CHAPTER FOUR
"Saglit lang! Sisiksik na lang ho ako!" hindi alintana ni Leigh Anne ang masikip ne jeep at tiniis niyang umupo kahit nahihirapan na dahil ayaw niyang ma-late sa unang araw niya sa SLI. Laking pasasalamat niya dahil hinintuan siya ng tsuper upang makasakay siya.
"Ganito na nga talaga kalala ang traffic, sabi maunlad na raw ang bansa kapag may traffic, well saan banda?" aniya habang nakadungaw sa labas at pinahaharurot ng tsuper ang jeep upang makarating ang lahat ng pasahero sa kanilang destinasyon. Nang makarating sa ikalawang stop papunta sa Serenith Life, mabilis na inamoy ni Leigh Anne ang sarili at napangiwi siya dahil doon.
"Buti na lang may cologne ako, nakakahiyang mag-amoy usok sa office mamaya," sabi niya nang ilabas ang maliit na cologne at iwinisik sa suot niyang blouse.
Nakahinga rin siya nang maluwag dahil nakarating siya sa SLI building bago pa ang oras ng kanyang time in.
"At least 10 minutes early," pampalubag-loob ni Leigh Anne sa sarili niya.
Inilapag niya sa mesa ang bag at nag-time in sa biometrics. Hinanap niya kaagad si Jarred na kanyang boss. Sa totoo lang, nate-tense na kaagad siya kahit hindi pa sila magkaharap.
"Nasaan na kaya siya?"
She shook her head to ease the tension. Malapit na ang oras ng trabaho ngunit wala pa rin si Jarred, mahirap namang tumunganga baka masita siya ng mga superbisor sa kompanya.
"Leigh Anne, sumunod ka sa'kin."
She gasped as she heard the baritone voice. Kanino pa nga ba manggagaling kundi kay Jarred na hinihintay niyang dumating. Napaangat ang tingin niya at tila lumiliwanag ang paligid sa kaguwapuhan nito. Suot ni Jarred ang kulay asul na suit at maayos 'din ang pagkaka-gel sa buhok. Talaga ngang hindi nagbago ang binata sa pagiging presentable since high school pa lamang. She timidly stood up and followed her boss. Napadpad sila sa isang atrium ng SLI building na nagsisilbing lugar kapag may mahahalagang anunsiyo mula sa pinakamataas na officer ng kompanya. Nagtitipon-tipon na rin ang halos isandaang empleyado.
"Good morning everyone, ngayon ay mangyayari na ang pagtatagisan ng galing nina Mr. Jarred at Mr. Josh para sa CEO position na iniwan ni Mr. Howard Fontabella. Ngayon, makakaasa kayo na kakaiba ang challenge na ibibigay natin sa kanila dahil makikita ninyo sila kung paano magtrabaho at gumawa ng alternatives para lumago ang kompanya."
Nagpalakpakan ang lahat sa anunsiyo ni Mr. Fontafella, ang tatay ng dating CEO na si Howard. Magkatabi lamang sina Jarred at Josh at nagkasalubungan ng tingin.
"Goodluck, sana naman hindi ka mag-take advantage dahil lang kamag-anak ka ng CEO," pabulong na pasaring ni Josh kay Jarred. Si Jarred kasi ay pinsang buo ni Howard Fontabella na kilala sa palayaw nitong "Howie".
Dahil nais na mag-focus sa pagbuo ng pamilya at sa bago nitong propesyon bilang professor, naisip nitong ipaubaya ang pagiging CEO ng Serenity Life.
Jarred forced himself to smile.
"Kung nagti-take advantage ako, eh 'di sana ako na ang pumalit sa posisyong naiwan ni Howie, kaso hindi nangyari 'yon dahil gusto kong maging patas sa'yo. Hindi kasi ako 'yong tipo ng tao na gumagawa nang mali para makuha ang desired position niya sa kompanya. Nag-iisip naman ako, ewan ko kung nag-iisip ka," ganti ni Jarred at tinapunan ng mapagbantang tingin si Josh.
Napansin niyang rumehistro ang pagkayamot sa mukha nito at may sasabihin pa sana ngunit narinig nilang nagpatuloy sa pagsasalita si Mr. Fontabella.
"Ngayon, ipakikilala kong muli sa inyo ang dalawang loyal employee ng SLI, si Jarred Fontafella ng marketing dept. at Josh Juan ng Advertising dept."
Nagkatinginan ang dalawa na para bang hindi nagkagirian bago umakyat sa entablado.
Matapos ang pagpapakilala ni Mr. Fontabella kina Jarred at Josh, bumalik na ang lahat sa designated department. Leigh Anne felt so awkward while following her boss inside the office. Napansin niya rin kanina pa ang pagkayamot ni Jarred, hindi niya alam kung dahil ba sa kanya. Samantalang okay naman ito bago magsimula ang announcement ni Mr. Fontabella sa atrium.
"Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon," Jarred mouthed as he throw a crumpled paper on a trash bin. Inis na inis siyang naupo sa swivel chair ngunit natauhan siya nang mapansin na nakatayo lamang si Leigh Anne at tila inoobserbahan ang kanyang kilos.
"Leigh Anne, maupo ka nga muna," utos niya sa kanyang assistant na agad namang sumunod.
"Yes Sir, ano pong mga dapat kong gawin?" tanong pa ni Leigh Anne at hindi maikakaila ang panginginig ng kanyang boses. Sa mga tingin pa lang ni Jarred, parang hinuhusgahan na siya kaagad.
"Nakita mo 'yong lalaki na kasama ko sa stage 'di ba? Iyong magiging kakumpetensya ko sa pagiging CEO?"
Leigh Anne nodded. "Sir, bakit po?"
"Huwag na huwag kang magtiwala sa kanya. Anytime puwede niyang nakawin ang ideas natin sa mga pa-projects na ipagagawa ni Sir Fontabella. Be careful, don't talk to him. Maliwanag ba?"
"Okay, Sir Jarred. Wala pong problema."
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo, sa ngayon, ipapakita ko muna ang desired projects ng Serenity Life, at kung paano natin gagawin. Kailangan ko ng assistant para dito kaya pakinggan mong mabuti ang instructions ko."
"Sige, makikinig ako, Sir."
Napatikhim naman si Jarred. "Alam mo ba kung bakit mga baguhang gaya mo ang napili bilang assistant?"
"H-hindi ko alam, nagulat na lang 'din ako kasi ito ang ibinigay na posisyon ng HR. Wala pa talaga akong experience sa corporate world. Pero makakaasa ka na madali naman akong matuto," kinakabahang sagot ni Leigh Anne at naglabas ng notes at ballpen para isulat ang mahalagang instructions na sasabihin ni Jarred. Ramdam niya na parang gigisahin siya ng binata dahil alam na nitong kulang ang kaalaman niya sa trabahong pinasok.
"Kasi mukha kang honest, sabi ng HR. At dahil baguhan ka nga, imposibleng isabotahe mo ako. Saka ikaw ang pinili dahil sa reshuffling na nangyari sa kompanya at para na rin maging fair kay Josh," pagtatapat ni Jarred na may kasamang ngiti sa labi niya. Kusang pumalakpak ang tainga ni Leigh Anne dahil sa mumunting compliment kahit alam niya na medyo sarcastic iyon. Hindi naman kasi niya akalaing may positibo pang sasabihin ang HR head na si Mrs. Legarda kay Jarred na halos ayaw na siyang i-consider bilang empleyado at prangkang sinabi pa nito na kung wala siyang backer, hindi talaga siya matatanggap. Bahagya siyang napangiti dahil doon.
***
Na-secure kaagad ni Leigh Anne ang bakanteng mesa sa sulok ng canteen. Naisip niyang kabisaduhin ang mga instruction ni Jarred. Kinunan niya kasi ng litrato ang notes niya at tiningnan iyon sa cellphone habang busy siya sa pagnguya ng pagkain.
"Sana pumasok sa utak ko ang reminders na nakasulat kagaya ng mabilisang pagpasok ng pagkain sa bibig ko ngayon," she mouthed while looking closely at her phone. Napahinto na lang siya dahil may tumikhim at bumulaga sa kanyang harap. Isang lalaki iyon na nakangiti pa.
"Miss, pwede bang maki-share sa table? Pasensiya na, wala kasi akong kakilala rito dahil baguhan pa lamang ako."
"Sige, no problem." Inusog ni Leigh Anne ang tray ng pagkain niya para may espasyo pa para sa pagkain ng lalaki. Hindi na niya masyadong tiningnan ang mukha nito dahil busy siya sa pagbabasa.
"Alam mo Miss, parang natatandaan kita. Magkasabay yata tayo sa interview last time."
Naibaba ni Leigh Anne ang cellphone at tuluyang napatingin sa lalaki na obviously, siya ang kinakausap. She tried to recognize him. After that, she grinned. "Parang natatandaan nga kita, sa exam magkasabay 'din tayo 'di ba?"
"Yes, akala ko hindi ako nakapasa. Mabuti na lang at nakapasa din ikaw. Nasa accounting department ako, ikaw?" natuwang tanong ng lalaki.
"By the way, ako nga pala si Nick." Inabot nito ang palad upang makipagkamay kay Leigh Anne.
Nakipagkamay din si Leigh Anne sa lalaking nagpakilala bilang Nick. Napansin niyang lumapad pa ang ngiti ng binata nang makipagkamay siya. In all fairness, guwapo rin ito.
"Ako si Leigh Anne, assistant ni Sir Jarred," pagpapakilala niya sa sarili.
Nanlaki ang mata ni Nick dala ng pagkagulat at tuwa para kay Leigh Anne. "Wow, kakaiba ka rin. Nakakatrabaho mo na ang isa sa possible future big boss ng Serenity Life. For sure magaling kang sumagot sa interview."
"Hindi naman, sa totoo lang first time ko lang sa ganitong kompanya, wala pa rin akong kakilala bukod kay Sir Jarred, pero ito-tour naman niya ako rito sa buong building dahil kailangan daw namin na maging involve sa mga empleyado," nahihiyang tugon ni Leigh Anne.
"Pareho pala tayong wala pang kakilala. First day pa lang naman kasi, e. Pero sana maging magkaibigan tayo," sagot ni Nick.
"Oo naman, walang problema doon."
"So, puwede rin tayong magsabay sa lunch minsan? Kapag may naging kaibigan ako, ipakikilala rin kita para may circle of friends na tayo rito?" hopeful na tanong naman ni Nick.
"Sure," pakli ni Leigh Anne. Ikinatuwa naman niya ang pagiging taklesa ni Nick. Finally, kahit papaano may pumansin sa kanya at nakipagkaibigan, makakatulong kasi iyon para mabawasan ang boredom sa trabaho.
"Sige, Leigh Anne. See you later," sabi ni Nick at nagpaalam na kay Leigh Anne.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top