Twenty-five

Flame's P.O.V

Gusto kong saktan ang sarili ko. Awang awa kaming lahat sa kanya. Awang awa kami na nakikita siyang hawak ang bangkay ni Night ngunit wala kaming magawa. Kami mismo ay nasasaktan. Kami mismo ay sising sisi sa ginawa naming pag-iwan sa kanya.

"Flame? Ano ng susunod nating hakbang?" Pukaw sa atensyon ko ni Dan, isa sa mga trainee agent.

"Hindi ako makapag-isip ng tama ngayon. Mabuti pa dalhin natin ang bangkay ni Night sa Phyrric. Mas makakabuti kung iveverify ito ni Tungsten," wika ko kay Dan.

"Pero wala si Tungsten sa Phyrric ngayon Flame. Hiningi niya ang araw na ito para sa kamatayan ng ina niya," sagot ni Dan sa akin kaya't lalo akong nahirapan sa magiging desisyon ko.

"Dalhin pa rin natin siya sa Phyrric. Madam Cassandra's verification is enough," suhestyon ni Vega na nasa gilid ko.

Tumango ako at sinunod ang sinabi nila.

Nilapitan ko si Nigel at batid ko na hanggang ngayon ay hindi rin niya matanggap ang nakikita at nahahawakan niya. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko rin masasabi kung anong sakit ang mararamdaman ko o kung ano man ang maaari kong magawa.

"Nakahanda na ang sasakyan," tinig iyon ni Scorpio.

Nagtulong kaming buhatin ang katawan niya pasakay ng sasakyan. Hindi ko maatim na tignan ang mukha niya. Hindi ko kayang ito ang huling mukha niya na rerehistro sa isip ko. Hindi ko kayang tanggapin.

Makalipas ang ilang oras ay narating namin ang Phyrric ngunit hindi namin inaasahan ang nadatnan namin rito.

Si Madam Cassandra, kasama niya ang magulang ni Night na sila Ma'am Guia at Sir Lexir maging ang kakambal niyang si Leickel. Alam ko ang lahat ng impormasyon ukol kay Night dahil kami nila Scorpio, Pieces, Tungsten, Vega, at Alistair ang magkakasama at magkakasabay na pumasok bilang agent at kasalukuyan palang din siyang nagsisimula noon ngunit masasabi kong higit siya sa amin sa lahat ng bagay.

Ibinaba namin ang katawan ni Night at si Nigel ay tulala lamang na nakasunod sa amin.

Mabagal ang naging paglakad ng ina ni Night patungo sa kanya na tila hindi nito kakayanin ang maaari niyang makita at ang kakambal naman ni Night ay nakayakap sa isang lalaki na ang alam ko ay asawa niya at walang humpay sa pag-iyak.

Nang mailapag na namin sa harap nila ang katawan ni Night ay bigla na lamang yumakap dito si Sir Lexir.

"Nak? Alam mong mapagbiro ang Papa, pero hindi ganito. 'Nak tayo na dyan. Hindi na 'ko natutuwa sa'yo," garalgal ang tinig nito na animo ano mang oras ay babagsak ang mga pinipigil na luha.

"Aei? Ang sabi ni Mama noon pa 'nak huminto ka na, 'di ba? Kaya namin kayong buhayin magkapatid kahit hindi ka magtrabaho, lalo at ganitong klaseng trabaho," wika ng ina ni Night saka nito hinawi ang buhok ni Night.

"Ma," baling ni Sir Lexir kay Madam Cassandra. "Fucking tell me who did this to my daughter! I'm going to kill him!" Nakita ko ang pag alab ng galit mula sa mga mata nito tanda ng anumang bagay ay maaari niyang gawin dahil sa nangyari sa anak niya.

"Patawarin niyo po ako," tinig ni Nigel ang biglang nangibabaw. "If only I am strong enough to defend myself from the one who wants to get me killed, my wife wouldn't have done something like this. Sana buhay siya ngayon, sana kasama natin siya ngayon," awang awa ako sa kanya ngunit wala akong magawa.

"No one's blaming you. We will update you about her burial, umuwi ka na muna at magpahinga," tinig iyon ni Madam Cassandra.

"Madam, you have to verify that this is really her body for us to proceed with the official procedure of declaring an agent as deceased," wika ni Scorpio na ikinatango ko.

"I, Cassandra Ysabelle Freezell, hereby declare that the body in front of me is Aeickel Lavria Freezell also known as Night's body. As the highest leader of Phyrric organization, I'm more than heart broken to announce that she's no longer with us. May her strong soul rest in peace."

"LOLA!"

"Lei, anak, tanggapin na natin. We lost your sister."

Nigel's P.O.V

Ayokong tanggapin. Hindi ko kaya. Ayokong mag isip ng kahit ano. Hindi siya mawawala sa akin. Ilang beses siyang nangako. Ilang beses niyang sinabi sa akin na babalikan niya ako, na sa akin at sa akin pa rin siya babalik. She will never let me down. Her strong attitude will never break a promise.

"'Tol? Magsalita ka naman," pukaw ni Aljin sa akin. Nalaman nila mula kay Royze ang nangyari. Inalam ni Royze kung bakit bigla akong nawala at sinabi ni Alistair na siyang nagbabantay sa akin ang nangyari.

"Nigel you have to talk. Kailangan mong mabawasan ang sakit na 'yan," segunda ni Iro na ngayon ay inaabutan ako ng baso ng alak. Mabilis ko itong kinuha at binato sa kung saan na naging dahilan ng pagkabasag nito.

"You don't have any idea how this fucking reality pains me. It pains me so much that it numbs my whole system," pigil ang galit na tugon ko. "Mas tatanggapin ng utak ko kung nagmahal na lamang siya ng iba. Mas matatanggap ng puso ko kung sinabi nalang niyang hindi niya ako mahal. Mas nanaisin ko pang inilayo niya ang sarili niya sa akin kaysa ganito. I can no longer see her, touch her and tell her everything she wants to hear from me. It is so fucking painful that I want go after her. It is so fucking devastating that I want to be with her by any means. It is so fucking painful that I can no longer be with the only woman I loved. This pain is eating me alive," there, I broke down in front of them. I let out all my tears. I can't express the pain without crying.

"Hindi gugustuhin ni Aeickel na nagkakaganyan ka---"

"Then tell her to come back to me! Tell her to bring herself in front of me this moment! Tell her to be alive again! Tell her that I fucking love her and I can't imagine living a life without her!"

I tried to fight this feeling but I know I'm not that strong. I'm so scared right now. I feel so helpless. Hindi ba maaring bumalik nalang siya sa akin? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kami?

My wife, if you're not coming back, I can go to where you are.



Someone's P.O.V

Mataman lamang kaming nakamasid sa kanila. Wala silang kaalam-alam na nasa tabi-tabi lang ang sisira sa lahat ng pinaplano nila.

Kung inaakala nilang mauutakan nila ako, nagkakamali sila. I'm way smarter than any of them. Hindi sila maaaring magmalaki sa akin.

While they are thinking that they were three steps ahead, they were actually five steps behind. I'm not someone that they can easily fool. I'm not someone that they can easily catch. I'm sly as fox. I'm faster than a cheetah. I'm stronger than a lion. My soul is way powerful than of a devil's. If they thought that they could beat me, they have to think twice.

"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ng lalaking katabi ko.

"Hindi tayo magpapadalus-dalos, kailangan nating timbangin ang sitwasyon," sagot ko rito.

"Kung gayon, ngayon na ba natin itutuloy ito? Tapos ka na ba sa pagmamasid?"

"Killing them so easily will not give me the satisfaction. We have to make them suffer. We have to let them live and make them regret living," matigas na wika ko sa taong ito.

"You didn't tell me your plans, mabuti na lamang at agad akong nakasunod sa mga gusto mong mangyari," nakangising wika niya sa akin.

"I believe in your capabilities even before. Actually I am more than satisfied in your works. You're sophisticated and meticulous. You do know when to act and when to surrender," turan ko sa kanya na alam kong nais niyang marinig.

"I'm glad you trusted me. And I'm glad you chose me," nakangisi niya muling wika sa akin.

"I chose you now because I trust you. I chose you because you're the only person I could think of when it comes to this kind of fast thinking things. You are the well recommended person," natawa siya sa sinabi ko saka umiling.

"Sssshhhh," sala niya inilagay ang hintuturo niya sa labi niya na nagsasabi na huwag akong magsalita.

Ibinaling ko ang paningin ko sa mga taong pinagmamasdan namin ngayon. Mababanaag mo sa kanila na tila may hinihintay sila at anumang oras ay darating na ito dahil kita ang pagkalito at tuliro sa mga mata nila.

That's what they get for not doing a clear and clean mission. In this world we live in, once you fail you're no longer trustworthy, you're no longer someone they can look up to, and you're no longer usable.

"I think they are coming," wika ng tao sa tabi ko.

Mabilis akong naghanda ay iniayos ko ang mga dalahin namin. Panahon na para ipakita sa kanila kung sino ba talaga kami at ipaalala sa kanila kung sino ang binangga nila.

"Amo!" Wika ng mga tauhan sa taong kapapasok lamang ng senaryo. Sumaludo pa ang mga ito sa kanya.

Nakakatawa silang panoorin. Wala silang alam sa matinding delubyong parating. Uubusin ko sila, hanggang sa umabot ako sa mismong pakay ko. Uubusin ko sila hanggang sa hindi na nila magawa ang mga dapat nilang gawin. Uubusin ko sila, at ako ang matitirang magpapaikot kay Nigel sa mga palad ko. Ako at walang iba.

"May matagumpay na nagawa ngunit hindi ito ang lahat," wika ng taong kapapasok na ikinangisi ko.

"Ano pong ibig sabihin amo?"

"Mayroon pa tayong huling misyon na dapat isakatuparan," sagot nito sa katanungan.

"Handa ka na ba?" Pagbibigay babala ko ng pagsugod sa taong katabi ko. Naging maluwang ang pagkakangiti nito sa akin na animo sinasabi na anumang oras ay handa na siya.

"Just give me your instructions, I am more than oblige to obey you," sagot niya sa akin.

Itinuro ko sa kanya ang daraanan niya at mabilis naman niyang sinunod. Wala pang dalampung segundo ay nasa magkabilang gilid na kami ng pakay namin.

Sinenyasan ko siya at nagsimula siyang magpaputok ng baril kaya't isa isang nagtumbahan ang mga tauhan na kanina lamang ay masayang sumalubong sa amo nila.

"PUTANG INA! SINONG NAKAPASOK? HANAPIN NINYO ANG PINANGGALINGAN NG PUTOK!!" Malakas na sigaw nito. Nagkatinginan kami ng kasama ko at sabay kaming ngumisi sa narinig namin.

"AMO! UMALIS NA PO KAYO! KAMI NA PO ANG BAHALA----" Binaril ko na ito bago pa man ito makatapos ng ninanais niyang sabihin.

"PUTANG INA MAGSIKILOS KAYO! HINDI KO KAYO BINABAYARAN NG MALAKI PARA LAMANG SA GANITO! IKUTAN NINYO ANG LUGAR!" Takot at balisa ang rumehistro sa mukha nito na animo hindi sanay sa ganitong bagay.

Nais ko pang makita ang pagkalito sa mukha niya. Nais ko pang makita sa mukha niya na hindi siya nagtititwala sa kahit na sino sa mga oras na ito. Ang bigat ng tiwala na ibinigay ko sa kanya at umaasa akong siya ang katulong kong magsasakatuparan ng mga binabalak ko ngunit tinarantado niya ako.

Nakita kong bumunot na siya ng baril at iniikot na niya ang mga mata niya sa paligid. Alam kong magaling siya sa pakiramdaman ngunit tila ngayon ay nabobo na siya.

Tinignan ko ang lalaking kasama ko at sa palagay ko ay nakuha niya ang ipinupunto ko. Mabilis siyang tumalon patungo sa lugar na kinatatayuan ng taong kinasusuklaman naming pareho.

"PUTANG INA!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ng tutukan na ng lalaking kasama ko ang taong nais nilang protektahan.

Mabilis akong tumakbo papalapit sa mga natitira pa at isa-isa silang pinaputukan. Kitang kita ko sa mata ng amo nila ang gulat nang isa-isa sila nagsitumba ng hindi nakikita ang kinaroroonan ko.

"A--nong ginagawa mo dito?" Tanong ng taong iyon sa lalaking kasama ko habang may nakaumang na gatilyo ng baril sa ulo nito.

"Putang ina mo, iyon lang ang masasabi ko," napangisi ako sa matapang na isinagot na iyon ng lalaking kasama ko at kasabay noon ay ang pagsipa niya sa baril na hawak ng taong takot na takot na ngayon.

"S---Sinong kasama mo? S---Sino pang narito!?" Garalgal ang tinig na wika nito kaya't doon na ako nagpasya na lumabas mula sa pinagkukublian ko.

"Anong pakiramdam ng ikaw naman ang mautakan Khalil Vergara....

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

also known as Scorpio?"

Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Napangisi ako sa reaksyon niya.

"A--Anong ginagawa mo dito?"

"I, Aeickel Lavria Freezell--- Ricafort, is alive and I'm going to fucking kill you. Mark my words. I'll tear your every inch apart."

"She's alive and still kicking, brother."

"Thanks to you, Tungsten."

--

NEXT CHAPTER WILL BE THE ELABORATION OF THIS CHAPTER. CONGRATS KUNG PAREHO TAYONG MAG-ISIP, better luck next time kung hindi. Muah! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top