Twelve

Aeickel's P.O.V

Pagabi na at narito ako ngayon sa rooftop ng isang building na katapat ng building na pinagdarausan ng meeting nila Nigel na hindi natuloy sa villa ni Haydes.

Iniinda ko pa din ang kasing haba ng braso na sugat sa likod ko lalo na't hindi pa tuyo ang tahi nito at hindi pa ako bumabalik sa doctor para sa pag-alis ng sinulid.

"Everyone's in position, Night." Tinig iyon ni Alistair mula sa kabilang dako.

"Observe each person inside the room," utos ko naman sa kanila.

Hindi alam ni Nigel na narito ako ngayon. Pinagpapahinga niya ako pero mas pinili kong gawin ang trabaho ko bilang hired agent para sa kanya.

"Sigurado ka ba Flame na isa sa telepono ng mga narito ang nalocate niyong IP address?" Paniniguradong tanong ni Scorpio.

"We wouldn't be wasting time kung hindi ako sigurado dito, Vernel." Pagtawag niya sa totoong pangalan ni Scorpio. Alam na alam na seryoso si Flame dahil dito.

"Enough of doubting, lahat naman tayo nagbabaka sakali lang dito. Nothing here is precise and hundred percent confirm," awat ko sa kanila.

Pinosisyon ko ang dala kong sniper rifle upang makita ng maayos ang nagyayari sa loob ng meeting room.

Mas madali sana itong ginagawa ko kung pinayagan niya akong sumama sa kanya at magtrabaho. Ang hirap lang niyang pilitin.

*****

Hinatid niya ako sa condo ko matapos akong gamutin sa ospital. Pagkapasok namin sa loob ay agad niyang kinuha ang mga larawan namin ni Leickel na nakapatong sa ibabaw ng side table.

"Hindi nga kayo magkamukha," wika niya habang pinagmamasdan ang larawan.

"We always hear that," sagot ko saka naupo sa sofa.

"Paano mo siya naging kamukha noong unang beses kitang makita?" Tanong niya nang humarap siya sakin at binitawan ang larawan.

"Inayusan nila ako noon," maikling paliwanag ko.

"Gladly I remembered your eyes."

"May gusto ka bang inumin? Tea lang ang meron ako dyan pero pwede akong tumawag kung may gusto---"

"Ikaw lang ang gusto ko," putol niya sa sinasabi ko.

"Can't you be serious?"

"Ikaw lang ang sineryoso ko ng ganito," saka pa niya ako ngisian na animo talagang hindi siya titigil.

"I'm not asking for that. Kung wala ka ng gagawin, makakauwi ka na." Kung tono mang pagtataboy ang ginagawa ko, siguro nga iyon ang nais kong iparating.

"I want something else," saka siya lumakad patungo sa akin at naupo sa tabi ko.

"Don't dare telling me nonsensical ideas or things, I might just destroy your stupid mouth," babala ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas.

"Ganoon na ba ako kamanyak para sa'yo?" Saka pa siya ngumiti ng nakakaloko na animo naghahamon.

"Who wouldn't think na ganoon ka? After you talked about my boobs---"

"It's bumper," he said correcting me.

"It's the same. Pinaganda mo lang." Iritadong sagot ko sa kanya.

"Kapag lalaki, manyak? How about what you said to me at the hospital? Isn't that counted?" Saad niya sa may naghahamon na tono.

"Hindi 'yon kamanyakan---"

"Ano palang tawag doon?"

"You love to cut me off," saka ko siya binigyan ng blangkong tingin. "Hindi 'yon kamanyakan, sinagot ko lang ang kamanyakan mo sa'kin."

"Revenge?"

"I'd rather call it revenge than kamanyakan," sagot ko sa kanya.

"I would love to receive that revenge, wife. Kailan ba? Iyong sasairin mo ko hanggang sa umayaw na 'ko, pero ikaw patuloy na gumugusto," saka niya ako tinignan ng isang makahulugan at nakakalokong tingin.

Kung pwede ko lang talagang busalan ang bibig niya ay ginawa ko na. Talagang inulit niya pa ang mga salitang sinabi ko na ako mismo ay hindi ko alam saan ko nakuha.

"Tigilan mo ang kakapahiya mo sa'kin," deretsong wika ko sa kanya.

"Hindi kita pinapahiya, if that's what you think my wife. I just find your words so thrilling," saka siya dumukwang papalapit sa tainga ko. "Hindi ko kasi alam kung kailan ka seryoso at kailan ka nagbibiro. Nahihirapan akong basahin ka kaya hindi ko alam kung kelan ba ako uurong, at kung kailan naman ako susulong."

Umisod ako sa sofa dahil sa sobrang lapit niya. Damang dama ko ang mainit at mabango niyang hininga.

"I am always serious, Mr. Ricafort."

"So kailan mo 'ko sasagutin?" Walang gatol na tanong niya sa akin. Hindi man lamang siya nag-alangan sa pagtatanong kahit na katiting.

"Nanliligaw ka?" Nilagyan ko ng kasarkastikuhan ang tono ko upang mapikon siya.

"Hindi ako aware na sinagot mo na pala ako," napakunot ang noo ko sa isinagot niyang iyon.

"Don't twist my words, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo."

"I ain't twisting your words, wife. It is you who's twisting mine. Binabalik ko lang, is that a bad thing?" At umisod nanaman siya palapit sa akin.

"Nigel for goodness' sake, stop."

"I will. Sabihin mo lang kung kailan mo ako balak sagutin ng oo," muli nanaman niyang ungot sa akin.

"Kapag umulan ng bala," sarkastiko kong sagot na tinawanan lamang niya.

"I am fine with anything as long as I can be with you," saka niya ikinawit ang kanang braso niya sa bewang ko. "I can touch you," iniharap niya ako sa kanya kaya't nagtama ang mga mata namin. "And I can kiss you," at bigla na lamang niya akong kinintalan ng mabilis na halik.

"You're the very first person na may lakas ng loob na gawin sa akin ang mga ito," saad ko deretso sa mga mata niya. "No one ever dare touching me, or worst kissing me. Ikaw palang. You're so freaking privilege."

"Maybe because I knew that you like me too?" Patanong iyon ngunit ang tono nito ay naninigurado.

"I told you I'll answer you kapag umulan na ng bala," saka ako tumayo sa sofa. "Magpapahinga na ako, umuwi ka na. May pasok pa tayo bukas."

"Pasok? No. You won't come to office tomorrow. I want you to rest."

"Pero Nigel---"

"You just became a hero to that kid, anong sasabihin ng mga empleyado ko kung makikita nila na pinagtatrabaho kita kahit na injured ka?"

Hindi na ako sumagot sa pagdepensa niyang iyon. Napapagod ako. Kailangan ko na ng pahinga dahil tila na ako sasabog.

"Fine. You may go," tanging nasabi ko na lamang at hinatid siya sa pinto.

"Good night, wife. Don't dream of me. I can be your reality." Huling banat niya bago nawala sa paningin ko.

*****

Tatlumpong minuto na siguro ang nakakalipas buhat nang magsimula ang meeting nila. Wala pa din kahina-hinalang kilos kaming napapansin.

Lumipat ako ng pwesto at lumayo ako ng konti. Inilipat ko din ang rifle.

Saktong pagsilip ko sa optical scope ay may nabanaag akong maliit na kulay pulang bagay na umiilaw sa ilalim ng mesa malapit sa kinauupuan ni Nigel.

Mabilis akong napatayo mula sa pagkakasipat ko at kinuha ang telepono ko. Dinial ko kaagad ang numero niya.

"Vega, stand by. I can see something," mukhang nakita na din ni Alistair dahil tinawag na nito ang pansin ni Vega na nasa mismong building na kinaroroonan ni Nigel.

Makailang ulit na akong dumial sa telepono niya ngunit hindi niya ito sinasagot. Binubundol na ako ng kaba.

Sa huli ay pinakinggan ko ang tawag ng sitwasyon. Binitawan ko ang rifle at tumakbo paalis ng rooftop.

Hindi ko na nakuhang hintayin pa ang elevator kaya't tinakbo ka na lamang ang hagdanan. Hindi ako nakakaramdam ng pagod, bagkus ay purong kaba at takot ang pumapailanlang sa pagkatao ko. Kumikirot man ang likod ko ay hindi ko na ininda.

"Where the fuck are you going, Aeickel!?" Galit na tinig ni Flame ang nangibabaw sa earpiece ko kaya't pinatay ko na lamang ito.

Nasa glass door na ako ng building nang harangin na lamang ako ng tatlong nakaitim na lalaki.

"Let me in," matigas na wika ko sa mga ito.

"Boss, matataas na tao ang nagmimeeting dyan ngayon. Hindi kami pwedeng magpapasok nalang ng kung sino." Sagot sa akin ng isa sa kanila.

"I am Mr. Nigel Iñigo Ricafort's secretary. May ipinapadala siya sa aking file," at mabilis kong inilabas ang flashdrive na kanina ko pa naihanda.

"Ricafort?" Kunot noong tanong nito sa akin.

"Yeah," tipid na sagot ko.

"Walang Ricafort sa itaas." Singit ng isa na ngayon lamang nagsalita. Tinitigan ko ito at mababanaag mo sa mukha nito na may itinatago ito.

Inilabas ko ang telepono ko at mabilis na hinack ang security camera sa mismong conference room na kinaroroonan ni Nigel.

"This is Nigel Ricafort," saka ko pa itinuro si Nigel sa screen.

"Paano mo nagawa 'yan!?" Galit na sigaw sa akin ng isa.

"It doesn't matter. Papasukin niyo ako, kailangan ako ng boss ko." Ubos na ang pasensyang wika ko sa mga ito.

"Matigad ka sa nipis mong 'yan, bossing." Panunuya ng isa sa akin.

Hindi na ako sumagot. Bagkus ay kinuwelyuhan ko na ang nagsalita saka ko tinuhuran ang sikmura.

"Tang ina!" Sigawan ng iba. Isa-isa na silang nagsisugod sa akin.

Blangko lang ang ekspresyon ko habang isa-isa nila akong sinusugod. Suntok at sipa ang natatanggap nila mula sa akin ngunit hindi naman nila ako mahuli.

Nang mapatumba ko ang pangatlong lalaki ay may bigla na lamang pumalo sa likod ko ng isang matigas na bagay. Hindi ko mapigilan ang mapaigik sa sakit lalo na't tinamaan ang sariwang tahi na meron ako.

"You'll regret it," banta ko dito saka ko tinawid ang pagitan namin at sinalubong ng sipa ang sikmura niya. Nang mapaupo na ito ay saka ko siniko ang likod nito bago tinuhod ang mukha niya.

Nang wala ng sumugod sa akin ay tumakbo na ako paakyat sa kung nasaan si Nigel. Kung tatanungin ako sa kung anong nararamdaman ko, hindi ko alam. Ang gusto ko lang ay maligtas siya sa oras na 'to.

Malapit na ako nang sumalubong sa akin si Vega. "Night!"

"Situation?"

"Galit na galit si Flame---"

"JUST FUCKING TELL ME THE WHOLE SITUATION!" Putol ko sa sasabihin niya ukol kay Flame.

"We are suspecting that it is a bomb---"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Tahasan kong pinasok o mas tamang sabihin na sinipa ko ang pintuan ng conference room para lang makapasok.

Tinginan ang lahat ng narito sa akin ngunit wala akong pakielam. Mabilis kong tinungo si Nigel na nakatanga lang at mukhang biglang bigla sa ginawa ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at iginiya siya patayo. "WHERE ARE WE GOING!?"

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay humarap ako sa lahat ng narito. "Leave this place now, baka madamay kayo." Iyon lang ang tanging sinabi ko ngunit ang matataas na taong narito ay nag animo mga langgam na nagpulasan. Mga duwag para sa buhay nila.

Hinatak ko si Nigel at ibinigay siya kay Vega. "Bring him out of this building or might as well dumeretso kayo sa sasakyan. I'll check the thing."

Agad namang tumango si Vega sa akin ngunit hindi si Nigel. "Anong titignan mo!? Can you not be a hero this time!?" Halata sa boses niya na nag-aalala siya sa kung ano mang binabalak kong gawin.

"Bring him or I'll kill you," banta ko kay Vega kaya't mabilis niyang hinatak paalis si Nigel kahit na wala itong tigil sa kakapasag.

"AEI!" Sigaw niya ngunit pumasok na akong muli sa conference room.

Tinignan ko kung saan nanggagaling ang pulang ilaw na nakita ko kanina. Yumuko ako at kinuha ito mula sa ilalim ng mesa, ngunit may nakapa akong papel na nakadikit dito.

Hindi ito isang bomba, tanging pulang ilaw lamang ito na may kaakibat na sulat. Binuksan ko ng sulat at nagulantang ako sa nabasa ko.

HAHAHAHA. It's a prank. The real deal is in the parking lot kung saan papunta ngayon si Vega at Nigel. Tama ako hindi ba? Papunta sila sa parking lot. I know how you think Aeickel Lavria. I know how you think.

Napalamukos ako sa hawak kong papel at mabilis na tumakbo upang habulin sina Nigel at Vega. Hindi ko alam kung anong nangyayari, kung paano akong nakilala ng tao na ito, kung paano nito nalaman na isa akong babae, kung ano bang tangka nito sa buhay ni Nigel, kung paano nito nalaman ang mga balak ko. Kailangan kong malaman lahat ng ito.

Naabutan kong pasakay na sila ng sasakyan nang sumigaw ako. "VEGA!"

"Night?"

"Don't ride that fucking car!" Mabilis naman niyang inilayo si Nigel sa sasakyan at tumungo sa gawi ko.

"Anong nangyari?" Usisa ni Vega sa akin.

"I'll bring Nigel with me. Puntahan at sabihan mo sila Flame na walang bomba. Ang dapat nilang tignan ay ang sasakyan na 'yan ni Nigel. Mag-iingat kayo." Wika ko at hindi ko na hinintay sumagot si Vega. Hinatak ko na ang kamay ni Nigel palabas. mismo ng building na iyon.

Tinungo namin ang kabilang building kung nasaan ang motor ko. "Saan tayo pupunta? Ano bang nangyayari? Hindi ba't dapat ay nagpapahinga ka ngayon?"

"Ride this first. Mag-usap tayo kapag alam kong nasa ligtas ka ng lugar," saka ko inistart ang motor na siya namang pagsakay niya.

Palabas na kami ng parking lot nang mayroong dalawang kotseng itim ang humarang sa amin. "Fuck!" Bulong ko. Nakita ko ang logo sa harapan ng sasakyan na kapareho ng logo sa mga suit na suot ng mga lalaking sumugod sa akin kanina.

"Hold tightly, please." Nagmakaawa ang tono ko ngunit hinahanap ko ang tamang dahilan kung bakit. I never beg anyone before.

Humawak naman siya sa akin saka ko inarangkada ang motor. Isiningit ko ito sa gitna mismo ng mga kotseng nakaharang sa amin.

"Aei, you're bleeding." Dinig kong wika niya.

"I'm okay as long as you are safe," saka pa ako bumuntong hininga. "May baril sa bewang ko, kunin mo." Utos ko na mabilis naman niyang ginawa.

Kung tama ang hinala ko, hindi lang basta pagharang ang gagawin sa amin ng mga ito. Hindi biro ang lakas ng mga lalaki kanina na sumugod sa akin kaya't alam kong hindi lang basta ang mga haharapin namin ngayon.

Nakalabas kami ng parking lot ngunit mabilis din kaming sinundan ng mga sasakyan. At hindi ako nagkamali, bigla nalang akong may nakitang nag-umang ng baril sa bintana ng sasakyan mula sa side mirror.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil pinapaulanan na kami ng mga ito ng bala. I'm so glad that I am well-trained for this kind of situation. Si Lola Cassandra pa ang bumabaril noong nagtetraining ako kaya't napakadaling iwasan ng mga balang pinapakawalan nila na wala sa tamang asinta.

"Stay calm," wika ko sa kanya.

"I will. Let's both be safe," sagot naman niya sa akin.

Lumusot ako sa iba't ibang eskinita hanggang sa abutin namin ang mabundok na bahagi ng daan. Mabilis kong pinatay ang headlight ng motor ko at ipinasok ito sa mismong mga puno.

Kapwa kami bumaba ng motor at nakahinga na ng maluwag nang mapagtanto namin na nailigaw na namin ang mga humahabol sa amin.

Mabilis kong ininspeksyon ang katawan niya kung mayroon ba itong tama ng bala o ano.

"I'm okay, wala akong tama. Ikaw ang dumudugo ang sugat sa ating dalawa," wika niya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at itinalikod ako sa kanya saka niya tinignan ang sugat ko sa likod.

"It's nothing, Nigel." Saka ko inayos ang damit ko na bahagya niyang nilislis dahil sa pagtingin niya sa sugat. Humarap ako sa kanya at sa pagtatakha ko ay nakangiti siya sa akin. "Why?"

"Nothing. I just saw how beautiful you really are, inside and out."

"Stop," utos ko dahil kahit na nasa ganitong sitwasyon na kami ay balak nanaman yata niya akong simulan.

"No, wife. It's not what you think," saka niya ako biglang kinabig at niyakap. "Thank you for saving me, and also thank you for being safe."

"It's part of my job---"

"No. I saw how you really cared for me." Saka pa niya hinaplos ang buhok ko.

Itinulak ko siya ng bahagya upang malayo ng kaunti sa akin at magtama ang mga mata namin. "Honestly, I don't know why did I act so impulsively like a while ago. It's not so being me. It is not my nature."

"You're learning, wife. You're slowly learning, but...." sinadya niyang bitinin ang sinasabi niya.

"But what?"

"But you promised me.......

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

.....na kapag umulan ng bala, sasagutin mo na 'ko." Saka pa siya ngumisi sa akin.

Tila naman naumid ang dila ko sa narinig ko dahil parang nagbackfire ang sinabi ko sa kanya.

"Yes." Tanging sinabi ko.

"Yes?" Paninigurado niya.

"Yes, Nigel. YES."

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top