CHAPTER 1
BEYOND measure, all of them were obviously from a rich family. Isa-isa silang pinagmasdan ni Mairi, twelve boys and seven girls. She only spent one month as a sophomore at this university. Hindi nagsi-sink in sa utak niya kung bakit nandito siya sa harapan ng mga estudyante na ito. They are all her seniors. She guesses they are third-year or fourth-year college students.
They were gathered around. Hindi niya mabasa ang mga nasa utak nila, lalo na ang mga babae na akala mo kakainin siyang buhay. She survived. Lima ang kasabay niyang mga neophyte, pero sila lang dalawa ng katabi niya ang nanatiling nakatayo hanggang dulo. They survived their initiation, and now they're here to fully welcome them into their brotherhood and sisterhood.
"I feel not belong here," bulong ng katabi niya. "By the way, I'm Laarni," dagdag pa ng katabi niya na sila lang ang nagkakarinigan. Laarni is her classmate, pero ngayon lang sila nagkalapit at nag-usap dahil mukhang galing din sa mayamang pamilya ito, pero mukha namang mabait.
"I'm Mairi. Nice to meet you," she responded.
"Tagal naman ng speech nila," reklamo ni Laarni.
Isa-isang nagpapakilala ang mga officer na halos hindi naman maintindihan ni Mairi ang mga sinasabi dahil mukhang nagpapasikatan lang naman sila. Ang natandaan niya lang ay pangalan ng sorority president-Sharmaine, at Jurius-ang president ng fraternity.
They explained the benefits and advantages kapag nakasali na sa kanilang organization. Lumapit lang daw sa kanila at tutulungan sa kahit anong problema, kahit pa ito'y financial. Sobrang dami na'ng paliwanag, kesyo walang gagalaw sa 'yo, walang aaway, at kung ano-ano pa.
"Master, we need to adjourn na. Thirty minutes na lang ang natitira nating oras para mag-review. May quiz tayo sa first subject ngayong tanghali." Maarteng humarap si Sharmaine kay Jurius-the president.
Kanina pa napapansin ni Mairi ang pasulyap-sulyap sa kanya ng president nila. Medyo malagkit ang tingin sa kanya ng isang ito. Mabuti na lang at hindi niya nararamdaman na masama siyang tao, dahil kung nagkataon, baka mapabilis siyang magpakilala sa mga ito.
He's a gentleman at minsan lang siya magsalita, kaya isang wagayway lang ng kamay ang sagot niya sa sinabi ni Sharmaine. Nagsialisan naman ang lahat ng nandoon sa pribadong k'warto na iyon. Hindi alam ni Mairi kung kasama sila sa pinapaalis, kaya nagkatinginan sila ni Laarni, at niyaya naman siya nito na lumabas pero . . .
"Newly member. Stay," walang emosyong sabi ni Jurius na nagpalambot ng mga tuhod nila.
Napansin ni Mairi na napalingon si Sharmaine, pero niyakap na siya ng mga kasama at lumabas na'ng k'warto. Maiiwan sila ni Laarni. Silang dalawa lang kasama ang president na ito.
"Hindi pa ba tapos ang pagpapahirap sa kanila?" sa isip niya, na nagtataka habang nakatingin sa nakayukong lalaki sa kanilang harapan-mukhang malalim ang iniisip.
"Linisin ninyong dalawa ang k'warto na ito," wala pa ring emosyon na utos nito, saka humakbang palabas ng k'warto.
Hindi naman masiyadong kalakihan ang k'warto na iyon, at sa tingin niya ay living room iyon, kasi may dalawang set ng couch ang naroon na mukhang masarap higaan.
"Tara. Linisin na natin para makauwi na tayo," saad ni Laarni na naghahanap ng walis at mop.
Tumango lang siya at tahimik na sumunod-dinampot ang isang mop. Tiles ang sahig, kaya siguradong matagal-tagal pa silang makalalabas sa k'warto na iyon.
"Hindi na ako nagtataka. Nagagawa nilang mag-meeting sa loob ng university. Porket siya ang anak ng Presidente ng paaralan na ito," palatak ni Laarni na mukhang galit lang sa mop, at hindi niya alam ang impormasyon na iyon.
Sinimulan niya na rin ang paglilinis nang mapadako siya sa gilid ng bintana. Nakita ni Mairi na papaalis sa building na iyon si Jurius na angkas ng kanyang scooter.
"'Di ba may quiz sila? Bakit palabas siya ng university? sa isip ni Mairi. "Ayys bakit ko ba inaalala 'yon!"
"Mairi!"
Nagulat siya sa tili ni Laarni na sabay binitiwan ang hawak na mop.
"Tumatawag sila Mommy. Oh my! Nasa labas siya ng school!" Tarantang hinahagilap niya ang bag, at inaayos ang sarili, pero iiwan niya si Mairi nang mag-isa?
"Sorry. Sorry. Alam niya kasing half day lang school ko. Kausap ko siya kanina, hindi ko alam na pauwi pala siya ng Pinas," pagpapaliwanag nito. "Sorry. Okay lang ba na maiwan na kita?"
"Sure. Okay lang. Sige na. Ako na bahala dito," sang-ayon niya, pero sa isip ay nagmamaktol dahil hindi pa sila nangangalahati sa paglilinis. Hindi naman puwede na umalis si Mairi dahil magagalit ang Jurius na 'yon-ang president.
"Thank you! Anyway, nice to meet you!" Patakbo na si Laarni sa may pinto, kaya hindi na nakasagot si Mairi sa sinabi niya. Ngumiti na lang ang dalaga sa kaniya bago isinara ang pinto.
Then she's alone again. At the end of the day, talagang hindi maiiwasan na mag-isa na naman siya. And yes, kaya siya nag-decide na sumali sa sorority na ito dahil gusto niyang baguhin ang nakasanayang buhay. She wants to be surrounded by people, pero mukhang malabo nang makasundo niya ang mga babaeng iyon, na sobrang taas ng tingin sa sarili. Mabuti na lang at nakilala niya si Laarni. Ano kaya ang kanyang dahilan ng pagsali sa sisterhood?
Alam ni Mairi na mayroon din itong reason, at labas na siya roon. Pero grabe! Iniwanan siya ni Laarni na mag-isang naglilinis. Mabuti na lang at walang pasok mamayang hapon, kaya ayos lang na tapusin niya ang paglilinis.
That was Friday, kaya parang gusto nang magpahinga ng katawan niya, pero kasalanan niya rin naman ito. Imbes na diretso siya pauwi ay rito pa ang bagsak niya. Soon, masasanay rin si Mairi, pero may pasok pala siya mamaya sa kanyang part-time job.
Bigla siyang sinampal ng reyalidad, kailangan niya pala ng maraming oras para magtrabaho. Pero nandito siya nagtatrabaho nang wala namang bayad sa k'warto na ito.
"Hindi ka nag-iisip Mairi," bulong niya sa sarili habang patuloy pa rin ang pagma-mop ng sahig. Hindi naman marumi, kaso medyo maalikabok.
Ang arte naman ng Jurius na iyon! Ilang minuto pa ang lumipas bago natapos ni Mairi ang paglilinis. Naramdaman niya ang pangangalay ng likod, kaya pinili niyang maupo muna sa malambot na upuan na nandoon. Para siyang hinihila pahiga roon. Well, wala namang tao at siguradong may pasok na ang Jurius na iyon, kaya naisipan niyang ipahinga ang likod at pumikit sandali, pero hindi niya namalayan na kahit ang talukap ng kaniyang mga mata ay bumibigat na rin.
Isang busina sa likod ng paaralan ang nagpagising ng diwa ni Mairi. Sa likod kasi ng pinakadulo ng building ay highway. Nasa second floor naman ang private room. Napabalikwas siya nang makita ang orasan sa dingding na nakaturo sa alas-singko ng hapon.
"Shit! Mairi!" minura niya ang kanyang sarili. "Sarap ng tulog, e, akala mo anak-mayaman. 5:30 to 9 p.m. pa naman ang trabaho ko. Kainis!"
Napagtanto niyang may nahulog na brown na kumot sa sahig. Dali-dali niya iyong dinampot. "Sino may gawa nito" sa isip ni Mairi.
May napansin din siyang isang maliit na sobreng brown sa center table, at may tatak ng pangalan ng organization na sinalihan niya. Dinampot iyon ni Mairi at binasa kung para kanino. May nakasulat na 'MAIRI'-capital letters pa lahat.
Sigurado siyang sa kanya iyon, kaya binuksan niya. Sinilip niya ang laman. May dilaw na perang nakasiksik, at may kalakip na papel.
Salamat sa paglinis. Makakaalis ka na. Anyway, accept this payment. Wala ng libre ngayon.
From Jiu.
Iyon ang nakasulat. Seryoso? Bayad nila sa kanya iyon? Aba, hindi niya tatanggihan ito dahil pera ang pinaka-kailangan niya sa lahat. Pero sino kayang Jiu iyon?
"Luh!" Napahawak siya sa bibig; may tuyong laway sa gilid ng labi. "Oh my God, Mairi! Kadiri ka!" napasigaw siya at nang-init ang mukha, nakanganga pa naman siya matulog.
Sino kaya ang nag-iwan ng sobre na ito? Tapos kinumutan pa siya! Sana man lang pinunasan ang laway niya. "Hayst!" Iiling-iling siya habang tinutupi ang kumot, at nag-ayos ng sarili para umuwi ng boarding house.
She's Mairi Ellison; she's in her 2nd year of college here at Montess University, taking a computer science course. She doesn't like studying here, but she has no choice dahil siya lang ang nagpapaaral sa kanyang sarili, at ito ang pinakamurang kurso sa school na ito. So, she took it.
Lumipat siya ng school dahil hindi niya kayang mag-aral sa private school. Kaya ngayon, dito siya napadpad dahil may nakapagsabi na okay lang kahit half tuition lang ang mabayaran, pero kailangan niya pa rin itong bayaran sa katapusan ng semester, kahit paunti-unti.
She's an orphan, kaya kailangan niya talagang magtrabaho. Ang pangarap niya noon ay magkaroon ng sariling pamilya, pero nasayang lang ang oras niya sa paghihintay na may mag-a-adopt sa kanya. Since she was a child, they have always ignored her. Hindi niya alam ang dahilan; sabi ng mga sister, dahil daw sa different personality niya, na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan.
She couldn't get what they were describing about her. Ano bang mayroon sa kanya? Bakit ayaw nila? Ito ang naging dahilan kaya naging loner siya; naging aloof sa mga tao. Pinag-aral siya ng orphanage mula grade school hanggang senior high dahil libre naman ang pag-aaral para sa mga orphan. Ngunit wala siyang naging kaibigan kahit isa. Iniisip niya na iiwanan lang naman siya ng mga ito, kaya hindi na lang siya nagsayang ng oras para maghanap ng kaibigan, o baka siya pa ang lalayo dahil hindi niya alam kung saan niya ise-settle ang buhay niya.
She doesn't have a permanent address. Now, she's nineteen and struggling in life. Mabuti na lang malakas ang loob niya kaya marami siyang nahahanap na part-time job. She's free now from the orphanage dahil hindi na nila saklaw ang magpa-aral ng kolehiyo, but she is still receiving a small amount from them dahil naging mabait at matino naman siyang bata sa orphanage na iyon. Malaking tulong na sa kanya ang nakakatanggap ng kaunting pera every end of the month.
Noong last semester ng first year, a group of students approached her to join a sorority. Siguro nakikita nila na lagi siyang mag-isa kaya inaraw-araw siyang niligawan ng mga ito para sumali. At dahil nakulitan na siya, pumayag na lang siya. May nakita namang advantages ang dalaga kapag sumali siya sa kanila, at gusto rin niyang baguhin ang routine ng buhay, kaya humantong siya sa k'warto na iyon.
Bago siya lumabas ng gate ay nilingon niya ang kaniyang pinanggalingang building. Madilim na, kaya malinaw sa kanyang mga mata na bukas ang ilaw sa katabing kuwartong nilinisan niya. Sigurado siyang ini-off niya ang switch ng ilaw bago lumabas, pero bakit bukas iyon? Nagtataka man ay patakbo na siyang umuwi sa tinutuluyan niya dahil magpapalit pa siya ng damit, at mag-aayos bago pumasok sa trabaho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top