Three
Aeickel's P.O.V
Hindi ko mahanap ang mga salitang isasagot ko sa kanya. Hindi ko magawang umamin, una sa lahat, hindi ko pa nareresolba ang misyon ko sa kanya. Pangalawa, paniniwalaan niya ba ako kung sasabihin kong babae ako? At pangatlo, paano kong ipapaliwanag sa kanya na kasal siya sa kakambal ng ex niya? I'm not really good at explaining complicated scenarios.
"You find me crazy, don't you?" Muli niyang tanong sa akin.
"No, Sir. It's just that, your story is too impossible for me to believe." Tanging naisagot ko.
"I can't remember the scenes clearly, kaya ang hinala ko ay kung hindi ako lasing na lasing no'n, ay panaginip ko iyon." Wika niya sala tumayo sa pagkakaupo.
Ilang saglit pa ay nakarinig na kami ng mga yabag papalapit sa maliit na kwarto. "Henry?" Pukaw ko sa atensyon nang kung sino mang nasa kabilang banda.
"Sir Aeickel?" Tawag naman nito pabalik.
"Pakibuksan ang pinto mula dyan sa labas. Nalock kami ni Sir Nigel dito." Utos ko at ilang saglit lang ay nabuksan na ito.
Naunang lumabas si Nigel at tumango lang ito kay Henry bago nagtuloy-tuloy lumakad paalis.
"Salamat. Pakitulungan ako sa pagbubuhat ng mga ito." Tukoy ko sa mga kahon ng picture frames.
Agad naman itong sumunod at kapwa namin nilisan ang floor na iyon.
Matapos kong maitapon lahat ng pinatatapon niya ay tumuloy ako sa lamesa ko at sinimulan ang mga papeles na pinatatrabaho niya noong nakaraan. Abalang abala ako sa pag-oorganisa ng mga papel nang makarinig ako ng tunog ng takong na papalapit sa kinaroroonan ko.
"Good day Ma'am. What can I do for you?" Tanong ko sa malumanay at kalmadong paraan.
"Hi!" Masiglang bati nito sa akin saka ngumiti. "I'm Gillian Haydes." At inabot pa nito ang kamay niya sa akin na kinuha ko naman.
"I am Aeickel Van Lou, Mr. Ricafort's scretary." Pagpapakilala ko.
"Ang gwapo mo." Saka pa ito tumawa ng mahina. Binawi ko na din ang kamay ko na tila ayaw niyang bitawan. "By the way I came here as a representative of Haydes Corporation, gusto ko sanang makausap si Mr. Ricafort."
"I'll ask him about this." Saka ko ini on ang intercom.
"What is it?" Tinig sa kabilang linya.
"There's a representative from Haydes Corporation that wants to have a meeting with you." Pagpapa alam ko ng sitwasyon.
"Send him--"
"The representative is a woman." Pagtatama ko sa kanya.
"Fine." At nakarinig pa ako ng buntong hininga sa kabilang linya. "Send her in."
"You may enter the office Ma'am Gillian." Wika ko dito.
Ang alam ko ay paalis na siya sa harapan ko ngunit nagulat na lamang ako nang bigla nitong hatakin ang necktie na suot ko kaya't nagkalapit ang mga mukha namin.
"Are you single?" Walang kaabog-abog na wika nito.
Bago ako sumagot ay hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa necktie ko at inialis iyon. Nginisian ko siya at tinignan sa mga mata.
"Yes, I am."
"Wow, that's good. We'll have our dinner date--"
"But he's not available." Tinig mula sa pintuan ng opisinan ni Nigel. Nang makita ko siya ay napaderetso ako ng tayo. "Get inside Miss. I can't be wasting time waiting for you." Saka na ito muling pumasok sa opisina.
Bumuntong hininga ang babae bago muling tumingin sa akin. "I'll get back to you later, handsome. Isesettle ko lang muna itong boss mo."
Nang makaalis na ito ay ako naman ang napabuntong hininga. Yes, I did tell her that I am single, pero wala akong balak na idate siya. I'm a woman for fuck's sake!
Ilang minuto din nagtagal ang meeting nila sa loob ng opisina ni Nigel, nang marahang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Gillian kasunod naman nito si Nigel.
"Hi! I already talked to your Boss. Isasama ka niya. Please be there, handsome." Wika nito nang madaan sa harap ng lamesa ko.
Kunot noo man sa hindi ko malaman kung anong sinasabi niya ay napatango na lamang ako at bahagyang ngumiti. "Take care, Ma'am."
Nang makaalis na sa paningin ko si Gillian ay doon ko lang naramdaman na may isang pares pala ng mata na nakatingin sa akin. "I didn't expect that you're that attractive." Blangko ang ekspresyon na turan sa akin nito.
"I didn't know either." Sagot ko at nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"You're not allowed to date her." Bahagya akong nagulat sa sinabi niyang iyon.
"I have no plan dating her, Sir." Sagot ko naman.
"Mabuti na ang malinaw. Ayoko na mayroong magiging problema sa kompanya dahil lang sa idedate mo ang anak ng isa sa mga shareholder." Saad naman niya na animo sinisigurado na hindi ko gagawin ang iniisip niyo.
"Rest assure that I won't do anything that will hurt the company, Sir. I treasure my job." Sagot kong muli sa kanya.
"Good. Now, you have to go home early and preapre your things. We'll be out of the town for five days." Gulat man sa sinabi niya ay hindi ko ipinahalata.
"Where are we about to go?" Walang hinay na tanong ko. I have to know the location para makapaglaan na ako ng tauhan at masigarudo ang seguridad ng lugar. I can't take the risk.
"We're going in Zambales. Gusto ni Jeremy Haydes na doon ganapin ang shareholder's meeting and his 60th birthday party at the same time." Pagpapaliwanag nito.
"I--"
"I don't need your questions anymore. Just go!" Malamig na wika nito na animo itinataboy ako. Hindi nalang ako nagsalita at nagsimula ng mag-ayos ng gamit ko para sa pag-uwi. Nakita ko naman na bumalik na siya sa opisina niya.
Nasa sasakyan na ako pauwi nang makatanggap ako ng tawag mula kay Flame.
"I heard you're leaving." Wika nito sa kabilang linya.
"So fast." Saka ako tumawa ng nakalaloko. "Locate the exact place of Jeremy Haydes at kung sino pa ang mga inimbita niya para sa kaarawan niya. Maglagay ka din ng tao na titingin sa buong lugar. Siguraduhin na walang kahina-hinalang tao o bagay ang naroon."
"Noted. By the way Night, do you really have to spend five days with him?" Usisa nito sa akin.
"I don't have a choice. Gusto mo ikaw ang sumama kay Nigel at ako ang haharap dyan sa computer, that would be a good deal for me."
"Kung pwede lang. Babalian ko na din siya ng buto--"
"Stop your nonsense behaviour Eulyssis!" Pagtawag ko sa totoong pangalan niya. Napatahimik naman siya sa kabilang linya. Alam niya na seryoso na ako kapag ginawa ko 'yon.
Ibinaba ko na ang tawag ng hindi ko na siya hinintay na makasagot pa. I don't know what's with him, pero mainit talaga ang ulo niya kay Nigel kahit noon pang unang beses naming hinawakan ang misyon na 'to.
NARITO ako ngayon sa isang parke malapit sa opisina. Dito namin napagkasunduan ni Nigel na pick upin ako. Dala ko din ang isang maleta at isang itim na bag kung saan nakalagay ang mga gamit kong personal.
Ilang minuto lang ay dumating na siya lulan ng sasakyan niya. Binuksan ko ang backseat at inilagay na doon ang mga gamit ko. Bumaba naman siya ng driver's seat at iniabot sa akin ang susi, pahiwatig na ako ang magmamaneho.
Habang binabagtas namin ang kalsada ay walang umiimik sa amin. Nilagay ko na din naman sa navigator ang address ng pupuntahan namin kaya't siguro naman ay hindi kami maliligaw.
Ipinagpapasalamat ko na matibay ako sa puyatan at antok dahil kung hindi ay baka naaksidente na kami. Itong katabi ko naman ay tulog lamang.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapasulyap sa kanya ng ilang beses. Alam kong mali ito at hindi tama ngunit nakakaramdam ako ng paghanga sa taglay niyang kagwapuhan ngayong tulog siya.
Mahaba ang pilikmata ni Nigel ngunit hindi ito nakapilantik. Ang kanya ay nakadukdok na nakakapag papungay sa kanyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong na bumagay sa mahubog at katamtamang laki niyang mga labi.
"Bakla ka ba?" Napakislot ako nang bigla siyang magsalita.
I have to stop myself. I already know where is this thing going. I don't have the time to entertain this. Love is my least priority. It can be a weakness, and I don't want that to happen.
"Tinitignan ko lang kayo dahil nahuhulog ang ulo niyo." Duda 'ko kung paniniwalaan niya iyon. Mabuti na lamang at nagkibit balikat na lamang siya.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong niya.
"Malapit na base sa navigator." Sagot ko naman dito.
Nagmamaneho lang ako ng payapa nang bigla na lamang gumewang ang sasakyan tanda na nabutasan ito ng gulong. Mabilis akong nagpreno at iginilid ang sasakyan. Mabuti at hindi ganoon kabilis ang pagpapatakbo ko lalo na't nasa isa kaming zigzag road.
Kapwa kami bumaba ng sasakyan at tinignan ang nangyari. May nadaanan na isang malaking dos por dos na may pakong tres.
"So fucking unlucky." Bugnot na saad ng lalaki sa tabi ko.
"I'll fix this, Sir." Sagot ko.
"Don't bother. Wala akong spare tire." Bumuntong hininga siya. "Just let it be. May tent ako sa likod ng sasakyan, I also have digital lamp. Kunin mo 'yon at pumunta muna tayo doon." Turo niya sa isang parte ng bundok na maaliwalas. May mga puno ngunit may parte na animo maaaring pag picnic'kan.
Sinunod ko ang sinabi niya. Mag aalas otso na din kasi ng gabi. Hindi na siguro siya umaasa na may mararaanan pa kaming maaaring tumulong sa amin. Sa totoo lang, kaya ko itong gawan ng paraan ngunit maaari niya akong mapaghinalaan, kaya hindi ko itinuloy.
Binuksan ko ang digital lamp at naaninagan ko siya na nakatingin sa kawalan.
"I've been here before." Pagsasalita niya kaya't nabaling ang tingin ko sa kanya.
"Really?"
"Yeah. I was so fucking broke that time. Dito mismo 'yon that's why I told you, this is so fucking unlucky." Sinundan niya pa iyon ng pagtawa ng mapait. "Didn't ever thought na dito pa tayo masisiraan."
Sinimulan ko ang pag-aayos ng tent at tinulungan naman niya ako. Nang maayos na namin ay inilagay ko ang lamp sa gitna ngunit hindi sapat ang init nito sa lamig ng hangin kaya't nagpasya ako na gumawa ng maliit na siga.
"Maghahanap lang ako ng kahoy." Pagpapaalam ko sa kanya. Tango lamang ang isinagot niya sa akin.
Nilabas ko ang cellphone ko at ginamit itong pang-ilaw sa daraanan ko. Madali lang naman akong nakakita ng mga kahoy. Mabuti at tuyo ang mga nakita ko, hindi mahirap paapoyin. Nasa mahigit bente na din ang hawak ko nang bigla akong madulas at tumama ang balakang ko sa isang malaking bato.
Halos napangiwi ako sa sakit at nabitawan ko ang mga kahoy at ang cellphone ko. Mas matindi pa ang sakit nito kaysa sa inabot kong sakit sa training namin sa organisasyon.
Ilang minuto na din ang nakakalipas ngunit hindi ko pa din magawang igalaw ang balakang ko na animo nalamog. Tuwing susubukan kong gumalaw ay tila ako papanawan ng ulirat sa sakit. Mas nanaisin ko pa ang sumalo ng bala ng baril kaysa sa sakit na ito.
Sinubukan kong bumangon at kumapit ako sa puno na nasa tabi ko, pero tila mali ang naging desisyon ko. Dumulas lang ako lalo pababa, mabuti na lamang at napahawak ako sa ugat ng puno kung hindi ay deretso na akong malalaglag sa bangin.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko. Walang mangyayari sa'kin, lalo lang akong mamamatay kung uunahin ko ang kaba.
"Aeickel!" Sigaw na bumuhay ng pag-asa sa dibdib ko.
"S--Sir!" Sigaw ko pabalik. Halos magpasalamat ako nang marinig ko ang yabag na papalapit sa akin.
"DAMN IT!!" Iyan ang naging ekspresyon niya pagkakita niya sa sitwasyon ko. Naaninagan ako ng lamparang dala niya. "HOW THE FUCK DID THAT HAPPEN!?" Ramdam ko ang tensyon sa bawat salitang binibitawan niya.
Ibinaba niya ang lampara at nagsimulang gumawa ng paraan upang maiangat ako. Inabot niya ang mga kamay niya at sinimulan akong hatakin pataas.
"T--Thank you." Wika ko ng matagumpay niya akong maiakyat.
"DON'T YOU EVER DO THIS STUPID THING EVER AGAIN!" Galit na saad niya sa akin.
Nakahiga lang ako sa damo at hindi sumasagot. Inilagay ko ang braso ko sa mata ko at napahinga ako ng malalim. Muntik na ako doon.
Narinig ko na naglakad na siya palayo ngunit muli siyang huminto. "What are you still doing there? Bumalik na tayo sa tent!" Bulyaw niyang muli sa akin.
Gustohin ko mang tumayo ay hindi magawa dahil parang hinahati ang balakang ko sa sakit.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang paghawak niya sa braso ko. Hinatak niya ako patayo.
"FUCK!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Alam ko... Alam na alam ko... pumiyok ako.
"WHAT THE HELL IS WRONG!?"
"I--I am injured." Pagpapalit kong muli sa timbre ng boses ko.
Kinapa niya amg katawan ko na sobrang ikinailang ko. He's the very first man, aside from my Papa, that ever touched me. Napakislot ako nang dumako ang kamay niya sa balakang ko.
"How stupid can you be!?" Galit nanamang usal niya. "Namamaga ito!"
"Kung ayaw mong mangyari sa akin 'to, ipapaalam ko lang sa'yo na mas ayaw ko." I hate it when someone calls me stupid. My IQ is way higher than what they think.
Bigla na lamang niya akong binuhat na tila bagong kasal. Kahit na napapangiwi pa ako sa kirot ay tiniis ko na lamang.
"You're too light for a man." Wika niya habang maingat na naglalakad.
"And your muscles are not well-toned for a gym addict, Sir." Sagot ko naman na alam kong ikakapikon niya.
"Stop messing with me. Iiwan kita dito!"
"But you messed with me first." Then I smirked.
Hindi nalang niya ako pinansin. Narating namin ang tent at dahan-dahan niya akong binaba. Tumungo siya sa sasakyan, at may kukuhanin daw.
Ilang saglit pa ay bumalik siya na may dalang first aid kit.
"Let me take a look at your injury." Kalmado na niyang sabi sa akin.
"No." I firmly refused.
"Pareho tayong lalake, anong kinahihiya mo!?"
"Ako nalang, Sir. I can manage. Lumabas nalang muna po kayo ng tent." Pagtataboy ko dito.
Wala naman siyang nagawa kaya't sinunod niya din ako.
Kinuna ko ang ointment, bandage at ang iba pang maaari kong magamit. Hinubad ko ang damit ko at sinimulang ipahid ang ointment kahit pa hirap na hirap ako.
Inilalagay ko na ang bandage nang....
"Aeickel--"
SHIT!!
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top