CHAPTER 2
MAIRI was so annoyed when she received an invitation through email. She needed to attend a sorority meeting and after-party. She couldn’t disobey their president, who had a petulant attitude. So, she decided to join them and quickly changed out of her pajamas. She had just survived the initiation, which is why she was obliged to attend, but she was a little scared of the higher council’s presence. However, she thought she might enjoy their company.
“Laarni, attend ka?” she called and asked kung nakatanggap din siya ng invitation. But she needed to refuse it dahil hindi pa umaalis ang mommy niya, kaya need niya raw magpakatino muna. Kinausap naman na niya si Sharmaine na hindi siya makaka-attend. She was thinking the same thing, pero nakahihiya kung tatanggi siya. Binayaran pa naman siya noong maglinis ng private room.
Kaya kahit nag-aalinlangan ay tumuloy pa rin siya. Kahit mag-isa siyang pupunta roon ay lakas-loob niyang hahanapin ang sinasabing venue. She’s Mairi Ellison from the orphanage. Kung mahina siyang nilalang ay hindi siya makararating sa gan’tong sitwasyon ng buhay. Kaya naman nag-reply siya sa email invitation na siya’y makararating.
“Kuya, d’yan na lang po sa kanto,” she instructed the tricycle driver since no more taxis were passing by.
“S-sigurado ka, Miss? Dito talaga?”
Napakunot ang noo ni Mairi nang marinig ang tinuran ng driver. Mukhang nag-aalala iyon sa bababaan niya. Medyo madilim din kasi ang lugar na iyon at wala man lang tao sa paligid. Pero iyon ang nakalagay na address sa email na kaniyang natanggap.
“Opo. Dito na lang, Kuya. Magkano po?” Bumaba na siya sa tricycle.
“Mag-iingat ka, Miss,” paalala nito bago pa umalis at pinaharurot ang tricycle.
“Si Kuya talaga, concern na concern, e!” Napangiti na lang din si Mairi dahil sa dalawang beses na pagtawag sa kaniya ng tricycle driver ng ‘Miss’.
Wow! Does she look like a lady? Napagkakamalan kasi siyang dalaga na sa edad na nineteen dahil 5'3" ang height niya at naka-jacket pa siya—nakatago sa hood ang ulo. Natatakpan ng nakalabas na mahabang kulot niyang buhok ang baby face niyang mukha, kaya napagkakamalan siyang dalaga.
Pagkaalis ng tricycle ay inilibot niya ang paningin sa paligid. No one was in sight. There’s an empty building five meters away, but there’s no sign for people around the area. May sketch naman ang lugar, kaya imposibleng nagkamali siya ng pinuntahan. Pagbaba sa kanto ay may waiting shed at building sa hindi kalayuan. Tama naman ang nakaguhit sa sketch. Sa unahan ng building ay white mansion ang nakatirik, at doon ang venue ng meeting nila.
Nag-ipon si Mairi ng lakas ng loob bago niya tinahak ang kalye papunta sa white mansion na sinasabi. Naglakad siya hanggang sa papalapit na sa abandonadong building. Tumitindig ang balahibo niya, but she diverted her attention to other things. She walks. Step by step. She heard nothing but the lapping of water in the distance. Then, as she’s getting closer to the empty building, the beat of her heart is unusual. The streetlamps are all working, but it is still dark in that area. She felt someone staring at him.
Then she was startled when she heard a small laugh in the distance. ‘Guniguni ko lang iyon,’ Mairi thought, trying not to feel scared. But the laugh of a man, she guessed, was getting nearer. Mairi was about to pass the building when she felt a small amount of relief. However, when she was on the last step away from the building, she saw two statues in the dark.
She doesn’t know what to do. Hindi siya sumigaw dahil baka multo lang iyon gaya ng nasa utak niya. Pero hindi na niya napigilan ang takot, kaya kumaripas na siya ng takbo. Malapit-lapit na rin ang venue na sinasabi sa email, kaya binilisan niya pa. Pero mukhang mas mabilis pa sa kaniyang pagtakbo ang dalawang rebulto na sumusunod sa kaniya. Nalampasan pa siya ng mga ito at hinarangan.
“Paraanin ninyo ako. Mali-late na ako,” sabi niya na nanginginig ang boses at humahangos.
Hindi siya makakilos dahil palapit sa kanya ang dalawang lalaki na parehong may sombrerong suot, na kahit natapat sa ilaw ng poste ay hindi niya makilala. Parehong nakasuot ng pantalon at itim na jacket na may hood. Kahit may sombrero na sila ay nakapatong pa rin ang hood, kaya hindi niya maaninag ang mukha.
Tumapat si Mairi sa posteng may ilaw. Umatras siya—umaasang may makakakita sa kanya sa ganoong sitwasyon. But she’s hopeless dahil wala man lang kabahayang malapit, maliban sa white house na iyon, na medyo malayo pa at nakasara ang lahat ng bintana. Tanging liwanag lang ang nakikita niya. Wala man lang tao na dumungaw sa bintana para makita siya.
Kung malampasan niya lang sana ang dalawang ito ay makararating siya nang buhay sa white house, pero parang hindi siya titigilan ng mga ito hangga’t hindi siya mahawakan. Mukha namang matino ang mga suot, ngunit mukhang mga nakainom lang at inaatake ng kamanyakan. Nag-uusap din ang mga ito nang hindi niya naman maintindihan—mukhang dayo lang dito sa lungsod.
Sinusubukan siyang hawakan, pero umaatras siya. Naiinis na ang mga ito. Mabilis siyang dinakip ng dalawa. Hawak-hawak ng mga ito ang magkabilaang braso niya nang kaladkarin siya papunta sa abandonadong gusali.
“How dare you touch me!” she cried, yelling loudly. “Help! Help!” Nagpupumiglas siya, pero malakas ang dalawang lalaki, kaya hindi man lang siya makatakas sa mga kamay ng mga ito.
“Bitiwan ninyo ’ko! I’m late for my sorority meeting,” she tried to inform them, hoping that mentioning she belonged to a respected and fearless organization would frighten them. However, the two foolish men looked at each other and burst out laughing, as if they were not afraid of anything.
“Don't worry, baby. We’re also fraternity men, and you are our lady master."
Mairi looked at them with an arrogant face. She was shocked because the way he talked was like an educated person, and they called themselves ‘men,’ which means she is not the same age as them based on their voices. They are around their mid-20s.
Hila-hila pa siya ng dalawa papasok sa kaloob-looban ng building, while her mind was searching for something to use as a weapon. But the building was dark and empty. Sobrang dilim na sa part na iyon, pero ang dalawang ito ay mukhang sanay na sanay nang pumasok sa abandonadong building na iyon. Wala man lang liwanag. Kahit ang buwan ay nagtago na nang makitang nasa panganib siya, at parang may nagbabadya pang ulan. Kung mangyari iyon ay talagang walang makaririnig sa kanya, kahit magsisigaw at maglulupasay pa siya.
“Pakawalan ninyo ako! May kailangan pa akong puntahan. ’Pag nakawala ako dito mananagot kayo!” Nagpupumiglas siya.
“Ssshhhh. Huwag kang maingay dahil sayang lang ang boses mo. Mamaya ka na mag-ingay ’pag nasa ibabaw mo na ako,” nakadidiring sabi ng isang lalaki na medyo mataba. Ang isa naman ay patpatin, na mukhang kaya niya lang patumbahin. Ang matabang lalaki naman ay matangkad kumpara sa isa.
“Tama. Mamaya mo na ibuka ang bibig mo para hindi ka mapaos,” sabat naman ng isa.
Parang binuhusan siya ng may yelong tubig dahil sa mga narinig. Nag-uusap pa ang mga ito nang hindi niya maintindihan. She’s expecting it. Pero ngayon niya lang na-realize na talagang gagawin iyon sa kaniya. Pinaplano nilang hahalayin siya.
Then they stopped in one place. The tall man pushed her against the wall and tried to kiss her neck. Nakasusuka ang amoy ng bibig nito. Mairi was trying to tilt her head para hindi maamoy ang hininga nito at para hindi siya mahalikan, pero nanghihina na siya. Naramdaman niya na lang nang bigla siyang halikan at yakapin ng lalaki.
Mairi closed her mouth, forcing herself not to open it for this foolish man. She’s never been kissed, tapos ang mga mahalay na ito lang pala ang makauunang hahalik sa kaniya. She needs to think. She needs to do something. Naramdaman niyang malayang nakagagalaw ang kaniyang mga tuhod, kaya buong lakas niyang tinuhod ang pagitan ng hita ng lalaki sa harapan niyon.
Nagulat siya sa mga sumunod na pangyayari dahil bigla na lang bumulagta ang lalaki sa harapan niya. Wow! Ganoon siya kalakas para mapatumba niya ang lalaking ito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang ginawa. Ang isa ay parang natakot kaya tumakbo ito palayo na nabunggo pa sa ilang kahoy na nandoon sa loob.
“Wew! Isang tuhod ko lang katapat nila?” bulong niya sa sarili na mukhang proud na proud pa. Pero napasigaw siya nang may gumalaw sa harapan niya at may biglang nagbukas ng maliit na flashlight.
Akala niya tumayo ang lalaking tinuhod niya, pero nakita niya itong nakabulagta pa rin. Okay. Someone saved her. Napaupo si Mairi sa halo-halong emosyon na kumapit sa buong pagkatao niya kaya nilapitan siya ng savior niya.
“You are safe now,” he stated. At doon niya lang na-realize na may narinig din pala siyang kakaibang ingay kasabay ng pagtuhod niya sa lalaki. Someone hit the back of a tall man at siya iyon. She don’t know where it landed, pero iyon ang nangyari. Ang taong nakatayo sa harapan niya ang may kagagawan.
Nanginginig pa siya habang chini-check ng savior niya ang taong nakabulagta. "He just fainted and is unconscious," a man says. Her savior was an Englishman.
“Are you okay, Miss?”
Now she fully heard the voice of her savior. Mairi was still shaken. She was unable to speak.
Kumakalabog pa rin ang dibdib niya dahil sa takot, and her body was weak. Her hand was trembling, but she tried to stand and approach him. Instead, she ended up hugging her savior without a second thought, while saying . . .
“Thank you. Thank you for saving me.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top