Chapter 21
"Catálina, itaas mo muna ang kamay mo.", mahinang ani ni Lola Anada sa kaniya habang pinapaliguan siya nito sa isang bukal.
"Ako na lang po ang maglilinis ng katawan ko, Lola Anada.", hiyang ani niya habang tinatakpan pa ang nakalantad niyang dibdib.
"Hindi maaari Catálina.", pagtanggi nito sa protesta niya at ang matanda na mismo ang nagtaas ng kaniyang kamay para malugod nito ang bandang kili-kili niya. "Nasa kultura namin na dapat paliguan ng kaniyang Ina ang isang babae sa huling pagkakataon bago ito ibigay sa magiging asawa nito. Nagsisimbolo ito ng huling pagkakataon na maaaring maalagaan ng isang Ina ang kaniyang anak dahil kapag kasal ka na ay ikaw na ang magiging Ina."
Hindi na siya muling nagprotesta dahil sa sinabi ng matanda. Hinayaan na lang niya itong linisan ang kaniyang katawan. Silang dalawa lang naman ang nasa bukal na ito kaya wala siyang dapat ikahiya.
"Salamat po.", mahina niyang ani.
"Para saan naman?", nagtatakang tanong ng matanda habang pumepwesto sa kaniyang likuran para malugod iyon.
"Sa pagiging Ina po sa akin kahit sa ilang linggo pong paglalagi ko sa pangangalaga niyo po.", sagot niya. "Hindi ko po kasi naranasan na magkaroon ng mapag-alagang magulang kaya malaking bagay na po ito sa akin."
Hindi sumagot ang matanda pero alam niyang narinig siya nito dahil napatigil ito sa paglulugod sa kaniya.
Hinaplos ng matanda ang kaniyang mahabang buhok bago nagwika, "Nakakalungkot ang katotohanang may mga magulang na walang pakialam sa kanilang anak ngunit sana ay gamitin mo ang karanasan mo sa mga magulang mo bilang gabay sa kung anong klaseng Ina ang gusto mong maging."
Napatahimik siya dahil sa sinabi nito.
"May kasabihan kami na kung ano ang puno siya rin ang bunga.", pagpapatuloy ni Lola Anada sa pagsasalita. "Hindi ako naniniwala doon dahil para sa akin, may tiyansa pa ring maging mabuti ang isang anak kahit ang kaniyang mga magulang ay hindi. Huwag mong hahayaan na matulad ka sa mga magulang mo. Isulat mo ang kapalaran mo nang hindi dinidiktahan ng kung sino o ng kung ano."
Maluha-luha siyang napatango.
"Ti-tingin niyo po ba magiging mabuting asawa at ina ako?", nag-aalangan niyang tanong muli sa matanda.
"Oo naman.", positibong sagot ng matanda habang sinusuklay pa rin ang kaniyang buhok. "Magtiwala ka lang kay Datu Anwar. Mag-usap kayong dalawa at makakaya niyo ang lahat ng pagsubok."
"Matagal na po ba niyong kilala si Anwar?", kuryoso niyang tanong habang humaharap sa matanda.
Napatigil sa pagsuklay ng kaniyang buhok ang matanda dahil sa kaniyang ginawa.
"Matagal-tagal na rin.", sagot nito habang parang nagtatanaw-balik sa mga alaala nito. "Isa akong aliping saguiguilid ni Datu Dalapati noon. Pinangbayad ako ng mga magulang ko sa utang nila kaya naman sa murang edad ay naging alipin na ako. Nang pinanganak si Datu Anwar ay ako ang naatasang magbantay sa kaniya hanggang sa siya ay lumaki at nagka-isip. Kaya't masasabi mong parang ako na ang nagpalaki sa kaniya."
Bumuntung-hininga muna ang matanda bago nagpatuloy.
"Umalis siya sa tribo nang nagbinata na siya dahil ayaw niyang manahin ang posisyon ng kaniyang Ama. Masyado kasing kilala at minamahal si Datu Dalapati kaya naman nabibigatan si Datu Anwar sa responsibilidad ng pagiging tagapagmana ni Datu Dalapati. Naging mandirigma siya ni Datu Lapu Lapu at dahil sa angking katapangan at lakas ay naging isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Datu Lapu Lapu.", ngiting saad ng matanda na makikitaan ng pagmamalaki sa lalakeng inalagaan nito simula pagkabata.
"Nang masiguradong maayos na ang posisyon niya sa tribo ni Datu Lapu Lapu ay binalikan niya ako sa tribo ng ama nito at kinuha. At nang ibigay ni Datu Lapu Lapu ang kapiraso ng lupain nito kay Datu Anwar ay dinala rin niya ako dito at siniguradong maayos na ang aking buhay.", pagpapatuloy nito sa pagkwekwento.
Napapangiti siya habang nakikinig kay Lola Anada.
Ngumiti pabalik ang matanda sa kaniya bago hinaplos ang kaniyang pisngi.
"Kaya huwag kang mag-alala Catálina. Hindi ka pababayaan ni Datu Anwar.", pagpapalakas nito ng loob niya.
Mas lumaki ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa sinabi nito.
"Kailangan ko ng matapos ang pagpapaligo sayo dahil ilang linggo na ring hindi makapaghintay ang asawa mo. Aba't kung hindi ko pa pinagalitan ay gagawin niyang isang linggo lamang ang selebrasyon ng kasal niyo dahil hindi daw siya makatulog ng hindi ka kayakap!", tawang pag-iiba ni Lola Anada sa pinag-uusapan nila.
Naikwento na ng matanda sa kaniya ang tungkol sa selebrasyon.
Ayon kay Lola Anada ay dapat ilang buwan ang itatagal ng selebrasyon pagkatapos ng kasal nila ni Anwar. Iyon pala ang ibig sabihin ng lalake nang sabihin nito sa kaniya na isang buwan pa ang itatagal ng seremonyas.
Kaysa isang buwan na malimit tinatagal ng kasal ay ginawang dalawang linggo lamang ni Anwar.
Ang sabi ng matanda ay isang linggo lang ang gusto ni Anwar ngunit pinagalitan nito ang lalake dahil isa pa ring Datu si Anwar at dapat ipakita nito ang karangyaan sa pamamagitan ng kasal nila.
Kahit siya ay aamining natagalan siya sa dalawang linggong tinagal ng selebrasyon.
Ngayon nga ang unang gabi na magsasama sila ni Anwar matapos silang makasal.
Kailangan daw na paliguan siya ni Lola Anada bago ihatid kay Anwar dahil na rin kaugalian ng mga ito iyon.
Umahon na sila ni Lola Anada at pinapatuyo nito ang kaniyang katawan.
Matapos iyon ay niyaya na siya ng matanda na umuwi na at bibihisan pa siya nito.
Kinakabahan siya.
Parang tatalon ang puso niya mula sa kaniyang dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito.
Ganoon ang nararamdaman niya mula nang matapos siyang bihisan hanggang sa inihahatid na siya ni Lola Anada sa bahay ni Anwar.
Nakasakay sila sa may kawayang nakapatong sa mga balikat ng mga mandirigma ni Anwar.
Mas dumoble ang tibok ng puso niya nang matanaw niya ang pigura ng lalake na nakatayo sa harapan ng magara nitong bahay na punong-puno ng ginto na paniguradong naghihintay sa kanilang pagdating.
Nagtama ang mata nila at parang may apoy na tumupok sa katawan niya.
Ang mga mata nito ay puno ng pagnanasa.
Pagnanasa ng isang lalake sa asawa nito.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
QUICK FACTS:
Aliping namamahay - ito po yung mga slaves na may sariling pag-aari. Usually mga commoners lang po sila na kailangang magbayad ng percentage ng ani nila sa kanilang amo.
Aliping Sagigilid/ Saguiguilid - lower class slaves po sila. They don't have any property. Nasa amo nila sila nakatira at walang sariling bahay. Kung gusto nilang mag-asawa ay dapat silang humingi ng permiso sa kanilang amo. (Female slaves though usually weren't given the priviledge to marry)
Slaves could be either captives of war or mga taong hindi nakapagbayad ng utang sa isang maharlika.
Author's Note: Naisulat ko na po yung next chapter pero binasa ko siya ulit kasi iniedit ko po at napansin kong parang napakadetailed ata ng s*x scene na naisulat ko kaya ieedit ko po muna ulit at para atang nasobrahan ang imagination ko. XD I'll try finishing it tonight pero if hindi ko matapos ay bukas ko na lang po ipopost. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top