Chapter 24 ~Our Founder~
Today was sunday at free time nila Jurius. Ngayon din ang initiation ng mga newly recruit member, the council invited them in white house. May pahintulot naman mula kay Kairi. Mairi was also invited at sinamahan siya ni Laarni dahil ang letter na ipinadala kay Mairi ay kailangan niya tumanggap ng Disciplinary Action because she violates some rules at hindi rin siya nag attend ng ilang gatherings at community service for her scholarship.
Nagkita-kita silang apat doon sa white house. Jurius, Kairi, Laarni and Mairi. jurius trying to steal Mairi pero hindi niya magawa dahil maraming tao ang nakamasid. Gusto niya sana makausap ito tungkol sa mga violation niya pero mukhang late na. He can’t defend her lalo na papalitan na siya dahil magiging busy siya sa internship. Syempre nandoon rin sila Sharmane, Gwyneth at mga ibang members din. Hindi pa nagtuturn-over si Sharmane at ngayon isasabay ang pag-turn-over nang ilang officer.
Sa kalagitnaan ng pagtitipon biglang nawala si Mairi, hindi pa man din siya nabibigyan ng D.A ay kinaladkad na siya nila Sharmaine at mga kasamahan nito sa masukal na eskinita. Sharmane was so jealous kahit wala naman siya'ng gingawa.
“You brat! Noon pa talaga ako nanggigil saiyo eh!.” Nangangalaiti ito dahil sa inggit. Hawak-hawak si Mairi sa braso ng dalawa pa nilang kasama habang dinuduro-duro siya ni Sharmaine. ‘Dagdag pa ang isang ito sa iniisip ko. Talagang papatulan ko na siya.’ Sa isip ni Mairi habang natatawa kay Sharmane at sa mga pinagsasabi nito.
“Bilisan niyo! Nabobored ako.” Walang emosyong sabad ni Mairi sa bulungan nila. She looks fierce and fearless.
“Ang yabang mo ah!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kabilang pisngi ni Mairi na lalong nagpainit ng ulo niya.
“Iyon lang?.” Kunwari nadismaya siya sa sampal na iyon. She’s struggling a lot at hindi isang sampal ang titiklop sa kanya.
“Who are you really? Ang yabang mo! Anak ka ba ng may-ari ng school? You are so lucky naman. How come na tanggap ka agad for enrollment kahit isang buwan ka ng late?! May connection ka ba? This is the last chance for us to touch you kaya maghintay ka sa kaya namin gawin sa’yo! B*tch!” Sharmane rants. ‘Hayys sobra’ng tagal ng climax. Sayang lang wala man lang ako nadala kahit ano’. Kalma lang si Mairi. Pinagmamasdan niya at pinag-aaralan kung ano ba’ng kayang gawin ng mga babaeng ito sa kanya.
“Shut up! Dami mo’ng ratrat. C’mon. May gagawin ako’ng mas importante pa dito kaya bilisan niyo.” Hawak pa rin siya ng dalawang kasama nila at namula na ang pisngi ni Sharmane dahil sa inis kay Mairi. Itinaas ulit ang palad nito para sana sampalin ulit si Mairi pero inunahan niya’ng sipain sa tiyan si Sharmane. Kaya tumilapon ito sa damuhan na namimilipit sa sakit, nagulat sa ginawa ni Mairi.
“Oh my Geez!.” Napatili naman si Gwyneth sa gulat at akmang susugurin siya pero nakita nito’ng seryuso ang mukha niya. Nabitawan rin tuloy siya ng dalawang babae na may hawak ng kanyang braso. Pero bago pa man nakalayo ang dalawa ay sabay ni Mairi sinabunutan ito at pasubsob na itinulak sa lupa.
“So weak! That’s a warm-up kid! Don’t try to provoke me again dahil sinasabi ko sainyo! Hindi ako takot mamatay! Mahihinang nilalang!.” She smirked to Sharmane na mukhang pulubi na dahil sa dumi ng damit. Pinandilatan niya isa-isa ang mga babaeng kanina lang ay para’ng mga warriors tapos ngayon ni isa man walang makatingin sa kanya.
“Sinasayang n’yo oras ko! Kayo hah! Kilalanin n’yo muna mga binabangga ninyo dahil ’yon ang ikakapahamak n’yo! Kung umasta kayo. Hayss! Makaalis na nga.” Pagmamaktol ni Mairi. Umalis siya at bumalik sa white house na para’ng walang nangyari. Laarni asked her kung saan siya pumunta, “Sa restroom lang,” She replied.
“Miss Mairi Ellison.” Nabaling ang pansin ng lahat sa pagtawag ng pangalan niya. The new president of organization. Tapos na pala magturn-over si Jurius. “We can’t conduct here your disciplinary action dahil masyadong marami ka nang na-violates sa house-rules at kailangan nito ang presence ng ilang Grands or Alumni para idaan sa legal process.
“Okay.” And she don’t care. At doon natapos ang meetings, hindi na rin nakapagturn-over si Sharmane dahil umuwi raw ng maaga for emergency, kibit-balikat na lang si Mairi. Nagyaya na rin sila Kairi and Jurius na iangkas na lang sila ni Laarni sa scooter para hindi na mahirapan sumakay pauwi.
“Remember this place,” Sigaw ng utak ni Mairi ng mapadaan sila sa abandoned building kung saan siya muntikang magahasa ng mga masasamang loob na iyon. ‘And how about him, nasaan kaya siya,’ isang malungkot na tinig ang narinig ni Mairi mula sa isip niya.
“Hey? Okay lang?” Tanong ni Jurius sa kanya, kanina pa pala nakahinto ang scooter nito sa gilid ng kalsada. Nakatitig si Jurius sa side mirror.
“Sorry, okay lang ako.” She replied.
“Let’s eat outside. May alam ako’ng bagong restaurant.” Jurius suggested.
“Pero, may pasok kayo ni Kairi mamaya. Narinig ko kanina?,” Nahihiya siya dito dahil iba naman ang laman ng utak niya at tsaka baka makaistorbo siya sa schedule ng binata.
“C’mon, ngayon na lang ulit, free time naman ako ng ilang oras kaya sa’yo ko na lang ilalaan. Sobrang tagal na rin noong huli nating nag-bonding eh. So, tara?.” Jurius seems excited.
“Sige.” Nahiya ng tumanggi si Mairi. Buti na lang nagpaalam siya sa Boss niya na hindi papasok ngayong gabi dahil nga kailangan niya’ng umattend ng organization meeting at harapin ang punishment sa kanya dahil sa mga violations at hindi man lang nagdalawang-isip ang boss niya, pinayagan siya agad.
“How are you? It's been a long time, Mairi.” Jurius sigh deeply pagkaupo nila sa bakanteng mesa. Nasa rooftop restaurant sila somewhere in Makati, 7 o'clock in the evening kaya oras na rin talaga for dinner.
“I’m fine,” She replied while staring at the menu. Pero hindi niya alam kung ano’ng pipiliin niya kaya hinayaan niya na lang si Jurius na mag-order ng pagkain nila.
“I remembered sa isang restaurant sa Imus tayo huling nagkasamang kumain then after that day ay halos hindi na kita mahagilap sa campus,” Saad ni Jurius na nakatanaw pa sa malayo at inaalala ang mga pagkakataon na nagkasama sila ni Mairi.
“Busy lang ako, kahit nga si Laarni ay nagtatampo na rin dahil hindi ko na siya nasasamahan sa mga lakad niya.” She shared.
“Busy sa iba,” He murmured pero rinig ni Mairi iyon.
“What?” She’s curious, may alam ba si Jurius sa mga nangyari sa kanya?
“Haha wala, don't mind it. So, how's your studies? Nasa Restobar ka pa rin?” Pag-iiba ni Jurius ng topic.
“Oo nandoon pa rin ako pero naghahanap ako nang malilipatan na mas mataas ang sahod dahil sigurado ako na matatanggal na ako sa scholarship kaya kailangan ko’ng bayaran ang tuition fee ko. Studies? hmmn kakayanin dahil kailangan.” She answered undoubtedly.
“Hindi ’yan. Trust me, simple violation lang naman iyon at nakikita naman nila na karapat-dapat ka sa scholarship na iyon.” Pagpapalakas-loob kay Mairi ni Jurius. Sabay naman pagdating ng pagkain nila kaya napatigil sila sa pag-uusap at tahimik na kumain.
“Can we go out again next weekend?” Lakas-loob na tanong ni Jurius ng nasa tapat na silang bahay ni Mairi. Hinatid niya ang dalaga pagkatapos nila kumain.
“Hindi ko alam, kase madami talaga ’kong kailangang gawin eh” Mahinang saad ni Mairi.
“I’m aware naman. At kahit ako din, hindi ko rin alam kung papayagan pa ako’ng umabsent sa internship ko. Sana may pagkakataon ulit.” He said. “So, thank you for your time, Mairi hindi na rin kita mahahatid sa taas” Pagpapaalam ni Jurius na sabay tingin sa kanyang relo.
“You’re welcome. Thank you din. Mag-ingat ka.” Isang matamis lang na ngiti ang isinagot ni Jurius sa dalaga saka pinaandar ang scooter at umalis na. Mairi was tired kaya umakyat na siya sa kanyang bahay at natulog.
Pagod siya ngayong araw. Kahit gusto niya’ng ikwento ang nangyari sa kanila nila Sharmane ay pinili niya na lang huwag sabihin kay Jurius dahil mag-aalala lang ito sa kanya at alam niya na pagod rin ito. Hindi niya na nakaya magtimpi pa, pero okay na din iyon para alam nang Sharmane na iyon na hindi siya basta-basta lang na babae na kaya nila’ng apak-apakan lang. Sobrang tagal niya na rin naman nagtimpi sa attitude ng Sharmane na iyon. Deserved nila.
“The council invited you at the private building!” Maarting balita ni Sharmane kay Mairi na para ba’ng wala man lang nangyari noong nakaraang buwan sa likod ng white house. Pero si Gwyneth na nasa likod niya ay naiilang kay Mairi or natatakot. Kahit kailan talaga hindi man lang ito naging mabait sa kanya. Noon kung ligawan siya para sumali sa sisterhood nila ay parang maamong tupa tas bigla na lang naging mabangis na tigre at bakit nandito pa rin ang mga babaeng ito. Graduated na sila eh, kapag talaga malakas ang backer kahit hindi estudyante ay pweding pagala-gala sa campus or maybe share-holder din ang mga magulang nila Sharmane ng University kaya malaya ito’ng nakakapasok sa loob.
“Sige,” Mairi's agree. Pagod siya kaya hindi niya pinansin na tinaasan siya ng isang kilay nito. Sure naman na iwas na sa kanya ang mga ito.
“You're doom! Masyado ka kase pabida. You violated the houserules again and now wala ka ng savior. Jurius has no power anymore. Because he choose you. He gave up his throne para lang sa isang katulad mo,” Hindi pa rin natinag ang maldita’ng ito kahit pinaranas niya na dito ang kaya niya’ng gawin. Lakas ng loob dahil nasa campus sila. But Mairi ignore her, alam niya’ng gusto lang siya iprovoke para madagdagan ang mga violations niya.
“Be ready” Bungad sa kanya ni Sharmane ng pumasok siya sa meeting room nang hapon na iyon. Hinanap ng mata ni Mairi si Jurius ngunit wala ito. Laarni insisted na samahan siya dahil natatakot ito para sa best friend niya. Katabi niya lang ito na wala rin imik. Nagmamasid lang ng mga taong nandoon.
Tanging mga officer lang ang present sa paglilitis sa kanya. Sampung tao ang naabutan nila doon na tahimik lang din. Nakakabingi ang katahimikan pero minsan naririnig nila ang hagikhik ni Laarni. Mayroon sila'ng invite from alumni. Hindi raw basta alumni kundi ang founder ng organization. Actually tatlo ang founder ng organization but 1 of them working abroad. So dalawa lang ang aattend at nasa dorm ni Jurius. Pinag-uusapan ang dapat gawin kay Mairi.
“Finally. Mawawala na sa landas natin ang babaeng ’yan. Halos dalawang taon pa lang sa organization ay akala mo kung sino na. Umasta siya pag-aari niya ang school.” Kahit nagbubulungan lang sila Sharmane at mga kasama nito ay rinig pa rin ni Mairi, tahimik lang din si Laarni sa tabi ng best friend niya.
‘How about her scholarship? Babawiin na talaga sa kanya? Sayang naman. Isang taon na lang sana siya eh. Malaking tulong sa kanya ang scholarship na iyon eh.
“Good luck, Ellison! You suck now” Pabulong pa na sabi ni Sharmane. Nanggigil na si Mairi sa babaeng ito pero nagtitimpi lang siya dahil alam niya naman na kasalanan niya. Actually kanina pa'ng umaga si Mairi kinakabahan simula ng balitaan siya ni Sharmane. Hindi niya alam na ganito ang kahihinatnan ang ginawa niyang iyon tapos nadamay pa si Jurius. Sa totoo lang kase, hindi kaya ng oras ni Mairi ang mga obligasyon niya at minsan ay nakakalimutan niya na.
“Nakakatakot ang araw na ito. This is a history after eight years ay ngayon lang nangyari ang may bumisita na founder sa atin.” Mahinang saad ni Gwyneth.
“But the most interesting part is bachelor's pa rin sila. In other words, single pa rin sila. How cool is that. Sobrang bata pa nila noon ng itayo ang organization na ito.” Kinikilig na may pagmamalaki si Sharmane.
“Swerte natin dahil makikilala natin sila personally.” Giit naman ng kasama pa nila Sharmane. Nahinto ang bulungan nila ng may pumihit sa doorknob at bumukas ito. Halos biglang nagising ang lahat at umayos sila ng upo. It seems they are afraid to their founder or a sign of respect. Wala silang imik ng iniluwa ang tatlong rebulto mula sa loob. Jurius included. ‘Totoo nga mga gwapo sila’. Kinikilig si Sharmane na akala mo naman ay pageant ang pinuntahan.
But Mairi drop her jaw. Kanina lang halos mawalan na siya ng oxygen sa katawan dahil sa sobrang kaba, para na siya'ng ibibitay e’ pero ng masulyapan niya ang dalawang lalaki na kasama ni Jurius ay halos malaglag siya sa upuan. Dausdos siya sa couch para hindi siya makita ng mga ito. Gusto niya tumakbo o magtago sa upuan pero huli na. After a month ay nagkita ulit sila ni Zeljko and her boss Gabriel. Bakit nandito ito? Alasais na ng hapon dapat papunta na siya sa trabaho. Pero nandito siya at titig na titig sa kanya ang boss niya. She’s doom!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top