PART SEVEN

Aware naman siyang nauunahan na siya ni Josh habang siya ay wala pang nasisimulan sa proyekto. Idagdag pa na wala na siyang assistant dahil sa pag-alis ni Leigh Anne.

And speaking of her, bigla niyang naisip na kumustahin ito dahil tatlong araw na rin ang lumipas simula nang hindi na ito pumapasok sa office. He wants to know the reason why she left, hindi kasi siya kumbinsido na walang ginawang masama si Mr. Romulo kay Leigh Anne. Makalipas ang ilang araw, naisipan niyang bisitahin si Leigh Anne sa bahay nito.

"Lala!"

Nilingon agad ni Leigh Anne ang pinanggalingan ng tinig at sinalubong ang matalim na tingin sa kanya ni Jarred.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito huh?" tanong niya habang paatras ang lakad dahil unti-unti siyang nilalapitan ng binata.

"Mag-usap tayo." Binigyang diin ni Jarred ang bawat salita.

"Pasensiya na Sir, wala talaga akong time na magpaliwanag sa inyo. At isa pa, nag-resign na nga ako," prangkahang paliwanag ni Leigh Anne sa aburidong si Jarred.

On the other side, she still hopes that Jarred needs her because she earned a trust from him when it comes to work. Ayaw niyang isipin na wala na itong makuhang assistant bukod sa kanya.

"But why can't you explain?" di patatalong tanong ni Jarred habang nakikipagtagisan ng tingin kay Leigh Anne. Sa nakikita niya, mukhang desidido na talaga itong mag-resign at wala siyang mabakas na anumang pagsisisi. That thing cuts his heart slowly until it bleeds.

"Bakit n'yo gustong malaman? Masyadong personal ang rason ko Sir. Labas na 'yon sa pagiging assistant ko sa inyo," katwiran pa ni Leigh Anne. Papasok na sana siya sa bahay ngunit nahatak ni Jarred ang sling bag niya kaya nasubsob siya sa dibdib nito.

She didn't know how to react. Naamoy niya ang samyo ng cologne sa polo nito at hindi niya maikakailang kahit sa bagay na 'yon, nakaramdam pa rin siya ng 'di pamilyar na kilig. Parang pinaaalala lang nito kung paano siya nabaliw noon kay Jarred.

Nilayo niya rin ang sarili at umirap sa binata. "Please Sir, humanap na lang kayo ng kapalit ko. Hindi ako capable bilang assistant ng isang future CEO. Baka masira ko lang ang mga pangarap ninyo."

"I won't accept that, not until you explain your side Ms. Leigh Anne," Jarred insisted.

"I'm not really comfortable with Mr. Romulo Sir," nahihiyang pag-amin ni Leigh Anne.

"Why? Mr. Romulo seems to be nice, at anong dahilan kung bakit gano'n ang nararamdaman mo?" malumanay na tanong ni Jarred.

"Hina-harrass niya kasi ako, I mean baka nag-assume lang ako na harassment 'yon pero bigla niya kasi akong hinawakan." Tears suddenly fell down from her eyes down to her cheeks.

Nahihiya siyang umamin dahil alam niyang mahirap paniwalaan ang bagay na 'yon para kay Jarred. Nabalitaan din niya kasi na trusted business partner din ng nanay ni Jarred si Mr. Romulo. May posibilidad na mas panigan ni Jarred si Mr. Romulo, because money and influence talks and that's all really matters.

"I believe in you," seryosong turan ni Jarred. Lubhang naalarma siya sa pinagtapat ni Leigh Anne at gusto niyang yakapin ito habang pinapatahan sa pag-iyak.

He felt the sudden guilt for what happened to her. Of course, walang sinumang babae na nasa tamang pag-iisip ang magsisinungaling tungkol sa harassment. Hindi biro ang trauma na dulot ng bagay na 'yon sa sinumang makaranas nito. And as Leigh Anne's superior, dapat kahit papaano'y nalaman niya kaagad ang ginawa ni Mr. Romulo.

"Salamat," tipid na tugon ni Leigh Anne saka pinunasan ang luhang rumagasa mula sa kanyang mga mata.

"I will solve this matter Lala, trust me." A hint of a smile grew on his face. Tila umawit ang puso ni Leigh Anne sa sinabi ni Jarred. Wala siyang nabakas na panghuhusga sa mga mata nito. She just have to trust him this time.

Minabuting kausapin ni Jarred ang sekretarya ni Mr. Romulo. Palihim niya rin na tinanong dito kung may ibang pinagkakaabalahan si Mr. Romulo pagkatapos ng trabaho. And as per his secretary, madalas magpunta si Mr. Romulo sa bars kung saan maraming magagandang escorts.

He's a sexual predator, sekretarya na ang nagsabi. The next thing he should do is to find a strong evidence that Mr. Romulo tried to assault Leigh Anne. Nakalap niya ang CCTV footage noong araw na huli niyang kasama si Leigh Anne. Nagitla siya sa napanood, totoo nga na hinawakan ni Mr. Romulo si Leigh Anne at pumalag ito. Malinaw na may maling nangyari.

Kuyom ang mga palad niya nang pasukin ang bar. Kahit patay-sindi ang ilaw, madali niyang naaninag si Mr. Romulo, may kasama itong magagandang babae sa table, probably he paid for them. Walang sabi-sabing sinalubong niya ito ng suntok.

"Ano bang problema mo huh?" Napaigik sa sakit si Mr. Romulo. Pinilit niyang tumayo mula sa pagkakabuwal dala ng impact sa suntok ni Jarred.

"Ikaw ang malaking problema! Anong ginawa mo sa assistant ko huh? You assaulted her! Please lang, tumigil ka na. Igalang mo na ang mga babae, wala ka bang asawa't anak na babae?" asik ni Jarred saka kinwelyuhan ang matanda.

"Please, I can explain. Misunderstanding lang—"

"Misunderstanding? Kung may misunderstanding sana ako ang kinausap mo at hindi mo na hinawakan pa si Leigh Anne!" Pinutol ni Jarred ang nais sabihin ni Mr. Romulo.

"Jarred, nakikiusap ako. Nakakahiya sa maraming tao," sambit ni Mr. Romulo at binitiwan din siya ni Jarred.

"Mag-sorry ka kay Ms. Leigh Anne! Hindi mo ba alam na takot na siyang pumasok dahil sa ginawa mo? Kung ayaw mong mapahiya, do what I say!"

"Oo, magso-sorry ako kay Ms. Leigh Anne," napilitang pangako naman ni Mr. Romulo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top