Chapter 12 ~ Begging For Chance


“Can we stay like this. I mean. Kahit ilang segundo lang.” Pakiusap ni Jurius. Malapit sila sa may pintuan, buti na lang wala’ng nagagawi sa building na iyon at bihira naman gamitin ang science lab. Hindi alam ni Mairi ang gagawin o sasabihin kay Jurius pero sa halip na magmaktol siya ay hinayaan niya ito’ng yakapin siya, gusto rin naman ng katawang lupa niya ang ginawa nito at kinikilig pa siya.

“I’m sorry hindi ko na kaya itago ang nararamdaman ko.” Bulong pa nito na ramdam ni Mairi ang mabango’ng hininga na tumatama sa tuktok ng ulo niya. Matangkad sa kanya si Jurius kaya kahit magpumiglas man siya ay hindi siya makakawala kung nanaisin nito.

“Pero hindi ko kaya’ng suklian ang nararamdaman mo.” Mairi muttered.

“Wala ako’ng hinihingi na kapalit, Mairi. Wala naman diba. I just want you to stay.” He reasoned.

“Ayoko mag-paasa ng tao. I’m not a normal student na pwedi mag-petics lang, makipag-relasyon. May pangarap ako para sa sarili ko at mag-isa ko lang iyon tutuparin and I need to find myself. I need to..” She reasoned but he stop her.

“Shh. Stop. Don’t ever think na hahadlang ako sa mga gusto mo’ng gawin. Look, I’m just telling you that I like you. I will never steal your time and dreams. Reach for it at hayaan mo lang ako sa tabi mo.” Pinakawalan ni Jurius si Mairi mula sa pagkakayakap at hinarap ito na nakangiti. Bigla naman kinabahan si Mairi. He smiled widely. Ngayon niya lang nakita na ngumiti ito na’ng gano’n. Her heart jumps.

He showed this side of him only to her, mayroon pala’ng ganitong personality ang Jurius na ito, so she couldn't help but to smile too. She smiled widely. Jurius deserve a good treatment dahil sobrang bait nito sa kanya. About the scholarship, alam ni Mairi na kinausap ni Jurius ang mommy niya para ma-approved ang scholarship niya. He also took care of her sa hospital. Madami siya’ng utang na loob kay Jurius kaya ang tanging maisusukli niya lang dito ay pakisamahan ito ng maayos at hayaan niya ang mga gusto’ng gawin nito sa kanya.

“Kailan pa nagsimula ang nararamdaman mo?.” Tanong ni Mairi sa lalaking kaharap niya pero hindi siya makatingin sa mukha nito. Nahihiya siya dahil nagkatitigan sila kanina at nakita niya ang kakaiba’ng ngiti ng mga labi nito. May gusto lang si Mairi patunayan dahil iba ang nasa isip niya.

“The day of your initiation.” He responded shortly. Okay confirmed, hindi pa siya lubos na kilala ni Jurius ng mga panahong iyon, naisip niya kase na baka naawa lang sa kanya si Jurius ng nalaman na orphan siya at noon din na nahospital siya.

“Okay. Thank you for your honest replied.” She said. Nagtataka man si Jurius sa tanong ng dalaga but he can’t control himself but to like her. ‘I really destined to found her, she’s the reason why I become hook to study again, to go to school again.’ In his mind while staring at her. Jurius can’t really stop himself but to hug her again. This time nakaharap na si Mairi sa kanya. He’s nearly to hug her when...

“Oppps! Sorry.” Gulat si Jurius dahil may patakbo’ng pumasok sa lab nataranta tuloy siya kung ano’ng gagawin, ngunit na’ng makita niya na si Kairi lang pala ay halos batukan niya ito.

“Problema mo?.” Baling ni Jurius sa kaibigan at tinapunan rin siya nito na’ng mapang-asar na mga ngiti at kindat.

“Kase si--.” Naputol ang sasabihin ni Kairi na’ng may humahangos na babae na halos pagod na pagod kakatakbo. Ano ba’ng nangyayari sa dalawa’ng ’to. Naasar si Jurius.

“Kairi! Nakakainis ka!.” Pabungad na sigaw ni Laarni na papasok din sa loob ng lab. Halos mabingi si Mairi sa sigaw ng kaibigan.

“Sorry na. Hindi ko sinasadya.” Pangiti-ngiti’ng sabi ni Kairi.

“What happen? Ang ingay ninyo’ng dalawa.” Si Jurius.

“Because he kissed me.”
“Because she kissed me.”

Sabay sila Kairi at Laarni na nagsumbong kay Jurius. Natutop naman ni Mairi ang bibig sa narinig, sabay bunghalit na’ng tawa. Gano’n din si Jurius. Tawang-tawa sila’ng dalawa habang natahimik naman sila Kairi at Laarni, pareho gulat dahil sa nasabi. Namumula ang mukha ni Laarni kaya nagmartsya ito palabas ng lab.

“Pinag-gagawa ninyong dalawa e’ sana magpakatotoo na lang kase.” Pang-aasar ni Jurius sa kaibigan na sabay hila niya kay Mairi palabas ng science lab.

“What?.” Nagtataka si Mairi.

“Nagutom ako sa kadramahan ng dalawa’ng ’to tara na nga meryenda tayo.” His talking na hindi tumitingin kay Mairi. Mairi was so lucky to have them. Hindi niya akalain na may makikilala siya’ng mababait na tao na katulad ng tatlo’ng ito.

She was born in sight of no one, she didn't know herself. Hindi niya alam ang pagkatao niya kung ano’ng klase kaya nahihirapan siya dati makipaghalubilo sa mga kaedad niya. She would have lived all day in that lonely place. Araw-araw siya nagtatanong sa sarili kung bakit lumaki siya’ng mag-isa. She was struggling to life but instead of insulting her destiny, complaining about her life she'll do everything to survive.

Kakaiba’ng kasiyahan ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Para’ng nakatagpo siya ng mga taong mapagkakatiwalaan niya, she breathed freely and forget those bad memories. When she still stayed in orphanage everytime she saw her reflection in the mirror she always feel suffocating. She had felt so much suffering that sometimes she didn't recognize herself.

Mairi's personality was something she couldn't define. May oras na takot na takot siya at may oras din sobrang galit siya sa mundo, in order to control herself nakiusap siya sa mga Sister na nag-aalaga sa kanya na payagan siya’ng sumali sa taekwondo class.  Mangilan-ngilan rin ang nag-enrolled kasama niya dahil libre naman iyon ng gobyerno kaya nagkaroon siya noon na’ng pagkakataon na pag-aralan ang pagcontrol sa sarili niya and self defense. Hindi lang siya nakapagtapos dahil ginusto niya magfocus sa pag-aaral at graduating na siya ng taong iyon.

“What happened?.” Tanong ni Kairi habang nakatambay ito sa dorm ni Jurius. Uwian na na’ng hapon na iyon pero tinatamad pa si Kairi na umuwi.

“Alin ba?.” Jurius ask.

“In science lab.” Seryuso’ng tanong ni Kairi.

“Wala ’yon.” Tanggi ni Jurius na halata naman na umiiwas.

“Wala? Tapos kapag nasaktan ka naman, iniwanan ka, sa akin ka tatakbo? Remember Roxanne? Hindi ako nakatulog ng ilang linggo para bantayan ka lang sa favorite rendezvous ninyo doon sa rooftop ng condo n’yo.” Kairi being emotional at nagdadrama na para’ng siya ’yong nasaktan.

“It’s nothing.” He diverting.

“Ganyan na ganyan ang sinabi mo noong magsisimula pa lang kayo ni Solaire. Wala lang. Tapos mayroon pala. Nadatnan na lang kita tulala na d’yan sa loob ng kwarto mo habang may hawak na basag na salamin.” Kairi again. Made him remembered para lang sabihin sa kanya kung ano’ng mayroon sa kanila ni Mairi.

“She’s cool and nice. I want to protect her.” Jurius muttered.

“Mahal mo na?.” pasegunda pa ni Kairi.

“On the way.” He shared. Tumango na lang si Kairi at nilagok ang root beer na hawak. Tapos na din naman ang klase kaya pwedi na siya’ng uminom. “I have to go.” Paalam na nito at saka naglakad patungo ng pinto at lumabas. Naiwan namang tulala si Jurius. He's thinking about her.

“Uhh aga mo naman.” That was weekend, naalimpungatan si Mairi sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Buti na lang hindi niya naisara ang pintuan ng kwarto dahil hindi niya sana maririnig ang katok ni Laarni.

“Maaga? 8 o'clock na. Tagaytay tayo remember? Wow huh. Nakalimutan mo agad e’ may nakausap ka lang iba kahapon.” She teased her best friend. “Dalian mo na. Traffic sa NLEX e’ baka abutin na tayo’ng gabi sa byahe pa lang.” Laarni ordered her.

“Oo na. Saglit lang. Maliligo lang ako.” Mairi giggled then she enter to her bathroom.

“Ano ba kase gagawin mo sa Tagaytay. Ang lamig-lamig doon e’ tsaka ang layo. Kaya mo ba magdrive ng malayo? Tas balikan pa.” Mairi was worried about her friend. Papasok na sila ng NLEX. Mairi's house located at Pasay na malapit lang din sa Montess University. Maaga pa naman kaya hindi pa mabigat ang traffic.

“Maghahanap tayo ng driver.! That's easy.” She giggled. Napangiwi na lang si Mairi dahil sa inaasal ng kaibigan niya na mukha’ng may hindi gagawing mabuti.

“Tama ’yan maghanap ka para naman may kasama ka na gumala. Make sure makakauwi tayo ng maaga mamaya’ng hapon ha. Dahil may pasok ako sa trabaho. Ilang beses na ako absent baka palayasin na ako.” She whined.

“I miss this place somehow.” Mairi whispered when they entered Imus Cavite. Pinagmasdan niya ang mga bahay at building na nadadaanan nila.

“Oo nga pala. This is your hometown. Dumaan tayo sa bahay niyo.” Laarni requested with exciting tone.

“No. That's not a house. That was a jail.” She responded. Nagsisi tuloy si Laarni sa sinabi niya. Alam niya naman ang kwento ng buhay ni Mairi dahil  minsan na ito’ng naopen sa kanya. Nakalimutan niya lang na ayaw na pala ni Mairi na makita o balikan ang bahay kung saan siya natagpuang tulala.

Nakarating sila ng Tagaytay na halos naka tatlo’ng beses sila huminto para kumain ng almusal at magkape. Inaantok si Laarni kaya nagpapawala siya ng antok. Hindi pa siya sanay sa mahabang byahe. Sa Tagaytay Heights sila tumuloy. Isang bahay bakasyunan doon ang tinuluyan nila. Nagtataka man si Mairi ay hindi na lang nagtanong sa kaibigan dahil  possible naman na sa kanila iyon. Habang nagpapahinga siya sa balkonahe ay kausap ni Laarni ang mommy niya. Mukha nga’ng nautusan ito na pumunta doon dahil busy ang kapatid niya.

“Beeeeeep.” Isang busina ang pumukaw kay Mairi habang nakatanaw siya sa magandang tanawin sa ibaba. Patakbo si Laarni na pumunta sa malaking gate para buksan ito. Naisip ni Mairi na baka may guest sila kaya hindi niya na lang pinansin. Itinuro naman sa kanya ni Laarni kung saan ang mgandang pwesto para matanawa ang kabuuan ng Tagaytay. Kaya umakyat siya sa rooftop na nasa gilid lang ng bahay ang hagdan pataas.

“Wow! Sobra’ng ganda dito.” Kinakausap ni Mairi ang sarili. Ngayon lang siya nakapunta ng Tagaytay kaya hindi niya akalain na ganito pala kaganda ang lugar na ito. Madami pa’ng punong kahoy sa paligid at masarap ang hangin, ’yon nga lang nilalamig siya dahil nakalimutan niya sa kotse ng kaibigan ang jacket niya. Pero tinitiis niya muna dahil gusto niya pagmasdan ang paligid kahit nanginginig na siya.

“Stay. Don't move.” Titili sana siya na’ng may biglang naglagay ng itim na leather sa kanya at sabay siya nito'ng niyakap mula sa likod. Him again. Jurius.

“Ano’ng ginagawa mo rito? How did you know we're here?.” Nanginginig na tanong ni Mairi pero napawi unti-unti ang lamig dahil sa init ng katawan na nasa likod niya.

“I can't wait to be with you again.”He whispered.

“What?!” Si Mairi habang sinusubukan na kumawala sa yakap ni Jurius. Nakakadami na ang lalaki na ito e’ porke’t hinahayaan niya lang ay nasasanay na.

“You have been running through my head all night and day.” He expressed at hinayaan niya naman si Mairi na lumayo sa kanya pero nakalagay pa rin sa balikat nito ang jacket na nilagay ni Jurius.

“Ano ba pinagsasabi mo.” She questioned.


“I miss you. That's it. I’m enchanted by you that's why I’m here. Kairi told me you're with Laarni so I run up here.” He explained but it adds puzzle in Mairi's head.


“No one matters but you, Mairi. Allow me to...” Jurius stop talking he can't control himself but to kiss her. He adore her, he miss her since that day where Mairi was unconscious in a hospital.



Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top