Special Chapter III
• HER CHOICE •
AEICKEL
IT’S been three months since I got hired as his secretary slash assistant. He was really hard to deal with but I was easily adapting to his lifestyle.
Papasok siya nang alas-otso, ako naman ay alas-siyete. Uuwi siya nang alas-singko at ganoon din ako. May mga araw na nagpapasama siyang uminom para may magmaneho para sa kaniya at pinagbibigyan ko naman. It was still a part of my mission, not my job. I needed to supervise him twenty-four-seven.
We were at a bar now, and he was drinking again for the nth time.
“Sir, tama na ho iyan—”
“I get to say when I will stop and when I will not. You’re not entitled to tell me what to do, Aeickel,” he said, cutting me off. The hardheaded and short-tempered man...tss. “Drink with me, tatawag na lang ako ng magmamaneho para sa ’tin,” he continued and took another full shot of liquor.
Napapailing akong tumitig sa kaniya at bigla na lamang siyang tumitig pabalik sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko na wari bang gusto niyang magpaalipin sa mga ito.
“Sir—”
“I’m fucking falling for them again,” aniya, deretso ang tingin sa mga mata ko.
Sa tuwinang nakakasama ko siya sa mga inumang ganito, makailang beses niya nang nababanggit na nahuhulog siya...sa mga mata ko. Minsan, napapaisip ako kung sa mga mata ko ba siya nahuhulog o sa mga mata ni Leickel na patuloy niyang naaalala.
Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, pero pinili kong ngisihan lamang ang sinabi niya sa akin. Hindi ako maaaring makaramdam ng kahit na ano sa mga salitang iyon, pero...totoong nakadadala ang pagiging sinsero ng mga mata niya sa itinuran niyang iyon sa akin.
Nauna siyang magbawi ng tingin at pinaabutan niya ako ng alak mula sa bartender. Tinanggap ko iyon kahit pa bawal sa amin ang uminom habang nasa misyon dahil alam ko naman na kayang-kaya ko ang sarili ko kung saka-sakali.
“Have you ever fallen in love?”
“No,” tipid na sagot ko saka lumagok sa basong hawak ko.
“Have you ever dreamt of falling in love?” muli niyang tanong sa akin.
“No. That’s a nuisance.”
Nakita ko siyang napangisi sa akin at tiningnan akong muli sa mga mata na wari ba’y nais niya na namang magpagupo sa akin. “I am falling even deeper with those eyes. I feel like I want to stare at them for the rest of my life.”
Imbes na sumagot ako sa sinabi niya ay muli lamang akong lumagok ng panibagong tagay ng alak. Kilala ko ang sarili ko at alam ko ang kapasidad ko, pero hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang totoong nanghihiram ako ng lakas ng loob sa alak na hindi ko naman dating ginagawa.
Tumitig ako pabalik sa mga mata niya gaya ng pagtitig niya sa mga mata ko. Parang may hindi nakikitang koneksyon sa mga mata namin ngunit wala akong balak na palawigin iyon. Hindi ngayon, hindi bukas, at mas lalong hindi sa mga oras na ito na tila gumagapang na ang espiritu ng alak paakyat sa ulo ko.
“Stop staring, Mr. Ricafort,” pambasag ko sa lumalalang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Imbes na sumagot siya sa akin ay nginisihan niya ako. Lumagok siya sa hawak na baso nang hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. Hindi rin naman ako nagbaba ng tingin dahil ayaw kong magpatalo. I was not Aeickel Lavria for no reason.
Pinasadahan niya ng dila ang pang-itaas na labi niya bago nagsalita. “I am really getting drunk. You look more of a woman than a man now, fuck it.” Inangat niya ang kamay para lamang hawiin ang iilang hibla ng buhok ko na bahagyang bumagsak sa harapan ng mata ko. “You look so damn beautiful and gorgeous,” bulong pa niya sa akin na biglang nagpakabog nang matindi sa dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang mga narinig ko mula sa kaniya.
Umisang lagok muna ako sa alak na hawak ko bago ako nagsalita. Kailangan nang matapos dito ang usapang ito o baka kung ano pa’ng susunod kong marinig at maisagot.
“You’re getting too drunk, sir. Umuwi na po tayo—”
“Magpakasal tayo,” aniya nang seryoso, deretso sa mga mata ko. Tinatamaan na rin ako ng alak kaya’t hindi na gaanong pumapasok sa utak ko ang pinagsasasabi niya. Nakailang sunod-sunod na lagok din ako ng tequila.
“Hindi dahil brokenhearted ka ay mag-aaya ka na lang sa kung sinong babae para pakasalan ka,” sagot ko naman sa kanya. Literal na akong naiinis sa sarili ko. Hindi ko na mawari kung anong klaseng mga salita ang lumalabas sa mga labi ko.
“Bakit? Babae ka ba?” tanong niya na sinundan pa ng tawang nakakaloko. “Look, dude, wala namang masama sa same-sex marriage. Let’s just do this thing! Hindi na rin siguro masama kung sa ’yo ako magpapakasal. After all, I’ve fallen for your eyes... since it looks like hers.”
He was pertaining to my twin sister’s eyes. He was longing for her eyes...not mine.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, basta’t kinaladkad ko na lamang siya palabas ng bar na iyon. Lasing na rin ako at damang-dama ko iyon.
Kapwa kami sumakay ng sasakyan at ako ang nagmaneho. Dinala kami ng agresibo kong pagmamaneho sa kilala kong judge. Kinatok ko pa nga ang bahay nito nang hindi ito magbukas ng pinto nang mag-doorbell ako.
“Aei?!” di-makapaniwalang saad ng judge na ito. He was Judge Guio Lou—my uncle.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko ang mga gusto ko, desidido ako sa mga plano ko, kalkulado ko ang bawat galaw ko, pero sa mga oras na ito . . . nangingibabaw ang padalos-dalos na mga desisyon ko na alam kong wala namang maidudulot na mabuti sa akin.
Shit!
“Please, ikasal n’yo kami,” pakiusap ko sa tiyo ko at alam kong hindi nito inaasahan ang mga narinig mula sa akin dahil kilala ako nito at may ideya ito tungkol sa ugali ko.
Hindi na ako nagdalawang-salita rito. Ang asawa nitong si Tita Sapphire at ang pinsan kong si Eliara ang nagsilbing mga witness namin ni Nigel sa kasal na iyon.
Nawawalan na ako ng irarason sa sarili ko kung bakit humantong sa ganoon ang mga desisyon ko. Basta ang alam ko lang ay...nangibabaw ang kagustuhan kong makilala niya ang mga mata ko...ang mga matang una naman talaga niyang nasilayan.
Natapos ang gabing iyon na may pinirmahan kaming marriage contract—a legal marriage contract.
ALAM kong isa sa pagkakamali ko ang gabing iyon, pero wala naman akong nakakapang pagsisisi sa sarili ko. Kung ano ang dahilan, hindi ko rin alam. Isa pa, hindi naaalala ni Nigel ang lahat ng nangyari nang gabing iyon. Sinubukan kong alamin kung nagpapanggap lamang ba siya pero hindi, wala talaga siyang naaalala. Lupaypay na rin siya nang ihatid ko siya sa condo niya nang gabing iyon.
“Give me my phone,” utos niya sa akin habang inaayusan siya ng makeup artist para sa concert nila maya-maya.
Sinunod ko ang utos niya at agad na ibinigay sa kaniya ang telepono. Ngunit ang makeup artist niya, naramdaman ko na tila sinadyang ibangga ang dibdib sa braso ko. Napangisi ako at tinitigan ito sa mukha.
Tumingin ang babae pabalik sa akin na tila kinikilig pa. Halatang nawala ang focus nito sa pag-aayos kay Nigel dahil umabot hanggang noo ang lagay nito ng gel.
Imbes na ang babae ang pagbuntonan ng init ng ulo ni Nigel ay bumaling siya sa akin at tinapunan ako ng matalim na tingin.
“Don’t flirt with my makeup artist, Aeickel,” utos niya kaya hindi ko naiwasan ang magbigay ng blangkong ekspresyon.
Sa tuwinang mangyayari ang ganito ay laging ako ang dehado. Sa akin ang bagsak ng init ng ulo niya kahit pa wala naman siyang sapat at balidong rason para magalit sa akin.
“I am not flirting with anyone, sir. Your makeup artist was trying to seduce me,” sagot ko sa kaniya na mukhang hindi naman niya nagustuhan.
Tinapik niya ang kamay ng babae palayo sa buhok niya saka siya tumayo mula sa kinauupuan.“Leave, Madelyn,” utos niya rito na agad namang tumalima sa kanya.
Matapos makaalis ng babae ay naglakad siya papalapit sa akin na para bang mayroon akong malaking kasalanan sa kaniya.
Dahil normal na matigas ang loob ko ay hindi ako umurong at hinayaan ko na halos magdikit na ang mga mukha at katawan namin.
“Are you testing my patience—”
“I am not testing anyone’s patience, Mr. Ricafort. Kung may problema po kayo sa itsura ko, hindi ko na kasalanan iyon. Inborn po akong guwapo at hinahabol-habol ng mga babae,” putol ko sa dapat na sana’y sasabihin niya dahil mayroon na akong ideya kung ano na naman ang binabalak niyang ipamukha sa akin. I was really good at reading people.
Hindi nawala ang talim ng tingin niya sa akin na sinagot ko rin sa kaparehong intensidad. “You cannot just mess with me and act all cool, Mr. Lou. I am telling you to stop flirting with women and focus on your work.”
May ibang dating ang paraan ng panenermon niya sa akin at ayaw kong bigyan iyon ng pangalan. Dahil oras na ginawa ko iyon, alam kong malalagay na naman ang utak at mga desisyon ko sa alanganin.
Sandali akong nagbaba ng tingin at agad ding nag-angat. Tinapunan ko siya ng blangkong tingin sa mukha bago ako muling nagsalita. “Mr. Ricafort, are you by any chance...jealous?” tanong ko sa kaniya at sapat na ang nakita kong reaksyon mula sa kanya para masagot ang katanungan kong iyon. “Oh, I see,” patuloy ko at nakita ko siyang tila nangangapa ng sasabihin sa akin.
“Why would I be jealous—”
“Because you’re falling for my charisma, too, Mr. Ricafort,” putol ko sa kaniya at nakita kong nanlaki ang mga mata niya.
“I am not a gay!” galit na wika niya na ikinangisi ko.
“No one said that you are, sir,” tudyo ko saka ko bahagyang pinagdikit ang mga noo namin na hindi naman niya inalmahan. “Kahit lalaki, nahuhulog sa akin. Ganoon ako kaguwapo,” bulong ko saka ako humakbang patalikod para makalayo sa kaniya.
Nginisihan ko siya nang magkaroon na kami ng distansya habang seryoso lamang niya akong tinitingnan. Nawala na ang tila pangingilag niya sa akin na nakita ko kani-kanina lang.
“Just do as I say, Aeickel. Tigilan mo ang pakikipaglapit sa kahit na kanino lalo na sa oras ng trabaho,” seryosong turan niya sa akin saka ako biglang tinalikuran.
Palabas na sana siya ng pintuan nang muling umiral ang ugali ko na ayaw ng nagpapatalo. “Sabihan mo ang makeup artist mo. Sa dami ng puwede niyang pagbanggaan ng dibdib niya, bakit sa braso ko pa?” singhal ko at tinapunan muna niya ako ng matalim na tingin bago siya pumihit at muling lumapit sa akin.
Hindi ako kinabahan sa paglapit niya, pero ramdam ko na may kakaibang dating ang bawat hakbang niya patungo sa akin. Pero gaya ng nakagawian ko, ayaw kong bigyan ang pakiramdam na ito ng kahit na anong pangalan...delikado.
“Hinahamon mo ba talaga ang pasensiya ko?” tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
“Nagpapahamon ba ang pasensiya mo?” tanong ko pabalik sa kaniya. “Naaapakan ba ang pagkalalaki mo na mas pansinin ako kaysa sa ’yo? Na mas habulin ako ng mga kababaihan? Na mas gusto ako?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya na ang akala ko ay ikapipikon niya ngunit mali ako. Ngumisi siya sa akin at biglang hinaklit ng kamay niya ang kaliwang braso ko.
“Walang naaapakan sa pagkalalaki ko, dahil kumpara sa atensiyon ng kahit na sino...mas gusto ko ang sa ’yo,” buwelta niya pabalik na tuluyang nakapagpatahimik sa akin.
’Tang ina.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top