Eight

Leickel's P.O.V

Tulala akong naglalakad habang papasok ng shop namin. Hindi pa din ako makaget over sa nangyari. Hindi ako makaget over sa biglaan naming pagkikita ni Whynter pati ang mga naganap matapos naming magkita.

"BEKSSSSS! MABABANGGA KA NA SA FLOWER VASE!" bigla akong napahinto sa paglalakad sa pagsigaw na iyon ni Fifi. Doon ko napagtanto na malapit na nga akong bumangga sa vase kung hindi lang ako sinigawan. Ano bang nangyayari sa akin?

"Sorry," tanging nasabi ko saka ako tumuloy sa kusina at inilagay sa may locker ang gamit ko.

"Beks," napalingon ako sa likod ko. Si Mimi lang pala. "Alam ko mahirap, pero AJA lang frienny. Kaya mo 'yan. Ako nga hindi lang minsan niloko pero tignan mo, I'm still alive and kicking. You just have to focus more on yourself than what you feel. Moving on is a process, though it may not require forgetting but it requires acceptance."

Lumapit ako sa kanya at niyakao siya. "Kaya ko 'to. Nandyan naman kayo e," saad ko saka kumalas sa kanya.

Bigla ako nitong kinurot sa pisngi nang hindi naman masakit saka ngumiti. "Love is a battle. Kapag may mahal ka, maging sundalo ka at ipaglaban mo. Pero kung may mahal naman siyang iba at iniwan ka, maging terorista ka, pasabugan mo! Wapak 'yon 'pag ganon!" kapawa kami natawa sa itinuran niya.

"Ano ba 'yan? Nag eenjoy kayo, wit niyo man lang akey i joinforce! Tampo na me!" kapw kami napalingon ni Mimi sa nagsalita sa pinto ng kusina na walang iba kung hindi si Fifi.

"Tampo ka naman agad beks, kinocomfort ko lang 'tong frienny natin. You know naman, mukhang tinamaan talaga siya kay Fafa Ice. My God! Kahit naman ako, kung ganoon kagwapo, luluha talaga ang puerta ko kung maglalaho nalang na parang bula," sagot naman ni Mimi dito.

Nakikinig lang ako sa kanila ng may maalala ako. "Guys, may sasabihin pala ako," singit ko.

"Yes beks, ano 'yon?" tanong ni Fifi.

"Nagkita kami ni Whynter," sagot ko.

"Sinong Whynter- OHMYGOODNESS! He is, he is your runaway groom, right!?" parang excited o natatarantang sabi ni Fifi.

"Opo."

"Shit! What happened?" tanong naman ni Mimi.

What happened? Damn! This is what happened!

*****

"Y-You're Whynter Villafuerte?" I asked while stammering. I can't freaking get over here! I just met my runaway groom for pete's sake!

"Yes Miss," sagot naman nito na parang hindi ako kilala.

"Lintek ka! Ikaw pala ang hayop na 'yon! Lintek kang gago ka! Ang lakas lang talaga ng loob mong magpakita sa aking gago ka!" saka ko pa ito pinagsusuntok sa dibdib. Wala akong paki kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao! Nagagalit ako! Mas intindihin nila kapag hindi ko nailabas 'tong galit ko!

Dala siguro ng kahihiyan niya ay hinatak niya ako palabas ng restaurant na iyon at dinala sa upuan malapit sa fountain ng mall.

"I'm sorry, okay. I'm sorry. I knew what I did was terribly wrong, but I'm just caught in a goddamn situation that's why I left you hanging in that wedding!"

"Sorry!? Sorry? Mababalik ba ng sorry mo ang nagastos ng magulang ko at magulang mo sa kasal? Mababalik ba ng sorry mo ang kahihiyan na natanggap dahil sa hindi mo pagsipot! Lintek ka talaga!" halos na hihisterya na saad ko.

"Can you please calm down for a bit? Masyado kang mainit," pagpapakalma nito sa akin.

"Calm down? How can I calm down kung nasa harap ko ngayon ang dahilan kaya't nakilala ko pa 'yong punyaterong lalaki na 'yon! Dahil sa'yo kaya nasasaktan ako! Kung bang sinipot mo ako sa pesteng kasal natin, e 'di malamang kasal na ako sa'yo at asawa na kita! Hindi sana ako nainlove sa gagong Ice na 'yon na nawalang parang bula! Punyeta!" and there, I broke down into tears. Napaupo ako sa bench na naroon at itinaas ang tuhod ko para maidukdok ko ang mukha at braso ko dito.

"Look Miss, I'm sorry. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon na ako ang may kasalanan, then I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Alam ko din naman na hindi mo ako gustong mapangasawa kaya't lalo akong hindi pumunta," patuloy na paliwanag nito.

"Ayon na nga e, kung sumipot ka man lang sana. E 'di sana okay ako ngayon. Hindi 'yong parang binibiyak 'tong pesteng puso ko sa sakit. E 'di sana kahit hindi kita mahal magkasama tayo. Basta lang hindi ko siya makilala, okay na 'ko," litanya ko nanamang muli sa kanya.

Hinagod niya ang likod ko. Hagod na parang kinakalma niya lang ako at walang ibang intensyon.

'Maginoo din naman pala kahit paano 'to.' sa loob loob ko.

"Can we, can we go into my friend's club? Baka lang gusto mo? You know, unwind, mukha kasing kailangan mo 'yon," parang hesitant pa na anyaya nito sa akin.

"Fine. Let's go," ako na mismo ang humatak sa kanya habang nagpupunas ako sa isang kamay ng luha ko. Lumabas na kami ng mall at dumeretso kami sa parking. "Convoy nalang tayo. Dala ko ang sasakyan ko," wika ko na ikinatango lamang niya.

Kapwa na nga kami sumakay ng mga sasakyan namin. Tamang sinusundan ko lang ang daang tinatahak ng sasakyan niya hanggang sa marating namin ang club na sinasabi nga siguro niya.

Tinignan ko pa muna sa mukha ko sa rear view mirror ng sasakyan bago bumaba. Mahirap na at baka mukha na pala akong panda dahil sa pag iyak ko ay hindi ko pa alam. Nang matiyak kong okay na 'ko ay bumaba na ako ng sasakyan.

Magkapanabay naming pinasok ang club. Maaga aga pa naman kaya't wala pang gaanong tao. Mostly kumakain lang at hindi nagsasayaw.

Inanyayahan niya akong maupo sa harap ng bar counter. "What do you want to drink?" tanong niya.

"Just give me three shots of tequila," sagot ko. Sinunod naman niya ang sinabi ko at inihapag niya ito sa harap ko.

"Does your problem weighs as heavy as an elephant para uminom ka ng hard drink sa ganitong oras?" tanong niya matapos tumabi sa akin at ngumiti.

Lumagok muna ako ng isang shot bago sumagot. "I can't even explain how I feel. It hurts like shit."

"Care to tell?" wika niya matapos ding uminom sa alak na hawak niya.

"Funny to think na ikwekwento ko sa'yo 'yung pagiging broken hearted ko samantalang ikaw ang pinaka unang dahilan kaya dinaranas ko 'to," wika ko ng nakangisi.

"I already said sorry," bwelta naman niya.

Muli nanaman akong lumagok saka nagsalita. "Hindi naman maibabalik ng sorry mo 'yong pagmamahal na ibinigay ko sa gago 'yon," at saka pa ko tumawa. "Nakakatawa lang, kasi kung kailan ako handang mag take ng risk para sa lintek na pagmamahal na 'yan saka una unahang pagkakataon ay ganito pa ang napala ko. Binitin at iniwan sa ere. Nakakagago. Malamang magka phobia na akong mainlove nito," dagdag ko.

"Mahal na mahal mo ba talaga?" tanong nito sa akin kaya't napakunot ang noo ko.

"Lasing ka na ba?" biro ko. "Masasaktan ba ako ng ganito kung nagbibiro lang ako na mahal ko na si gago?" at sinundan ko pa iyon ng tawa.

Nagkibit balikat lamang siya at uminom na lamang din. Dama kong nakakadami na ako kaya't nag iinit na ang katawan ko. Iba nanaman ang pakiramdam ko.

Hindi ko namalayan na gumabi na pala at naging masigla na ang club. Sayaw dito at sayaw doon ang gawa ng mga tao. Dama ko ang pagkahilo pero masasabi ko na hindi pa din ako lasing. Alam ko pa din naman ang ginagawa at sinasabi ko. Nasa tama pa din naman ang pag iisip ko.

"Mukhang nakakarami ka na, ah? Kaya mo bang umuwi niyan? Ayokong masisi ako kung may mangyari sa'yo," dinig kong wika sa akin ni Whynter.

Hinatak ko ang tenga niya palapit sa akin at bumulong. "Bobo! Lahat ng nangyayari sa akin ngayon ay kasalanan mo, kaya't 'wag mong masabi sabi sa akin na 'wag kang sisihin, peste ka!"

Mabilis naman niyang inilayo ang sarili niya sa akin sa hindi malamang dahilan. "Tama na 'yang pag inom mo, tinatamaan ka na. I'll drive you home. Ipakuha mo nalang bukas ang sasakyan-"

"You don't tell me what to do, jerk!" sigaw ko dito. Bagama't sumigaw na ako ay hindi mo pa din masasabi na sigaw iyon dahil nga napakalakas ng sounds dito sa loob ng club.

Hindi niya na ako napigilan nang pumunta ako sa dance floor at nagsasayaw ng walang humpay. Damn! I wanna curse cupid for doing this to me! He shot the wrong person and that's me!

Wala pa din akong tigil sa pagsayaw nang maramdaman ko na may humahaplos sa pang upo ko at marahang pinipisil pisil ito. Mabilis akong humarap at natagpuan ko ang isang lalaking hindi kagwapuhan na nakangisi sa akin.

"Tanginamo!" sigaw ko saka ko pa ito tinulak. Sabi sa inyo, nahihilo lang ako pero tama pa ang pag iisip ko.

Akmang hahablutin ako nito nang may pumigil sa kamay niya at pinilipit ito. "Get your ass off here pare, para wala na tayong usap."

Napalingon ako sa boses na iyon at nabungaran ko si Whynter na cool lang pero may diin ang bawat salita.

Mabilis naman umalis ang lalake at hinarap ako ni Whynter. "Come with me woman, we need to talk," ma otoridad na wika nito na mabilis kong sinunod.

Nakarating kami sa may pathway na tila mga VIP room. Sound proof yata ang parte na 'to dahil hindi mo maririnig ang tugtugan.

"Iuuwi na kita, kaysa mabastos ka lang doon ng mabastos, kasalanan ko pa dahil dinala kita dito," sabi niya.

"Talagang kasalanan mo! Kasalanan mo lahat!" sigaw ko sa kanya.

"Oo na! Kasalanan ko na! Kagagawan ko na!" pasigaw na sagot naman niya.

Napaupo ako at hindi napigilan ang sarili ko sa pag iyak. "Pakibalik siya sa'kin, please? Akala ko kaya ko. Akala ko mabilis lang mawawala ang nararamdaman ko dahil mabilis lang naman 'tong umusbong, pero shit, sobrang sakit! Sobra! Sana nagpaalam siya, sana sinabi niya na ayaw niya sa'kin o kung ano pa mang dahilan niya. Tatanggapin ko naman e, hindi iyong iniwan niya ako sa ere na ganitong mahal na mahal ko na siya!"

Naramdaman kong itinayo niya ako. "Magpunas ka ng luha mo. Ayokong isipin nila na pinaiyak ka. Ihahatid na kita," tila wala siyang pakielam na saad niya saka ako inakay papunta sa pinagparkingan ng sasakyan niya.

"Pasensya na," saad ko nang marating ko ang pinto ng passenger seat ng sasakyan niya.

"Naiintindihan kita. Sana maka move on ka na," wika naman niya at nauna ng pumasok sa driver's seat.

Akma kong bubuksan ang pinto ng passenger seat nang biglang may humatak sa braso ko. Napamulagat ang mga mata ko na sumingkit na sa alak dahil sa nakita ko.

Dumungaw siya ng bintana ng passenger seat na tila kakausapin si Whynter.

"Pare pasensya na pero isasama ko muna siya," saad nitong humatak sa akin.

"Teka, teka," dinig kong wika ni Whynter saka lumabas ng driver's seat. "Sino ka ba pare? Ako ang kasama niya papunta dito-"

"Ako 'yong dahilan ng ipinag gaganito niya kaya siguro mas may karapatan ako."

"I-Ice," huli na ng marealize ko na tuluyan na niya akong kinaladkad palayo sa sasakyan ni Whynter.

******

"Punyeta ka beks, ituloy mo! Huwago kaming bitinin. Letse ka ah!" atat na atat at gigil na sabi ni Fifi sa akin.

"Kasi-"

"Kasi ano?" sabat naman ni Mimi.

"Punyeta beks, patapusin mo kaya?" asik maman ni Fifi kay Mimi.

"Oo na! Tuloy na baklang mahaba ang hairlat!" sabi nanaman ni Mimi sa akin.

"Kasi ayon 'yong dahilan kaya't tulala ako kanina. Iniisip ko lahat ng sinabi niya," sagot ko.

"Bakit? Ano bamg sinabi niya?" parehong pareho at sabag na sabay na tanong nila.

Damn! I can't get his words off my mind.

******

Kiladkad niya ako at pansin kong hindi na kami tuluyang sinundan ni Whynter.

"Saan mo ako dadalhin-" ngunit bago ko pa matapos ang dapat na sasabihin ko ay tuluyan ng lumapat ang likod ko sa isang malamig na pader. Mukhang nasa likurang bahagi kami ng club nang hindi ko man lamang napansin kung paano namin narating.

"God! I missed you!" matapos niyang sabihin iyon ay mabilis niyang sinagibsib ng halik ang mga labi ko. Tanga nga siguro ako dahil tumugon ako. Tumugon ako ng buong pagmamahal.

Kalaunan ay pinakawalan niya ang mga labi ko at lumayo ng bahagya sa akin saka ako tinignan sa mga mata.

"I-Ice."

"Promise me you'll never drink again. God knows how much I wanted to kill that damn guy a while ago for touching you, but I stopped myself so that you won't see me. But shit, when I saw you with that guy and you're about to enter his car, damn, I can't stop the hell inside me to drag you out of there," saka niya pa ginulo ang buhok niya na tila hirap na hirap.

"Why are you doing this? Why are you like this after you left me?" doon ko na hindi napigilan ang paglandas ng mga luha ko.

Sa halip na sumagot ay bigla niya along hinatak at niyakap. Isang yakap na napaka higpit. "Leickel Avria Freezell...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

....I love you. I'm so damn inlove with you."

Halos magbunyi ang kalooban ko sa sinabi niyang iyon kaya't mabilis ko siyang inilayo sa akin at tinignan sa mga mata. Ngayon ko ipagtatapat sa kanya na mahal ko siya.

"I-Ice. I love-"

"But we can't be together, Lei. You shouldn't love me, the way I shouldn't love you. Isang malaking kasinungalingan ang simula natin kaya't magkakasakitan lang tayo," nagulat ako sa sinabi niyang iyon.

"Then tell me everything about you at ganon din ang gagawin ko. Magsimula tayo ulit. Please Ice. I-I just don't want to lose you again. I maybe martyr for doing this, but please don't leave me. Not again," pagsusumamo ko.

"No, Lei. I can't. I....

...

...

...

...

...

...

....hate you as much as I love you. Sorry but we need to end this here, formally. Let's break up."

******

"Then he left me and I ended up in tears," dagdag ko sa kwento ko.

"PUTANGINA! Puntangina talaga Leickel! Bakittttttttttttttt?" gigil na gigil nanaman na sambit ni Fifi.

"Hindi ko din alam Fifi, hindi ko din alam. Sana pala hindi ko nalang siya ulit nakita at nakausap. Mas masakit pala kapag alam mong tapos na. Tinapos niya na," saka ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Niyakap nila ako ni Mimi at hinagod ang likod ko. "Hush now Lei, everything will be okay soon. Keep that in mind."

I just hope comforting words will help me move on but I know it can't. Never.

-

A/N : Inupdate ko na po. May training bukas e. Baka hindi ko maasikaso. Hirap maging atleta/ate/estudyante at the same time. Hahaha! Para sa varsity scholar. Wapak! Muaaaaahhh. Labyuuu. Ciao~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top