Chapter 13
Tahimik lamang silang dalawa habang nakasakay sa kabayo. Tanging ang tunog lamang ng mga yapak ng kabayo nila at huni ng mga ibon ang maririnig. Malayo-layo na ang narating nila ngunit ni isa sa kanilang dalawa ay walang gustong magsalita.
Galit at nanghihinayang man siya kay Anwar ay hindi niya naman maiwasang malungkot para sa lalake.
Alam niyang nagdadalamhati ito ngunit pilit nitong pinapatatag ang sarili.
Gusto niyang komportahin ito.
Gusto niyang maramdaman ng lalake na nandito lang siya sa tabi nito.
Unti-unti niyang hinilig ang kaniyang ulo sa may dibdib nito. Ramdam niya ang biglaang pagtigas ng katawan nito sa gulat ngunit agad itong kumalma at pinatong ang baba nito sa tuktok ng ulo niya. Mas humigpit naman ang yakap nito sa kaniya.
"Hindi masamang umiyak.", bigla niyang ani na pumutol sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Hindi masamang maglahad ng nararamdaman sa ibang tao.", dagdag niya.
Hinintay niyang sagutin siya ni Anwar ngunit tahimik lamang ito kaya naman nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita.
"Hindi ako si Catálina.", ani niya dito na nagpatigas muli sa katawan ng lalake.
Bago pa mag-isip nang kung ano-ano ang lalake ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita.
"Ako si Analyn Santos Garcia.", pagsisimula niya. "Nanggaling ako sa taong isang libo't walong daan at walongput pito.", dagdag niya.
"A-ano...", di makapaniwalang sabi ni Anwar ngunit pinutol niya ang sasabihin nito.
"Noong ikalabing anim na kaarawan ko ay hinalay ako ng limang lalake. Isa sa mga iyon ay ang mapapangasawa ng kapatid ko.", kwento niya at bigla niyang naramdaman ang panginginig ni Anwar. Mukhang dahil sa galit.
Nakita niya ang nakakumo nitong kamao kaya naman hinawakan niya ito at hinaplos-haplos para huminahon.
"Pinakatangang desisyon ko sa buhay ko ay ang hindi pagtitiwala sa mga tao sa paligid ko. Akala ko huhusgahan nila ako. Akala ko ay itatakwil nila ako. Ngayon... naiintindihan ko na ang lahat. Naging duwag ako. Kung nagtiwala lang sana ako sa mga taong malalapit sa akin ay sana hindi ako mag-isang nakipaglaban sa problema ko. Minsan nakakatakot na magsabi ng totoong damdamin natin. Kasi akala natin ay iisipin ng mga tao na mahina tayo o katawa-tawa.", pag-amin niya dito.
"Anwar... hindi kahinaan ang umiyak. Kadalasan ay kailangan talaga natin ng taong masasandalan natin at taong magsasabi sa atin na 'Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako.'.",pagpapatuloy niya.
"Lahat ng mga sinabi ko sa iyo ngayon ay hindi ko nakayang sabihin sa asawa ko... Dahil takot ako. Takot na husgahan. Takot na pandirian. Kung sana naging matapang lang ako... Kung sana nagtiwala lang ako...", hindi niya natapos ang sasabihin dahil kumawala na ang mahinang hikbi mula sa kaniyang bibig.
Mas humigpit ang yakap ni Anwar sa kaniya at inalo siya nito.
"Shh...", alo nito sa kaniya. "Hindi ka dapat pandirihan. Ang mga hayop na humalay sa iyo ang dapat binibitay ng patiwarik at pinapahirapan bago patayin.", galit nitong dagdag.
"Pinapaniwalaan mo ba ako?", tanong niya dito dahil hindi niya inaasahan na ganoon siya kadali nitong paniniwalaan.
"Hindi lubusan. Pero yung mga iyak mo... hindi iyan pwedeng mapeke. Ikaw man si Analyn o si Catálina... walang taong dapat makaranas ng kasuka-sukang bagay na iyan.", sagot nito na nakapagpasaya ng lubusan sa kaniya. Malaking bagay na ang pakikinig nito sa mga inamin niya. Hindi niya inaasahan na makikinig ang lalake ngunit mukhang hinusgahan niya ito kaagad.
Sa tatlong araw ng paglalakbay nila ay wala itong ibang ginawa kundi magtanong ng magtanong tungkol sa panahon niya. Hindi niya lang talaga masagot ang tanong nito tungkol sa pagpapaalis sa mga Kastila sa lupain nito.
Ayaw niyang makita ang magiging reaksyon nito kung malaman ng lalake na masasakop pa rin sila ng mga Kastila kaya umiiwas siyang pag-usapan iyon.
Kalaunan ay pinaniwalaan na siya nito. Nakatulong ang paglalahad niya ng mga bagay-bagay na naimbento sa panahon niya. Mahirap ipaliwanag kay Anwar ngunit sinikap niyang maayos na masabi ito sa lalake.
Naikwento rin niya dito ang asawa niyang si Isagani.
Hindi niya alam kung galit ba ito pero laging nakakunot ang noo nito tuwing nababanggit niya ang pangalan ng asawa.
Gusto niyang isipin na nagseselos ito pero ayaw naman niyang umasang muli.
Sa ikaapat na araw ng paglalakbay nila simula nang makita nila ang mga patay na katawan ng mga kasamahan nila ay biglang umulan ng malakas.
Agad-agad silang naghanap ng masisilungan at sa hindi inaasahan ay nakakita sila ng maliit na payag na mukhang abandonadong bahay.
Nang masigurado ni Anwar na naitali nito ang kabayo sa puno na nasa likod ng bahay ay sabay silang pumasok doon habang dala-dala ang mga basang gamit.
Nanginginig niyang inikot ng tingin ang bahay.
Hindi naman kalakihan ang bahay at halos wala ng kagamitan na makikita ngunit mainam na iyon kaysa nakasilong lang sila sa mga puno na tiyak na matatalsikan pa rin sila ng ulan dahil sa lakas ng hangin.
Nabigla siya nang dumako ang kaniyang mata sa direksyon ni Anwar at nakitang nakahubad na ito at kasalukuyang binibitay ang basang damit sa may nakausling kawayan sa gilid ng bahay.
Agad-agad siyang tumalikod dahil kita niya ang pwetan nito.
"Anwar! Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi natural na bagay sa panahon ko ang paghuhubad sa harapan ng ibang tao!", bigla niyang sigaw dahil mukhang nakalimutan ng lalake ang napag-usapan nila noon.
Kinuwento niya kasi dito noon ang tungkol sa mga sinusuot nila sa panahon niya.
Simula nang umamin siya dito na siya si Analyn ay naging mas malapit na sila ng lalake. Hindi pa rin ito palangiti ngunit nakikipag-usap na ito sa kaniya. Malaking bagay na iyon dahil hindi ito nakikipag-usap sa kaniya noon nung hindi pa nila natutuklasan na patay na ang mga kasamahan nila.
Nanindig ang balahibo niya nang maramdaman ang presensya nito sa likod niya at nilapit ang bibig sa kaniyang tenga.
"Basa iyang mga damit mo Analyn. Baka lamigin ka.", bulong nito sa kaniya na nagpakabog ng mabilis sa kaniyang puso.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
A/N: Pasyensya na po if masyadong fast-paced ang story. Hanggang 30 Chapters lang po kasi ito eh. 😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top