Fourteen

Aeickel's P.O.V

"I cannot marry the same person twice," ibinulalas ko na ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean?" Nagtatakhang tanong niya sa akin.

"Nothing," I replied as I smile teasefully.

"I can't follow. What do you mean by you cannot marry the same person twice? I'm fucking confuse," tila ubos na talaga ang pasensyang turan niya sa akin.

"Patience is a virtue," saka ako biglang pumasok ng sasakyan niya.

"Aeickel!" Pagtawag pa niya na hindi ko na pinansin.

Nang makasakay na din siya ng sasakyan ay agad ko itong minaneho patungo sa opisina. Makailang beses niya akong kinulit sa sasakyan ngunit mas pinili kong hindi kumibo at hayaan siyang mag isip. Gusto ko rin na kusa niyang maalala ang lahat. It is just a matter of time before he could recall everything, I can sense it.

Nakababa na siya ng sasakyan at kitang kita ko ang nguso niya na nagkakanda haba sa hindi ko pagkausap sa kanya pati na din sa pag iisip ng mga itinuran ko.

"Mr. Ricafort," salubong sa kanya ng hindi pamilyar na lalaki sa akin.

"Mr. Madrigal," tawag naman niya dito na animo magkakilala talaga sila.

Naalerto ang pagkatao ko ngunit mas pinili ko ang tumahimik at hindi na muna kumilos. Pinakikiramdaman ko pa ang sitwasyon dito.

"Ms. Vanessa Vicente asked me to talk to you regarding--"

"Aeickel, mauna ka na sa itaas." Putol niya sa sinasabi ng lalake para lamang kausapin ako.

Tinignan ko siya na animo binabasa ko ang iniisip niya. Bahagya akong kinabahan nang iiwas niya mismo ang mga mata niya sa akin na tila mayroon siyang hindi nais ipabatid.

"I'm fine, Sir. I'll stay," pagmamatigas ko. Nakita ko na bahagyang nagkaroon ng pagkabalisa ang galaw niya. Mayroon talaga siyang itinatago na hindi niya nais na malaman ko.

"Please, there are more important matters in my office than this." Nasa tono niya na nais na niya akong pumayag sa gusto niya kaya't hindi na ako nagprotesta pa.

"Fine. Mauuna na 'ko," wika ko saka na ako nagpatiunang maglakad.

Labag man sa kalooban ko ay binagtas ko ang daan paakyat ng opisina niya.

Saktong nasa pintuan na ako ng elevator nang may dalawang babae ang nagsalita sa likod ko.

"Attorney ni Ms. Vanessa Vicente 'yon, hindi ba?" Naging matalas ang tainga ko sa narinig kong iyon mula sa babae.

"Oo. Ang alam ko lumalabas lang iyong attorney na iyon ng mga Vicente kapag may naagrabyado sa kanila," sagot naman ng isa.

Kung tama ang suspetsa ko, maaaring may laman talaga ang mga sinabi ni Vanessa sa opisina ni Nigel. Hindi ko pa nalalaman kung ano ito, ngunit kung mabibigyan ako ng pagkakataon ay gagawin ko ang kaya ko upang malaman ito. It may not be my business as an agent, but it is my business as his girlfriend, or as his wife rather.

Imbes na tumuloy ako sa elevator ay mabilis kong nilabas ang telepono ko at tinignan ang cctv kung saan ko huling iniwan si Nigel. Naroon pa rin sila ng lalaking kausap niya kaya't nagdesisyon akong dumaan sa likurang bahagi ng building at tumungo na muna sa Phyrric.

Sakay ako ng motor na lagi kong ipinapaiwan kay Vega sa basement ng building na iyon para kung kailan ko kailanganin patungo sa Phyrric.

Tumambad sa akin ang okupadong mga agent. Nagtetraining ang iba, ang iba naman ay may mga hawak na papel na alam kong mga misyon nila.

Tinungo ko ang opisina ni Flame at deretsong pumasok dito ng hindi man lamang kumakatok.

Napamulagat ang mata ko nang madatnan kong may hawak siyang black letter.

"To whom is that for?" Malamig at walang emosyong wika ko sa kanya.

"Aeickel!" Napasigaw siya sa gulat sa pagkakakita sa akin.

"Fucking tell me, to whom is that for!?" Puno na ng galit ang tinig ko.

"For me," bigla ang paglitaw ni Poison sa harap ko na nakaputing bestida na punong puno ng dumi at may mga sugat siya sa mukha at iba pang parte ng katawan.

Tinawid ko ang pagitan namin at mabilis kong hinawakan ang mga balikat niya dahil wari na siyang tutumba. "Tell me, anong nangyari ng wala akong nalalaman?" Pinipilit kong ikalma ang sarili ko lalo na sa nakita kong sitwasyon niya.

"I'm sorry, Night. Binigo kita. Patawarin--"

"JUST FUCKING TELL ME, STELLA! WHAT HAPPENED TO YOU!? BAKIT MAKAKATANGGAP KA NG BLACK CARD!?" Tuluyan na akong tinakasan ng pagtitimpi lalo na at nakikita ko ang paghihirap niya.

Black cards are for traitors of the organization.

"She's the one who set you up," tila ako binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Nabitawan ko siya kaya't tuluyan na siyang natumba sa sahig.

"Hindi kita tatanungin kung totoo ba ang narinig ko kay Flame, Poison. I want to hear your reason? Fucking tell me o ako mismo ang papatay sa'yo," walang gatol kong wika sa kanya. Kinakitaan ko naman ng pagkatakot ang mga mata niya ngunit may iba roon. Hindi iyon takot para sa buhay niya. Ibang takot na makikita mo lang sa mata ng mga taong may kinakatakutan na mawala sa kanila.

"Hindi na ako magsasalita pa, Night. Just kill me."

Kinuwelyohan ko siya saka ko siya itinayo at sinuntok ko ang labi niya.

"You know me, Stella. I am the one who trained you. Kilala kita. I know how you think, and if you are fucking thinking na kung ano man itong desisyon na ginawa mo ay para sa mas ikabubuti, then you're wrong. I'll dig for the truth, and once I find the reason and it is exactly as what I expect, I swear, ako na ang papatay sa'yo!" Saka ko inagaw kay Flame ang black card na hawak niya at pinunit ito.

"Night! Anong ginagawa mo---"

"Give her red card instead. I will issue her the black card she deserves once I clarify everything," wika ko kay Flame. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga at sundin ako.

"Masusunod."

"And never issue a fucking black card without my permission," saka ko tinalikuran sina Flame at Poison.

Red cards are for isolation. Ipapadala ang mga nabigyan nito sa lugar kung saan magmimistula itong hindi nag eexist sa mundo.

Kung tama ang hinala ko, hindi totoong si Poison ang nagset up sa akin sa nangyari kay Nigel sa meeting room, maging ang pagpapaulan ng bala. Someone is trying to blackmail her, or maybe, just maybe, Stella is acting in front of me to make me believe that she's not the traitor. There are so many what if's and instances. I need to analyze quickly and thoroughly.

Bumalik ako sa opisina nang hindi ko nagagawa ang totoong isinadya ko sa Phyrric.













"WHERE have you been?" Iyan ang sumalubong sa akin pagdating ko.

"Nagpababa lang ng kinain," sagot ko naman na alam kong hindi niya paniniwalaan.

"Have you gone to the hardware store?" Tanong niya na hindi ko makuha.

"What do you mean hardware store?" Tanong ko naman pabalik sa kanya.

"In the organization. Let's call it hardware store from now on to avoid others from noticing," sagot niya.

"Yeah. May inasikaso lang," tipid kong sagot.

"Are you mad at me?"

"Why would I?" Walang emosyon kong sagot sa kanya.

"I asked you to leave me there with Mr. Madrigal," sagot niya sa akin.

"I'm not, it is now my business anyway."

Bigla na lamang niya akong hinatak at niyakap. "I'm sorry, Aei. I will tell you about it soon."

"Don't bother telling me. I am pretty sure it is none of my business," saka ko siya itinulak palayo sa akin.

"It is definitely your business since you are my girlfriend," kita ko ang sinseridad sa mata niya ngunit mas pinili kong hindi iyon pansinin.

"By the way, Mr. Ricafort. I want to inform you na tuloy ang party ni Mr. Montano this evening, you have to come whether you like it or not." Wika ko sa kanya.

"I'll bring you as my date---"

"Secretary." Pagtatama ko sa kanya na ikinairita niya.

"Can I not have that spot just for tonight? Can I not have that moment where I can tell anyone that I am the proud boyfriend of Aeickel Lavria?" Wika niya sa akin na puno ng pagrereklamo.

I am more than just a girlfriend, Nigel. I am more than that.

"Enough. You choose, I'll join you as your secretary or I will not come at all."

"Is that even a choice?" Ang tinig niya ay alam na alam na iritado na sa sitwasyon.

"Susunduin nalang kita--"

"Treat me as your boyfriend even just for this thing! Hayaan mong ako naman ang sumundo sa'yo," gusto kong matawa sa reaksyon ng mukha niya. Gusto niyang ipagpilitan ang pagiging nobyo niya sa akin.

"Fine, fine. I'll go ahead."

"Can I have---"

"No," this kissing retard wants it. Kitang kita sa mga mata niya.

"Aeickel!" Sa halip na pakinggan pa siya ay lumabas na ako nang may maliit na ngiti sa mga labi.













NAKARATING kami sa venue ng kaarawan ni Mr. Montano. Ang mga mata ng mga kababaihan ay nasa aming dalawa ni Nigel lalo na nang lumakad kami sa pasilyo patungo sa pinakapusod ng selebrasyon.

Nauuna siyang naglalakad sa akin kaya't bahagya akong kinabahan nang binagalan niya ang paglalakad ay sumabay sa akin.

Bigla niyang iniumang ang ulo niya sa tainga ko at bumulong. "You are wearing a suit, but you are way prettier than them."

"Act accordingly," bulong ko din sa kanya ng may pagbabanta.

"I love you," biglaan niyang sabi kaya't bahagya akong napahinto sa paglalakad. Nakita ko naman na may gumuhit na ngiti sa labi niya dahil sa nakita niyang epekto sa akin.

Binati niya si Mr. Montano at nakipag usap dito. Ako naman ay tumungo sa isang bilog na mesa at doon umupo. Wala akong kasamang ibang agent ngayon dahil sa nangyari sa pagitan naming tatlo nila Flame at Poison kaya't mas kailangan kong maging alerto ngayon.

Napapakuha ako sa inumin na mga alak ngunit hindi ko sinasagad ang sarili ko sa inom dahil alam kong nasa misyon pa rin ako kahit pa isa lamang itong kaarawan.

Nagmamasid lang ako nang may lumapit na babae sa akin.

"Hi!" Masayang bati nito sa akin at naupo pa sa tabi ko. Ngumiti lamang ako dito at luminga na muli sa paligid. "I am Rubielyn Alonzo! Only daughter of Victor Alonzo. You are?"

"Aeickel Van Lou, secretary of Mr. Nigel Iñigo Ricafort," pagpapakilala ko din dito.

"Ang gwapo mo naman para sa isang secretary," walang hiya hiya nitong wika sa akin.

"Been hearing that a lot these past few days," I said as I showed my boyish smile.

"Ihhh! Huwag mo 'kong ngitian, kinikilig ako sa'yo," ani nito saka pa tila naiihi sa kilig.

Hindi ako nakasagot dahil nagtama bigla ang mga mata namin ni Nigel at matalim ang mga tingin niya sa akin na animo nais niya akong paulanan ng patalim. Kung nakamamatay lamang ang tingin ay iisipin kong pinaglalamayan na ako ngayon.

Ipinagsawalang bahala ko ang mga tingin niya sa akin at patuloy na nakipag usap dito kay Ms. Alonzo, ngunit bigla na lamang may kamay na naglayo sa akin sa mesa na iyon.

"I said act accordingly!" Pigil na bulong ko sa kanya ngunit wala siyang pakielam sa akin.

Hinatak lang niya ako hanggang sa marating namin ang parking lot kung nasaan ang sasakyan niya.

"Sakay," buo at galit na wika niya.

"Can you calm down--"

"Bullshit! Sinabi ng sumakay ka," biglang binundol ng kaba ang dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya na iyon. Dagdag pa na umaalingasaw ang amoy ng alak mula sa bibig niya.

Napagtitinginan na kami ng iba pang narito sa parking lot kaya't sumakay ako sa passenger's seat at siya naman ang nagmaneho.

"Calm down before you start driving, kung ayaw mong maaksidente tayo," pagpapaalala ko sa kanya na mukhang hindi niya lang lalong nagustuhan.

Inarangkada niya ang sasakyan kaya't napapikit na lamang ako. Nagpipigil ako na magsalita ng hindi maganda at umaksyon ng hindi naaayon. Hindi ko maaaring patulan ang nakainom na 'to.

Huminto ang sasakyan at pagkita ko ay narito kami sa building ng condo niya, at hindi ng sa akin.

"What are we doing here?" Ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip ay bumaba siya ng sasakyan at umikot papunta sa pintuan na kinaroroonan ko ay binuksan iyon.

"Baba," tanging salitang sinabi niya. Sumunod ako at sinundan siya.

Nang nasa loob na kami ng condo niya ay tumuloy siya sa bar counter at doon ay nagsalin ng alak sa may kopita ay mabilis iyong nilagok.

"Hindi ka pa pala nasiyahan sa nainom mo sa party, sana hindi ka pa nagdesisyon na umuwi." Pikon na wika ko sa kanya.

Tinignan niyo ako ng masama na animo nais niya akong saktan.

"Nakakalalake," isang salitang binitawan niya kaya't lalong hindi ko naalis ang mga mata ko sa kanya. "Nakakalalake, wife. Para akong walang kwenta, parang wala akong silbi sa'yo."

"Aalis na ako, ayokong kausapin ka. Mag-aaway lang tayo." Saka ako tumayo mula sa sofa at tumungo sa pintuan ng condo niya.

Ipipihit ko na ang knob nang pigilan niya ako at bigla akong isinandal sa pinto.

"You're making me insane," saka pa siya tumingin sa mga mata ko na animo hinahalukay ang pagkatao ko mula rito.

"Aalis na 'ko--"

"You'll stay or I will make you remember that you're a woman? Choose. Choose wisely."

"You cannot scare me with this threat," saka ako lumusot sa mga kamay niya nasa magkabilang gilid ko upang makawala sa pagkakasandal sa pinto. Tumungo ako sa gilid niya at humalukipkip.

"I ain't joking this time, wife."

"I am not either," saka pa ako nakipagsukatan ng tingin sa kanya.

Tila naman alam niyang hindi niya ako kakayanin sa sukatan ng tingin kaya't nauna na siyang nagbaba ng tingin.

"Nahihirapan ako sa sitwasyon na 'to. Gusto ko lang naman malaman ng lahat na akin ka. I am an only child, I want things just mine alone. Walang kahati. Walang umaagaw."

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Iniangat ko ang ulo niya at pinagtama ang mga mata namin.

"Nigel Iñigo Mendoza-- Ricafort, I am all yours. There's no need for you to be afraid nor scared. After all....

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

I am Mrs. Aeickel Lavria Freezell-- Ricafort. Your wife for almost three years now."

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top