#8 MSTMY?!
matapos ng kainan eh agad namang nagpaalam na ang pamilya sebastian kila Ken, Tala at kay Mac
"salamat sa masarap na pagkain ah masarap ka pa rin talaga magluto " pagpapasalamat ni Ken kay Mrs. Sebastian
"naman kaya nga in love na inlove ako dito sa asawa ko eh hahaha!" masayang masayang pagsasabi ni Mr.Sebastian
"hahaha! kayo talaga wala pa rin kayong kupas" masayang sabi ni Ken, sa mga mata niya ay halatang namimiss niya na si Payie.
"so bukas ah susunduin kita Tala :)" sabi ni Mrs. Sebastian
"sure po ma'am :)" natatakot na si Mac sa mga ngiti ni Tala
"Mama nalang ija :) " sabi ni Mrs. Sebastian
"osige po Ma " kaya naman tuwang tuwa ang mga sebastian kay Tala
"so how about you?" tanong ni Wendy kay Mac
"anong how about me?" tanong ni Mac
"friends?" tanong niya tapos eh inabot ang kamay kay Mac
"yes of course" sabi ni Mac matapos ay iniabot nito ang kamay sa dalaga.
Matapos ay umalis na ang mga Sebastian.
"salamat nak ah , pinagbigyan mo kami ng mama mo " sabay yakap ni Ken sa anak niya.
"syempre naman pa alam mo naman na mahal na mahal ko kayo ni mama at kung anong makakapagpasaya sa inyo dun ako." Sabi ng dalaga matapos ay niyakap niya rin ng mahigpit ang ama
"isang buwan lang naman anak, pag hindi gumana okay lang kasi ikaw naman ang magdedesisyon sa buhay mo ha " sabi ng ama nito
"wag kang mag alala pa sa lahat ng gagawin ko sisiguraduhin ko naman na magiging Masaya ako ha wag niyo nako masyado isipin." Sabi nito
"onga Tito , huhuhu" nandun pa pala si Mac nakalimutan ng mag ama , at nagtawanan sila
"sige na anak magpahinga ka na muna ako ng bahala dito ha" sabi ng ama ng dalaga
"sige pa salamat po." Tapos eh umakyat na sila ni Mac sa kwarto ni Tala
"siissssss" malungkot na sabi ni Mac
"oh bakit ka malungkot, ano ka ba nakaisip na ko ng paraan ha para kainisan ako nung lintek na Mata ng bagyong yun ;)" matapos ay ngumiti siya ng nakakaloko
"sis hindi naman siya eh, nakita mo ba yung pagkindat ng impaktitang kapatid niya saken sis, kung alam mo lang parang lalabas lahat ng kinaen ko nung nakaraang linggo." Sabay akto ng nasusuka
"sis diba walang iwanan? Diba lagi tayo dapat nagtutulungan?"
sabay ngumisi ang dalaga
"sis, kung ano man yang nasa isip mo please lang wag mo nakong idamay " sabay sad face ni Mac sa kanya
"thank you sis labyyuuu :*" at dun na nga , maisasagawa ang plano ni Tala. At wala na ngang nagawa si Mac sa naiisip ng dalaga, alam niya kasi na pag may plano na si Tala wala na siyang magagawa kundi sundin nalang yun.
*Kinabukasan
Tala's POV:
"yoohhooooooo Talaaaaa~" isang boses ang gumising saken
"nanaginip ba ko?" yan ang nabigkas ko kasi parang panaginip talaga ang mga nangyari di ko na rin sure, baka nasobrahan nako sa kakabasa ng mga libro
"no anak, diba pupunta tayo ngayon sa bahay niyo ni Winde?" sabi ng isang babae, wait babae?
"ahh Goodmorning Mrs?" di ko pa rin alam kung gising na ba ko oh binabangungot pa rin
"oppss Maaa remember I'm maaaaa ;) " matapos eh niyakap niya ko ng mahigpit at kinaladkad tama ba term ko hinila niya ko pababa eh
"ken alis na kami ni Tala ha " sabi nito aapela pa sana ko kaya lang para na rin akong pinamigay ni papa ni naimpake niya na ang mga gamit ko, at andito na nga kami ngayon sa sasakyan.
"naku excited na talaga ako anak, di mo alam kung gano ako kasaya" and so on ang dami niyang sinabi at wala ng nag sink in saken ang naiisip ko nalang ay ano bang gagawin ko, at bingggooooo~
"ma, si Winde anong mga gusto niya? kasi diba magsasama kami sa iisang bahay so atleast kahit pano alam ko ang mga gusto niya para naman maging matiwasay kami sa iisang bahay " at alam niyo na ba ang naiisip ko
"hmmm gusto niya laging malinis yung bahay, medyo o.c kasi yun si Winde, sa pagkain naman ayaw niya yung maanghang mahina tolerance niya dun, ayaw niya rin ng mga instant kasi mahalaga sa kanya yung health niya." pagsasaad ni Tita saken, naku sorry tita ha di naman ako sa inyo galit eh sa anak niyo lang na ubod ng Yabang
"ahh tapos ano pa tita?" baka meron pang iba eh mahirap na
"ahmmm takot siya sa aso, well kasi nakagat siya nung bata pa siya, hmm ahh nga pala ayaw niya rin sa mga bulaklak may allergy kasi siya dun." At bingooo ayan na okay na ang plano ko hihihi Winde Sebastian Humanda ka saken ahhaha tingnan ko lang kung maangasan mo pa ko hahaha
"Nandito na tayo nak" matapos ay bumaba na kami ni tita at pinuntahan ang bagong bahay, grabe sobrang laki niya ewan ko ha dalawa lang kami pero yung laki niya kasya apat na pamilya ewan ko nalang kung magkakitaan pa kami.
"nak nagustuhan mo ba?" tanong ni tita saken
"naku opo ma sobrang ganda po, wag po kayong mag alala aalagaan ko po yung anak niyo ha " matapos ay ngumiti ako kay tita, wala namang masama sa gagawin ko diba? Hindi naman ako masama sa pamilya niya, sa kanya lang
Winde's POV
Hindi ko naman talaga gusto na ganito ang mangyari sameng dalawa but anong magagawa ko? Destiny na ang pumapanig sa stalker ko para mapalapit ako sa kanya
"bro" tawag saken ni Trevor
"yow, kamusta?" yan ang natanong ko sa kanya ang dami ko kasing iniisip ayaw ko ng idagdag yung kung ano ang itatanong ko sa kanya hahaha
"ikaw dapat kinakamusta ko, anong balita?" tanong niya saken
"ayun magsasama kami ni Stalker sa iisang bahay for 1 month."
"ha?!" gulat na tanong niya saken
"well ikakasal din naman kami so bakit kailangan pang patagalin ang pagsasama sa iisang bahay, for sure matagal na tong pinaghandaan ni Ms. Stalker imagine ako makakasama niya sa iisang bahay,isipin mo nalang kung gano siya matutuwa" at humagalpak na nga ko sa kakatawa
"hhmmm hindi kaya." Ooppss Trevor don't get me wrong kilala mo ko
"No. " yan nalang nasagot ko at diyan na rin natapos ang usapan naming
"sige, alis nako, baka malate pa ko sa appointment ko eh next time nalang ulit" paalam niya saken at umalis na nga siya. So ayun di naman ako masyadong busy kasi binigyan ako ng Tatay ko ng break from work para daw makapag focus ako sa mga plano ko na sa buhay. Nakakatawa lang kasi wala naman talaga akong plano .hmm ano nalang kaya gagawin ko? Punta na kaya ako sa bahay namin ni Ms. Stalker?
-ITUTULOY
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top