PART FOUR

Kinabukasan...



"Ms. Leigh Anne."

Mabilis na napatayo si Leigh Anne nang marinig niya ang boses ni Jarred. She tried to stay formal in front of her boss. Umagang-umaga pa lang kasi, pero ang mukha ni Jarred parang pang-uwian na dahil mukhang stressed na kaagad.

"Yes Sir, good morning po," bati ni Leigh Anne.

"Patingin ng summary of interviews. Kailangan 'yan ngayon." Naupo si Jarred nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Nasa laptop lamang ang atensyon nito. Mabilis namang kinuha ni Leigh Anne ang hard copy ng kanyang report at inilagay iyin sa mesa ni Jarred.

"Report ba ito?" diretsahang tanong ni Jarred. Napabuntong-hininga pa nga siya sa nakita.

"Hindi ganito ang report Ms. Leigh Anne." Kahit dismayado, napanatili pa rin niya ang pagiging kalmado sa harap ng kanyang assistant. Nauunawaan naman niya kasi ito dahil baguhan pa lang ito sa pagtatrabaho sa opisina.

"Sorry," paumanhin ni Leigh Anne.

"Dito sa corporate world, hindi mahalaga ang salitang sorry lang. Kailangan maging maagap para maiwasan ang pagkakamali. Buti na lang tiningnan ko 'to, kasi hindi tayo pwede magpasa ng hindi presentableng report. Kaya kung nagkamali ka at ayaw mo nang aberya, ayusin mo agad o kaya magtanong ka sa'kin kung hindi ka pamilyar," sermon pa ni Jarred at bahagyang napadabog sa kanyang mesa.

"Y-yes Sir," sagot ni Leigh Anne at saka mabilis na binuksan ang screen ng kanyang desktop. Nilapitan siya ni Jarred at ito na rin ang nag-edit ng report. Tumabi kasi ito sa kanyang upuan.

Napaling ni Leigh Anne sa ibang direksyon ang tingin. Too bad, she can't look straight in front of the computer. Mas nakakawiling pagmasdan si Jarred. At aminin man niya o hindi, parang kinikiliti ang puso niya sa tuwing nalalanghap niya ang pabango nito habang magkalapit pa rin silang dalawa.

***

"Puro improvement ang goal mo, pero hindi ka umuusad. Walang nangyayari. Tila pagong ka kung kumilos. Bahala ka na. Mauungusan ka na ni Josh," naiinis na singhal ni Mrs. Rena, ang nanay ni Jarred na shareholder din ng kompanya.

Napasuntok nang marahan sa mesa si Jarred. Kahit kailan, hindi nakita ng kanyang ina ang mga pagsisikap niya bilang empleyado. Nasanay na kasi ito na nadadaan sa mabilisang proseso ang lahat. Wala siyang kamalay-malay na naririnig ni Leigh Anne ang usapan nilang mag-ina. Naghintay lamang si Leigh Anne sa tapat ng office gaya ng iniutos sa kanya ni Jarred. Nakaramdam siya ng awa para sa binata dahil hindi niya lubos maisip na ganoon makipag-usap ang nanay nito, parang galit at ambisyon na lang ang pinapairal.

"Siguro dahil pressured si Jarred sa sarili niyang nanay kaya gano'n siya kumilos," sambit ni Leigh Anne. Ngayon, feeling niya tuloy ay kaya siya ay dala lang ng stress ni Jarred ang lahat kaya siya nito napag-iinitan.

Nang mag-uwian, paika-ikang maglakad si Leigh Anne habang palabas na sa office building. Nasira ang kasi takong ng kanyang sapatos dahil sa pagmamadali na mabalikan ang report sa office.

"Sabi ng tindera matibay daw 'tong sapatos. Ilang minuto lang akong tumakbo, tumuklap na at humiwalay na ang takong. Puntahan ko nga siya mamaya," nakangiwing sambit niya nang hubarin ang sapatos sa kanyang mga paa. Wala pa naman siyang baon na tsinelas kaya no choice kundi ang maglakad habang nakapaa hanggang sa bus station pauwi sa bahay.

Maingat naman siya sa paglalakad pero 'di inaasahang makakatapak pa rin siya ng maliit na bubog sa daan. Napaigik siya bigla sa sakit at sumandal sa pader. Huminga na lamang siya nang malalim upang maibsan ang kirot.

Naupo muna siya sa upuang bakante sa isang waiting shed. Several minutes later, isang kotse ang bumusina at huminto sa tapat lamang ng kinauupuan niya. Napaangat ang tingin ni Leigh Anne dahil sa nakabibinging busina. Iyon pala, si Jarred ang lalaki sa kotse. Lumabas ito at mabilis siyang sinaklolohan.

"Anong nangyari? Bakit hindi ka nagsabi na nasaktan ka sa work kanina?" may himig panenermong tanong ni Jarred at nakatingin sa paa ni Leigh Anne.

Napakamot-ulo lang ang dalaga. "Hindi naman 'to nangyari sa work. Bago lang 'to, habang naglalakad, Sir Jarred."

"Kahit na ba? Nasira ang sapatos mo dahil sa pagmamadali. Sana sinabi mo, mukhang may pilay ka na rin. Tara, samahan kita sa ospital," nag-aalalang sagot ni Jarred. He wanted to get mad for Leigh Anne. She's too resilient. Ikinaiinis niya ang ugaling ganoon. Paano na lang kung may malala pang mangyari, posibleng maapektuhan ang performance nito sa trabaho. But on the other hand, he liked her being shy too.

"Hindi ko akalain na ganito ka na kumilos. Samantalang dati, straightforward ka naman at malakas ang loob. Ninakawan mo pa ako ng halik noon sa library," biglang sambit ni Jarred na ikinagulat pa ni Leigh Anne.

"Ibig sabihin, natatandaan mo pa ako?"

He smirked. "Bakit kita makakalimutan? Ikaw ang dahilan ng kahihiyan ko sa school."

Napailing na lang si Leigh Anne. "Sir, sorry talaga sa nangyari noon. Immature pa ako that time."

"Hanggang ngayon naman, immature ka pa rin," pakli naman ni Jarred. "Huwag ka nang tumanga-tanga dyan. Ihahatid na lang kita sa inyo."

"Hindi na po kailangan," tanggi ni Leigh Anne.

"Po?" Bahagyang natawa si Jarred. "Isang taon lang ang tanda ko sa'yo."

"Pero kahit na ba, kailangan pa rin kitang igalang," katwiran pa ni leigh Anne.

"Kung ginagalang mo ako, papayag ka na ihatid kita," suhestyon pa ni Jarred.

Alanganin tuloy ang naging ngiti ni Leigh Anne. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil na-open up na ni Jarred ang tungkol sa embarrassing past nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top