PART TWO

A few days later...


Ngayong araw ang scheduled interview ni Leigh Anne sa Serenity Life Corp. Nababahala siya na ma-late kaya binilisan niya ang pagsakay sa elevator. She realized that there's only five minutes before the time of her scheduled interview with the HR Manager. Nakakahiyang ma-late siya sa interview! Hindi na nga niya alintana ang siksikan sa elevator, she bumped at a tall guy wearing royal blue suit with an alluring scent of his perfume. At 'di inaasahang magigimbal ang buo niyang pagkatao nang mamukhaan niya ang lalaking iyon.

"Jarred?"

Kasabay ng pagtigil ng elevator sa 4th floor ay ang paglabas din ng lalaki. Hindi niya tuloy makumpirma kung kilala niya ba talaga iyon. But her heart skipped beating when she took a glimpse of that guy, the same way she felt every time she saw her first unrequited love. Bumalik sa realidad ang utak ni Leigh Anne nang makarating na siya sa 5th floor na dapat niyang puntahan.

Nagpatuloy siya hanggang marating ang opisina kung saan isasagawa ang interview na nagtagal ng thirty minutes. At nang lumabas na ang result, ikinagulat niya na nakapasa pala siya at magiging empleyado na ng Serenity Life. Pero, mas excited siya dahil sa possibility na pwede na niyang makita palagi ang first love niya sa kompanyang iyon. Minsan nga, napapaisip siya kung may asawa na ba si Jarred o wala.

"Sa gwapo niyang 'yon? Imposibleng wala," kinikilig na bulong niya sa sarili kahit medyo masasaktan siya kung sakaling may asawa na nga ang dati niyang crush.

***

Habang si Jarred naman, kinakabahan pa rin dahil bigla silang ipinatawag sa meeting para sa kompetisyon nila ni Josh sa pagiging CEO.

"Ngayon ninyo makikilala ang mga assistant ninyo. Tama, binibigyan ko kayo ng assistant dahil may activities ako na ipapagawa at kailangan ninyo ng assistant."

Ilang saglit ay may tinawagan muna sa telepono si Mr. Fontabella. "Delly, papasukin mo na ang newly hired employees natin."

Kapwa napalingon sina Jarred at Josh nang bumukas ang pinto. Dalawang female employees ang pumasok at hindi maitatago ang kaba ng mga ito kahit pa nakangiti. Ngunit napansin ni Jarred na pamilyar ang isang employee sa kanya. He raised his brows when he recognized that lady. Paano ba niya makakalimutan ang babaeng nagnakaw ng kanyang first kiss noong high school pa lamang siya? That same girl na naglagay sa kanya sa matinding kahihiyan noon?

Until now, he hated her. Kung hindi sana ginawa ni Leigh Anne iyon, hindi sana siya mapapahiya at hindi sana magkakaroon ng bad reputation sa buong school. He graduated nang hindi pa rin tinatantanan ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa. Dahil nga patay na patay sa kanya si Leigh Anne during high school, ninakawan siya nito ng halik at inakala tuloy ng buong school na may namagitan sa kanilang dalawa. Dahil sa isyu na iyon, na-disqualify pa si Jarred bilang representative ng school nila sa national quiz bee.

Parang nawindang si Leigh Anne na si Jarred pala ang magiging boss niya. Wala na nga siyang mukhang maiharap noon, paano na lang ngayon? Nakabaon na sa malalim na hukay ang feelings niya para kay Jarred. Ang aim niya ay mag-focus pero mukhang hindi niya magagawa pa dahil gaya ng dati, parang humihinto ang oras kapag nasusulyapan niya ang binata. Nalaman din niya na single pa pala si Jarred. Hindi niya tuloy mawari kung good news o bad news ba ang bagay na iyon.

"Gwapo pa rin siya at mas makisig na tingnan," usal niya sa sarili. Hindi na kasi patpatin ang katawan ni Jarred 'di gaya noong high school student pa lang ito. Mas lalo itong nagmukhang athletic.

Muli siyang humugot ng malalim na hininga at nagpatuloy sa paglalakad.

"Saan ka pupunta? May orientation pa, sumama ka na sa'kin."

Para siyang nakuryente sa sobrang gulat nang magsalita mula sa likuran si Jarred. Hinarap niya ito nang may ngiting alanganin.

"Sorry, hindi ko alam. I mean, hindi ko na kasi naintindihan," pagdadahilan ni Leigh Anne sabay kamot sa ulo.

"Hindi puwedeng hindi mo naiintindihan ang mga bagay-bagay na sinasabi sa'yo," naiiritang paalala ni Jarred.

Hangga't sa makauwi ay sinasaulo pa rin ni Leigh Anne ang mga nakasulat na rules sa handout na binigay kanina ni Jarred. Masyadong marami ang nakapaloob pero hindi naman gano'n kahirap intindihin. Laking pasasalamat din niya dahil medyo maluwag pa sa empleyado ang Serenity Life. Bukod sa rules ng kompanya, may mahalagang bahagi sa handout na hindi dapat makalimutan ni Leigh Anne. Mahigpit na pinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa sinumang empleyado ng Serenity Life, basic pa rin— but it doesn't bother her anymore. Natitiyak naman niyang wala nang natira sa feelings niya para kay Jarred. Napakawalan na niya ito pagkatapos ng graduation noong high school sila. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top