Chapter 10 ~Sweets

"I'm sorry." Isang bouquet ng pink roses ang tumambad sa harapan ni Mairi. Hindi niya nilingon kung sino ang pumasok sa kwarto. Akala niya na si Jurius lang pero nagulat siya sa tinig ng isang babae ang narinig niya. Umayos ng upo si Mairi at masayang tinanggap ang pink roses na bigay sa kanya ng kaibigan.

"You're here. At para saan ang sorry?." Tanong ni Mairi sa kaibigan na nakatayo lang sa gilid ng kama, feeling guilty.

"Uhhmm because of me kaya ka nandito. Sorry ulit. First time mo uminom." Mahina ang mga tinig na lumabas mula sa kaibigan niya. Natatawa tuloy siya dahil mukha ito'ng kawawa.

"Hahaha baliw! It's not because of soju at lalo'ng hindi dahil saiyo. My doctor says I'm over fatigue and stressed, hindi kinaya ng katawan ko ang pagod kaya ito ang kinahantungan ko." Mahabang saysay ni Mairi.

"Aww. I thought it's because of me. Huhuhu I'm so worried about you that day pero hindi ko naman alam saan ang pinagtatrabahuhan mo kaya I texted to Jiu and---." Natahimik si Laarni.

"You what?!." Napatakip ng bibig si Laarni dahil sa nasabi ng madaldal na bibig niya. Napakamot pa sa ulo at hindi alam kung anong gagawin.

"What are you talking? You texted Jiu? Wait-- wait. May hindi talaga ako alam eh. Ano'ng mayroon sainyo ng Jurius na iyon?. It seems you know him personally huh?." Kunot ang noo ni Mairi na nag-iisip ng iba pa'ng pweding ebidensya na talaga'ng magkakilala si Laarni at Jurius.

"Got you! Noong naglinis tayo sa room. Iniwan mo 'ko pero wala man lang ako'ng narinig na kahit ano from him. Tapos, hindi ka natatakot sa kanya, hindi ka nag-aalangan kapag nandoon ka sa private building eh. Luh! Kayo ba ni Jurius?." Nang-aasar na tanong ni Mairi sa kaibigan na kanina pa hindi makaimik. Huling-huli na siya.

"Wala nama'ng kami eh. Magkakilala lang kami since gradeschool. Kairi, Jiu and me are childhood friend. Magkakakilala din ang mga magulang namin. I'm sorry. It's not my intention to deceive you. Ayoko lang kase isipin nila na nakapasok ako sa sorority dahil may connection ako. Sorry na." She explained in detail.

"Sorry na naman. I understand. You just protecting your name. Ano ka ba, wala iyon. Matagal ko na rin naman nararamdaman eh. Sa canteen pa lang with  Kairi na mayroong something talaga na hindi ko madefine." Laarni smile sweetly and hug her new friends.

"I'm so lucky to have you, Riri." Mas lalo pa hinigpitan ang yakap nito sa kaibigan. "But please. Sikreto lang natin ito ha. Kase alam mo na andami umaaligid kay Jiu at Kairi eh baka kapag nalaman nila na kaibigan ko ang dalawang iyon eh manganib tayo." Pagbibiro ni Laarni pero alam naman ni Mairi na serysuso ito sa sinasabi. Doon naman siya magaling eh ang magtago ng sekreto.

"Okay! I zipped my lips and sealed it." Promise naman ni Mairi with matching dalawang kamay na nakataas pa.

"Mag-ayos na kayo. We're going out in this boring place." Someone ordered them. Sabay sila napalingon ni Laarni. That was Tuesday. Kaya apat na araw admitted si Mairi sa hospital na iyon. Jurius insists kahit maayos na naman ang pakiramdam ni Mairi. He's caring na hindi maintindihan ni Mairi. Is it about his responsibility dahil mamber siya ng sorority na pinamumunuan nito or another ulterior motive.

"I'm going home. Kaya ko na maglakad mag-isa." Paalam ni Mairi kay Laarni ng makalabas na sila sa lobby ng hospital. Nauna si Jurius dahil may inasikaso pa daw. Nagbilin na lang na hintayin siya sa lobby pero hindi napigilan ni Laarni ang kaibigan. Lumabas na ito ng hospital at nagpara ng trysikel. She want to go home dahil sobrang nababagot na si Mairi sa loob ng hospital. Also she hate the idea na para siyang Queen tratuhin ni Jurius at isa pa nahihiya na siya dito dahil sobrang dami na ang naitulong sa kanya. Kahit hindi naman talaga siya responsibilidad ni Jurius. Kapabayaan ni Mairi sa sarili ang dahilan at hindi naman sakop ng organization nila ang sitwasyon na iyon. A few minutes passed..

"What? Where is she?." Nadatnan ni Jurius si Laarni na nakasandal sa upuan ng lobby at tulala. Iniripan niya si Jurius bago nagsalita, hindi naman mapakali si Jurius, inikot ang paligid na hinahanap si Mairi.

"Uuwi na raw. She's sick sa pagmumukha mo." Mahina ngunit mapang-asar na sagot ni Laarni.

"Kasalanan mo kapag may nangyari ulit sa kanya. She's our responsiblity. Paano kung hindi niya pa kaya. Paano kung mapahamak siya ulit." Jurius seems insabely worried about her.

"OA kana Jiu. Sundan mo. Dami mo'ng talak d'yan." Laarni's suggested.

"But.. okay! Alam mo pala ang bahay niya." Hindi na hinintay ni Jurius na magsalita si Laarni. Hinila niya na ito palabas ng hospital at papunta sa nakaparadang blue SUV.

"Ayoko! Hindi ka marunong magdrive!." Pagpupumiglas ni Laarni. Totoo naman talaga na hindi pa marunong magdrive si Jurius dahil ilang beses na ito muntikang maaksidente.

"Ikaw magdrive!." Mataas ang boses na suhestiyon ni Jurius. Wala pa rin pagbabago sa bangayan nila, katulad pa rin noong nasa grade school sila.

"Pero Jiu. Hindi ko dala ang license ko eh. Nag-taxi lang ako papunta dito." She's doubting.

"Tumahimik ka na lang para walang makarinig. Bring me to her." Utos nito na mukha’ng hindi mapakali. Masyado siya’ng nag-aalala para kay Mairi.

"Wow! Are you a king?! Kung makautos ka ha. Para kang nasa trono huh. Naku Jurius nagkakaganyan ka dahil sa kaibigan ko eh. Mahal mo na?." She teasing him pero kinuha rin naman ni Laarni ang susi at siya ang nagdrive.

“Shut up. Just drive.” He's mad.

"Okay. Okay. Your seat belt king Jurius." Pang-aasar pa ni Laarni while maneuvering the blue SUV. "Bakit ba kase nagdala ka ng sasakyan. Pwedi namang motor eh. Tsaka hindi mo naman ito dinadala sa school. Teka! Hindi ka pumasok huh?." Tanong ng tanong si Laarni pero wala namang imik ang katabi niya. Hangga't sa huminto na ito sa harapan ng 5 storey building.

"D'yan siya nakatira?." Nguso pa ang ginamit ni Jurius para ituro ang building sa harapan niya. Sa harap na sagutin ni Laarni ang tanong nito ay mabilis na lumabas ng kotse at naglakad papasok sa building. Mabilis naman si Jurius na nakasunod kay Laarni.

"Riri. Knock knock." Isang katok lang ni Laarni ay bumukas na ang pinto at mukhang kararating lang ni Mairi dahil hindi pa nga ito nakapagbihis.

"Wooy! Bakit ka sumunod?." Gulat si Mairi sa kaibigan pero mas namilog ang mga mata niya ng may sumulpot na lalaki sa likuran ni Laarni.

"A-anong ginagawa niyo dito?." Sa halip na sagutin siya ng kaibigan ay tuloy-tuloy ito sa loob ng bahay niya. Nahiya naman siya kay Jurius pero niyayaniya pa rin ito na tumuloy. Pansin na pansin ni Mairi ang dalawang eco-bag na dala-dala nito.

"Ano yan Jiu?!." Kahit si Laarni ay nagulat sa dala ng kaibigan niya eh.

"It's for Mairi." Kinuha ni Laarni ang isa at ipinatong sa maliit na lamesa sa bandang kusina. "Wooh. You're so kind naman boss. Bakit noong nagkasakit ako ay walang pa-grocery sa akin huh?." Paglalambing ni Laarni kay Jiu. Surely, talagang close nga sila. Nagmamasid lang si Mairi sa dalawa na medyo nahihiya. Hinalungkat naman ng hinalungkat ni Laarni ang dala ni Jurius na halos mapuno na ang lamesa at kabinet sa taas nito. Halos de-lata lahat. May mangilan-ngilang ramen.

"I'm hungry. Gusto ko ng noodles hah." Feel at home na ang kaibigan niya. Hinayaan naman ito ni Mairi na magluto sa maliit na kusina niya.

"Make it two. I want it too. And put some Chinese pechay and sausage." Jurius ordered her. Walang nagawa si Laarni kundi ang sumunod na lang. Nahihiya naman si Mairi kaya umiiwas ito kay Jurius. Humakbang siya patungo sa maliit na sala na nandoon para ayusin ang nagkalat na mga gamit pero sumunod sa kanya si Jurius na walang imik lang.

"Hindi mo na kailangang gawin ito. Nahihiya na ako." Mairi trying to talk to him pero nakatalikod lang siya habang nagliligpit.

"Allow me. Wala namang magagalit ata. Right?." He stated pero may isang tao na naalala si Mairi. Kapag ba nalaman ni Zeljko ang tungkol kay Jurius ay magagalit kaya siya? Uhh. Assuming lang siya. That kiss was nothing kung iyon ang naiisip niyang dahilan para magalit si-- uhh never.

Pero kumusta na kaya siya?. Bakit bigla na lang sinasakop nito ang isipan niya. Sino ba siya para guluhin ang utak ni Mairi. Isa lang namang mapagsamantala sa kahinaan niya. Pero bakit hindi man lang nagpaparamdam sa kanya. Kumusta na kaya ang issue doon sa sinasabi nitong murder case.

"Hey, lalim ng iniisip ah. May magagalit ba.?." He repeated na nagpabalik naman sa ulirat ni Mairi. Ilang minuto ba siya nakatulala.

"May magalit man o wala. Hindi mo na dapat ito ginawa. Madami na akong utang sa'yo. Hindi ko alam paano ito bayaraan."  Mairi says.

"I told you. It's okay. Don't worry about it dahil deserve mo naman na alagaan eh. Be good to me. That's all." He sighed.

"Huh? Deserve alagaan?." She repeated too. Bakit kinilig siya bigla sa sinabi nito. Walang sinuman ang nagsabi sa kanya ng ganoong mga linya eh. Kaya parang bago lang kay Mairi ang mga banat nito.

"Uh I mean. Mag-isa ka. Kaya naisipan ko na samahan ka muna dito." He insisted pero napapahiya na si Jurius dahil nadudulas na ang kanyang dila eh.

"I'm here too. Sasamahan kita Riri." Sabat naman ni Laarni. Nasa kusina ito habang may hinihiwa na kung ano. Sabay naman lingon si Jurius at nagtanong.  "Where is my noodles?."

"Wala. Hindi ko niluto. Eh kase nakita ko na may pweding lutuing ulam. Kaya nagsaing na ako. Total mag-gagabi na rin naman kaya magluluto na ako. Para may kasabay si Mairi na kumain ng dinner." She suggested but she's obviously hungry.

"No. I'll cook. Umalis ka d'yan." Simangot lang ang sinagot ni Laarni sa kaibigan dahil kilala niya ito kung gaano kapihikan sa pagkain. Jurius can cook himself, he don't want to eat outside, spending money in ritzy restaurants. He prefer to cook at home. Napanganga lang si Mairi dahil sa tinuran ng binata, seryuso? Marunong pala siya magluto. She ask the wind.

"So, the queen is here." Kinabukasan pumasok na si Mairi sa university. Hindi niya napansin na inaabangan pala siya nila Sharmane at Gwyneth at may dalawa pa'ng  kasama. Kinabahan siya sa narinig.

"It seems you're healthy naman eh. Nagkukunwari ka lang may sakit para alagaan ka ni Jurius!." Mairi shock to what she heard from them, ano ba ang problema nila at bigla na lang siyang inaaway.

"I'm sorry. Hindi ko alam ang sinasabi niyo." Humingi ng paumanhin si Mairi kahit hindi niya naman alam ang nangyayari.

"You're sorry? Sabihin mo nilalandi mo si Boss! He is trying to protect you. You disrespect him. Alam mo ba na ipinagtatanggol ka niya sa council kapag hindi ka sumisipot sa monthly meeting ng organization?!." Mairi don't know about it. Kahit si Laarni ay hindi naman umaattend, kaya hindi niya alam na mayroon pala'ng mga ganito.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. No one inform me." Maiksing paliwanag ni Mairi.

"Wow huh. Nasa rules and regulation 'yan. Hindi mo natatandaan? Hindi mo binasa bago ka nag fill-up ng waiver? Tsaka, nagpirma ka na din ng scholarship mo. Nandoon rin iyon na mayroon kang school service every month at kasama sa scholarship mo na sumunod ka sa rules ng sorority mo. Our parents paying your scholarship!." Halos lumuwa na ang mga mata ni Sharmane kakatalak kay Mairi. 'She's annoying.' Sa isip ni Mairi. Pasalamat siya kagagaling niya lang hospital eh. Baka ano pa nagawa niya sa babaeng ito. Mukha namang inggit lang kay Mairi. But Mairi thinks to avoid them dahil mukhang pinag-iinitan siya ng mga ito.

'Kainis ang Jurius na iyon. Bakit hindi man lang binanggit sa kanya ang sinasabi nang Sharmane na iyon. She's not aware about the scholarship. Akala niya lang ay okay na basta mataas lang ang grades at dapat  maintain niya ito. Pero kasalanan niya rin talaga dahil hindi niya binasa ang pinirmahan niyang papel.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top