PART THREE
Kinabukasan, opisyal nang nagsimula ang pagtatagisan nina Josh at Jarred bilang CEO.
"Goodluck, sana naman hindi ka mag-take advantage dahil lang kamag-anak ka," pabulong na pasaring ni Josh kay Jarred.
"Kung nagti-take advantage ako, eh 'di sana ako na ang pumalit sa posisyong naiwan ng pinsan ko, kaso hindi nangyari 'yon dahil gusto kong maging patas sa'yo. Hindi kasi ako 'yong tipo ng tao na gumagawa nang mali para makuha ang desired position niya sa kompanya. Nag-iisip naman ako," ganti ni Jarred at tinapunan ng mapagbantang tingin si Josh.
Leigh Anne felt so awkward while following her boss inside the office. Napansin niya rin kanina pa ang pagkayamot ni Jarred, hindi niya alam kung dahil ba sa kanya.
"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon," Jarred mouthed as he throw a crumpled paper on a trash bin.
"Leigh Anne, maupo ka nga muna," utos niya sa kanyang assistant na agad namang sumunod.
"Yes Sir, ano pong mga dapat kong gawin?" tanong pa ni Leigh Anne at hindi maikakaila ang panginginig ng kanyang boses. Sa mga tingin pa lang ni Jarred, parang hinuhusgahan na siya kaagad.
"Mag-iikot tayo sa bawat department, susuriin natin ang workplace nila. We will also conduct interviews for the managers."
Alertong tumugon si Leigh Anne sa utos ni Jarred nang kunin niya ang mahahalagang gamit para sa gagawin nilang survey. Isa sa tasks ni Jarred ang pag-explore ng working departments ng Serenity Life, mahalagang maging involve siya doon para maunawaan niya kung paano tumatakbo ang kompanya kung sakaling mapili siya bilang CEO.
"Tingnan mo nga naman kung sino ang makakasalubong natin."
Kapwa napatingin sina Jarred at Leigh Anne sa pinanggalingan ng boses. Nakita nila ang kampanteng si Josh kasama ang sekretarya nitong si Hilda na baguhan din sa kompanya. At sa pagkakatanda ni Leigh Anne, si Hilda ang nakasabay niya rin sa interview na overconfident na matatanggap. Pareho lang pala sila ng naging boss nito, mukhang mahangin kahit wala pang napapatunayan.
"Ilang department na ba ang na-interview ninyo?" tanong ni Josh.
Napangiti na lang si Jarred kahit alam niyang niyayabangan na naman siya ng katunggali.
"Nagsisimula pa lang kami," pagtatapat ni Jarred.
Napahalakhak si Josh, isang mapang-asar na halakhak at sinabayan pa ni Hilda kaya mas lalong nairita si Jarred.
"Ganoon? Nagsisimula pa lamang kayo? Higit pa sa bente ang department ng Serenity Life, nagc-cramming ba kayo?" pambubuska ni Josh.
"Basta Sir, sampung departamento na ang naikot natin," paggatong naman ni Hilda sa pang-aasar ng kanyang superior..
"Magaling kasi ang sekretarya ko, at may experience sa trabahong pinasok niya rito. Ewan ko na lang sa sekretarya mo," dagdag na pang-asar ni Josh.
Bumilis ang tibok ng puso ni Leigh Anne nang marinig ang insultong iyon. Kaya naman pala galit dito si Jarred, mapagmataas naman pala si Josh at hindi pinag-iisipan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.
Napalingon si Jarred kay Leigh Anne na napayuko at halatang itinatago ang pagluha. "Wala na kaming oras na makipag-asaran. Para kasi sa'min, professional kaming tao at hindi na dapat pang pumatol sa childish act na pinapakita mo Mr. Josh Juan."
Nang lingunin ni Jarred si Leigh Anne mula sa kinatatayuan nito, kapansin-pansin ang tahimik nitong paghikbi.
"Ms. Leigh Anne. Punasan mo nga ang luha mo. Hindi mo pwedeng ipakita na mahina ang loob mo. Kapag nakaharap ka pa ng mas tough superiors dito, sinisiguro kong mas malala pa silang mang-insulto," babala ni Jarred na halatang aburido habang nagsasalita.
Walang ibang nagawa si Leigh Anne maliban sa dalawang ulit na pagtango.
Parang sirang plaka pa rin sa utak ni Leigh Anne na insulto sa kanya ni Josh. Gusto niyang kalimutan ang lahat kaya naman ay nag-overtime na lamang siya sa trabaho kahit walang abiso ni Jarred. Hindi na niya ipinaalam ang pag-o-overtime niya dahil natatakot siyang makipag-usap sa binata. Ewan ba niya, malaki na ang pagbabago ni Jarred, marahil sa ibang environment nila ngayon. Kung dati ay madalas na makita niya ang ngiti nito, ngayon naman ay mas lamang pa ang pressure na rumerehistro sa maamo nitong mukha.
"Parang hangin lang 'din naman ako sa kanya. Oh baka hindi na talaga niya ako natatandaan," sambit niya habang kumakamot sa ulo.
Pero imposibleng hindi na siya nito matandaan, kinompronta pa nga siya ni Jarred at hindi naman siya nagparetoke para hindi na nito maalala ang itsura niya. But she also assumed that Jarred probably detested her until now. Siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang reputasyon nito sa campus at hindi niya masisi ang binata kung hanggang ngayon, nagtatanim pa rin ito ng galit sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top