Special Chapter 2 Part 2

A year passed and college na sila. Iba ang university na pinasukan niya at iba rin ang kay Isagani. She chose to get Anthropology dahil gusto niyang maging archaeologist.

Nagsimula naman ang dream na iyon nang siya ang naging reporter ng isang kilalang Filipino myth noong Senior High siya.

It's about a story of a Filipino datu and a Spanish woman falling in love with each other. Hindi niya alam ang mga pangalan ng mga iyon dahil na rin sa ang tagal-tagal nang nangyari iyon at walang written documents. Kaya nga ang raming mga taong hindi naniniwala sa myth na iyon.

She got so interested in uncovering the truth behind that particular myth that she ended up chosing Anthropology for her college degree.

Naging busy siya dahil sa mga requirements at maraming fieldwork na pinapagawa sa kanila ng mga professor nila, ganoon rin si Isagani kaya naman nawalan sila ng oras sa isa't-isa.

Eventually, they decided to split up.

Mahirap ang desisyon na iyon para sa kanila pero talagang kailangan muna nilang maghiwalay dahil unfair sa bawat isa na makulong sa isang relasyong halos hindi na sila magkita at magkausap man lang.

That's when Isagani met Horatia.

Parehas kasi sila ng university kaya naman nagkapalagayan ng loob ang dalawa.

From what she knows, Isagani and Horatia started dating when they're on second year of college hanggang sa makagraduate ang dalawa. They stayed on their relationship kahit may hectic work career habang siya naman ay busy sa masteral degree niya.

Akala nga niya ay sina Isagani at Horatia na ang magkakatuluyan. Masaya naman siya para kay Isagani kung saka-sakaling makasal na ito pero bigla niyang nalaman na naghiwalay ang dalawa.

She immediately comforted him dahil matalik na magkaibigan pa naman sila nito at doon niya nalamang nakipaghiwalay si Horatia dahil sa selos nito.

Kahit pa man kasi na naghiwalay sila ni Isagani ay nag-uusap pa rin naman sila paminsan-minsan. They still comment on each other's social media posts. They still greet each other happy birthday every year. Minsan pa nga ay lumalabas silang dalawa just to catch up with each other.

Hindi naman niya inaasahan na pagseselosan siya ni Horatia ng sobra-sobra up to the point na makikipaghiwalay ito kay Isagani.

But that's what happened and their breakup led her and Isagani to try their relationship once again.

Kaya nga ngayon ay sila na ulit ni Isagani at nasabi nga sa kaniya ng boyfriend niya na kinukulit ito ni Horatia na makipagkita dito dahil sa isang weird dream nito na mag-asawa daw ang dalawa sa nakaraang panahon.

She trusts Isagani naman.

Ok lang sa kaniya na makipagkita ito kay Horatia dahil alam niyang marangal ang lalake at hindi ito gagawa ng kalokohan. Besides, alam rin niyang may napapanaginipan ang boyfriend na katulad ng mga sinasabi ni Horatia. Naikwento na iyon sa kaniya ni Isagani noon.

Maybe talking to Horatia will solve his sleeping problems.

Her thoughts were cutted off when she heard Cherry's voice once again.

"Dra. Analyn, nandito na po si Sir Rodriguez.", ani ng intern niya habang nakadukwang sa pintuan ng lab.

She nodded her head in acknowledgement para malaman nitong susunod na lang siya. Agad naman itong lumabas. Siguro para asikasuhin ang bisita nila.

Mr. Rodriguez is the man who will privately fund their excavation project.

Matagal na siyang naghahanap ng willing na magpondo ng kanilang project pero maraming umayaw.

Ang project kasi na gusto niyang gawin ay ang paghahanap ng artifacts or any remnants na magsasabing totoo ang myth ng pag-iibigan ng isang Filipino datu at isang Spanish woman during the pre-colonial times.

No one wants to fund the project because it's like looking for a needle under a stack of hay.

Maingat niyang binalik ang mga equipments na ginagamit niya kanina bago napagdesisyunang lumabas.

She's the Excavation Director ng project na ito at kailangan niyang makakuha ng great first impression sa taong magpopondo ng dream project niya.

When she got out of the lab, agad siyang dumiretso sa nakatalagang opisina niya.

A tall, almost giant-like guy that is holding her picture frame ang agad na bumungad sa kaniya.

Nakatalikod ito sa kaniya dahil sa nakaharap ito sa isa sa mga cabinet niya na napapatungan ng mga picture frames ng mga taong mahahalaga sa buhay niya.

Pansin niyang ang hawak-hawak ng lalake ay ang picture frame na naglalaman ng picture nila ni Isagani. She can clearly see his knuckles from where she's standing.

She hesitantly cleared her throat to get his attention. Hindi naman siya nabigo dahil unti-unti itong lumingon sa kaniya.

Galit at selos ang agad niyang nakita sa mga mata nito pero biglang naging malamlam nang nakita siya.

She shooked her head inside her mind to shake the weird feeling that she's feeling now.

"Hi Sir Rodriguez. I'm Dra. Analyn Pascual, the assigned excavation director of the project that you will be funding.", pormal niyang sabi habang papalapit dito. She has her hand extended so that she can formally shake his pero bigla siyang nagulat nang hilahin siya nito at halikan.

He roughly kissed her. Ang mga labi nito ay parang naghahanap at may halong pananabik.

Agad siyang nagpanic at pilit na kumakawala sa pagkakayakap nito sa kaniya pero para siyang nakikipag-away sa isang bakal dahil hindi man lang ito naaapektuhan sa mga suntok na ginagawa niya sa dibdib nito.

"God! I miss you, my star.", anas nito bago muling binalikan ang kaniyang labi.

Napatigil siya sa paggalaw nang bigla nitong kagatin ang ibabang labi niya na naging dahilan kung bakit naibuka niya iyon.

Agad naman nitong kinuha ang chance na iyon para laliman ang paghalik nito sa kaniya.

Dahil alam naman niyang wala siyang magagawa kahit pa man magpumiglas siya, hinayaan na lang niya ang lalake hanggang sa tumigil na ito sa paghalik sa kaniya.

Parehas silang naghahabol ng hininga nang pinakawalan siya nito pero kinuha niya ang chance na sampalin ito ng luwagan nito ang hawak sa kaniya.

The slap that she gave him echoed around the enclosed room. Napalingon sa gilid ang ulo nito dahil sa sampal niya kaya naman ang evident jawline nito ang una niyang nakita.

"Trabaho po ang dahilan kung bakit nandito kayo.", galit niyang saad sa lalake. "At may boyfriend na po ako.", dagdag niyang sabi habang humahangos pa sa galit.

She doesn't care if he's the one who will fund her dream project. Wala itong karapatan para bastusin siya ng ganun-ganuon.

Unti-unti itong lumingon sa kaniya.

Agad naman niyang nakita ang sakit at pag-aasam sa mga mata nito.

"I don't care if you already have him.", he said in his deep husky voice. "I could be your boy toy, my star. I'm willing to be in the shadows if it means that I could have you, too.", dagdag nitong saad na nagpalito sa kaniya.

What the hell?!

"You're crazy.", hindi makapaniwalang ani niya bago tinalikuran ang lalake.

Lalabas na sana siya at iiwan ito sa opisina niya pero bigla siya nitong tinawag na nagpatigil sa kaniya.

"Anwar Rodriguez.", malakas na saad nito pero hindi pa rin niya ito nilingon. "Anwar Rodriguez is my name. Remember that Analyn because you'll be seeing me a lot from now on."

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
A/N: Officially na pong tapos ang story nina Analyn at Anwar! Again, maraming salamat po sa pagsuporta! If you want to know the story of Betty and Celso then you can head out to the 3rd book of the "In Her Past" series entitled "My Love In Her Past". 🤗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top