Chapter 23 ~Month ain't enough~



Palubog na ang araw ng binagtas ni Zeljko ang daan pabalik kina Mairi. He is rushing to Mairi's house but she's not there. Kaya naisipan niya na pumunta ng white house kung saan ang alam niyang venue kapag may party ang organization. Halos kalahating-oras niya rin binagtas ang daan papunta ng Parañaque at sa white mansion pero malayo pa lang siya ay tanaw na ni Zeljko na walang ilaw sa loob ng mansion at wala rin senyales na may party doon, maybe they cancelled it dahil busy rin ang ibang officers sa kanilang reviews at internship kaya bumalik na siya at sa Restobar ang susunod niya’ng pupuntahan, but he wasted his time dahil nagleave raw si Mairi ng ilang araw at kahit ang kaibigan niya’ng si Gabriel ay wala doon. Hindi niya pa tuloy nasasabi na girlfriend niya si Mairi.

‘Saan ba siya pupunta? Walang maisip si Zeljko na pweding puntahan ni Mairi kundi ang kaibigan niya. Si Laarni. Pagod na siya kaya minabuti niya na lang muna na magpahinga, kung nandoon si Mairi kay Laarni ay sigurado naman na safe siya doon. Zeljko was so tired para bumyahe pauwing Imus. Naisipan niya na lang na maghotel siya dahil bukas ay plano niya’ng bumalik sa bahay ni Mairi. Gusto niya ito’ng makausap at makita dahil sobrang nangungulila siya sa dalaga. He love her so much. He miss her more than his life.

But, week passed walang Mairi na bumabalik sa bahay niya. Halos araw-araw si Zeljko naghihintay sa hagdan papanhik ng bahay ni Mairi. Wala’ng Mairi na nagpapakita sa kanya. Masakit isipin ngunit kailangan tanggapin na iniiwasan siya ng dalaga kaya hahayaan niya muna ito. One week rin siya’ng nagleave sa trabaho kaya ngayong week ay kailangan niya ng pumasok. Nakikituloy siya sa kanya’ng ina na nasa condo at masaya naman ito'ng tanggapin siya araw-araw. Pero madalas rin naman na wala ang Mommy niya dahil malapit na naman ang pasukan, palagi ito'ng nasa school may mga inaasikasu. Si Jurius naman halos hindi na umuuwi sa bahay ng kanyang ina dahil busy sa pagiging residents at internship nito.

Dalawang linggo pa ang lumipas ngunit wala talaga’ng Mairi ang nagpakita sa kanya. Hindi kaya naglipat-bahay na ito? Hindi niya alam kung nakapag-enroll ba si Mairi o hindi, dahil wala rin ito sa campus. Dalawang linggo na hindi pa rin pumapasok si Mairi. Hanggang sa abutin na ng halos isang buwan. Kahit sa restobar ay wala ito. Nagresign na raw ngunit hindi naman tinanggap ng boss niya ang resignation letter, pinahintulutan lang ng boss niya’ng si Gabriel na magleave at magpahinga.

‘Hindi na ba siya mag-aaral?’ Kasalanan niya’ng lahat  ang nangyari. Dapat hindi niya muna dinala si Mairi sa bahay nila. Kung nakikita niya lang ganito ang mangyayari sana ay may nagawa siya’ng paraan para hindi masaktan ang dalaga.

That was on Sunday at sakto na isang buwan ng hindi pumapasok sa paaralan si Mairi. Nagdesisyon si Zeljko na pumunta sa bahay ni Mairi. Baka sakali na nandoon na ang dalaga. Nagparking siya at agad na umakyat. Nakabukas ang pinto, may tao na sa loob. Kumatok si Zeljko--

“Sandali lang,” She yell. Nabuhayan ng loob ang binata dahil bumalik na si Mairi. “Baby?” Tawag ni Zeljko sa dalaga na talagang nagulat pa ito ng makita siya’ng nakatayo sa labas ng pintuan.

“Ikaw pala.” Walang emosyong pinapasok siya ng dalaga.

“It’s been a month, kumusta kana?” Zeljko asked her in hesitant. “I miss you baby...” Dagdag pa ni Zeljko pero wala’ng reaction sa mukhang dalaga ang lahat na pinagsasabi niya.

“Look, okay na ako, matagal na.” She said na may pagyayabang pa.

“Glad to hear, baby. You’ll be fine dahil lagi lang ako’ng nandito para sa’yo. You had me, Mairi.” Nahihiyang sabi niya na ikinalingon ng dalaga.

“In a past month na mag-isa ulit ako, I had realized na okay na ako--Kahit wala ka.” Mairi said. She’s trying to be calm. She saw his eyes was sudden change of emotion dahil sa narinig niya mula sa dalaga.

“Ano ba'ng pinagsasabi mo, baby? Hindi kita maintindihan, nawala ka nang halos isang buwan tapos ganyan ang sasabihin mo.” Alam ni Mairi na sa anumang segundo ay papatak na ang luha ng binata dahil sa mga pinagsasabi niya. Kahit siya nasasaktan pero ito ang dapat niya’ng gawin.

“You know what I mean, Zeljko. Hindi pa ako handa na harapin ang nakaraan ko but you came. I’m afraid dahil baka hindi ko pa kayanin na tanggapin iyon.” She sigh deeply. “Kapag nakikita kita, naalala ko ang takot na naramdaman ko ng mga panahon na iyon. So please, let me go..” She’s begging.

“Pwedi ba na huwag mo’ng sabihin ang mga bagay na ’yan? Huwag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mo? Please, Mairi?” Tuluyan ng tumulo ang mga luha ng binata, napayuko. He is in pain. Pinupunit ang puso niya sa araw-araw na hindi niya masilayan ang dalaga. Halata naman dahil nangayayat na rin ito. Hindi na lang umimik si Mairi dahil konte’ng pakiusap pa ng kaharap niya ay bibigay na ang puso niya.

“I want to be alone, again.” Matigas niya’ng giit.

“I will never leave you. I’ll take the risk. I’ll do everything for us. Ipaglalaban kita.” Lakas-loob na sabi ng binata. He needs to be strong para hindi mawala sa kanya habang-buhay ang babaeng mahal niya at gusto niya’ng makasama sa araw-araw. He’ll do everything para magamot niya ang sugat sa puso ng dalaga.

“Hindi. Pwedi mo na ako’ng iwan. Pwedi ka na’ng umalis dahil okay na ako. And it’s all thanks to you. My life is really comfortable now.” Habang sinasabi ang mga katagang iyon ni Mairi ay nagbabadya na ang mga luha sa mata ng binata. Hindi na rin napigilan ni Mairi na ang sarili kaya tumutulo na rin ang mainit na likido sa kanyang pisngi. She feel him. She feel his miserable heart, she feel his sadness within.

“Bakit mo ito ginagawa Mairi? Okay naman tayo diba?.” Garagal na ang boses ni Zeljko.

“We’re not okay at alam mo ’yan. Kahit kailan hindi tayo pwedi.” Matigas niya'ng sabi.

“You are so shallow.” Sumbat ng binata na may halong pagmamakaawa.

“Yeah I know. So it’s time to let go of you.”

“I love you. I love you Mairi Ellison. Huwag mo naman gawin sa akin ’to. Hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko para sa’yo. Ano ito? Laro? Na bigla ka na lang aayaw o hihinto kung kelan mo gusto?”

“Enough,” She stop him.

“Bakit? Ano pa ba’ng kulang? Sabihin mo pupunuan ko. Ano ba ang dapat kung gawin para mapatawad mo ako? Kami? Ang ama ko? Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. I’m sorry. Hindi ko alam ang nangyari noon. Sorry dahil wala ako’ng alam. Patawad sa mga nagawa niya sa’yong trauma. Alam ko na wala’ng kapatawaran ’yon pero nagbabakasakali ako. Huwag mo ’kong iwan...” He pleaded her. He ask her for forgiveness kahit alam niya’ng impossible.

“I said enough!” Sigaw ni Mairi. “Ayoko na. Hindi kita kaya’ng ipaglaban sa ganito’ng sitwasyon. Alam mo naman ang ibig ko’ng sabihin.” She added.

“Kung hindi mo kaya. Ako--ako ang gagawa noon para sa’yo. Ipaglalaban kita.” Pagsusumamo ng binata.

“Magiging masaya ako kapag wala ka sa tabi ko.” Para’ng tinusok ng karayom ang puso ni Zeljko. “Dahil sa tuwing nakikita kita naalala ko lang ang sakit na dulot ng kahapon, naalala ko ang mapait na nakaraang ’yon.”  Mahinang dagdag pa ng dalaga.

“Our feeling was still valid. I said I love you at hinding-hindi kita isusuko.” Pagmamatigas ni Zeljko.

“What you feel toward me right now isn’t love. It’s just regrets for what was and for what could have been.” Mairi said.

“What?!” Gulat si Zeljko. “Iniisip mo ba na plinano ko ang lahat? At mayroon ako’ng alam? You accusing me, baby. What? regrets? Wala ako’ng pinagsisisihan. Kinasusuklaman mayroon! Ikinahihiya ko na naging anak ako ng taong naging dahilan ng sugat sa puso mo, kung alam mo lang ang guilt ko na dapat siya ang nakakaramdam nito hindi at ako, dahil hindi ko alam, hindi ko arin alam ang totoo’ng pangyayari. I thought it’s a fight between a husband and wife at kinasuklaman ko si Mommy pero saiyo ko lang din nalaman na mas malala pala doon at nahihiya ako saiyo. Nahihiya ako maging anak niya.” He rant. Mairi chose to zip her mouth because Zeljko was also miserable.

“My feelings may hurt a little and things may not be the same between us because of that past pero huwag mo naman hayaan na maging hadlang ’yon para sa pagmamahalan natin,” He added.

“My mom wants to talk to you in person at gusto rin humingi ng kapatawaran. She really want to see you but I told her that is entirely for me to deal with.” He shared with her. “Ayoko na magkikita kayo dahil sa bagay at issue na nagawa ng dati niya’ng asawa. Gusto ko magkikita kayo kapag ipapakilala kita sa kanya na girlfriend ko.” He continued.

“Bigyan mo ’ko ng oras para ayusin ang sarili ko. Bigyan mo ’ko ng panahon para makapag-isip. I need it so badly. Month ain’t enough.” Pakiusap rin ng dalaga.

“Rest assured ibibigay ko ’yan sa’yo. Pero always remember that I’m here for you in many different ways. I can be your shoulder, I can be your driver, I can be your saviour and I can be your enemy again.” Zeljko smiled on her and hardly said goodbye.

“Thank you for understanding. Tell to your mom that this isn’t her fault, isn’t you as well. Galit ako sa mundo, hindi sainyo. I need to breathe again. Thank you for everything. Maybe we can be a good friend, soon. As of now, this was how it was going to end.” She’s trying to be brave again. Zeljko knows her at kahit gusto niya sana magreact dahil sa nabanggit ng dalaga na ‘friend’ ay hinayaan niya lang. He respect her decision this time.

After a week, Mairi decided to go to school and ask for late enrollment, sinamahan pa siya ng kaibigan niya. “I really miss you, girl! Ilang beses ako pumunta sa bahay mo pero wala ka. Ano ba’ng nangyayari sa’yo? At ngayon ka lang nagpakita?” Naglalakad sila papunta sa dean’s office. Kinakabahan at pinanghihinaan pero susubukan niya dahil sayang ang school year. Hindi niya pinansin ang mga tanong ni Laarni.

“Alam mo ba, mayroon ka’ng kapit-bahay na pogi. Bagong lipat ba ’yon? Lagi ko siya’ng nakikita na nakatambay sa hagdan paakyat eh. Muntik na nga ako mahulog sa kanya.” Pagkukwento ng kaibigan niya. “Kapag pumupunta ako doon, nandoon rin siya grabe, akala ko ako ang hinihintay niya eh.” Dagdag pa nito na kinikilig pa. Mairi just smirked at pumasok na sa dean's office.

A few minutes later, “I'm enrolled.” Balita niya sa kaibigan.

“Hala! Bakit ang bilis?! Sigurado ka ba?" Nagtataka rin siya pero mukhang maayos naman kausap ang nasa dean’s office. Nagfill-up siya ng enrollment.

“May mga tao kase sa loob. Conference. Kaya nagmamadali ’yong secretary and I met the president of this university." She shared.

"Talaga?! You met tita Gerona? Tapos enrolled ka agad, hindi man lang tinanong kung bakit one month ka na lang late? Wow huh! You are so lucky! Bestfriend!.” Tuwang-tuwa si Laarni para sa kaibigan.

“Hindi rin ako hiningian ng downpayment. Dahil running pa naman daw ang scholarship ko. She is kind. Jurius mom was so generous.”

“Uyy grabe. You are so lucky today. Pero mas masaya ako dahil bumalik kana. Huhu wala ako’ng kausap sa room. Isang buwan din iyon ha.” Pagmamaktol ni Laarni. Nginitian niya na lang ito dahil siya rin naman. Walang kausap ng isang buwan at dalawang linggo.

One month had passed, tahimik lang na nag-aaral si Mairi. Bumalik na rin siya sa restobar para makapag-ipon pa ng pera para sa mga projects at paperworks niya. Mabait naman talaga ang boss Gabriel nila kaya hindi siya nahirapan bumalik kahit pa mahigit isang buwan na siya’ng hindi pumasok sa trabaho.

Last year na rin nila Jurius at Kairi sa school na iyon as Med student. Pero minsan lang din sila nakikita sa loob ng school dahil resident na sila sa isang private hospital na malapit lang din sa Montess University at minsan sa campus pa din natutulog si Jurius dahil mas malapit iyon kesa sa condo nila ng Mommy niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top