#2 MSTMW?!
"magandang hapon anak :) " masiglang bati ng ama ni Tala sa kanya
"oh pa san ka galing? mukhang di ka naman namalengke kasi wala kang dala."matapos magmano ay tanong agad ang binungad ni Tala sa ama
"ah sa kakilala namin ng mama mo Tala :) " sagot ng ama neto
"ah akala ko naman eh nga pala bukas pa daw yung event namin pa, nga pala pa aalis ako para kunin ang cellphone ni Mac" pagpaaalam ni Tala
"kukunin? bakit anyare anak?" tanong ng ama neto
"ah pano kasi nawala niya sa parke eh nagtext saken ang nakakita ayun may lakad si Mac ako nalang daw ang kumuha." sabi nito sa ama
"ah ganun ba osige ingat ka anak ah nga pala bukas ng gabi agahan mo ng uwi ah may pupuntahan tayo :) " sabi nito sa anak bago umalis
"osie po babye pa alis po muna ako." sabi nito matapos ay umalis na
"magkakakilala na rin sila Ma." bulong ng ama ni Tala sa litrato ng namayapa nitong asawa
naglalakad si Tala papunta sa parke kung san sila magkikita ni Winde. umupo muna ito sa mga upuan para maghintay, nauna kasi siya saktong alas singko na ng hapon.
"malilintikan talaga saken yun kung di siya pupunta :3" asar na bulong ni Tala
"ui on time ako ah. ikaw nga ang late eh" nagulat siya sa boses na nangaling mula sa likuran niya, boses ng isang lalaki
"ikaw ba yung?" hindi na natapos ang tanong ni Tala kasi biglang lapit ng mukha ni Winde sa mukha neto
"hmm eto ba?" tapos nilayo ni Winde ang mukha niya at inilabas ang cellphone
"akin na nga yang cellphone ng boyfriend ko!" sigaw ni Tala dito, oo nagpanggap siyang kasintahan niya si Mac
"hahaha o eto ;)" matapos ay inabot na neto ang mobile phone ni Mac agad namang kinuha ni Tala eto sa mga kamay ni Winde
"alam mo bagay sayo pangalan mo " sabi nito sa binata
"naalala mo pa pangalan ko? pasensya na masyado bang unique ;) " sabay kindat sa dalaga
"para ka kasing bagyo aga mo manira ng araw isa pa mahangin ka ."
"hahaha kala ko pick up line hahha ikaw miss , kulangot ka ba?" sambit neto sa dalaga
"kasi hard to get ako?! oo hard to get talaga ko di mo ko madadala sa pakindat kindat mo isa pa may boyfriend nako!" sigaw nito sa binata kaya naman napunta sa kanila ang atensyon ng mga tao
"hindi, may kulangot na nakalabas sa ilong mo ;)" sabi ng binata matapos ay tumalikod na kay Tala agad namang pinunasan ni Tala ang dumi sa kanyang ilong, ang mga tao sa paligid ay natawa sa nasambit ng binata
nasa malayo na si Winde ng biglang sumigaw na
"Miss alam kong nalulungkot ka kasi ang gwapo ko, na di tayo bagay pero ito payo ko sayo, wag kang papatol sa bakla ;) " sabi nito matapos ay tuluyan ng umalis, matagal pa ng konti bago nag sink in sa utak ni Tala ang ibig sabihin ng mga sinabi sa kanya ng binata
Tala
anak ng nakakahiya , lumabas ako ng may kulangot sa ilong? hayup na lalaking yun wag lang talaga ulit magkita ang landas namin makakatikim talaga siya, naku dami pa namang tao kanina, madaming nakakita -_-\
kasalanan to ni mac eh ng dahil sa cellphone niyang akala mo pagka ganda ganda kaya di kayang palitan eh -_-
pinindot ko ang cellphone ni Mac at nagulat ako sa nakita ko, kaya siguro nalaman nung lalaki na bakla si Mac eh dahil sa mga litrato na nakasave dito sa cellphone niya na kung di nakatopless eh nakabrief :3
manyak na baklang yun napahiya ako ng dahil naku nak ng naku talaga
*one text message received*
unknown number
biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko naman kinuha ito sa aking bulsa at binuksan habang patuloy sa aking paglalakad.
"salamat sa titig mong nakakamatay ms. stalker ;)" wrong number? maybe not kahanginan palang alam ko na kung sino eh maniniwala na talaga ko sa teknolohiya kung pwede kang magsend ng kutsilyo through text at mamamatay ng very hard ang makakatanggap neto, ang lakas ng loob sabihing stalker ako eh siya tong umaastang stalker
"stalker mo mukha mo. i am never your stalker and never will be one, pwede tumigil ka na sa pagtetext saken?" reply ko sa kanya siguro sinave neto yung number ko mula sa contacts ni mac , di ba uso sa kanya ang password -_-
"uhmm pwede hindi? :D" reply neto saken niloloko talaga ko netong lalaking to
"sabi ng wag magtext eh" reply ko sa kanya nandito nako sa tapat ng bahay namin nabuburyo na talaga ko sa lalaking to
"eh nagtanong ka eh baka maghintay ka ng buong gabi kapag ka di ako nagreply ;) " sabi nito saken at pinilosopo niya ko, di ako makapaniwala sa lalaking to, akala ko sa mga teleserye lang may ganito , hindi nako nagreply kasi baka madugtungan na naman okay na yung binweset niya ko kanina.
"oh anak kain na :) " yaya saken ni papa, nagluto siya ng paborito ko adobong manok na may cheese na madami hahaa bata kung bata pero may paborito rin naman ako :D nawala ang badtrip ko at agad namang umupo sa lamesa kasama si papa. at kumain na kaming dalawa matapos ay naghugas nako ng plato
Winde
"ahahahha! grabe laptrip talaga ko sa babaeng yun hahaha nagpanggap ba namang boyfriend niya ahaha at yung kulangot sa ilong niya hahaha ang cute XD naku" natatawang kwento ko kasama ng kaibigan kong si Trevor kasama ko siya kanina na magpunta sa parke pero di na siya lumabas ng kotse at inantay nalang ako, dapat kasi magbabar kami ngayon eh coding ang sasakyan niya kaya naman yung saken ang gamit namin at imbes na magbar kami napunta nalang kami sa isang library, oo mahilig siyang magbasa, propesor kasi siya hahaha ako kinuha ko yung mga librong may picture, natural lang yun sa mga taong di naman masyadong mahilig magbasa diba
"wala ka na bang mas malinaw na larawan ng babae na nakita mo kanina?" tanong niya saken pinicturan ko kasi yung contact picture nung babae at pinakita ko kay Trevor
"hahaha wala na pre puro lalaking picture na ang nandun ahha!" sabi ko dito
"sshhh" puna ng librarian saken ahaha masyado ata akong masaya
"pamilyar kasi ang pangalan niya eh. Tala hmm" sabay napaisip si Trevor
"baka naman kasi tagalog siya ng star kaya pamilyar ahahha!" tawang tawa kong sabi kay Trevor
"ahahah baka nga" sabi nito matapos ay tinuon na ulit ang atensyon sa kanyang binabasang libro, naku nabobore na naman ako maitext nga si miss stalker
"salamat sa titig mong nakakamatay ms. stalker ;)" text ko sa kanya hahaha pinabasa ko naman kay Trevor ang sinend ko
"hahhaa pre parang baliktad naman ata :V" sabi nito saken
"anong baliktad?" tanong ko sa kanya
"yung stalker kasi parang ikaw naman ang stalker sa inyong dalawa hahaha!" sabi nito tapos ay basa ulit
"ahahha siya ang stalker alam mo siya naman ang unang nagtext samen eh" pagpapaliwanag ko
"first of all , cellphone na napulot mo ang tinext nung babae, pangalawa hindi para sayo yun at pangatlo, wala dapat sa concern mo ang text na sinend nung babae" pagpapaliwanag saken ni Trevor
"buti nga nireplayan ko siya eh choosy pa " sabi ko kay Trevor
"stalker mo mukha mo. i am never your stalker and never will be one, pwede tumigil ka na sa pagtetext saken?" hahaha! yan lang naman ang reply saken ng tagahanga ko XD hahaha kaya naman lalo akong napahagalpak sa tawa kaya ayun pinalabas na kami ni Trevor sa library
"alam mo pre ngayon ka nalang ulit sumaya ng ganyan simula nung nawala siya." biglang naging seryoso ang usapan namin ni Trevor, sinong di nagiging seryoso pag binabanggit ang nakaraan mo diba
"pero, di kasing saya nung kasama ko pa siya." seryosong sabi ko, naalala ko na naman lahat, kung pano nagsimula ang lahat at kung pano natapos ang lahat ng ganun ganun nalang
"tara na pre hatid mo na ko sa bahay dun nalang ako magbabasa " sabi nito matapos ay sumakay na kaming dalawa sa sasakyan at hinatid ko siya sa kanila bago pumunta samen.
nandito ako sa kwarto at tinitingnan ko yung reply saken nung babae kanina, kahit pano nawawala sa isip ko ang mga bagay na pinaalala saken ni Trevor loko talaga yun di minsan alam kung ano ang dapat at di dapat banggitin
"stalker mo mukha mo. i am never your stalker and never will be one, pwede tumigil ka na sa pagtetext saken?" di ko pala siya nareplayan agad
"uhmm pwede hindi? :D" reply ko sa kanya hahhaa mukhang mas okay pa siya guluhin kesa alalahanin ang mga bagay na dapat kalimutan na
"sabi ng wag magtext eh" hahaha XD nakakatawa siya eh nagtanong siya pag di ako nagreply ako naman magmumukhang masama hindi naman ako ganung klase ng lalaki pagdating sa mga humahanga sayo dapat itrato mo sila ng tama :)
"eh nagtanong ka eh baka maghintay ka ng buong gabi kapag ka di ako nagreply ;) " ayun di na siya nagreply matapos sa sinend ko hahha siguro pagpapahingahin ko muna siya sa kagwapuhan ko baka masyadong na star struck kanina kasi nakaharap niya ang hinahangaan niya ayun baka hinimatay sa sobrang pagkakilig saken ahhaha tama yun nga siguro ang dahilan, haaha tinitigan ko ang pangalan niya sa contacts ko
Tala
Tala?
TALA?! nagulat ako sa naalala ko di naman kaya o.O
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top