Chapter 37

HORATIA'S POV

She secretly glanced towards Analyn while they are all walking together the long hallway.

Siya, si Isagani, Anwar, Danilo, Elisa at ang isa sa nakatatandang kapatid ni Danilo na nagngangalang Zynder ay nakasunod lamang kay Analyn.

They just visited two of Diego's friends. Masaya siyang makita na walang special treatment na natatanggap ang mga ito kahit pa man makapangyarihan ang mga pamilya nito.

Sayang nga at patay na ang dalawa pang kaibigan ni Diego. Ayon kay Zynder ay ang isa sa mga ito ay napatay ng tiyuhin dahil sa away sa lupa habang ang isa ay nabaril habang naglalaro ng majong dahil nahuling nangdadaya ng kalaro nito.

This Zynder guy is really authoritative. Hindi niya alam ang trabaho ng lalake sa panahon nito but he emits this aura that makes you obey him.

Matanong nga kung anong pangalan nito sa panahon na ito. Hindi naman kasi pwedeng gamitin ng lalake ang pangalang Zynder dahil magstastand-out ito. Just like how Xavier names himself Danilo in this time.

Napukaw siya sa iniisip nang tumigil bigla si Analyn.

Napatingin siyang muli dito at nakitang nakatayo na ito sa harapan ng isang pintuang kahoy. Ang numerong nakasulat doon ay ang numero na binigay sa kanila ni Zynder kanina nang magtanong sila kung saan nakakulong si Diego.

She saw Analyn inhaled then exhaled first before deciding to come in. Hinayaan lamang nila ito dahil alam nilang kailangan ng babae na harapin ang mga nanghalay dito. It's the same thing that they did when Analyn saw the other two rapists.

Kataka-takang walang ginawa ang babae sa mga ito.

She didn't slap them.

Tiningnan lamang nito ang mga lalake na parang inaalisa kung ano bang nangyari sa mga ito habang nasa loob ng rehas bago tumalikod at umalis. Akala niya ay iyon rin ang gagawin ni Analyn kay Diego dahil katulad kanina ay pumasok lamang ito sa kulungan at tiningnan si Diego.

She didn't said anything.

Mukhang nagtataka naman si Diego kung bakit ang rami nilang nandoon. Hindi na nga nila sinarado ang pintuan dahil hindi sila kasya sa loob.

Malaki ang pinagbago nito. Pumayat ito at mataas na rin ang balbas. She almost didn't recognized him because of how far he looks from his squeaky-clean look that he always prided himself off.

Diego's face suddenly turned to her direction and then to Isagani. Biglang napalitan ng takot ang mukha nito siguro dahil akala nito na si Isagani ang may pakay sa lalake.

Kaya naman laking gulat nito nang biglang lumapit si Analyn at malakas itong sinampal.

The slap resonates around the stone wall because of the silence.

Napalingon si Diego kay Analyn tapos sa kaniyang muli. Mukhang nagtataka kung sino ba ang babaeng sumampal dito at bakit parang mas malaki ang galit nito kaysa sa kaniya. Nakatayo lamang kasi sila ni Isagani sa may gilid.

Naintindihan naman niya ang pagtataka nito dahil siya si Analyn ngayon habang si Catálina si Analyn. Diego must be so puzzled on who is this woman that slapped him out of nowhere.

She turned her attention to Analyn that is now huffing and is clearly fuming mad. Mukhang lumalabas ang lahat ng sama ng loob nito.

"Pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin.", mahinang sabi nito.

Kauna-unahang beses nitong nagsalita simula nang pumasok sila sa presohan na ito. Kahit pa sa ibang mga kaibigan ni Diego ay wala itong sinabi.

"Si-Sino ka ba?", nagtataka pa ring tanong ni Diego.

"Hindi na mahalaga kung sino ako.", agad na sagot ni Analyn. "Ang mas mainam na tanong na dapat mong itanong ay sino ang asawa ko at kung ano ang kayang gawin niya sa iyo.", dagdag nito sabay talikod at akmang lalabas na sana pero hinawakan ito ni Anwar sa may braso at pinatayo katabi niya.

Si Anwar naman ang lumapit kay Diego kaya naman agad na nagsalapitan rin ang mga lalakeng kasama nila.

Pinangako kasi nila kina Danilo at Zynder na wala silang gagawing masama sa mga nanghalay kay Analyn habang naandito pa ang mga ito sa panahon na ito.

Mukhang naghahanda lamang ang mga ito na pigilan si Anwar kung saka-sakali.

Thankfully, mahinahon lang namang lumapit si Anwar kay Diego.

"Narinig mo ang asawa ko.", paunang sabi ni Anwar habang nakadungo dahil ang laki nito kumpara kay Diego. "Ang dapat mong tanungin ay kung sino ako."

Hindi niya makita ang mukha ni Anwar pero nasisigurado niyang nakakatakot itong tingnan ngayon base sa ekspresyon sa mukha ni Diego.

Para ata itong maiihi.

Ayaw pa sana nitong tanungin si Anwar pero mukhang natakot itong suwayin ang higante kaya naman sa nanginginig na boses ay nagsalita ito.

"Si-Sino ka?", takot na wika ni Diego habang lumilingon sa kanila para ata manghingi ng tulong.

Aba, bahala siya.

Malakas na pinatong ni Anwar ang kamay nito sa balikat ni Diego na takot na nagpatalon sa lalake.

"Ako ang magdadala sa iyo sa impyerno.", mahinang bulong ni Anwar na rinig pa rin naman nilang lahat dahil walang ibang nagsasalita sa kanila.

Tinalikuran na ni Anwar si Diego at nilapitan si Analyn sa tabi niya na mahigpit na palang nakakapit sa braso niya. Bumakat na ata ang palad nito sa balat niya dahil sa ginawa ng babae.

Agad naman itong bumitaw sa kaniya at lumapit sa bana nito.

Niyakap ito ni Anwar at hinalikan sa noo bago iginiya papalabas.

Napalingon naman siya kina Danilo nang bigla itong nagsalita.

"Kuya Zyn, ikaw na ang bahala na magdeliver sa kanila kina Isagani.", ika nito sa nakakatandang kapatid na tumango naman para sa pagsagot.

Napalingon naman siya kay Isagani nang lumapit ito at inakbayan siya.

She knows what he is thinking.

He's happy because it's all over now.

Alam niyang gustong-gusto nitong makaganti kina Diego but Danilo won't let him dahil nga baka mapatay ito ng lalake na maging dahilan para makulong ito.

But with Anwar... hindi na nila kailangang isipin kung naparusahan ba ng tama sina Diego.

Analyn's husband would make sure of that.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

ANALYN'S POV

Naiiyak siyang napayakap kay Horatia habang namamaalam sila ni Anwar.

Kausap ngayon ng bana si Isagani at Danilo habang siya naman ay si Horatia at si Elisa.

Gusto rin niya sanang makita at makausap ang nakababatang kapatid na si Maya pero ang sabi ni Horatia ay pumunta daw ito sa isang malayong bayan matapos ang pangyayari.

"Salamat.", naiiyak niyang ani habang mahigpit pa ring nakayakap kay Horatia. "Salamat dahil minahal mo si Isagani. Hindi na ako mag-aalala sa kalagayan niya dahil alam kong may babaeng totoong nagmamahal sa kaniya."

Napasinghot naman si Horatia bago nagsalita.

"Mag-iingat ka doon. May problema pa kayong kakaharapin ni Anwar. Nandoon pa rin si Rajah Humabon at ang tiyuhin ni Catálina.", nag-aalalang ani nito.

Tinanggal niya ang pagkakayakap sa babae bago ito nginitian.

"Basta kasama ko si Anwar ay kakayanin ko ang lahat.", saad niya sabay lingon kay Anwar na kasalukuyang kasama ng mga bana nina Horatia at Elisa. Sinisigurado kasi ng mga lalake na talagang nakatulog sina Diego. Nilagyan ng sako ang mga ulo ng mga ito para walang makita at ngayon nga'y tulog dahil sa pinainom ni Danilo.

Napangiti siya habang nakatanaw lamang kay Anwar na kausap ngayon ni Isagani. 

Hindi niya lubusang maisip na mangyayari ito sa kaniya.

Makita niya lamang ang magandang samahan ng dalawang lalake ay nagpapataba ng puso niya.

Dalawang lalakeng nasa puso niya.

Isang minahal at isang minamahal.

Siguro nga may rason ang lahat... at kahit bangungot pa rin sa kaniya ang nangyari ay hinding-hindi na niya inaasam na mabago iyon... dahil hindi niya makikilala si Anwar kung hindi iyon nangyari.

Pinahid niya ang tumulong luha mula sa mata niya.

Habang nakatingin siya kay Anwar ay kaya na niyang sabihin sa sarili na hindi na siya takot.

Matapang na siya... at hindi iyon tapang na pilit niyang ginagawa para sa sarili kundi tapang na may halong kumpiyansa.

Marami pa silang haharapin na problema pero isa lang ang alam niya.

Malakas siya basta nandiyan si Anwar sa tabi niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top