Thirty

Aeickel's P.O.V


Naglalakad-lakad ako dito sa mall at pinag-iisipan ko kung papasok ba ako sa shop na iyon o hindi. Kanina pa nangangati ang mga paa ko, pero natatakot ako kay Nigel na mukhang balak ipasara ang shop.

Akmang lalakad na ako papasok nang pigilan niya ako sa braso. "You can't go in there, wife. I'm warning you," may pagbabanta sa tono niya na animo ano mang oras ay kalaladkarin niya ako paalis.

"I told you, hindi ako sanay ng---"

"But I don't want your boyish haircut! Napagkakamalan kang lalaki! That long curly hair perfectly suits you!"

Tama kayo ng nabasa, ayaw niya akong papasukin sa loob ng salon para magpa iksi ng buhok. Ayaw niyang ipabawas ko ang nakakairitang mahabang buhok na ito para hindi daw ako napagkakamalan na lalaki.

"Can't I be the one to decide about my hair? It's mine anyway---"

"And your mine, so I'll be the one to decide about what's mine," binigyan ko siya ng malamig na tingin sa itinuran niya kahit ang totoo ay parang tinambol ang puso ko sa pinagsasasabi niya.

"Kung ayaw mong hayaan ako then at the very least, let me tie this hair," saka ko akmang imemessy bun ang buhok ko ngunit pinigilan nanaman niya ako. "What now!?" Pigil na pigil ako sa iritasyon sa kanya.

"Magmumukha kang gwapong lalaki with a a bun kapag ginawa mo 'yan---"

"My god! Paano pa akong mapagkakamalang lalaki kung malaki pa sa anim na nilulon na pakwan ang tyan ko," ubos na ang pasensya na wika ko sa kanya at sa inis ko ay nginisian lamang niya ako.

"And I'm proud that I'm the one who planted that big watermelon. I'm such a good farmer," at sinundan pa niya ng nakakalokong ngiti. Talagang hinahamon niya ang pasensya ko na mas pinaikli ng pagbubuntis na ito.

Kung may nakakarinig na ibang tao sa amin ay iisipin na napakahalay ng bibig niya.

Akmang papalakad na ako paalis sa pagkainis sa kanya nang makaramdam ako ng masakit na masakit na paghilab ng tyan ko. Agad kong kinuha ang telepono ko upang tawagan ang mga pinsan at kapatid ko dahil alam kong sensyales na ito na manganganak na ako, idagdag pa na mukhang pumutok na ang panubigan ko dahil basa na ang pang ilalim ko. Alam kong wala na akong aasahan sa asawa ko na ngayon ay namumutla na dahil sa nakita niyang paghawak ko sa tyan ko at sa sakit sigurong bumabalatay sa mukha ko.

"Nigel, please don't faint. You have to help me first," mukhang naiintindihan niya naman ako ngunit alam kong wala na siya sa sarili niya. Hindi ko na makitang buhay ang mga mata niya. Nanginginig ang mga tuhod na nilapitan niya ako.

Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan. "Medusa, darna, babaeng hinugot sa aking tadyang, babaeng tuod, amihan, alena, danaya, pirenang kontrabida, bathalumang ether, panatilihin niyo po akong gising parang awa niyo na," bulong niya na animo anumang oras ay papanawan na ng ulirat.

"D--Dalhin mo na ako sa sasakyan, Nigel." Hirap na wika ko at nagsimula kaming maglakad.

"Alamat ni Nigel, alamat ng pakwan, alamat ng uniqlo, alamat ng bench, alamat ng mango, alamat ng toy kingdom, alamat ng---"

"NIGEL!" Sigaw ko dahil muntik na kaming bumangga sa isang poste mabuti at nakabig niya ako palapit sa kanya. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil lahat na lamang ng madaanan naming store ay binibigyan niya ng alamat kaya't napagtitinginan na kami. "Shut your mouth please," may pagmamakaawa sa tono ko na mukhang nakuha niya naman dahil tumango siya kaya't binitawan ko amg bibig niya.

"Aeickel!" Halos mapausal ako ng panalangin nang makita ko sina ate Aiyie, ate Avrein, ate Vance at si Leickel na humahangos papunta sa akin.

Palagay ko ngayon ay ligtas na ako at nasa mabuti na akong mga kamay.

Leickel's P.O.V

"MA!" Pagtawag ko kay Mama na narito na pala nang matapos namin maipasok si twin sa delivery room.

"Ayos na ba ang kapatid mo?" Tumango naman ako.

"Tita Guia, bakit po narito sila?" Tinig ni ate Avrein ang nakapagpalinga sa akin sa paligid at doon ko natagpuan ang buong pamilya namin na narito. Ang quadruplets na sina Papa, tito Loard, tito Led, at tito Leriz kasama ang kanilang mga asawa, maging si Lola Cassandra na tahimik lang sa isang sulok.

"Nagpumilit na nais daw makita ang kahuli-hulihan nilang apo at nagbabakasali daw na masaksihan nila," sagot ni tita Vhrea.

"I bet kung talagang masasaksihan nila," nakangising wika ni tita Geneve.

Hinanap ng mga mata ko si Nigel at natagpuan ko siya na nakaharap sa pader at marahang inuuntog ang ulo niya at naghehead bang na animo si Bamboo! Napailing na lamang ako.

"Papasok na ako sa loob," paalam ni tita Yna na nakasuot na ng doctor's gown.

"Aano ka?' Tanong ng asawa niyang si tito Loard.

"Magpapaanak," napaka insensitive talaga ni tita Yna alam naman niyang....

*Blaaaag!*

*Blaaaag!*

*Blaaaag!*

*Blaaaag!*

"Mahihinang nilalang," wika niya pa bago tuluyang pumasok ng delivery room.

"Nakalabas na ba ang baby?" Lahat kami ay napalingon sa nagsalita. Si kuya Cloak, kasama sina kuya Vience, kuya Dreik at ang asawa kong si Whynter! Anong ginagawa nila dito!? Makakadagdag lang sila sa magiging pasanin ng kababaihan. Huhuhu.

"BABY!?" Sigaw ni Papa na animo isang bangkay na bumangon mula sa hukay.

"BABY!?" Sigaw rin ni Nigel at nag animo robot na naglakad papalapit sa amin.

"Magsisimula na sila," paniniguro ni tita Geneve.

Bigla na lamang silang pumila na tila militar at animo ba nagkakaintindihan silang lahat sa mga dapat nilang gawin.

"Oh my gosh! 'Yong mga papables at macho dancers!" Rinig kong wika ng isang nurse na mukhang isa sa mga laging nakakasaksi ng paggaganito nila.

"ARE YOU READY KIDS!?" Wika ni Papa na nasa pinakaunahan ng pila.

"AYE AYE CAPTAIN!" Sagot naman ng lahat maging ng mga asawa namin na kanina lang ay ayos pa ngunit ngayon ay nakipila na rin at wala na sa sarili.

"1, 2, 1, 2, 3 GO!" As if sa cue na iyon ni Papa ay bigla silang nabuhayan.

"Baby shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Baby shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Baby shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Baby shark! WOOOOOHHHHH!" At sinayaw pa nila ang choreo nito kasabay ng pagkendeng kendeng ng bewang nila.

Bigla silang bumaling sa aming mga kababaihan at pinagtuturo kami bago sila nagsimulang gumiling giling at kumanta.

"Mommy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Mommy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Mommy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Mommy shark! WOOOOOOHHH!" Kaya pala nila kami itinuro. Jusme.

"GO NIGEL!" Sigaw ni papa at tila cue ni Nigel upang mauna sa pila. Bigla na lamang nilang pinagtuturo ang sarili nila ng harapan.

Si Papa kaharap si Nigel, na ginaya naman ng iba. Magpares-pares sila sa paggiling. Hiyang hiya na kaming lahat sa mga ginagawa nila ngunit wala kaming magawa upang pigilan sila.

"Daddy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Daddy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Daddy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo
Daddy shark! WOOOOOOHHH! GET GET AWWW!" Nag animo sexbomb dancer pa sila sa isa't isa. Napapayuko na lamang kami sa kahihiyan.

Lahat ay gulantang nang bigla nilang paikutan si Lola Cassandra.

"Grandma na kasi 'yong lyrics," tuwang tuwang wika ni ate Aiyie sa tabi ko. Mukhang naliligayahan siya sa paghohosto ng asawa niya sa harap niya.

"TIGILAN N'YO AKONG LAHAT O PAGBABABARILIN KO KAYO!?" Sigaw ni Lola Cassandra na nagpatuod sa kanila.

Napasalampak bigla sa sahig ang quadruplets saka nagsisipa na animo mga batang nagtatntrums. "MAMA KJ!" They said in chorus.

"DOON KAYO SA DELIVERY ROOM MAGHASIK NG LAGIM! PINASADYA KO NG PALAKIHAN IYON PARA SA MGA KABUGOKAN NIYO," lahat kami ay napamulagat sa sinabi ni Lola.

"MA!" Sigaw ng mga nanay namin.

"LOLA!" Sigaw naman naming mga bullets.

Muli silang pumila na para bang hindi nag iyak iyakan!

"Chutchurutchutchu dora. Chutchurutchutchu dora. Chutchurutchutchu dora. Chutchurutchutchu dora. Dora, dora, dora the expolorer!" Pamumuno ni kuya Vience na animo signature niya ito.

"Nasiraan na talaga ng ulo," wika ni ate Avrein na iiling iling.

"C'mon vàmonos , everybody let's go! C'mon let's get do it. I know that we can do it!" Sabay sabay nilang sigaw habang parang mga bibeng kumekendeng kendeng.

"Where are we going?" Si tito Led

"To Pogi!" Sagot ni Papa.

"Where are we going?" Si tito Led muli.

"To Poging Aeickel nga! Kulit mo ba Led!" May gigil ang sigaw ni Papa pero alam kong wala pa rin siya sa sarili.

Nang makapasok na sila sa loob ay napapailing nalang kaming lahat. Paano ba mababasag ang sumpang iyan na nagdadala ng kahihiyan sa pamilya namin.

"Ganyan din kalala ang mga asawa natin noong tayo, kaya sundan na lamang natin."

Nang sundan namin sila sa loob ay nagulat kami sa nadatnan namin.

Si kuya Claw, kuya Veince, kuya Dreik, Whynter at Nigel ay animo nag oorasyon na nakapalibot kay Aeickel. "Yu Mo Gui Gwai Fai Di Zao. Yu Mo Gui Gwai Fai Di Zao. Yu Mo Gui Gwai Fai Di Zao!"

"Ayon iyong pangkukulam ng tito ni Jackie Chan hindi ba!?" Si ate Aiyie na nasa tabi ko na pala. Tumango ako dahil tanda ko rin iyon.

Si tito Leriz naman ay nakasandal sa pader na animo baliw na at pinapatay sindi ang ilaw, si Papa na nakaupo sa sahig at nilalaro ang gulong ng hospital bed, si tito Loard na nakatitig sa dextrose na animo mapapagalaw niya ito with psychokinesis, at si tito Led na nagwawalis ng sahig.

"Tinamaan na ng mga lintek," boses ni Lola.

"MANGANGANAK NA AKO, PARANG AWA N'YO NA, PABAYAAN N'YO AKONG MAPAANAK NG MATIWASAY!" Sigaw ni twin na animo nagpabalik ng kamalayan nila.

Bigla silang pumila paharap ng isang hanay saka sumaludo kay twin. Mali ako, hindi pa pala sila nakakabalik sa malay tao nila. "MASUSUNOD MASTER!"

Isinara na ni tita Yna ang kurtina na hudyat na magsisimula na siya. Sana lamang kayanin ni twin.

Aeickel's P.O.V

"AS you feel the contraction, push." Paalala ni tita Yna na ikinatango ko.

Naramdaman ko ang paghilab kaya't napa ire ako.

"AHHHHHHHHHHHHH!!" Matigas na pag ire ko.

"WAAAAAAAAAAHHHH!" Tinig iyon ni Nigel.

"Push Aei!"

"AHHHHHHHHHHH!" Sobrang sakit at hapdi ang dinaranas ko ngayon.

"WAAAAAAAAHHHHH!" Halo halong tila sa kabilang kurtina.

"AHHHHYOKO NAAAAAA!" Hindi ko mapigilang bulalas ko.

"GUSTO MO PAAAAAAAAAAAA!" Sagot nilang lahat.

"Palabas na, push!"

"PALABAS NAAAAAAAAAAA NIGEL!!!!" Sigaw nila.

Biglang nangibabaw ang tinig ng isang sanggol na umiiyak at tila napawi lahat ng sakit na nararamdaman ko ngunit kasabay nito ay ang pagkalabog ng mga nagbagsakang tao sa kabilang kurtina.

"Aei," wika sa akin ni tita Yna. "You have to push more," nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon.

"You mean---- AHHHHHHHHHHHHHH!!" Ire ko sa biglang paghilab ng tyan ko.

"MERON PA, PAPA! BANGOOON!" Tinig iyon mi Nigel na animo ginigising si Papa.

Muling nangibabaw ang matinis na iyak ng isang sanggol.

"Aei, last push." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni tita Yna. "They are triplets."

"AHHHHHHHH! FUCK IT NIGEEEEEL!!" Ire ko.

"TANG INA TATLO NAAAAAA! ANG LAKAS KOOOOOO!" Hiyaw niya.

At muling pumailanlang ang tinig ng isang sanggol. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Pagod na pagod na pagod.







NAIDILAT ko ang mata ko dahil sa halo-halo na boses sa paligid ko.

"I will name all of them," tinig iyon ni tito Led.

"No! I am her father!" Tinig ni Papa.

"Ako ang pinakamatanda sa ating lahat, ako ang magpapangalan," sabat naman ni tito Leriz.

"Asawa ko ang nagpaanak, ako ang magpapangalan!" Sabay naman ni tito Loard.

Sinamaan ko silang lahat ng tingin at nakita kong kinabahan sila. "I have names for them. Don't experiment their names," malamig na turan ko sa kanila.

Isa-isang inilapag nila Mama sa tabi ko ang mga anak ko at nagulat ako sa nakita ko.

Dalawang lakake, at isang babae.

"Yes, sa ating lahat ikaw lang ang nagka anak ng babae."

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagagalak ako ng sobra o kulang ang salitang galak. Kulang ang salitang masaya, at kulang ang salitang kumpleto. I'm more than complete now that I held them in my arms.

"I'm glad na nagready ako ng pangalan ng babae," nakangiting wika ko sa anak kong babae.

"She's the middle. Pangalawa mo siyang nilabas. Ang panganay mo ay iyang lalaking hindi ngumingiti at nakuha ang kilay ni Nigel, at ang bunso mo ay iyang batang may manipis na labi," paliwanag ni tita Yna.

"The older boy will be, Aeignn Lev, the only girl will be, Aeiryn Lez, and the youngest will be, Aeidan Lex."

(Pronunciation: Aeignn [Eyn], Aeiryn [Eyrin], Aeidan [Eydan].)

"Aeignn Lev Freezell-- Ricafort, Aeiryn Lez Freezell-- Ricafort, and Aeidan Lex Freezell-- Ricafort," pag uulit ni Nigel na animo ba ay nabighani sa mga pangalan ng anak niya.

"If the first generation were called, Five Bullets, let's call this generation, EIGHT GRENADES," wika ni Lola na nakangiting nakamasid. "Ayler Liam, Ayce Lander, Axel Leindeyl, Leik Andrey, Laeven Azer, Aeignn Lev, Aeiryn Lez, and Aeidan Lex will be the dominator of their own generation."

We all agreed in chorus.

--


EPILOGUE POSTED KASABAY NITO. ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top