Special Chapter IV

• HER FALL •

AEICKEL

NAG-AAYOS kami ng mga gamit ni Nigel ngayon. Kararating lang namin sa presidential suite na ibinigay ng coordinator ng seminar na walang iba kundi si Tito Loard—daddy ni Ate Leyvance. Siya ang may pa-seminar tungkol sa self-defense and cloning na dito gaganapin sa isang malawak na resort sa Siargao City. New knowledge ito na maipapasa namin sa susunod na henerasyon kaya't pumayag akong dumalo sa seminar.

"Wife," dinig kong tawag ni Nigel sa akin. Nilingon ko siya at nakitang hawak ang two-piece swimsuit na inilagay ni Leickel sa backpack ko. Kahit kailan talaga ay pakialamera ang isang iyon. "Are you trying to flaunt your sexiness that's only meant for me with these?"

Tinapunan ko siya ng malamig na tingin. "Nigel, triplets na ang iniluwal ko, ano pa ba'ng gusto mo?"

"This is one of the reasons why I chose to join you here kahit pa may ongoing concert tour kami—"

"Para bantayan ako?" putol ko sa kaniya at bahagya ko pang itinaas ang kaliwang kilay ko.

Sunod-sunod siyang umiling sa akin saka ako tiningnan nang seryoso. "No, wife. I am here to make everyone jealous of me...to make them see how lucky I am for having you as the mother of my children. I want them to see me with you, and make them think how perfect of a couple we are despite our flaws. Gusto kong inggitin ang mundo...na sa dami ng babaeng naghahabol sa 'yo, at sa dami ng lalaking gustong sila ang nasa posisyon ko, ako ang pinili mo," mayabang na pahayag niya saka ako kinindatan.

Ngumisi ako sa kaniya at nakita kong alam niyang bubuweltahan ko siya ng hindi maganda dahil agaran niya akong nginusuan. "Kaya nga noong nalaman mong matagal na akong kasal sa 'yo, kulang na lang ay magbunyi ang lahat-lahat sa 'yo," pang-asar ko sa kaniya.

"You forced me to marry you, wife. Lasing ako n'on—"

"Excuse me, Mr. Ricafort? I forced you? You were the one who forced me to marry you! Stop making our story twisted—hmp!" Bigla na lamang niya akong ninakawan ng mabilis na halik sa labi na nakapagpahinto sa akin sa pagsasalita.

"Aminin mo na kasing mahal mo na ako noon pa kaya ka rin pumayag na magpakasal sa akin," pang-aasar pa niya. "Alam ko naman po na noon pa lang sa hagdan, nahulog ka na rin sa akin sa parehong paraan kung paano ako nahulog sa mga mata mo," dagdag pa niya at bigla akong ikinulong sa mga braso niya.

"Tss," I hissed. "Hulog ka sa akin pero nagtagal kayo ni Leickel—"

"Dahil inakala kong kapag nagtagal kami, muli kong masisilayan ang mga matang iyon na totoong kinahumalingan ko at bumihag sa akin. Malay ko naman na magkaibang tao pala kayo," aniya, saka ako tinitigan nang maigi sa mga mata. "Kung alam ko lang na ibang tao pala ang may-ari ng mga matang iyon noon pa, palagay mo ba, pakakawalan pa kita?

Palagay mo, hindi kita hahanapin hanggang sa mahanap—"

"But when you saw me again, hindi mo 'ko nakilala," putol ko sa kaniya, saka ako naman ang ngumisi.

"It was because you were in disguise. Isa pa, hindi ko matanggap sa sarili ko na nakararamdam ako ng isang bagay na ayaw ko nang muli pang maramdaman, and to think na sa isang lalaki pa. I was so devastated with my breakup with Leickel that I almost hated everyone. Ayaw ko nang magmahal...but then your eyes tortured my system," sagot niya sa akin at naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayapos niya sa akin. "I am really glad you came at the most perfect timing and gave me three angels."

Kahit na anong tigas ko sa kahit na kanino, kahit na anong istrikto ko sa lahat, kapag si Nigel na ang napag-uusapan, hindi ko mapigilang lumambot...na ibigay ang lahat kahit wala nang matira sa akin.

I once told myself that risking and sacrificing for love was stupid. But then, when I got to experience the real meaning of it, I found that love has to be selfless . . . that love has to be painful and meaningful. The pain, happiness, ups, and downs are all part of it.

"May tanong ako," basag niya sa sandaling katahimikang namayani sa pagitan namin.

"Hmm?"

"Kailan...kailan mo naramdaman na totoong mahal mo na 'ko? Kailan mo naramdaman na kahit anong gulo ng sitwasyon na mayroon ako, ako pa rin ang pipiliin mo?"

It was that day...that day when I thought that Flame was going to kill him, and the other one was when a woman tried to seduce him. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Basta kapag siya na ang pinag-uusapan, nakalilimutan kong matalino ako.
  

"NIGHT, Nigel is missing! Hindi siya ma-track," tinig iyon ni Tungsten mula sa kabilang linya na siyang naka-duty sa linggong ito para kay Nigel.

Agad na gumapang ang kaba sa akin dahil sa narinig ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang sinusubukan kong i-hack ang lahat ng CCTV sa buong area at sa alam kong maaari niyang daanan. Nakararamdam ako ng takot na ni minsan, hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko.

Sa mga oras na ito...unti-unti kong nakukumpirma ang mga hinala sa isip ko, sa bawat pagkabog ng dibdib ko, sa bawat pagbagal ng mundo ko...nahuhulog na ako at hindi ko alam kung paano ko pang pipigilan ang ganito.

"Have you tried looking for him? Goddamn it, Tungsten! Simpleng pagbabantay lang naman ang gagawin mo, bakit . . . fuck!" hindi ko napigilang sentimiyento ko kay Tungsten.

I knew I shouldn't blame Tungsten, but it wasn't my mind who was blaming him...it was my emotion. It overpowered my way of thinking and it was becoming a nuisance. I hated acting like this, but Nigel's involvement was the reason. If it wasn't him, mas kaya kong mag-isip nang tama at mas naaayon.

"Try locating Flame. He said he will meet your husband," tinig naman iyon ni Scorpio na marahil ay narinig ang pagsigaw ko.

Alam ko kung ano'ng nararamdaman ni Flame para sa akin, at alam ko kung ano ang panibughong nararamdaman niya kay Nigel kaya agad naalarma ang buong sistema ko nang marinig ang sinabing iyon ni Scorpio. Idagdag pa na matindi pa rin ang mga hinala ko sa kaniya ukol sa traydor na bumabaliktad sa Phyrric.

Mabilis kong hinahap ang tracking device na mayroon si Flame. Nakita kong nasa isa siyang bayan na malayo rito. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagtungo roon.

Nang marating ko ang eksaktong lugar ay naikuyom ko nang mahigpit ang kamao ko dahil nakita kong kausap ni Flame si Nigel sa isang di-mataong restaurant.

Kung hindi ako nagkakamali, si Flame ang nagpatay ng tracking device ni Nigel kaya't hindi ito ma-locate nina Tungsten.

Nakamasid lang ako sa kanila nang sabay silang tumayo at nagtungo sa likuran ng restaurant. Mabilis akong sumunod at bumungad sa akin ang kainan din ngunit walang mga tao. Puro mesa, bangko, at sina Nigel at Flame lamang ang naroon.

Nagulat ako nang maunang maglakad si Nigel, nasa likod nito si Flame na biglang naglabas ng baril. Hindi na ako naghintay pa na itutok nito kay Nigel ang armas. Mabilis kong tinawid ang pagitan namin ni Flame saka ko sinipa nang malakas ang baril na hawak niya.

Natatakot ako. Sobrang nanginginig ako sa takot na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay wala akong dapat na sayanging sandali lalo pa at buhay ni Nigel ang nakasalalay.

"Fuck—Night?!" gulat na wika ni Flame. Nakita kong napalingon si Nigel sa amin.

Imbes na sagutin ko si Flame ay mabilis ko itong sinugod at sinuntok na naging dahilan ng pagkatumba nito.

Lalo kong napatutunayan ngayon sa sarili ko na nangigibabaw sa akin ang pagprotekta kay Nigel—hindi dahil sa misyon ko siya kundi dahil...may nakahihigit pang rason na tanging ako lang ang nakararamdam at nakaaalam.

"Aeickel!" Tinig naman iyon ni Nigel. "What are you doing?" Dadambahin ko sanang muli si Flame nang pigilan niya ako. "Calm down!"

"He's going to fucking kill you, and I am going to kill him—"

Hindi ko natapos ang dapat na sasabihin ko dahil bigla na lamang akong binuhat ni Nigel na tila sako ng bigas at dinala sa mapunong parte ng lugar.

"He's not going to kill me—"

"He's holding a fucking gun while you are in front of him! Fuck your trust hormone, Nigel!"

"Believe me, wife. He's not."

"Fuck it—"

"Could you please stop cursing? Believe me, please. Naghahanda ako ng sorpresa para sa 'yo kaya't may pekeng baril na hawak si Eulyssis. Ibabagay ko sana sa personalidad mo ang tema," paliwanag niya na ikinagulat ko.

Napasapo ako sa ulo ko na animo'y kanina pa parang gustong sumabog. Naghahalo ang mga emosyon sa dibdib ko. Para akong puputok dahil hindi ko matukoy ang tunay na nararamdaman ko. Nabobobo ako sa sitwasyong ito. Hindi ko alam kung takot ba, kaba, o kung ano man ito. Ramdam ko na...narito na ako, tanggapin ko man o hindi, pero narito na ako. Ayawan ko man, wala na akong magagawa...wala na akong takas...wala na akong mapupuntahan.

"Damn it, Nigel...mahal na nga yata kita."

Nakita ko kung paano siya magulantang sa narinig niya mula sa akin dahil ako mismo ay nagulat din sa mga nasabi ko. Hindi ko iyon inaasahan. Wala akong balak na umamin pero nagawa ko dahil lang sa paghahalo-halo ng mga emosyon ko.

HIGIT pa sa salitang nakakapikon ang nadatnan ko sa opisina ni Nigel. Gusto kong awtomatikong manakit sa nasasaksihan ko.

Nakaupo ang babae sa lamesa ni Nigel habang nakaharap ito sa kaniya at bahagya pang nakabukaka. Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa ulo kahit na hindi ko gusto.

Naikuyom ko ang mga kamao dahil gusto kong manakit.

"Aeickel, it's—"

"Don't fucking talk," mahina ngunit mapanganib kong saad sa kaniya.

Inilipat ko ang tingin sa babae at nakatingin na rin pala ito sa akin.

"I don't think a mere secretary has the right to barge in without the owner's permission," matatas na wika nito sa akin kaya't binigyan ko ito ng malamig na tingin.

"Get off that table hangga't maayos pa akong nakikiusap sa 'yo," banta ko nang hindi inaalis ang paningin ko sa mga mata niya.

"Sino ka para utusan ako?" buwelta niya sa akin at bumaba pa sa mesa saka kumandong kay Nigel. "Even the owner doesn't want me to leave," pagpapatuloy niya at nginisihan pa ako na animo'y nang-aasar talaga.

Nilingon ko si Nigel at napansin kong tila masaya pa siya habang inoobserbahan kung hanggang saan ang pasensiya ko. Pasensiya na siya, hindi ganoon kahaba iyon sa mga oras na ito.

"Hindi ka makukuha sa pakiusapan?" May pagbabanta na sa tono ko. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ako makapag-isip nang tama, lalo na ngayon na mayroong nakakandong at may ibang balat na nakadikit sa kaniya.

"So?"

Lumakad ako hanggang sapitin ang harapan ng lamesa ni Nigel na animo'y namamangha sa kung ano pa ang ilalabas kong emosyon sa mga oras na ito.

"I...AM...THE...OWNER...OF...THE...OWNER!" Matigas ang bawat salitang binitiwan ko.

"Ako ang nagmamay-ari sa may-ari ng kompanyang ito! The man you are seducing is mine.

The man you are sitting on...is my territory."

Hinablot ko ang damit ng babae sa harapan ko at sapilitan ko siyang iniangat mula sa kandungan ni Nigel, saka ko siya ibinalibag sa sahig. Nawawalan na talaga ako ng rason para magpigil ng galit at pagkapikon.

Nakita ko ang takot sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. "W-walanghiya ka!"

"May mas iwawalanghiya pa 'ko," sagot ko sa kaniya. Ramdam kong rumaragasa na ang galit sa sistema ko.

Tumayo ang babae at may ilalabas sana mula sa bag niya ngunit mabilis ko iyong nasipa saka ko inilabas ang baril na nasa baywang ko.

"Shit!" sigaw niya sa akin nang itutok ko sa noo niya ang baril.

"Sino'ng nagpadala sa 'yo rito?"

"Put your fucking gun down!" hiyaw ng babae.

"Sagutin mo ang tinatanong ko bago mangati ang kamay ko at makalabit ko 'to," nauubusan ng pasensiyang turan ko.

Nagkamali siya ng lalaking nilandi. Hindi ako pasensiyosang asawa, at kapag teritoryo ko, teritoryo ko!

Naramdaman kong tumayo si Nigel na nasa tabi ko at hinawakan ang kamay kong may hawak ng baril. "Calm down, wife. I'm begging you."

"Ms. Vicente told me to seduce Mr. Ricafort," pangungumpisal ng babae.

Tama ang hinala ko. Hindi pa rin titigil si Vanessa.

Nakita kong bumaling si Nigel dito saka nagsalita. "Umalis ka na rito. Baka kung ano pa'ng magawa ko sa 'yo," aniya bago tuluyang kinuha ang baril sa kamay ko.

Nagkukumahog na umalis ang babae at si Nigel naman ay hinawakan ako sa balikat saka ako iniharap sa kaniya.

Tiningnan ko siya sa mga mata at alam kong may nais siyang sabihin. "Kung

sesermonan mo 'ko, huwag mo nang ituloy. I am not in the mood, Nigel."

"Don't be so impulsive, wife. You could have killed her. Kitang-kita ko kung gaano ka kagalit kanina."

"I can still control myself. I did that to threaten her," paliwanag ko sa kaniya ngunit maging ako ay hindi kumbinsido sa itinuran ko. Alam kong mapapatay ko ang babaeng iyon kung nagkataon.

"Are you sure? You're not good at lying in front of me, wife."

Tinapik ko ang kamay niyang nasa balikat ko dahil mukhang ramdam nga niyang alanganin ang isinagot ko. "You know because you are good at it," sarkastikong sagot ko.

"You're jealous that's why you did that, right?" aniya kaya tinapunan ko siya ng seryosong tingin.

Hindi ako sumagot, bagkus ay kinuha ko ang baril mula sa kaniya at ipinutok iyon sa ilalim ng mesa niya kung saan ako may nakitang kulay pulang ilaw na sa wari ko ay isang covert listening device.

Nakita kong napatalon siya sa lakas ng putok na iyon at marahil ay sa kabiglaan na rin.

Hinagis kong muli sa kaniya ang baril na mabilis naman niyang nasalo.

"Hindi lang basta selos ang nararamdaman ko . . . sana masalo mo rin ako dahil hulog na 'ko sa 'yo. Mahal na kita."

Kung may hihigit pa sa salitang gimbal ay marahil iyon ang mababasang reaksyon sa mukha niya sa mga oras na ito.

"W-what did you say?" nauutal na tanong niya saka niya inilapag ang baril sa mesa at tumungo palapit sa akin.

"I didn't fall just to get broken, Mr. Ricafort. Siguraduhin mong sasaluhin mo 'ko."

"W-what? C-come again?" nauutal pa ring tanong niya na parang hindi masabayan ang mga isinisiwalat ko.

"I won't repeat my words, Nigel—shit!"

Bigla na lamang niya akong hinapit sa baywang saka ako iniangat sa ere at iniupo sa mesa katabi ng baril. Pinagpantay niya ang mga mukha namin saka niya ako tinitigan nang mariin sa mga mata.

"Repeat those words, wife. It took me years to hear those words from you. Please, Mrs. Ricafort...say those words again—"

I cupped his face and kissed him that stopped him from talking. I savored his lips the same way he did to mine.

I pulled away and stared at his eyes for a while before I finally spoke. "I love you, Mr. Ricafort. I have badly fallen in love with you. Mahal na kita...nang buo at nang walang ibang rason. Mahal na kita...mahal na mahal na kita."

Bigla niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa kahit na kailan. "If only I knew that your jealousy could lead to your confession, sana noon pa kita pinagselos," dinig kong bulong niya kaya't marahas ko siyang itinulak papalayo sa akin.

Matalim ang tingin ko sa kanya na ikinatawa niya. "I'm not good at handling my jealousy,

Nigel, because I'm territorial. Isa pang beses na maulit ito—"

"What?" putol niya sa akin habang nakangisi na para bang mas tumaas pa ang confidence niya lalo na ngayong naikumpisal ko na sa kaniya na mahal ko na nga siya. "Annulment papers ang haharapin mo," banta ko saka ako naman ang ngumisi sa kaniya dahil nakita ko ang unti-unti niyang pamumutla sa sinabi ko.

"Don't joke around, Aeickel Lavria," seryosong aniya kaya sunod-sunod akong umiling sa kaniya.

"I don't fool around, Mr. Ricafort. Kilala mo 'ko, at kapag sinabi ko, talagang ginagawa ko," sagot ko saka ako bumaba sa mesang kinauupuan ko at naglakad papalapit sa wine shelf niya.

Sinundan niya ako at kinuha ang bote ng wine na dapat sana ay kukuhanin ko. "Don't joke about annulment papers dahil wala akong balak na pakawalan ka kahit na kailan," seryosong aniya nang magtama ang mga paningin namin. "You are mine, Mrs. Ricafort. Kahit na ano'ng gawin at sabihin mo, sa akin ka sa mata ng batas, ng Diyos, ng mga tao...at sa batas ko. You are mine alone, and annulment will never be a choice of yours," mahabang turan niya na ikinangisi ko.

"Ang dami mong—"

"Hindi mo 'ko puwedeng iwan, hindi kita hahayaan. Inaakala ko pa lang na lalaki ka, mahal na mahal na kita. Palagay mo ba, hahayaan ko pang makawala ka? No, my wife. You are mine...heart, body, and soul," putol niya sa akin at kinindatan pa ako saka muli akong hinapit papalapit sa katawan niya. "Anak na lang ang kulang, gusto mo na ba?" bulong niya nang halos magkaisa na ang mga katawan namin sa sobrang lapit sa isa't isa.

I smirked before answering which made his brows furrowed. "Papalag ka ba? Pumapalag ako, Nigel, pagiging agresibo mo na lang ang kulang," pagkasa ko sa pang-aasar niya at naramdaman ko ang unti-unting paghagod ng kamay niya sa likod ko.

"Don't test me, Mrs. Ricafort. I only want you. And if my aggressiveness could suffice our

hunger, then tell me that you'll willingly give in to me. Tell me, wife...tell me."

Ngumisi ako sa kaniya at pinagapang ang kanang kamay ko sa dibdib niya. "Ngayon pa ba kita uurungan...kung kailan mahal na kita? Let's do it, Nigel. I have freely accepted my fall."

"Damn! I love you, too...I love you, too, Mrs. Aeickel Lavria Freezell-Ricafort."

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E ZE

VOTE | COMMENT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top