Special Chapter I

Note: I will be posting TEN special chapters here. Ito po ang mababasa sa To Do Is To Dare na physical book. Maraming salamat sa mahal kong Havres sa pagpayag na mabasa ng iba ang TEN SPECIAL CHAPTERS na ito. Mahal na mahal ko kayo.
--

• HER EYES •

AEICKEL

SENIOR elite agents were busy preparing their materials for the seminar. Nakatingin lamang ako sa kanila dahil kanina pa naman nakaayos ang mga gamit ko.

“Bakit kasi isasama mo pa?” nakangusong anas ni Flame sa akin.

“Hindi ganoon ang bonding, Night. Ikaw, may love life, tapos kami, nganga sa sulok? Daydream ganoon? Mag-hallucinate na lang ng jowa?” sabat naman ni Vega.

I hissed at them and made them shut their mouths. Masyadong marereklamo.

“E, kung hindi ba naman kayo mga isa’t kalahating tanga, bakit ba hindi kayo magsipag-asawa na? ’Tatanda n’yo na, e. Umay na umay na rin nga ako sa mga pagmumukha ninyo sa araw-araw!” singhal naman ni Tungsten sa kanila.

“Wow, ’tang ina! Nagsalita ang bulok na ang semilya!” ganting sagot naman ni Alistair sa kaniya.

“Gago! Kung sa akin, bulok na, iyong sa ’yo, agnas na agnas na!” hindi magpapatalo na singhal pabalik ni Tungsten.

Hindi ko maiwasang mapangisi sa naririnig kong palitan nila ng asaran. Sa aming lima, ako pa lamang ang pamilyado. Ang inuungot nila mula pa kanina ay bakit isasama ko si Nigel sa seminar na dapat sana ay para sa aming lima lang.

Hindi ko maiiwan ang isang iyon. He’s like a sticky lizard. Gusto ay lagi na lang nakadikit. Siya rin ang nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko para maisiksik niya ang sa kaniya. Yes, he was that eager to join kahit pa sinabi kong siya na lang muna ang magbantay sa triplets...lalong-lalo na kina Aeignn at Aeiryn. Among my children, those two were the hardheaded ones. As for Aeidan, he was bubbly and loved playing with his toys. Wala akong problema sa kaniya, pero sa dalawa, malaki.

Aeignn tended to be so bossy. He inherited that attitude of his father and...his sadistic side, too. He was still a kid, but I could already see that side of him. Aeiryn? She inherited some of my negative traits, and I didn’t like it. It felt like I was looking at the younger version of myself, though they all got the facial features of their dad, except for the eyes—they got the eyes of a Freezell.

“Wife!” Awtomatiko akong napalingon sa tinig na iyon.

There, I saw my husband grinning at me while holding a plastic bag. Based on his expression, he was up to something naughty, and I had to stop him now. Ayaw kong makatanggap ng mas nakapipikon pang kantiyaw mula rito sa apat.

“O, nandiyan na ang legal at orihinal. Tumabi ang mga nagmamahal lang nang palihim at sad boy slash broken boy!” sigaw ni Tungsten na halata namang si Flame ang pinariringgan.

Nagkantiyawan pa sila at ako naman ay naglakad na papalapit kay Nigel na may blangkong ekspresyon sa mga mata. Hindi ko puwedeng ipakita kay Nigel na naiintimida ako sa kaniya dahil lalo lang niya iyong gagamitin para paganahin ang pagkapilyo niya. He didn’t change as years went by—oh no, he did. He became naughtier and wilder.

“I don’t like your eyes right now, Mrs. Ricafort,” he stated as I stood in front of him.

“These eyes were the eyes that made you fall for me, Mr. Ricafort,” I replied and it was followed by a smirk.

I was caught off-guard when he suddenly wrapped his right arm around my waist and pulled me closer to his body. “And those are the same eyes that I’d fall for every freaking day, wife,” he whispered that made me shiver. He really knew how to mess with my system.

I tried pushing him away dahil baka mapansin pa kami ng apat at umani pa ako ng mas higit pang pang-aasar.

“Nigel, may ibang tao—”

“And those are the only eyes I’ll always long for,” he whispered again, cutting me off.
I closed my eyes and took a deep breath. We had been together for years now pero hindi pa rin ako nasasanay sa mga inaakto niya. He’s really unpredictable...even since the beginning.

• • •

TWIN!” Leickel shouted that I almost dropped the kettle.

“What do you want?” I asked with a straight face as I turned around just to let her hear my voice.

I was in the kitchen, preparing this kid’s hot bath. She had a mild fever, pero dahil masyadong naging bunso nina Mama at Papa, akala mo, batang maliit kung magkasakit.

“Darating ang manliligaw ko! Dadalhan daw ako ng pagkain!” sigaw niyang muli sa akin.

“So?” I asked with a blank expression. May hindi ako magandang nababasa sa awra niya ngayon. May binabalak siyang hindi maganda sa akin.

“Hindi ako haharap sa kaniya nang ganito! Kung ayaw mong butasin ko ang gulong ng motor mo, ikaw ang kukuha ng mga ibibigay niya sa akin mula sa kaniya, Aeickel!” matatas na sagot niya sa akin na para bang wala akong karapatang tumanggi sa gusto niyang mangyari.

 “Are you out of your mind?” This brat was slowly getting into my nerves. She needed to be disciplined.

Lumabas ako ng kusina at hinarap siya. Nakahiga siya sa sofa habang nanonood ng TV. Nakabaluktot din pala siya dahil sumabay sa lagnat ang sakit ng puson niya.

“No, I am not out of my mind. Susundin mo ang gusto ko o butas ang gulong ng motor mo? Wala ka namang ibang pagpipilian,” banta niya sa akin. “May wig sa kuwarto ko. Pinagawa ’yon ni Lila base sa itsura ng buhok ko kaya magagamit mo ’yon,” patuloy niya nang hindi ako sumagot sa pagbabanta niya.

I just hissed. Wala na akong choice dahil baka talagang butasin niya ang gulong ng motor ko. This bratinella twin of mine would really make that mess if I tried declining her request—though it wasn’t a request, it was a command.

Wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya. Gumayak ako kahit na labag sa loob ko ang bagay na ito. Kung hindi ko lang sobrang pinahahalagahan ang seguridad ng motor ko, I would never do this thing, not ever.

Paalis na ako gayak ang mga ipinasuot niya sa akin at mga koloreteng ipinatong niya sa mukha ko nang bigla niya akong tawagin. “Twin, hindi ko pa ’yan nakikita. Nakaka-text ko lang ’yan. Sabihan mo ’ko kung guwapo, ha?” aniya saka pa siya tumawa nang nakakaloko.

Bumaba na ako mula sa condo niya at nagtungo sa visitor’s lounge.
May nakita akong lalaking matipuno, matangkad, maputi, naka-long-sleeved navy blue polo shirt na ang manggas ay nakataas hanggang siko, at masasabi kong may dating kumpara sa tipikal na mga kalalakihan.

“Are you by any chance...Nigel Iñigo Ricafort?” tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya. Pinilit kong pasayahin ang tono ng boses ko na gaya ng kay Leickel. It was hard doing it at first, but acting and lying were some of my main fortes due to the nature of my job.

Hindi ako nakararamdam ng hiya. Wala naman iyon sa bokabularyo ko.

“Is it you, Leickel?” he asked while smiling. Yes, he was smiling, but I could sense that he was just trying to hide something...maybe the awkwardness? He seemed not like the usual type. He was anti-social, I could sense it.

Marahan akong tumango sa tanong niya dahil baka mautal ako kapag nagsalita pa ako. I’m not Leickel, for Pete’s sake! How can I justify the question if in case na magtanong siya?

“This is for you,” aniya at iniabot sa akin ang bulaklak maging ang box ng cupcake na dala niya.

“Thank you,” tangi kong naisagot. Bigla akong nailang dahil nakatitig lang siya sa mga mata ko na animo’y nagayuma o nahumaling siya sa mga ito. “Ahm, is there something wrong with my face?” tanong kong muli gamit ang pambabaeng boses. Imposibleng hindi pa sila nagkausap sa telepono ni Lei. I had to be extra careful.

“No...I mean, nothing.” Napakamot pa siya sa ulo niya matapos sumagot. “It’s just that...I couldn’t resist your charm.”

Ngumiti lang ako sa sinabi niya kahit ang totoo ay ilang na ilang na talaga ako. Hindi ako sanay magpa-cute at humarap sa mga lalaki. Mabuti pa nga ang mga babae, napaglalaruan ko gamit ang karisma ko sa pagiging mukhang lalaki, pero ibang usapan kapag ganito. Parang nababano ang mga kakayahan ko.

“Can I go now? Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko,” pagpapaalam ko sa kanya.
“When can I see you again?” walang kaabog-abog niyang tanong. He was too straightforward!

“I’ll see you when I see you,” tanging naisagot ko at tuluyan nang umalis sa paningin niya.
Hindi ako tumungo sa may elevator dahil ayaw kong makita niya kung anong floor ang pipindutin ko. Tumungo ako sa may hagdanan para makaiwas na makuhanan ng impormasyon. It was an agent thing that only a secret agent would understand.

Paakyat na ako sa pang-apat na baitang ng hagdan bitbit ang mga bigay ni Nigel nang bigla na lamang may humatak sa braso ko. Lahat ng pagpipigil ay ginawa ko huwag ko lamang pilipitin ang braso ng humawak sa akin.

Lumingon ako at nakita ko si Nigel na pawis na pawis at mukhang hinabol talaga ako.

“Lei....”

Biglaan ang naging pagkabog ng dibdib ko kahit pa ayaw ko dahil sa ginawa niyang ito na hindi ko inasahan. Titig na titig siya sa mga mata ko na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa.

“Ano’ng kailangan mo?” tanong ko habang pinipilit na patigilin ang puso ko sa pagtibok nang malakas. Para akong nabibingi sa bawat kabog nito.

“Tell me when can I see you again? I need to know just so I could take your captivating eyes off my mind and proceed with my undone works at my office smoothly,” sagot niya sa akin na lalong nakapagpadagdag ng kabog ng dibdib ko.

Nang pakiramdam ko ay lulukubin na ako ng sobrang lakas na tibok ng puso ay inunahan ko na ang kabog nito ng paggalaw ko. I need to take over this heart before it takes over me.

Inilipat ko ang hawak kong bouquet ng bulaklak sa isa kong kamay kasama ng box ng cupcake saka ko marahang kinuha ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hinigit ko siya papalapit sa akin at hindi siya nagprotesta. Nakita kong nabigla siya sa ginawa ko kaya’t sinamantala ko iyon at isinandal siya sa railing ng hagdanan sa gilid ko.

Ang awkward ng puwesto naming dalawa. Nasa harap niya ako at halos dalawang pulgada lang ang layo ng mga mukha at katawan namin, pero wala akong pakialam. Kailangan kong umakto nang ganito dahil ayaw kong kung saan pa mapunta ang lakas ng kabog ng puso ko.

Iniumang ko ang mga labi ko pababa sa tainga niya na mukhang lalong gumulat sa kaniya. “I clearly told you that I’ll see you when I see you...Nigel,” bulong ko.

Ang inakala kong inakto ko na makapagpapasuko sa kaniya ay naging dahilan pa para lalong lumakas ang loob niya. Hindi ko inasahan nang bigla na lamang niyang ipinalibot ang braso niya sa baywang ko saka ako hinapit papalapit. Bahagya akong nakaramdam ng gulat pero hindi ko maiwasan ang mamangha. If only he knew that I am the legendary Aeickel Lavria, he wouldn’t do such a thing, because before he does...pinaglalamayan na siya.

Siya naman ngayon ang umumang ng mga labi niya sa tainga ko saka bumulong. “The more you make me wait, the more you make me fall for your eyes. They are as cold as ice, but they are as mesmerizing as when the flowers bloom. Don’t make me wait longer, Lei. I’ll see you the soonest,” bulong niya at hindi ko maiwasan ang mapangisi.

Leickel found an interesting guy. Sadly, I was not fond of taking other people’s belongings.

See you soon, Nigel Iñigo Ricafort. Nararamdaman kong magkikita tayong muli.

  
--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

**

Kung kilala ninyo ako at sanay kayo sa style ko, ang mga naka-italicized word ay flashback/pagbabalik-tanaw.

9 special chapters to go. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top