Chapter 4 ~She caught his eyes
The sound of jazz echoing in the whole mansion. Everybody has their own groups chatting and mingling, some other girls talking a very flirting way, they socializing and spending their expensive nights. Tonights party was for a newly member of their group. It's their tradition to treat them because they survived from initiation.
Naniningkit ang mata niya habang nagmamasid. Bakit parang wala man lang pakialam si Sharmane kahit wala pa ang dalawang newly member niya. May hindi siya gusto sa nangyayari. Baka maulit na naman kagaya noong isang taon. May nangyaring masama sa isang bagong member din dahil sa kapabayaan ni Sharmane. Since third year ay hindi ito napapalitan sa pwesto kaya pinagmamasdan lang siya ni Jurius.
"Call her. Bakit wala pa sila?! It's already 10 o'clock.!." Malakas ang boses na sabi ni Jurius kay Sharmane.
"I don't have her digits. Nakalimutan ko hingin." Sharmane answered safely at tumalikod na kay Jurius. Kahit ano pa ang gawin niyang papansin kay Jurius ay hindi siya nito mapapansin. Walang imik na inihatid lang ng tingin ni Jurius si Sharmane pabalik sa inuupuang coach nito sabay tungga ng beer at nakipag-appear pa sa dalawang alalay niya na officer din ng org.
"May problema sissy?." Tanong ni Gwyneth, ang kanang kamay ni Sharmane. Sabay sulyap nito kay Jurius.
"Wala. May tinanong lang siya." Tamad na sagot ni Sharmane.
"Pero bakit parang hindi maipinta ang mukha ni Master." Puna pa ni Gwyneth. Hindi na siya pinansin ni Sharmane kaya tumigil na lang sa kakatanong. Itinuloy na nila ang kwentuhan at pagpapakasaya.
"Ignore her again huh?." Tatawa-tawa si Kairi habang pinagmamasdan ang pagpapapansin ni Sharmane kay Jurius. Kairi was his bestfriend and cousin. Hindi siya member ng brotherhood but he has a permit to join or even hangouts with them. Actually this white mansion own by his family. Pero walang nakatira dahil busy ang kanyang mga magulang sa Japan.
Jurius was half Filipino and Half Japanese his father was from Japan. Pareho sila ni Kairi, magpinsan ang ama nila na parehong Japanese. Pero ang kilos nila at ugali ay pinoy na pinoy. Kahit ang kutis ni Jurius ay kayumanggi pero ang mata niya ay nakuha sa father niya. Bagsak rin ang buhok niya na kulay dark brown and he's 5'6 in height.
Twenty-three years old Jurius was a serious guy from a very wealth family. Her mother was a president of Montess University. It supposed to be his Dad pero inatake sa puso ang Daddy niya at hindi na ito nakarecover pa kaya ang mama niya ang pumalit sa pwesto as president of the university.
"You must be a real hit with the ladies. But you're so choosy cous." Pabulong pa na sabi ng pinsan niyang si Kairi at ipinagdikit ang hawak nilang beer. "Cheers!." Sabay tungga. Wala naman talaga siyang hilig sa babae kaya hanggang tingin lang sa kanya ang mga ito.
Jurius was MedTech students, pareho ang kurso na kinukuha nila ni Kairi. Jurius was a simple and kind son. He always obey his mother dahil mag-isa na lang itong nagtataguyod sa kanila ng kuya niya. Matagal ng graduate ang kuya niya kaya mag-isa na lang siyang pinag-aaral ng Mama niya at kahit spoiled siya sa lahat ng bagay ay ang Mama niya pa rin ang nasunod kung anong gusto nitong kurso para sa kanya.
"I'm not feeling good." Bulalas ni Jurius at alam naman ni Kairi ang tinutukoy nito. Magkahawig ang hugis ng mata nilang dalawa ni Jurius pero medyo mababa lang si Kairi ng konte at makinis ang maputing balat nito. They both handsome at same ang hugis ng katamtamang ilong.
"Don't worry. History never repeat itself. Trust me. I'll take care everything." Masayang sabi ni Kairi na patingin-tingin pa sa screen ng handphone niya.
"Syempre I trust you always, Kai. Ikaw pa."
Kahit hindi mapakali ay hindi ipinahalata ni Jurius sa kasama ang totoong nararamdaman. Kanina pa mahaba ang leeg niya kakahintay kay Mairi. A girl who caught her attention.
Woaah she smiled again. He remember that sleepy afternoon after his class and it's around 3 pm ay nagdecide siya na magpalipas ng oras sa dormitory niya. Iyong nilinisan ni Mairi ay may katabing isa pang kwarto at doon ang dorm niya. Kapag ayaw niya umuwi sa bahay nila ay doon siya naglalagi sa private room na iyon. Pinasadya talaga iyon ng Papa niya ipagawa para sa mga private meetings at pinalagyan ng kwarto na kompleto ang gamit na parang condo na rin. Pero wala pang nakakapasok sa kwarto na iyon. Si Jurius lang.
Walang imposible dahil pag-aari ng pamilya nila ang school na yon. Kairi's Dad also a shareholders of that school at may isa pang malayong kamag-anak sila Jurius na shareholders din.
"Hahaha that girl." Bulalas ni Jurius na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mahimbing na babaeng natutulog sa couch. Isang oras niya pinagmasdan si Mairi sa nakakatawang itsura nito. Kinumutan niya at kahit maingay siya habang kinakausap ang kuya niya sa phone ay hindi pa rin nagigising.
Nang maramdaman niyang kikilos na ay takbo siya sa private room niya at nagtago pero sinisilip pa rin ang dalaga habang nakakatawang kinakausap ang sarili. Alam ni Jurius na pagod ito kaya binayaran niya ang paglinis nito sa meeting area na iyon. Nakita niya rin kase si Laarni na maagang umalis sa building kaya alam niyang mag-isang naglinis si Mairi.
"Are you smiling?." Biglang nalukot ang mukha ni Jurius. Napansin pala siya ni Kairi.
"No." Matigas na tanggi niya.
"But I saw you. Hindi pa naman ata malabo ang mata ko eh. May hindi ka sinasabi sa akin huh. Sino yan?." Si Kairi na nagsusumiksik sa tabi ni Jurius.
"Anong sino?." Kunwaring balik-tanong ni Jurius.
"Yes, sino. Dahil babae lang naman ang nakakapagpalabas ng killer-smile mo eh. Wala ng iba. Kilala kita kahit bilhan ka pa ng sports car ni Tita hindi ka ngingiti ng ganyan eh. Sino yan? Sabihin na." Pangungulit ni Kairi. Na inilibot pa ang mga mata sa buong mansion.
"She's not here."
"Got you! She's a she talaga. Swerte naman ng babae na yan. Gusto ko na agad makilala ang magiging cousin-in-law ko." Pagbibiro ni Kairi na mukhang masaya para sa bestfriend niya. Alam ni Kairi na pihikan ni Jurius at minsan lang siya magkagusto sa babae. Simula first year college ay bilang lang ng dalawang daliri ang nakakuha ng attention ni Jurius. 'Yon nga lang hindi man lang humantong sa pag-iibigan dahil may mga attitude ang babaeng nagugustuhan niya.
"Goodluck.! Sana hindi ka na magkamali sa pagpili. Haha. Naalala ko lang si Roxanne. Your first girlfriend. Gusto lagi na magsolo kayo sa dorm mo eh." Pang-aasar ni Kairi. "At si Solaire din.." uh I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Paumanhin ni Kairi ng mabanggit ang pangalang Solaire.
"Not my dorm. No one allowed to enter in that room." Pagtatama ni Jurius.
"Okay. Okay. Sa meeting room na lang pala." Pagbabawi naman ni Kairi at alam niya naman na nagsasabi ng totoo si Jurius dahil kahit siya hindi pweding pumasok sa kwarto na iyon eh. Hindi niya alam ko'ng bakit pero mukhang napakahalaga ng katahimikan ng kwarto'ng iyon.
"Isa ba siya sa newly member? At ang rason kung bakit ka balisa ngayon?." Kairi was intently curious. Kaya ba siya inutusan ni Jurius na bantayan ang kilos ni Sharmane noong isang araw pa? Dahil baka maulit na naman ang parati na lang nangyayari sa tuwing may bagong pasok na member sila?
Kairi was watching both of her cousin and Sharmane. Sa kinikilos ni Jurius at totoo ang hinala niya na may hinihintay nga ito ngayong gabi. Hindi niya pa alam ang mga bagong member kaya wala pa siyang idea. Iniwan ni Kairi si Jurius para kumuha ng maiinom sa fridge pero hindi niya inalis ang mga mata sa pinsan niya.
Ilang minuto pa ang nakalipas. It's almost 11 in the evening ng maglakad si Jurius patungo kay Sharmane at sa iba pa'ng sisterhood nito. Hindi na siya mapakali kaya nilapitan niya na ito.
"If I were you. Gagawa ako ng paraan para malaman kung safe ba sila o hindi." Ang tinutukoy ni Jurius ay sila Mairi at Laarni dahil si Sharmane lang naman ang inutusan niya na magsend ng invitation para sa party ngayong gabi. Agad namang kinuha ang cellphone ni Sharmane sa pouch at may kung anong tiningnan.
"She's safe. Hindi raw siya nakarating dahil hindi nakuha ang daan papunta rito." Pinakita niya pa ang chat ni Mairi kaya nakahinga si Jurius ng maluwag. Sabay talikod at pumanhik sa taas para sundan si Kairi. Nakita niyang umakyat si Kairi sa hagdan kaya sumunod na siya. Hinayaan niya lang ang mga member niya na magsaya ngayong gabi. Naiwanan niya naman mag entertain ang dalawang officer pa na sunod lang kay Jurius ang rank. Nagbilin si Jurius na ko'ng may kailangan ay tawagin lang siya. Alam naman ng mga member ng organization na kapag napapansin nila na wala sa mood si Jurius ay kailangan nilang umiwas. They respect their master at dahil na rin sa mabait itong tao na kapakanan lagi ng mga member niya ang iniisip nito kaya iginagalang si Jurius nang mga member niya.
Pero nasa hagdan pa lang si Jurius ng makita niyang nakasimangot si Sharmane na tinutungga pa ang alak. She seems disappointed. May negative aura talagaang babae na iyon kaya kapag nakagawa pa siya ng 3rd offense ay papalitan na siya sa pagka-presidente ng sorority.
"We lost again." Bulalas ni Sharmane sa dalawa pa niyang alipores.
"Seryuso?." Tanong naman ng isa.
"Someone help her kaya hindi natuloy ang plano." Umandar na naman ang masamang ugali nito. Hindi niya na naman gusto ang bagong salta sa kanila kaya gagawa na naman siya ng paraan para mag quits ito at isumpa ang org. Napapansin niya na kakaiba ang mga titig ni Jurius kay Mairi. Nagseselos siya dahil matagal na siya'ng may gusto kay Jurius. Since first year college pa.
"Palipas ka muna dahil pinag-iinitan ka ni Jurius. Kapag okay na naman ang lahat. Saka tayo mag-iisip ng paraan." Gwyneth suggested to Mairi.
Sa taas. Naglaro lang ng video-game sila Kairi at Jurius. Wala sila sa mood para uminom ngayong gabi. Lalo na hindi mapakali si Jurius kakaisip kung ano ang totoong dahilan bakit hindi nakarating si Mairi sa venue. Siya pa naman ang pinaka dahilan kaya napa-aga ang party nila. Gusto niya makilala ng lubos ang dalaga dahil mukhang kakaiba ito sa lahat ng babae na nakilala niya.
She's like a hidden mystery na parang dagat lang. Tahimik pero malalim. Nakuha ni Mairi ang atensyon niya. She's a brave girl na hindi man lang umiyak sa initiation rights nila. And her aura and simple gesture made him insane. Hindi si Jurius makapaghintay na makilala niya ito. He's interested to her since the day na makita niya ito.
Z
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top