#1 MSTMW?!


.

"pa, ang hiling ko lang sana mapabuti si Tala sa paglipas ng panahon. alam mo ang ibig kong sabihin diba?" sabi ng isang naghihingalong babae sa isang kwarto sa ospital

"pero ma, nasa sa kanya pa rin yun kung ano ang desisyon niya diba?" pagsasabi ng asawa nito

"pero pa, gawin mo lahat para mapalapit sila ah parang tayo, mahal na mahal kita at si Tala." sabi ng babae matapos ay binawian na ng buhay, iyak ng iyak ang asawa niya at ang anak nilang babae na 5 taong gulang lang


Tala 

matapos nagising ako sa panaginip ko, ako si Tala Andrada 21 taong gulang nag-iisang anak nila Ken at Payie Andrada, may kaya kami pero nalugi kami matapos mamatay si Mama, sunod sunod na din yung kamalasan, pero tulad nga ng sabi nila hindi araw araw ang bagyo, ulan nga tumitila, bagyo pa kaya. napanaginipan ko na naman ang nangyari ilang taon na ring nakakalipas. Maitext nga si Mac.

"Ui anong oras ba tayo punta maya?"

*Sent*

*one text message received*

"who's this?" reply nito aba loko to ah inenglish english pa ko lakas ng loob

"who's this mo mukha mo wag ako mac, anong oras nga tayo pupunta mamaya sa racket?" reply ko sa kanya wala ako sa wisyo makipagbiruan sa bading na yun ngayon

*one text message received*

"racket?mac? ahh alam ko na alam mo kung gusto mo kong makatext wag mo ng daanin sa ganito alam ko na modus mo ;)" reply saken aba loko talaga sinusubukan talaga ko

"sino ba to?" reply ko

"look who's asking, diba dapat ako nagtatanong niyan? pero mukhang kilala mo naman na talaga ko pero you want to know me more right? ako si Winde Sebastian" reply saken, mukhang may mali sa scenariong to tiningnan ko ang number na sinendan ko tama naman, zinoom in ko pa lalo para makita kung san may mali pero tama naman ang number tama din ang contact anyare

"asan si mac?" reply ko sa kanya

"i don't know." reply neto saken

"ba't nasayo cp niya? boyfriend ka ba niya?" tanong ko sa kanya?

"I'm not a gay. look miss, nakita ko lang tong cp nalaglag ;) saka ka na magpasalamat :) " reply nito aba loko talaga ang lakas ng loob tsaka miss?! pano niya alam na babae ang kausap niya?

"first thing, di mo dapat pinapakialaman ang di mo gamit, pangalawa bakit ka nagreply eh hindi naman pala sayo yan at hindi din para sayo ang text so why reply, pangatlo how did you know na babae ko?" reply ko sa kanya

"alam mo miss salamat sa thank you mo. you might wanna get this thing kunin mo nalang hihintayin kita dun sa park kung san ko napulot to ;) 5 pm okay? tsaka about sa pano ko nalaman? temper mo palang alam ko na ;)" aba inutusan pa ko di ko na nireplayan bahala siya sa buhay niya tsaka temper ko? lul loko loko talaga yun si mac baka nung nagjogging eh nalaglag niya yung cellphone niya sa parke.

"sis!" ang lakas ng katok sa labas ng kwarto ko si mac to.

"oh? hulaan ko nawala cp mo?" sabi ko sa kanya

"pano mo alam? " hangang tanong niya saken, at may panahon pa siyang humanga ah

"syempre tinext kita at iba ang nagreply!" bulyaw ko sa kanya

"ibig sabihin okay pa yung cp ko? na buhay pa? na hindi nasnatch?" sabi nito

"anong snatch nawala ang cellphone mo sa katangahan mo :3 "pagpapangaral ko

"naku dali kunin natin cp ko kasi naman eh dami kong contacts dun sis nandun yung event para bukas sa catering natin

"ay bukas pa pala yun?" tanong ko sa kanya

"oo sis bukas pa nakalimutan mo na naman :3 " sabi niya

"hahaha onga noh sarehh punta ka daw 5 ng hapon sa parke kung san mo nalglag tong cp mo " sabi ko sa kanya

"5 pa? naku may lakad ako mayang 4 sis eh magkikita kami nung foreigner na nakaskype ko dito na kasi siya sa pinas ;D" masayang sabi neto saken

"so anong gusto mo na ako ang kumuha?" alam ko na pinupunto ni mac eh

"hehehehe ;)sige na sis minsan lang naman ako humingi ng favor eh :))" sabi nito sabay niyakap ako

"kadiri ka! di ka ba kayang bilhan ng foreigner na yun ng bagong cellphone?!" sigaw ko sa kanya

"sis naman nakakahiya ka ah XD hahaha syempre unang date pa nga lang namin ngayon papabili nako." sabi saken

"aba praktikal na dapat sa panahon ngayon noh :3" sabi ko sa kanya

" sis sige na pleaseee~" sabay yakap saken at nagmamakaawa ng paulit ulit

"ona sige na napakakulet :3 "

"yehey~ osige sis alis nako ah magpapaganda pa ko :) " sabi nito saken

"malandi , mangagamit~!" sigaw ko sa kanya bago umalis sa kwarto at ayun umalis na nga siya kinawayan lang ako :3

nagtatrabaho kami ni mac sa isang catering, at bukas may event kami, akala ko naman ngayon kaya tinext ko siya aga ko pa tuloy nabadtrip. makakaen na nga. lumabas ako ng kwarto at nagpunta ng kusina wala pala si papa

siguro namalengke ayun wala akong nakita kaya nag instant noodles nalang ako, ulam na rin to noh pambuno sa sinisigaw ng tiyan ko.

"oi alas singko ah pag di ka dumating tutubuhan talaga kita." tinext ko yung number ni mac para ipaalam na kukunin ko yung cp

*one text message received*

"okay :D" reply neto saken. matapos ay payapa nakong kumain dito sa bahay kasi alam kong mamaya pagsapit ng alas singko baka kumulo na naman ang dugo ko. matapos ko kumain ay naghugas na ako, naligo at naglinis ng buong bahay, in charge muna ako dahil wala si papa.

Winde

"son, son." isang malumanay na boses ang gumising saken, nanay ko pala

"oh bakit ma?" tanong ko sa kanya

"anak may papakilala sana ko sayo eh :) bihis ka na then go downstairs okay?" sabi neto saken matapos ay umalis na sa kwarto ko

naku sino naman kaya ang ipapakilala saken ni mama? ako nga pala si Winde Sebastian, 25 years old, nag iisang lalaking anak na magpapatuloy ng lahi ng sebastian. dalawa kami ng kapatid ko kaya lang babae alam niyon naman na mapapalitan ang apelyido niya. kaya ako ang magpapatuloy sa linya ng Sebastian sa mundo. naghilamos toothbrush at ligo na ko matapos ay nagbihis gaya ng sabi saken ni mama. parehong mga busy na tao ang magulang ko pero isa sa hinahangaan ko sa kanila ay kahit busy sila di nila kami napapabayaan ng kapatid ko di gaya ng ibang mga magulang

"ijo meet Mr. Andrada your future father in law :) " maligayang pagpapakilala ni papa sa lalaking nakatayo sa harapan ko

"ah po?"pag papaulit ko kasi parang mali ang rinig ko

"her daughter will be your wife soon :) you'll be able to meet her by then ;) " masayang sabi naman ni mama, wala nakong nagawa ngumiti nalang ako dun sa lalaki at nakipagkamay

"lumaking gwapo at maginoo si Winde , maligaya ako para sa inyo :) " sabi ng lalaki sa mga magulang ko natuwa naman ako kaya ngumiti ako

"alam mo naman Ken diba alam niyong dalawa ni Payie ang pagmamahal ng isang magulang " masayang sabi ni mama

"ah oo naman :) mahalaga ang mga anak natin saten kaya ang gusto natin ay mapabuti sila :)" sabi nito

"osige mauuna nako at naghihintay pa saken ang anak ko ah :) " pagpapaalam nung mister

"osige sige ingat pauwi Ken " sabi ni mama

"hatid na kita sa labas Ken :) " sabi naman ni papa matapos ay umalis na nga sila at naiwan kami ni mama, chance ko na magtanong

"uhm ma ano yung sinasabi niyo pala kanina? anong asawa?" tanong ko sa kanya

"si Ken at Payie anak matalik naming kaibigan ng papa mo at di pa kayo planado ni Tala eh napagkasundo na namin kayong dalawa :) " masayang sabi saken ng magulang ko

"eh? kilala niyo na yung anak nila ma?" tanong ko

"ahm oo sa totoo lang busy kami ng papa mo na sundan si Tala netong mga nakaraang araw para makilala namin siya ayun di kami nagkamali :) bagay na bagay siya para sayo ijo" parang mapupunit na ang labi ni mama kakangiti sa mga sinasabi niya

"osige po una nako sa taas ma ah may meeting pa ko na aattendan maya kelangan kong reviewhin ang proposal na sinubmit saken :)" paalam ko sa aking magulang matapos ay umakyat na.

arrange marriage pala,uso pa pala to hahaha naku tyumempo pa saken. bahala na. aalis nako ng biglang tumunog ang cellphone na napulot ko kahapon sa park.

*one message received*

"Ui anong oras ba tayo punta maya?" actually alam ko it's rude to sneak into somebody else's mobile phone but I can't help it parang may nagsasabi saken na replayan ko to, na this might bring something good in me

who's this?" ayan ang reply ko hahah kahit alam ko na kung sino ang nagtext , her name was registered into the contacts. Tala huh

"who's this mo mukha mo wag ako mac, anong oras nga tayo pupunta mamaya sa racket?" hahaha! mukhang mabilis maburyo ang taong to, text palang alam mo na ang temper ng isang tao.

"racket?mac? ahh alam ko na alam mo kung gusto mo kong makatext wag mo ng daanin sa ganito alam ko na modus mo ;)" hahaha masubukang asarin ang taong to aahahha wala na ring thrill ang buhay ko simula ng grumaduate ako ng highschool since I'm the good boy na kilala ng mga magulang ko, I can't fail them.

"sino ba to?" sagot niya saken hahaa mabilis magtype ah gustong gusto niya kong makatext hahaha!

"look who's asking, diba dapat ako nagtatanong niyan? pero mukhang kilala mo naman na talaga ko pero you want to know me more right? ako si Winde Sebastian" sabi ko sa kanya, di mapigil ang mga ngiti na nakikita

sa mga labi ko hahaha natatawa ko

"asan si mac?" reply niya saken

"i don't know." reply ko sa kanya

"ba't nasayo cp niya? boyfriend ka ba niya?" the heck hahaha napagkamalan pa kong bakla, bakla siguro tong mac pangalan palang at conclusion niya agad na boyfriend ako neto haha

"first thing, di mo dapat pinapakialaman ang di mo gamit, pangalawa bakit ka nagreply eh hindi naman pala sayo yan at hindi din para sayo ang text so why reply, pangatlo how did you know na babae ko?" hahaa siguro

akala niya i'm kind of psychic or ano dahil nalaman kong babae siya hahaha

"alam mo miss salamat sa thank you mo. you might wanna get this thing kunin mo nalang hihintayin kita dun sa park kung san ko napulot to ;) 5 pm okay? tsaka about sa pano ko nalaman? temper mo palang alam ko na ;)"

reply ko sa kanya haha siguro nanggagalaiti na siya sa galit hahaha ngayon nalang ulit ako natawa ng ganito since my first love left me. somehow it's funny to text a stranger. ilang minuto na rin ang lumipas di na siya nagreply ano ba yun napaka kj naman hahha pero matingnan nga ang gallery neto baka may picture yung babae dito hahaa pagkabukas ko ay tanging pictures ng lalaki nakita ko may picture yung sa contacts niya pero

mas maliit pa sa one by one di na nga maaninag ang mukha eh , pero babae siya bakla nga siguro ang may-ari neto puro model sa magazines ang nakasave na picture

"oi alas singko ah pag di ka dumating tutubuhan talaga kita." hahha XD ano kayang ibig sabihin ng tutubuhan hahaha! pinapatawa talaga ko neto

"okay :D" masayang reply ko hahaha di ko maitago yung ngiti ko hahaha, wala na ulit reply , ngayon ko lang naalala ulit na may kailangan pa pala kong puntahan, meeting as usual wala naman akong ibang ginawa kundi

maging substitute ni papa sa mga meeting na di niya naattendan eh. we have a car company. yes we're behind the famous Sebastian Cars in the country and we're busy doing a new project.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top