Chapter 3: Have we met before?

'Pffft! Ahahahahahhaha!! Grabe ka, Phire! Ang tindi nun! Ahahahah! 'Will you be my PeterPan Kyung Soo yah coz I'm you long lost Tinkerbell! Ahaaha!! ' halos hindi na makahinga si Lay kakatawa.. Nakisabay pa si Lime.. Tssh, sabi ko na nga ba eh, bakit ba kasi kinwento ko pa sa kanya.. -_-

'Sige, tumawa ka pa.. Mabulunan ka sana..' tumigil naman sya pagkasabi ko nun. Naglalakad lang kami papasok sa school, malapit lang naman kasi dito yun samin..

Halos 3months pa lang din kami sa school na yun. Actually ako lang naman dapat ang lilipat dahil sa.. Hmm, personal na bagay. Basta! Personal, at dahil ayaw nilang dalawa na mapahiwalay ako nag request sila kila tita na lumipat na din kasi hindi daw buo ang grupo pag wala ako.

Pagdating pa lang namin sa gate sinuot ko na agad yung sunglass ko. Medyo maaga pa kami para sa klase, ang OA lang talaga kanina nung dalawa. Tumingin tingin ako sa palagid dahil baka biglang may makakilala sakin. Mahirap na baka dumugin pa ko dito.

' Uy, ano'ng ginagawa mo bat ka gumagapang jan? '

' Ay, kulangot! Ano ba Lime! wag ka namang manggulat. Nag iingat nga ko para walang makakita sakin eh!' bigla bigla naman kasing nanunundot ng tagiliran eh..

'Kamote! Ano yang suot mo? Di ka pa ba kuntento na naka jacket ka ng itim at beanie na itim? Anyare Phire, mukha kang magnanakaw! Baka hulihin pa tayo ni Manong Guard sa itsura mo! hinila ko naman sya agad para takpan yung bibig nya.. Bakit? Astig kaya suot ko. All Black. Buti nga black din kulay ng palda namin tapos kulay lavender naman yung sa blouse. Ito din gusto ko dito kaya lumipat ako eh. Parehas kong favorite color yung kulay ng uniform. \m/

'Sige! Isigaw mo pa pangalan ko dudukutin ko na yang ngala ngala mo. Mauna na nga kayo ni Lay sa room nyo. Magkita na lang tayo mamaya sa canteen! irap lang sinagot nya sakin at tska sila umalis ni Lay. Marahan akong naglakad dahil halos dumadami na din ang estudyanteng pumapasok kailangan ko ng makapunta sa room ng walang nakakakilala sakin..

' Bye, Tinkerbell!!' Fuuta! Nagulat ako ng sumigaw si Lay. Di pa pala nakakaalis 'to. May mga ilang estudtyanteng napatingin sa pwesto ko. Sa sobrang kaba, tumakbo ako agad sa secret passage ko dito sa school. Nagtago ako agad sa isang sulok, kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Lay..

Yari ka sakin mamaya!!ㄟ(≧◇≦)ㄏ

Pagkasend ko nun inayos ko yung jacket at bag ko. Malaya na kong makakalad ng matiwasay dahil walang tao. Walang gustong dumaan sa pwesto na 'to ng school sabi kasi nung iba may kuba daw na nangunguha ng bata dito. Juthko lang! Ilang taon na ba sila para maniwala sa kasabihan na yun? Elementary pa ko ng na issue yun pati ba naman high school meron pa rin? Mga tao talaga, mananakot na lang dinadamay pa yung inosenteng kuba sa storya nila.

' Nal annaehaejwo.. Yeah geudaega salgo inneun goseNado hamkke deryeoga jwo..Oh, sesangui kkeuchirado dwittaragal teni.. Budi nae siyaeseo beoseonaji marajwo
Achimi wado sarajiji marajwo oh
Kkumeul kkuneun georeum
Geudaen namanui areumdaun nabi..
Oh~, woo-hoo-hoo. Oh yeah yeah~' waaahhh~~.. Ang saya talaga ng pakiramdam ko kapag mag isa lang ako at kumakanta.. Hihi, naalala ko tuloy si Kyung Soo.. (>///<)

Do Kyung Soo..

Hayst, ang cute at ganda ng meaning ng pangalan nya. Simula nung malaman ko ung name nya, hindi na nawala yun sa isip ko. Pati yung itsura nya nung makita ko sya ng malapitan. Ang puti at kinis ng balat nya, dinaig nia pa ata ako. bumagay din sa kanya yung malalaki at bilugan nyang mata. Pati yung malahugis puso nyang labi, ilang gabi din akong hindi pinatulog nun lalo na nung nakita ko syang ngumiti!! >_<

Paulit ulit ding nag peplay sa utak ko yung kinanta nila nung Intrams. Huta! Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Feeling ko mag ha-hyperventilate ako sa tuwing naiisip ko yun! ╯ 3╰

' Kyaaaahh!! Ano ba!!! Kyung Soo naman ihhh!!!!' napasigaw na ko sa sobrang pag iisip.. Huehue :3

' Bakit, ano'ng ginawa ko sayo?'

(⊙o⊙)

Hulluuhh!! Napatigil ako sa paglalakad nung may nagsalita. Pagtalikod ko wala namang tao.

' May.. may tao ba dyan?' para kong tangang palingon lingon sa bawat gilid baka kasi nabingi lang ako.Nagsimula na kong kabahan ng may narinig ako na parang nalaglag kung saan.. Sa sobrang gulat tumakbo ako at umupo sa isang gilid habang yakap yakap yung binti ko..

' Huluh! Ito na ba yung sinasabi nila na Taong kuba? Kuya Manong, sorry na po~~.. Hindi na po ako ulit sisigaw. Hindi na rin po ako dadaan dito.. Huwag nyo lang po akong kunin! Marami pa po akong pangarap. Huhu~~' waahh.. Bahala na si batman.. Dapat pala naniwala na ko sa sinasabi nila eh. Hindi ko lang siguro na taymingan si Kuya Manong dati, pero nandito na sya ngayon..

'Mama..' napaiyak na ko ng wala sa oras dahil sa takot..  T^T Makaalis lang talaga ko dito ng buo at buhay hindi na ko ulit dadaan pa dito.

'Uy, Ok ka lang? Bakit ka naiyak?! Tinatanong lang naman kita, kasi binanggit mo yung pangalan ko eh..'

O_o

O_-

-_o

' Kyung Soo??' tulala kong tanong sa kanya.Kinurot at sinampal sampal ko kung yung sarili ko baka kasi namamlikmata lang ako.

'Ano ba yang ginagawa mo? Halika ka na, tumayo ka na jan, nadudumihan na yung palda mo..' kinuha nya yung kamay ko at tinayo ako.. Dinampot nya din yung bag ko na nasa lupa at pinagpagan ito tsaka inabot sakin.

' Naliligaw ka ba? Bagong transfer ka lang din ba? San ba room mo, hatid na kita. Mag ta-time na rin eh..' nalunok ko na ata dila ko. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya..

' Hello~~~ ^_^.. Tara na.. ' nakangiti nyang sabi sakin at kumakaway pa.. ^_^

Hehe.. Hang kyot nya.. (⊙♥⊙)

'Ha? Ah, eh.. Kilala mo ba ko? Hindi mo ba ko natatandaan?' gusto ko sanang sapakin yubg sarili ko dahil sa tanong ko sa kanya..

' Oo naman noh! Ikaw pa..' OMG! Hindi kaya..

' Di ba ikaw si Tinkerbell?.. ' pagkatapos nun nakita ko sya na napangisi. Pumunta ata lahat ng dugo ko sa mukha ko nung sinabi nya yun. Bigla ko namang inagaw yung bag ko at nagmamadali akong naglakad palayo sa kanya..

Shockss lang!!! Of all people bakit sya pa magpapaalala nun.. >_<

'Agasshi, jamkkanmanyo!' napasinghap ako sa paghawak nya sa braso ko. Naabutan nya pala ko..

' Anong sabi mo? Kanyon?!' sorry, hindi ko sya naintindihan eh. Oo nga pala Koreano 'to..

' Sabi ko, sandali lang..' hinihingal nyang sabi. Ganon ba ko kabilis maglakad at hiningal na sya agad?

' Ang bilis mo maglakad, Tink..' Asfjkshdj! Parang gusto ko na ulit tumakbo nung tinawag nya ko sa name na yun..

' Yah! Wae geuraeyo? Eodi gayo?' hutek! Duduguan ako ng ilong sa lalaking 'to eh. Hindi ko naman sya maintindihan.

' Sorry. Ang sabi ko bat kaba nagkakaganayan, san ka pupunta?.. Pasensya ka na hindi ko kasi alam panagalan mo eh..'

' Phire na lang tawag mo sakin.. Tsaka, ahm gusto ko sanag humingi ng favor.. Yung.. yung nangyari nung nakaraang Intrams.. Pwede bang, kalimutan mo na lang yun?' nahihiya kong sabi sa kanya.. Mukhang hindi naman na nya kasi naalala pa yung nangyari pagtulong nya sakin nung muntikan na kong mapagtripan nung gabing umuwi ako. Sabagay, madilim nun tsaka pagkatapos kasi nun dumating na rin yung mga barangay samin dahil curfew hours na.

' Ah! Yun ba! Ahaha.. Pasensya ka na din ah? First time ko kasing maka encounter ng ganon eh. Pero wag ka mag alala.. Wala yun sakin, Phire.. ' napansin ko lang palangiti sya. Hehe. Hayst, mukhang hindi nya na nga siguro natatandaan yun kaya tumungo na lang ako bilang pagsagot sa kanya at tska nagpasalamat

Sabay kaming naglakad papunta sa kanya kanya naming room. Nagkwentuhan kami saglit.Dito din daw sya madalas dumaan dahil daw gusto nya ng tahimik na lugar. Sinundan nya daw ako kanina kasi akala nya naliligaw ako. Iba daw kasi yung suot kong uniform. Muntik na kong lumubog sa kahihiyan kanina nung maimagine ko ung itsura ko. Sabi pa naman ni Lime mukha daw akong magnanakaw. Nung nagkatinginan kami nun nagtawanan kami ng malakas nakita nya siguro na tiningnan ko yung damit ko.

Nalaman ko din na pure Korean pala talaga sya, dito daw kasi sila sa Pinas may bahay bakasyunan kaya dito nya napiling mag aral at tsaka mas marami daw syang kaibigan dito. Pinuri ko pa sya nun kasi sabi ko ang tatas nya mag tagalog. Sabi naman nya pinag aralan nya daw talaga un para daw hindi sya maloko ng mga magiging bagong classmate nya.

Ang saya nyang kasama at kausap. Sa unang tingin aakalain mo na seryoso sya sa buhay dahil hindi mo sya makikitaan ng kahit na anong expression sa mukha pero kapag nakausap mo na down to earth din pala..

Nauna na syang nagpaalam sakin dahil mas nauna naming nadaan yung room nila.. Pagkatapos nyang magpaalam sakin nag lakad na rin ako papunta sa room. Ilang minutes na lang mag bebell na kaya binilisan ko ang lakad..

'Sapphire!' nagulat ako nun nung tinawag nya ko, napabalik ako saglit kasi baka may nakalimutan sya or baka may naiwan ako..

' Oh bakit? May naiwan ba ko?' tanong ko sa kanya habang hinalukay ko yung buong bag ko. May pagkamakakalimutin pa naman ako. Mahirap na baka napkin na pala yung nawala sa bag ko at sya yung nakakuha .. ~>_<~

' Have we met before?'

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: