#7 MSTMW?!


Winde

nahihirapan nako, bakit ang gwapo ko hayy. matapos kong tumingin sa salamin ay bumaba nako papuntang kusina

"anak paalala ko lang sayo ah ngayong gabi aalis tayo para mamanhikan ah :)" masayang masayang sabi ni Mama saken

"ah opo ma pero kasi di ko alam kung ganun ba kabilis matatapos ang meeting namin maya, we're fixing the idea that we've chosen for our latest project." sagot ko sa aking ina

"inasikaso ko na lahat yan anak, minove ko yung meeting ng saturday para naman makapagpahinga ka muna ngayon, kasi baka maya pagpunta natin sa bahay nila Tala stressed ka diba." sabi ng ina nito

"ma kailan bako naging haggard? can you please tell me?" sagot ko sa kanya

"ang anak ko talaga gusto mo paalala ko?"at alam ko na gad ang pinupunto ni mama

"hahaha joke lang po sige po papahinga nalang po muna ako ngayon ah :)" sabi ko matapos eh umakyat na sa taas.

hmmm ano kayang susuotin ko? ito o ito? sabagay kahit ano namang suotin ko gwapo pa rin ako hahaha! mapuntahan na nga lang si Trevor kaya naman nagbihis ako at umalis papunta sa condo ni Trevor

*Trevor's Condo

*DING DONG*

"yow bakit anong meron?" tanong ni Trevor saken nagulat siguro kasi binisita ko

"bakit masama bang bisitahin ka ah?" sabi ko sa kanya, tamo to siya na nga binibisita eh

"napadalaw ka?" tanong niya saken

"ah maya daw kasi pupunta kami sa bahay nila Ms. Stalker , mamanhikan. di mo ba ko papapasukin? " sabi ko dito kanina pa kami dito sa may pinto eh hahaha

"ah onga pala tara pasok ka, pasensya na kung medyo magulo naglilinis kasi ko." sabi niya saken, hindi naman obvious na magulo eh muntik lang XD ahhaha wrong timing ata ang pagbisita ko at naglilinis pala siya

"oh kain ka muna." yaya nito saken,carbonara at juice

"alam mo pare di ko talaga alam kung bakit di ka nalang nag hrm" sabi ko sa kanya, masarap kasi talaga magluto si Trevor, siguro nga kung may ipagluluto na babae to eh mahuhulog agad sa sarap eh.

"hahaha alam mo naman na past time ko lang ang pagluluto diba" sabi naman neto saken matapos ay pumunta sa mga shelves niya para ayusin ang mga libro

"oh ano yan?" tanong ko sa kanya, may kahon kasi siyang nililigpit

"ah eto? wala to." sabi naman niya saken, naku mukhang may tinatago ang kaibigan ko hahhaa

"ano sa palagay mo? gusto talaga ko ni Ms. Stalker noh?" tanong ko sa kanya

"kanino kay Tala?" tanong niya saken

"oo kanino pa ba?" sabi ko naman sa kanya

"ewan ko palagay mo ba?" sagot niya saken

"pare tingnan mo kasi diba sabi nga sa kasabihan, the more you hate the more you love." sabi ko sa kanya

"hahaha! kakaiba ka talaga Winde nagagawa mong positive ang negative hahaha!" pagtawa niya saken

"bakit totoo naman ah sikat nga sa babae yang kasabihan na yan eh, pero by the way kilala mo si Tala diba?" tanong ko sa kanya kasi naalala ko kagabi Vor pa ang tawag sa kanya eh

"ah oo bakit naman? " usisa neto saken

"very close? " tanong ko

"ah hindi masyado kasi diba nga higher level tayong dalawa isa pa , nasa educ section ako siya nasa hrm section" sabi nito saken

"HRM yun?" tanong ko

"pre kailan ka pa nabingi?" loko naman nito saken

"hahaha ikaw naman naninigurado lang ;)" sabi ko dito

"so payag ka?" biglang naging seryoso ang usapan namin sa tanong niya

"para sa ikakabuti ng maraming babae , inaalay ko na ang sarili ko kay Ms. Stalker " biro ko dito XD

"kahit kelan talaga di ka naging seryoso kausap hahaha!" at nagtawanan nalang kaming dalawa ni Trevor, pero bakit nga ba okay lang saken? siguro kasi gusto ko na sumaya si Ms. Stalker kasi yung hinahangaan niya diba pinapansin siya at may bonus pa, magiging asawa niya ko hahaha kawalan ko pa nga yun eh XD pero sige na iaalay ko na ang sarili ko para sa iba XD

habang sa kabilang banda naman, nagpunta sa isang mall si Mac at Tala

"bes ano ba talagang balak mo?" tanong neto sa kaibigan

"hahaha! hahanap tayo dito ng magandang outfit para sa event mamaya ;)" sagot naman sa kanya ni Tala, at inikot nga nila ang buong mall, marami silang pinasukan na iba't ibang clothing section, pati sa make - up kinareer na rin na tala, mga accesories at madami pa silang binili.

 sa kabilang banda naman ay dumating na ang mga Sebastian sa bahay ng mga Andrada, dala dala ang maraming pagkain na niluto mismo ni Mrs. Sebastian.

"magandang gabi po Tito :)" bati ni Winde kay Mang Ken

"magandang gabi ijo :) oati sa inyo Mister at misis Sebastian :)" pagbati ni Mang ken sa pamilya ni Winde

"where's Ms. crab and corn?" tanong ni wendy

"ha?" tanong ni Mang ken

"ah tinutukoy niya po yung anak niyo :)" sabi naman ni Winde

"ah umalis siya kanina pero pabalik na rin yun :)" sabi ni mang Ken ng biglang kumalabog ang pinto, at nagulat ang lahat sa nakita nila. si Tala nakapang rockstar at may dala dala din siyang electtic guitar para totoo talaga ang acting. lahat ng suot ng dalaga ay itim.

"yow ~" bati nito sabay upo na akala mo eh bad boy

"tala" pagsaway ni Mang ken

"hahahah naku ang cute :D may hidden talent pala si Tala Ken ngayon ko lang nalaman :D" paghanga ng ina nito

"oo nga matagal tagal na namin siyang sinusundan nitong asawa ko pero ngayon lang namin siya nakita , galing gig?" tanong ni Mr. Sebastian

"oh my gosh I like your outfit *__* it suits you very well kala ko sa ibang bansa lang ako makakakita ng ganitong fashion ikaw rin pala magkakasundo tayo :D" masayang sabi ni Wendy

"Plan A failed." bulong ni Mac kay Tala

"mukha nga :3" sabi nito

"so it's your dark side huh :)" sabay ngiti naman ni Winde kay Tala na lalong kinainisan niya

"kumain na tayo :)" yaya ni Mrs. Sebastian matapos ay inihanda na nila ang hapag.

"sige gusto ko yan tara na!" sabat naman ni Mac

"and who is he? anak mo Ken?" tanong ni Mrs. Sebastian

"ah hindi po kaibigan lang po ako ni Tala :) " sabi naman ni Mac

"Really what's your name?" tuwang tuwang tanong ni Wendy

"Mac :) but you can call me Michie :)" patawa naman nito

"hahahha I like you ;)" sabi ni Wendy matapos at kinindatan si Mac agad namang umakto na parang nagsusuka si Mac

"sis o kadiri siya." bulong niya kay Tala

"manahimik ka wala ng mas ikakadiri pa tong papakisamahan ko ng isang buwan." bulong ni Tala dito

"look honey she's so friendly :) naku mukhang magkakasundo talaga siya at ang anak natin :)" pagsasabi ng ina nito na hangang hanga kay Tala

"so when's the wedding?" agad na tanong ni Mr. Sebastian, ang lahat naman ay tila nabulunan sa kanyang tanong

"pwede bang bigyan natin ang mga bata ng pagkakataon para magkakilala pa?" tanong ni Mang Ken

"ah oo naman sir pwedeng pwede po di naman po nagmamadali sila mama :)" sabi ni Winde

"tama po si Winde" pagsang ayon ni Tala , at himala ang nangyari dahil unang beses siyang natuwa sa lumabas sa bibig nitong si Winde

"how about they should live in a same house?" pagsusuggest ni Wendy napatanga naman si Mac at Tala sa suhestyon ng kapatid ni winde

"that's right para magkakilala ng lubos ang mga anak natin :D" sabi naman ni Mrs.Sebastian

"the idea is great i'm in." sabi ni Mr. Sebastian

"naku ako okay lang saken :) ewan ko lang kay Ms. Stalker." sabi ni Winde matapos ay baling ng tingin kay Tala, bago magdesisyon ay huminga muna ito ng malalim.

"okay then, san naman kami titira?" nagulat ang lahat sa pagpayag ni Tala

"seryoso ka anak?" tanong ni Mang Ken

"oo naman pa :)" sbai nito sabay ngumiti ng parang may pinaplano

"mabuti kung ganun :)" masayang sabi ni Mang ken

"all right then bukas na bukas susunduin kita dito Tala ah ihahatid ko kayo sa bagong bahay niyo" masayang sabi ni Mrs. Sebastian

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top