CHAPTER SIXTEEN

"We're here." Pormal ang tinig ni Jarred nang pagbuksan niya ng kotse si Leigh Anne. Dinala niya ito sa isang photo studio upang isagawa ang nakabinbin na advertising project. And he has to do it this day!

"Anong mayro'n dito Sir? Ano bang project?" tanong ni Leigh Anne.

"Hindi mo ba naalala? Pending project dapat 'to na isasagawa natin with the help of Mr. Romulo," he reminded.

"Ah okay. At hindi natuloy dahil sa'kin." Leigh Anne bit her lower lip. Nahiya tuloy siya dahil parang siya pa ang dahilan kung bakit na-delay ang proyekto.

"Tara na. I know what you're thinking. You're blaming yourself." Jarred heaved a sigh. Umarko pa ang kilay niya nang tapunan ng tingin si Leigh Anne. He still felt bad for her.

Pumasok sila sa studio at nilapitan ang isang professional photographer.

"Matt, ito ang modelo kong nakuha. Siya si Leigh Anne, assistant ko," panimula ni Jarred sa photographer na on the spot lang niyang hin-ire para makahabol sa deadline.

"Hello Sir, so final na ang tema ng photoshoot para sa apparel ninyo? For working woman ba?" tanong ni Matt habang ang kasamahan naman nitong staff ay naglalabas ng mga isusuot ni Leigh Anne para sa photoshoot. Iba't ibang damit iyon na puwedeng ihalintulad sa working uniforms ng iba't ibang professionals.

"Miss, halika na ire-retouch na kita," tawag ng staff kay Leigh Anne. Mabilis namang tumalima si Leigh Anne para maayusan siya kaagad. Minadali man ang pag-aayos, naging maganda pa rin ang make-over kay Leigh Anne at wala siyang kamalay-malay na hindi binabali ni Jarred ang pagkakatitig sa kanya.

"Sir, ready na ako," nahihiyang sambit ni Leigh Anne nang lapitan niya si Jarred.

"Okay. Then go ahead. Kung ano lang ang sabihin nila, 'yon lang ang gawin mo. Magsukat ka na," utos ni Jarred. Gusto niyang purihin si Leigh Anne dahil napakaganda nito pero alam niyang awkward naman kung gagawin niya iyon at baka bigyan pa ng kahulugan ng dalaga. Nagkibit-balikat na lang siya hangga't sa lumayo ito at pumili ng unang isusuot.

The photoshoot lasts for almost 2 hours. Hinintay pa nilang matapos ang pag-edit ng mga larawan kaya inabot sila ng mahigit apat na oras sa studio. Minabuti ni Jarred na gawin muna ang brief info tungkol sa konsepto ng proyekto at tanging sa laptop lang ang kanyang focus habang pinagpahinga niya muna si Leigh Anne. Sa katunayan, may kakaibang excitement siyang naramdaman kahit naghahabol ng oras para ma-meet ang deadline. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagra-rush siya. He used to do things on time because he truly believed that time is the most precious thing and shouldn't be wasted. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa wakas ay natapos niya ang proyekto at naipasa na sa email ni Mr. Fontabella.

He realized that it's already late in the evening. Kapwa hindi pa sila nakakapag-dinner ni Leigh Anne kaya niyaya niya muna itong kumain sa labas. Dinala niya ito sa simpleng restaurant, sinunod niya lang kung saan nito gusto.

"Thanks sa treat, babawi ako next time," pakli ni Leigh Anne habang patuloy sa pasubo ng kinakain.

"You don't have to. Nakabawi ka na."

Napaangat ang tingin ni Leigh Anne nang sabihin iyon ni Jarred. Naaninag niya ang pagkislap sa mga mata nito habang nakangiti. That grin is rare, nakapagtatakang ngayon niya nakikita iyon.

"Hindi pa nga Sir Jarred, kulang pa rin 'yon dahil sa ginawa kong pagw-walkout," mapagpaumanhing tugon niya sa binata.

"Huwag na nga nating pag-usapan. By the way, pagkatapos nito may gagawin ka pa?"

"Oo. Uuwi ng bahay at matutulog para maaga ako bukas," pakli ni Leigh Anne. "Bakit Sir?"

"Gusto ko sanang mamasyal kaso wala akong kasama." Bakas ang lungkot sa boses ni Jarred.

"May mapapasyalan pa ba sa oras na 'to?" nakakunot-noong tanong ni Leigh Anne.

"I know a place."

***

Payapang nakamasid sina Jarred at Leigh Anne sa nagagandahan at makukulay na rides sa isang amusement park. Mabuti na nga lang at bukas pa ang lugar na 'yon hanggang hatinggabi.

"Lala, wala ka bang balak na sumakay sa rides? Kahit sa ferris wheel lang?" untag ni Jarred.

Iwinaksi ni Leigh Anne ang tingin sa pinakamataas na rides at nilingon si Jarred na mukhang kanina pa nakatingin sa kanya. "Hindi ko kayang sumakay sa mga ganyan eh. Gusto ko lang talagang tingnan. Saka ikaw naman ang nagsama sa'kin dito."

"Okay. I get it. Mukhang hindi mo nga gusto. Sorry."

"Sir, hindi sa gano'n. Ikaw naman kasi ang nagyaya dito dahil alam kong gusto mo rito kaya wala akong karapatan na tumutol," pagkaklaro ni Leigh Anne. Sinalubong ni Jarred ang tingin ni Leigh Anne at tila napaso siya nang mapagtantong seryoso ang mababanaag sa mga mata nito.

"You know what. I admire your kindness Lala. Bakit ganyan ka? You're shy, and you always talk less. Nahihiya ka pa rin ba sa'kin?"

"Medyo pero nasasanay na ako Sir. Saka ginagawa ko lang 'to dahil alam kong may gap na namamagitan sa'tin bilang mag-boss," Leigh Anne uttered.

"Pwes, huwag ka nang mahiya. I-consider mo na ako bilang kaibigan mo." Nawala ang pormalidad sa tinig ni Jarred. He let out a sigh before he continued his words.

"Lala, thank you for this. Actually, ngayon lang ako nakapunta ng amusement park. Noong bata ako hindi ko naranasang pumunta rito. Nasubsob kasi ako sa pag-aaral, at akala ko wala nang iba pang mas sasaya bukod sa pagsali sa quizes at competitions. If only I was able to back in my past, baka in-enjoy ko ang lahat," sinserong pahayag niya habang nakatingin kay Leigh Anne. He felt the tranquility that he's been longing for, everytime he throw a glance at her.

"Ako rin Sir, gusto kong bumalik sa nakaraan kasi may gusto rin akong baguhin," sagot ni Leigh Anne.

"And what is it?" mabilis na tanong ni Jarred. Curious din siya sa isasagot ng dalaga. Maybe it's the perfect timing to know more about her.

"Gusto kong bumalik para baguhin 'yong mga sandali na kasama ko pa si mama. Sana pala nag-quit na ako sa pag-aaral para maalagaan ko siya nang husto, eh di sana nasa tabi ko pa siya." Lumungkot ang tinig nito. Well, alam naman ni Jarred ang pinagdaanan ni Leigh Anne dahil nabasa niya ang diary na pag-aari nito. Nabilib pa nga siya dahil napakatatag pala nitong humarap sa pagsubok at ginampanan ang role ng isang mabuting kapatid. Kaya pakiwari niya'y lalo siyang na-a-attract.

"Well, kung hindi ka nagpatuloy, makikilala mo ba ako noon?"

Bahagyang napangiti si Leigh Anne. "Hindi, pero okay na rin kung hindi kita makilala. Hindi mo naman ako nagustuhan noon eh. Embarassment ko kaya 'yon hanggang ngayon, nang nakawan kita ng halik."

He chuckled. "Naalala ko pa 'yon. I was going to read a book then you came. I was really speechless."

"Sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon. Nakakahiya, naisip mo pang napakalandi ko." Apologetic na ngumiti si Leigh Anne.

"But you know what? Okay lang naman pala 'yon. Ikaw ang first kiss ko technically at wala pala akong dapat na ikagalit. Basta alam kong walang dahilan para kagalitan ka."

"Paanong wala? Nabastos kita noon, pumunta ka pa sa hallway at pinagsabihan ako."

"Hindi ko pa kayang i-explain sa ngayon pero hayaan na nga natin. Thank you Lala."

"Salamat din." Leigh Anne held her breath. Dama niya ang pagwawala ng internal organs niya dahil sa mga sinabi ni Jarred. At lalo siyang 'di mapakali dahil alam niyang nakatingin pa rin ito sa kanya.

"I guess it's time to go home. I-text mo na ang kapatid at boyfriend mo," pakli ni Jarred nang tingnan ang wrist watch.

"Wala akong boyfriend," pagkaklaro ni Leigh Anne. Siguro naisip ni Jarred na magnobyo sila ni Nick.

"Okay." Jarred's smile widened. Parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan dahil wala naman palang nobyo si Leigh Anne.

"Kung magkakaroon ka ba ng boyfriend, mga katulad ko pa rin ang pipiliin mo?" biglaang tanong ni Jarred.

"Hindi na Sir. Hindi ko kayo kayang higitan kung katalinuhan ang pag-uusapan. Doon na lang ako sa mga kagaya ko na average ang IQ." Pinasigla ni Leigh Anne ang boses. Taliwas ang kanyang sinabi kumpara sa tunay niyang nararamdaman. Ang totoo'y si Jarred pa rin naman ang gugustuhin niya kahit anong mangyari.

"Okay." Nagkibit-balikat na lang si Jarred. Bahagya siyang nasaktan sa nilabi ni Leigh Anne. Malinaw na naglaho na nga ang pagkagusto nito. Nasasaktan siya, parang pinipiga ang puso niya at tinutusok-tusok ng karayom.

Hindi siya makapag-focus hangga't makauwi na siya sa bahay. Doon, sinalubong siya ng kanyang ina. Tila nanibago naman siya sa awra nito.

"For sure, ang ipinunta ninyo ay tungkol sa project ko for promotion. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na natapos na. Nakaabot na kami sa deadline kahit nagahol kami sa oras," walang kagana-ganang sambit ni Jarred.

"Hindi naman tungkol doon ang sadya ko," paglilinaw pa ni Ms. Rena.

Sa halip na tanungin kung ano ang pakay nito, diretso lamang sa kwarto si Jarred. Hindi siya natulog dahil sa kakaisip kay Leigh Anne.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top