usapan naming ito. "The probability of you, inlust with me is, 100%."
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa itinuran ko. "Ganon ba kababa ang tingin mo sa pagtingin ko sa'yo?"
"Why not? You suddenly confessed to me saying that you can't get me out of your mind, that you want me by your side, and now you're confessing your lustful feeling about me. Don't you think, you're inlust with me? Not inlove nor even inlike?"
Bigla niyang hinampas ang manibela kaya't bahagya akong napapitlag habang nakatingin sa kanya.
"Bullshit! If that's what you think of me, then be it! Ganyan naman kayong mga babae hindi ba? Papaniwalaan niyo kung anong tumatakbo sa utak niyo, saka niyo isasara ang pang unawa niyo sa mga eksplanasyon sana sa inyo! Then what? You'll judge us men, based on your bullshit beliefs and nonsense self explanation. You women believe and think that your superiority makes the world go round, and that's freaking bullshit!"
"Really? If you guys only knew how much pain you caused us women, you wouldn't dare say those things! And one more thing, it's not the fact that we're closing our mind nor our heart on your damn explanation, rather, we're shutting down our expectations! Dahil sa huli kami lang din naman ang masasaktan kapag pinakinggan namin kayo, at hindi naman pala ang ineexpect namin ang maririnig namin sa inyo!"
Nakita kong bahagyang napaawang ang labi niya sa sinabi ko ngunit mabilis lang naman siyang nakahuma saka biglang ngumiti. Isang ngiti na hindi ko inaasahan na masisilayan ko sa mga oras na ito. Isang totoong ngiti. "Tell me. Tell me you're expecting me to say that I'm not inlust with you, rather, I'm inlove with you. Just tell me..... Kciel."
And suddenly, that 'thought' hits me. Bakit nga naman ako mag eexpect? Bakit ko sinabi ang mga 'yon? Eh pangalan ko ngang totoo hindi ko masabi sabi sa kanya. Paano nga naman siyang maiinlove sa isang tao na nagpapanggap lang sa kanya?
"Let's end this conversation here. I'm no longer interested," saka ko na muling itinuon ang atensyon ko sa labas ng bintana samantalang siya ay narinig ko pang nagpakawala ng malalim na buntong hininga saka na pinaandar ang sasakyan.
Hindi ko na alam kung anong pinasok ko. Hindi ko na alam kahit anong nararamdaman ko, para sa kanya o para sa sarili ko. Damn you Leickel Avria Freezell, ano ba 'tong pinasok mo!?
"BEKS malakas maka malas ng negosyo 'yang trip mo!" napukaw ni Fifi ang atensyon ko dahil nakapangalumbaba ako sa counter.
"Maya maya lang magbubukas na ako. Naku! Naku Lei, ialis mo ang badvibes sa katawan mo," banat nan ni Mimi.
"Arggghhhh!" saka ko pa ginulo gulo ang buhok ko. "Ayoko na!"
"Hala, naloka na ang Lola mo beks!" wika ni Fifi kay Mimi na ako ang pinatutungkulan.
"Fi, Mi, mali bang nagsinungaling ako sa kung sino talaga ako?" seryosong tanong ko sa dalawa. Tatlong araw na buhat ng ihatid niya ako, at ni text o tawag ay wala pa buhat sa kanya.
Lumapit sila sa akin saka sabay na hinagod ang likod ko. "Alam mo beks, hindi ko masasabing mali ka, pero hindi ko din naman masasabing tama ka. Sakto lang ba. Kasi hindi mo din naman alam kung siya ba e tapat sa'yo," seryosong tugon naman ni Mimi.
"Tapat? Jusko beks, pinakilala na nga ang Lola mo sa mga granny ni Afam. Wit pa ba pagiging tapat 'yon? Jeskelerd! Mga bilat talaga, ang hirap niyo spellingin. Mabuti nalang ako, bilat na may lawit, atleast hindi ko kayo kauri. My gosh!" at pinilantik niya pa talaga ang mga daliri niya sa ere.
"Proud ka pang impakta ka. Alam mo kasi beks may mga desisyon kaming mga babae na hindi mo magegets kahit na pusong babae ka pa. May instinct kasi kami kapag alam namin na nasa alanganin kaming sitwasyon. Halimbawa nalang 'tong si Lei, dahil sabi ng instinct niya na mukhang nagsisinungaling lang sa kanya si Afam kaya nagsinungaling din siya," paliwanag naman ni Mimi dito. Nananatili lang akong nakikinig.
"Pero beks, hindi maaayos ng isang kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan. Eh kung nagpakatotoo ang Lola mo, e 'di sana nakunsensya na din si Fafa Ice at nagpakatotoo na din. Kaso lang hindi, siguro dama din ni Fafa Ice na wit naman totoo ang Lola mo kaya wit nalang din siya magpapakatotoo," bwelta naman ni Fifi.
"Should I tell him, who am I really am?" I asked.
"Pakiramdaman mo muna din beks. Kung sa palagay mo worth it siya para malaman ang totoong pagkatao mo, then go. Pero kung dama mo naman na hindi, then maybe it's your time to move on na. Hindi naman kasi tatagal ang isang relasyon na sinimulan ng kasinungalingan at pinatatagal ng lokohan. Magkakasakitan lang kayo sa huli.... masasaktan ka lang sa huli. Lalo na't dama nami ni Fifi....... na naiinlove ka na. Nako beks! Ingatan mo ang heart heart mo. Kapag iyan ang nabasag mahirap ng buoin ulit 'yan," pangaral naman ni Mimi sa'kin.
"Ay naku! Enough na nga sa drama. Le'go at magbukas na tayo mga beks! Gora!"
Mabuti nalang talaga at nandito ang dalawang ito. Kung hindi lang, ay ewan ko ba.
Pumasok muna ako sa kitchen at bahagyang nag ayos. Hinayaan kong sila Lani at Cedes na lamang ang magbukas ng shop.
**Calling Bessy Lila**
"Bess!" pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Ayaw kong isipin niya pa ako. Alam kong may pinagdadaanan si Lila ngayon kahit hindi niya sabihin sa'kin at ayaw kong dumagdag doon. Dagdag pa na, wala pa akong naikwekwento sa kanya saga nangyari sa akin mula umuwi siya buhat Switzerland.
"Bessy! I missed your voice!" masiglang bati naman niya pabalik.
"I missed yours too. Bessy, bakit hindi ka nagpapakita sa'kin these past few days, ha?"
"Naku bessy busy is me pa e. Susurprise nalang kita bigla dyan sa shop mo. Hihihi. By the way bessy, may chika ako sa'yo kaya ako tumawag. Remember your runaway groom? OMG bessy, nasight ko siya sa mall kanina! Mukhang kakabalik niya lang mula sa pagtakas sa kasal niyo. And guess what? Ang gwapo niya pala sa personal! OMG!"
Bahagyang napakunot ang noo ko sa sinabi niya at nag alab ang galit ko sa hayop na 'yon. "Paano mo naman nalaman na siya nga iyon, aber?"
"Ay nako bessy! Sa sobrang galit mo sa kanya hindi mo ako pinansin noong inistalk ko 'yong facebook niya! Ewan ba sa'yo!"
Doon ko biglang naalala na, oo nga pala. Inistalk nga pala siya ni Lila at ako naman ay binlock na siya kahit hindi pa nagloloading ng maayos ang timeline niya.
"Hmp! Wala akong pakielam sa kanya at wala akong magiging pakielam sa kanya. Ano naman kung nakabalik na 'yong gagong 'yon? Lintek siya! Huwag lang talaga magkukrus ang landas naming dalawa, bibiyakin ko mga itlog niya!" gigil na gigil na saad ko.
"Ang highblood mo. Oh siya bessy, inuutusan ako ni Auntie. I love you! I miss you! Bye bye!"
"I love you too bessy," saka na niya pinatay ang tawag.
"Hindi ko alam na hindi ka pala loyal na girlfriend," napakislot ako dahil sa bulong na iyon na sobrang lapit sa tenga ko.
Pagharap ko ay bumungad sa akin ang pagmumukha ng lalaking kanina pa gumugulo sa utak at damdamin ko. "I-Ice."
"Missed me babylove? Parang hindi naman. May ka I love you'han ka nga dyan oh."
Why does he acts so cool, gayong we're not in good terms nang ihatid niya ako dito sa shop three days ago.
"B-Bestfriend ko ang kausap ko. T-Teka! B-Bakit kailangan kong magpaliwanag sa'yo. At a-anong ginagawa mo dito?"
"Masama bang dalawin ang girlfriend ko?" kunot noong tanong niya.
"Matapos mong hindi magparamdam?" ayaw ko man, ngunit lumabas na may bahid hinanakit ang pagkakasabi ko 'non.
"Tinry ko lang kung mamimiss mo ko. And maybe, it's a huge success for me?" saka pa siya ngumisi ng nakakaloko at kinindatan ako.
"AFAAAAAAAMMMM!" that was Mimi's voice. "Oh you're hereeee."
"Hi!" nakangiting bati naman ni Ice dito.
"Pwede mo bang ialis muna 'yang kaibigan namin dito? Kita mo oh? Wala kaming customer, actually ilang araw na dahil puno ng badvibes ang katawan ng taong 'yan-"
"Mimi!" saka ko pa ito sinamaan ng tingin.
"Gora na beks! Jusko, maglolokohan pa ba tayo? Ilang araw ka naman na talagang badvibes. Don't worry beks, hindi naman namin pababayaan ang shop. At knowings namin na kailangan niyong mag usap," saka pa nagthumbs up si Fifi sa'kin sabay kindat.
"So let's go?"
Sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi sumama. Tama naman sila. Kailangan ko 'to at kailangan namin 'to. Kailangan ko siyang makausap.
"NASA BAGUIO TAYO!?" halos lumabas ang ngalangala ko sa pagkakasigaw ko na iyon. Nagising nalang kasi ako sa lamig ng hangin sa balat ko dahil sa nakabukas na pinto ng sasakyan.
"Sorry kung hindi na kita ginising para ipaalam sa'yo," puno naman ng sinseridad na wika nito.
Inalalayan niya ako na makababa ng sasakyan at bumungad nga sa akin ang magagandang tanawin.
"It's my first time here," walang abog na wika ko.
"Really? Alam mo bang sabi ng Lolo Isko ko, kapag daw unang beses mo daw tumapak sa lupa ng isang lugar ay maaari ka daw humiling at magkakatotoo daw ang hiling mo," at tumingin ako sa kanya. Nakita ko nanaman ang mga ngiti niyang nakaka akit habang nakatingin sa magandang tanawin.
Is this the sign that he's all worth it? That he's worth to know who am I really am? That he's worth all the risk?
"Marami talagang paniniwala ang matatanda na hindi na mabubura kahit sa pagdaan pa ng panahon," nakangiti kong saad sa kanya.
"Pero wala namang mawawala kung susubukan mo hindi ba?" saka siya tumungin sa akin at unti unti niyang sinasara ang kakapurit naming pagitan.
Hinawakan niya ang baba ko at itinaas saka pinagtama ang mga mata namin. "I-Ice."
"Now close your eyes and take a wish."
Parang mahika ang mga salita niya. Pumikit nga ako at humiling.
Sana matanggap niya ang mga sasabihin ko. Sana maintindihan niya kung bakit ako nagsinungaling. Sana maintindihan niya ako at hindi manaig ang galit sa kanya dahil sa ginawa kong panloloko ukol sa katauhan ko.
Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nakangiti niyang labi. "Are you done?"
Marahan akong tumango. "Ice, I have something to tell you. Well, ahmmmm. I lied."
"I know." nangunot ang noo ko sa isinagot niyang iyon.
"No, you don't get it. I lied to you. I'm not Kciel Villafuerte. I'm Leickel Avria Freezell."
Imbes na magalit ay sinuklian niya lamang ng isang matamis na ngiti anv sinabi ko. "I know. And honestly, I don't care."
And there..... in front of the beautiful sceneries of Baguio, he claimed my lips as I admit something to myself......
...
...
...
...
...
...
...
He's worth it. He's worth taking the risk. I hope. I do hope....
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top