Special Chapter 2 Part 1
A/N: This special chapter is connected to the special chapter of "My Future In Her Past". Second special chapters in both stories are interconnected. If nakalimutan niyo na po ang Special Chapter 2 ng "My Future In Her Past", I suggest reading it again para mas maliwanagan kayo.
P.S. This one happened before the events in "My Future In Her Past" Special Chapter 2.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
ANALYN'S POV
"Doctora Analyn, sigurado po ba kayo na ok lang kayo na iwan ang boyfriend niyo po sa Manila for a few months?", ika ni Cherry sa tabi niya na nagpagulat sa kaniya.
She leaned away from the microscope that she's looking at and glanced towards her intern student.
Aminado siyang talagang tsismosa ang kakagraduate pa lamang na babaeng tinanggap niya bilang intern pero hindi naman siya naiinis dito.
She smiled at her direction and pushed carefully the microscope away from her so that she can propped herself up using her left elbow.
"Bakit mo naman natanong, Cherry?", she asked.
Mukhang nahihiya pa ito dahil nag-aalangang itong sabihin sa kaniya ang dahilan ng tanong nito pero eventually ay nagsalita na rin ang babae.
"Uhmm... kasi po Doctora... diba po naikwento mo na sa akin na kinocontact na naman si Sir.Isagani ng ex niya? Yung Horatia May po? Sure po ba kayo na ok lang sa inyo na maiwan siyang mag-isa sa Manila? Baka po kuning chance iyon ng Horatia May na iyon at sulutin ang boyfriend mo Doctora.", sunod-sunod nitong sabi sa napakabilis na boses. Buti na nga lang ay sanay na siya sa speaking speed nito.
She just shooked her head and chuckled while sliding the microscope back to her. She leaned towards it again and focused on her work.
"Alam mo Cherry... tiwala ang pundasyon ng relasyon. May tiwala ako kay Isagani at alam ko namang wala siyang gagawin behind my back.", ika niya habang nakatingin pa rin sa batong ini-examine niya under the microscope. Mukhang napatigalgal naman ang intern niya dahil hindi na ito muling nagsalita.
Totoo naman talaga ang sinabi niya.
Isagani is actually the definition of a perfect man.
Gentleman ito, mabait, maalaga at may respeto sa babae.
She can still remember their highschool days. Doon sila nagkakilala dahil parehas sila ng school at section.
He's really quiet and shy. Lagi pa itong natutukso na bakla ng mga classmates nila noon dahil hindi ito parehas ng mga iba pa nilang kaklaseng lalake na maiingay at kalokohan lamang ang alam.
Men and their toxic masculinity.
Nakatuon lamang talaga kasi ang atensyon ni Isagani sa pag-aaral at hindi sa mga computer games kaya naman laging inaaway.
But that's the thing that made her fall in love with him at such a young age.
Iba kasi siya kay Isagani.
She's considered perfect by her classmates, as well as her teachers.
Maganda, matalino, mabait at mayaman.
Well-known rin siya sa school nila dahil magaling siyang makibagay sa mga tao.
Everyone loves her but instead of noticing every other guy's effort, her attention would always be caught by the black ruffled hair of a boy sitting at the very first row of their room. Head's downed, book opened and glasses perched on his nose.
Akala niya talaga na wala itong ibang nasa isip kundi libro at pag-aaral kaya naman nang magconfess ito sa kaniya nang mag-Grade 10 na sila ay talagang nagulat siya.
She can still remember it clearly.
He gave her a note saying "Pwede ka bang makausap sa garden mamayang uwian?". The note he gave her was cutted carefully on a construction paper kahit na pwede namang magpilas lang ito ng papel mula sa back page ng notebook nito.
Siya naman biglang naexcited dahil may pakiramdam na siya kung ano ang mangyayari.
Nang magconfess na ito ay natigalgal naman siya.
She wasn't able to answer quickly. Akala naman nito na nirereject niya ito kaya naman aalis sana ito pero bigla siyang sumigaw ng malakas na "OO" bago tumakbo sa hiya.
That's how they started dating.
Lagi silang magkasamang kumain ng lunch. Yung tipong hahatiin nilang dalawa ang mga ulam nila tapos ibibigay sa isa't-isa.
Hinahatid rin siya nito sa may gate ng school nila at kasa-kasama niya kapag naghihintay siya sa driver na sumusundo sa kaniya.
Ito ang cheerleader niya kapag sumasali siya sa mga academic competitions.
Ito ang nagiging errand boy niya kapag may kailangan siyang bagay at nakalimutang bilhin iyon.
He always remember their monthsary.
Yes. Monthsary.
Lagi itong may surprise para sa kaniya tuwing 4th day ng kada buwan.
Nang mag-one year naman sila ay niregaluhan siya nito ng mamahaling necklace. Doon niya lang nalaman na nag-ipon pala ito para mabili iyon.
Sa second anniversary nila ay gusto sana niyang ibigay ang virginity niya dito.
Natakot kasi siyang biglang maghanap ng iba si Isagani dahil sa male needs nito. Narinig niya kasi iyon sa mga naging kaibigan niya. Sabi nila ay dapat daw ibigay para hindi magsawa ang mga boyfriends nila sa kanila.
Kaya naman kahit Grade 12 pa silang dalawa ay napili niyang bumili ng condom. Nakakahiya nga dahil napaka-judgemental ng tingin ng cashier ng Watson na binilhan niya.
She told Isagani during their second anniversary date na handa na siyang gawin 'iyon' kahit na sa totoo ay takot na takot siya pero nabigla naman siya ng inagaw lamang ng lalake ang condom na dala-dala niya at tinapon sa basurahan.
He told her na hindi nito gustong gawin iyon hangga't hindi pa sila kasal. That's when she fully realized that her boyfriend is a very honourable man.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top