Chapter 32
HORATIA'S POV
Kinuwento lahat-lahat ni Isagani ang tungkol sa nalaman nang pumunta sila ni Analyn kina Celso. Ika nito ay ayaw makipag-usap ni Celso sa kanila at ang katiwala na lang nito ang pinagtanungan nila.
Ang sabi ay wala na si Betty at halos hindi na makausap ng maayos si Celso dahil sa nangyari. Gusto pa sanang magtanong ni Isagani pero pilit na daw pinapaalis sila.
"Horatia, tingin ko bumalik na sa hinaharap si Beatrice. Wala naman siyang ibang kilala sa panahong ito kundi ikaw lamang kaya naman tiyak na kung naglayas iyon ay dito siya agad pupunta.", komento ni Isagani habang sinusundan siya papunta sa kusina.
Inabot niya ang lalagyan ng kape pero agad na pinigilan siya ni Isagani kaya naman pinandilatan niya ito ng mata.
Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa jar ng kape at inagaw iyon.
Magtitimpla siya ng kape sa ayaw at sa gusto nito.
Simula kasi ng malaman nilang buntis siya ay pinagbawalan na siya ng asawa na uminom ng kape. Puro na lang gatas, gatas AT gatas ang dapat inumin niya. Kung pwede ngang agahan, tanghalian at hapunan ay iyon ang inumin niya ay gagawin talaga ng lalake.
Now that she's inside Catálina's body, she can drink coffee as much as she wants. Nasa katawan ni Analyn ang baby nila kaya habang hindi pa sila nagpapalit ng katawan ay lulubus-lubusin niya dahil tiyak na hindi na naman siya makakainom ng kape kapag nakabalik na siya sa katawan ni Analyn.
"Naku Isagani! Huwag na huwag mo akong pagbabawalan ngayon! Ilang buwan na akong nag-aasam na makainom ng kape kaya hinding-hindi mo ako mapipigilan ngayon.", inis niyang sabi dito.
Kahit pa man gustong tumutol ay hindi na lang pumalag si Isagani at napakamot na lang sa ulo.
Matapos makapagtimpla at makahigop ng isang lagok ng napakasarap na kape ay lumingon siya sa asawa at tinanong ito.
"Sa tingin mo Isagani... ano kayang nangyari kina Celso at Betty?", nagtataka niyang tanong.
Napabuntung-hininga ito habang iniiwas ang mata sa tasa ng kape na hawak-hawak niya. Mukhang gustong hablutin at ilayo sa kaniya pero napili na lang nitong sagutin siya.
"Sigurado akong si Celso ang may kasalanan. Baka kung anu-ano ang ginawa o sinabi kay Beatrice.", tipid nitong sagot na nagpakunot sa kaniyang noo.
"Teka bakit si Celso ang may kasalanan?", di niya pa rin maintindihang tanong.
"Horatia, nakita ko mismo sa mga mata ni Beatrice na mahal niya ang lalakeng iyon. Hula ko ay baka hindi siya nakayang mahalin ni Celso kaya iniwan.", pagdedepensa nito kay Betty pero kilala niya si Betty dahil nga parehas silang sa America nag-aral. Aba't partners in crime silang dalawa noon. Alam niya kung ano ang ugali ni Betty pagdating sa lalake.
"Isagani, hindi mo kasi kilala si Betty ng matagal.", pagsisimula naman niyang magpaliwanag. "Si Betty kasi... disposable para sa kaniya ang mga lalake. Teka. Hindi mo nga pala alam kung ano ang disposable.", agad niyang pinaliwanag ang ibig sabihin niya. "Disposable... iyon yung mga bagay na isahang gamitan lang tapos maitatapon mo na agad. Ganoon ang tingin ni Betty sa mga lalake. Hindi pa nga iyon nagkakanobyo. MU pwede pa pero karelasyon? Naku! Hindi niya alam ang salitang iyon!", dagdag niyang palatak.
Kilalang-kilala na niya si Betty. Mas marami pa itong alam kaysa sa kaniya tungkol sa makamundong bagay. Ito pa nga ang nagturo sa kaniya ng mga bagay na dapat malaman niya tungkol sa sex. Ito ang nagturo sa kaniya kung paano gumamit ng condoms at pills. Ito ang nag-uudyok sa kaniyang makipagblind-dates at ito rin ang nagiging alibi niya sa mga magulang kapag gabi na siyang nakakauwi galing sa pagpaparty.
Kung kapritso nila ni Betty ang tatanungin ay talagang aabutin ng buong gabi ang kwentuhan.
Ayaw naman niyang husgahan ang kaibigan pero talagang parang imposible kung sasabihin na kaya pala nitong mainlove.
Nakilala niya ang ibang mga naka-MU nito and let me tell you, napakaperpekto ng mga nadate ni Betty. Yung mga tipo ng lalake na pwedeng-pwede mong dalhin sa mga magulang mo at ipakilala bilang boyfriend na hindi mo ikakahiya.
Despite all those perfect gentlemen that Betty dated ay wala talagang nakarelasyon ang babae sa mga ito.
Comparing Celso to those almost perfect guys na naissue with Betty ay talagang ang hirap maimagine na ito ang makakakuha ng damdamin ng babae.
Hindi naman sa minamaliit niya si Celso dahil kung mukha naman ang pag-uusapan ay may maibubuga ito pero napakasimple kasi ng lalake.
Hindi iyon ang mga type ni Betty.
Betty is more of a showy and wild type of girl. Ito ang tipo ng babae na hindi gustong magsettle at magkapamilya.
Celso, on the other hand, looks like a family guy. Yung tipo ng lalake na bagay na bagay na maging ama.
Napabuntung-hininga na lamang siya at uminom ulit ng isang lagok ng kape bago nagsalita. "Ganito na lang, Isagani. Kapag nakabalik na sina Anwar at Analyn sa panahon na pinanggalingan nila ay puntahan nating dalawa si Celso. Ako ang kakausap sa kaniya."
Mahina na lang itong napatango bago biglang inagaw ang baso niya.
"Tama na iyan. Marami ka ng nainom na kape.", saad nito sabay layo sa baso niya.
Agad siyang nagprotesta at para silang mga batang naghabulan sa kusina dahil lang sa kape.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
ANALYN'S POV
Sinundan niya ng tingin sina Isagani at Horatia habang papunta ang mga ito sa loob ng bahay ngunit agad na pinaharap siya ni Anwar dito.
"Huwag mo siyang titigan.", inis nitong sabi na nagkuha ng atensyon niya.
Nagtataka siyang tumingin dito pero ang una niyang nakita ay ang nakakunot na noo nito. Doon niya napagtanto na si Isagani pala ang ibig sabihin nito.
Napangiti siya dahil sa pagseselos nito kaya naman niyakap niya ito. Pinalibot rin naman ni Anwar ang mga kamay nito sa kaniyang bewang kahit na mahirap.
Siguro ay nasanay na siya sa katawan ni Catálina dahil naninibago pa siya.
Ang liit nga pala niya.
Kung noon ay kapantay niya ang leeg nito bilang si Catálina, ngayon naman ay hanggang sa dibdib na lang siya ng lalake.
Hinahaplos nito ang buhok niya habang nagsasalita, "May ginawa ba siyang masama sa iyo? Sabi ng babaylan ay pinaiyak ka daw ng put*ng-inang iyon.", mahihimigan ng galit ang boses nito.
Umiling-iling siya at mahinang pinitik ang labi nito.
"Masama pong magmura.", kunyaring galit niyang sabi dito na nagpatawa lamang kay Anwar.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya at itinuon naman ang paghaplos sa kaliwang pisngi niya.
"Ang ganda mo.", puri nito sa kaniya habang tinititigan siya ng may pagmamahal.
Ito ang unang beses na nakita ni Anwar ang totoo niyang mukha kaya naman aaminin niyang kinabahan talaga siya ngunit nang makita niya ang paghanga sa mga mata nito ay agad na naglaho ang kaba niya.
"Isang araw lang tayong hindi nagkita tapos nagkaganiyan ka na.", nanloloko niyang ani habang tumatawa ng mahina.
"Anong isang araw?", taka nitong tanong. "Isang buwan ang hinintay ko para makapunta dito."
Isang buwan?
Nagtaka siya ngunit agad niyang napagtanto na iba nga pala ang oras nila.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan nila habang nagtititigan lamang sila.
Para silang may sariling mundo.
"Mahal ki-"
"Mahal ki-"
Sabay nilang sabi kaya naman sabay rin silang napahinto.
Napangiti silang dalawa dahil alam nila kung ano ang gustong sabihin ng isa't-isa.
"Analyn.", tawag ni Anwar sa kaniya habang malamlam na nakatitig sa kaniya. "Mahal na mahal kita. Alam ko na ang layo ko kumpara sa unang asawa mo pero pangako ko na hindi ka magsisisi kung ako ang pipiliin mo."
Mas lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi nito.
"Sino ba namang nagsabi na dapat maging si Isagani ka para mahalin kita?", natatawang naiiyak niyang tanong dito. "Si Anwar na mainitin ang ulo pero masarap magmahal ang hinahanap-hanap ko at hindi si Isagani.", dagdag niyang saad na nagpasaya sa lalake.
Alam niyang parang ang bilis ng pangyayari.
Ilang buwan pa lamang naman silang magkakilala pero minahal na niya ito.
Masungit. Mainitin ang ulo. Iyan si Anwar.
Malayong-malayo sa ugali ni Isagani ngunit ito rin ang mga bagay na naging dahilan kung bakit niya ito minahal.
Hindi siya makapaniwala.
Parang noon ay isuka na siya ng lalake pero ngayon nga ay hindi na ito mapakali kung wala siya.
Talaga ngang hindi sukatan ang bilang ng araw, buwan o taon ng pagkakakilala sa isang tao pagdating sa pagmamahal.
Nasa dalawang tao na iyon ang mismong dahilan kung bakit sila magmamahalan.
Pinunasan nito ang tumulong luha mula sa kaniyang mga mata.
"Gusto mo bang dito tayo sa panahon mo manirahan?", tanong nito sa kaniya na para bang kung ano ang gusto niya ay iyon ay mahalaga. "Pwede tayong lumipat dito kung mas nais mo dito. Hindi na tayo masusundan ni Rajah Humabon."
Matindi siyang umiling sa suhestiyon nito.
"Anwar, sawa na akong tumakas mula sa mga problema. Sawa na akong matakot. Sawa na akong maging mahina.", pagtanggi niya. "Hindi naman natin pwedeng takasan ang problema sa panahon mo. Basta naman magkasama tayo ay makakaya naman natin, diba?"
Malamlam lang siyang tiningnan ng lalake bago hinalikan sa noo.
"Kung ano ang gusto mo, iyon ang susundin ko.", tipid na sabi ni Anwar habang pinapatakan ng mumunting halik ang kaniyang noo.
Nasa noo lang ito humahalik kanina pero bumaba hanggang sa pisngi at ngayon nga ay sa kaniyang leeg.
Pipigilan na sana niya ito dahil sa parang naka-angat na siya sa lupa dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya at dahil rin sa hindi na niya ito katawan. Kay Horatia na ito kaya dapat maghunus-dili sila ni Anwar sa ginagawa.
Mukha namang naramdaman nito ang pagpupumiglas niya kaya naman tumigil ito sa paghalik sa kaniyang leeg at agad-agad siyang hinila papasok ng bahay habang sumisigaw. "Horatia! Magpalit na kayo ng katawan!"
"Umiinom pa ako ng kape!", rinig niyang sigaw pabalik ni Horatia galing sa kusina.
Pumunta sila ni Anwar doon at nadatnan ang dalawa na naghahabulan.
Papaiyak na si Horatia habang si Isagani naman ay may hawak-hawak na baso at akmang itatapon na ang lamang kape nito sa lababo.
Biglang umupo sa sahig si Horatia at parang batang nagpapadyak habang umiiyak. "Isagani! Akin na ang kape ko!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top