Chapter 3
Chapter 3: Hold up
"MA OKAY ka lang ba talaga? 'Wag ka na kayang pumasok muna sa trabaho? Maiintindihan naman iyon ni Manang Armenia," alalang wika ko.
Napaubo ulit siya. "I'm okay, anak. Nakahihiya naman kay manang, kebago-bago ko pa lang a-absent agad. Isang linggo pa lang ang pinasok ko." Kinuha niya ang tuwalya at naglakad papasok sa cr kaya napasunod ako.
"Ma, may sakit ka naman kase. Alam kong maiintindihan niya 'yon. Mabait si manang at nakaiintindi," pagpapaintindi ko sa kaniya.
Pumasok pa rin siya sa cr at naligo, hindi inintindi ang mga sinasabi ko.
Ilang ubo pa at singa ng sipon ang narinig ko sa loob habang naliligo siya. Nang matapos siya ay agad ko siyang kinumbinsi.
"Ma, nag-text na ako kay Manang Armenia na hindi ka na makakapasok kase may sakit ka. Oh tingnan mo ang sagot niya."
Nilahad ko ang cellphone at pinakita ang message ni manang.
"Hindi mo talaga ako tatantanan, 'no?" sumusukong aniya at napapailing.
It left her no choice but to stay home. Wala siyang magagawa kapag ako na ang nagsabi. Tagumpay akong napangiti at nagpaalam na kay mama.
"Don't be too stubborn, ma. Rest here, okay? Huwag ng maglaba o kung ano pa. Ako na mamaya ang bibili ng gamot mo. Magpahinga ha?" I kissed her cheek before I leave the house.
Dala ang pag-aalala sa balikat dahil mag-isa si mama sa bahay ay halos magkamali ako sa iilang sukli sa costumer. May iba pang sinisigawan ako at tinatawag na bobo pero hindi ko iyon pinansin.
I'm used to it anyway. Everyday is a tough battle but I know I can get over it. I'm no longer a princess, waiting to be served and get dressed.
"Ang kapal talaga ng pagmumukha," komento ng isang ale na hindi ko naman kilala.
I gave her a fake smile. Naiinis niya na lang na nilisan ang karinderya matapos kong ibigay ang order niya.
Naging mabilis ang oras at uwian na. Malimit ko ring chini-check kung pupunta si Tristo pero hindi ko siya nakita. Siguro ay maraming ginagawa iyon kaya hindi napapadaan dito.
These past few days, little by little, I'm getting to know more about Tristo. Amidst his busy schedule, he never failed to visit here.
A friendship blossom between us. Tristo is actually nice and kind. Hindi siya tulad ng ibang lalaki na mararamdaman ko talaga na may ibang motibo. He's genuine and transparent.
Hindi rin ako makapaniwala na may ganoon pa lang tao na nabubuhay sa mundo.
I don't trust people easily, maybe because of what I have suffered, however, Tristo is an exception.
"Ito 'yong sahod ng mama mo, Shelsea at ito naman 'yong sa'yo." Inabot ni manag ang sweldo namin ni mama at pansin ko na sobra ang sa 'kin.
"Naku, manang, sobra naman po ito."
Pinigilan niya ang kamay ko. "D'yan na. Sa'yo 'yan. Ibili mo ng gamot ng mama mo, saka, bumili ka na rin ng vitamins, tingnan mo ang katawan mo, namamayat ka na," alalang aniya.
"Maraming salamat po talaga, manang. Uuwi na po ako at bibili ng gamot ni mama. Maraming salamat po."
"Oh s'ya sige na. Ito ang ulam niyo. Tinirhan ko kayo kanina ng nilagang baboy. May gulay rin akong sinama r'yan. Kumain ka, Shelsea. Naku, oo."
Matamis akong napangiti. "Maraming salamat, manang mauuna na ako."
Tinungo ko agad ang malapit na botika at nilagay sa maliit na bag na nakasukbit sa balikat ang gamot na nabili at ang natitirang pera.
I calmly walked at the street as I clutched the sling bag tightly. The wind blows its cold breeze that brings a tingling sensation all over my body. I pulled the worn jacket that I buy in a thrift store to warm me. As I hurried through the quite street, the light coming from an old streetlight flickered.
Mabibilis na mga hakbang ang ginawa ko sa lamig ng gabi ngunit kalauna'y may napansin akong nakasunod na dalawang lalaki. Paglingon ko ay bigla silang huminto at tila nag-uusap.
Dinalahik ng kaba ang buo kong sistema at pinagpasyahang tumakbo na lang pero kalagitnaan pa lang ng madilim na parte ng eskinita ay may isang bulto ng katawan ang humarang sa daraanan ko. Tatakbo na sana ako pabalik pero hinarangan ako ulit ng kaninang sumusunod sa 'kin. Mukhang ginamit ng isang lalaki amg shortcut sa gawing ito para maharangan ako.
"Ibigay mo sa 'min ang pera at cellphone mo!" isang malalim na boses ang pumailanlang. Bigla kong namataan ang kutsilyong hawak niya na nakatutok sa 'kin.
Panic began to surged through my veins, my instict says I need to run but where? If I took the chance to run, they will catch me immediately and worst they will kill me.
Dalawa sila at nag-iisa lang ako, anong panama ng isang babae sa dalawang 'to?
"Manong, please po, kailangan ko po ang perang 'to. Ibibili ko pa po ito ng gamot ng mama ko," nagsusumamong sambit ko.
Hindi nila ako pinakinghan at walang habas na inagaw ang bag na dala ngunit nagmatigas ako.
"Parang awa niyo na ho," I pleaded.
"Wala kaming pakialam!" inis na sigaw niya.
Mahigpit ang yakap ko sa sling bag na dala pero mas malakas na hinaklit ng isa pang kasama niya ang bag at tinulak ako nang pwersahan na naging dahilan para lumuwag ang pagkakahawak ko roon.
I braced myself for the impact but minutes had passed, I didn't feel anything. I felt the warmth of someone's breath around my nape as he supported me not to stumbled on the ground.
He positioned me behind his back, protecting me from these mugger. He swiftly moved that I'm not able to track it down, all I know, these mugger was on the floor.
Natalo niya ang dalawang magnanakaw at paika-ikang nagsitakbuhan palayo sa takot na baka makulong sila sa nagawa.
Nang bumaling siya sa sa'kin ay laking gulat ko na si Tristo pala iyon. Biglang may sumipa sa dibdib ko at hindi alam kung ano ang gagawin.
"Are you okay?" alalang tanong niya at sinipat ang kabuuan ko.
His gentle touched sends an electrifying sensation all around my body. My heart feels like it will explode.
"A-Ano. . . I-I-I'm okay," I stuttered, unable to say a whole word.
"Are you sure?" paninigurado niya. "Wala ka bang sugat? Anong nakuha nila?" sunod-sunod na aniya.
"W-wala naman. Nandito pa ang pera ko at ang bag na naglalaman ng gamot ni mama."
"Gamot? Is your mother sick?" Napatango ako. "Ihahatid na kita, tara. Ah, wait—anong gamot ba ang binili mo?"
Kinuha ko sa sling bag ang gamot at pinakita iyon sa kaniya. Hinila na lang niya ako bigla at natagpuan ko na lang ang sarili na nakadiposito na sa passenger's seat
"Here. Mabuti na na lang at marami akong dinalang gamot kanina at hindi ko nabigay lahat. Maybe that's why something saying in the back of my mind that I will keep this."
Inabot niya ang isang kahong gamot at ilang box ng vitamins.
"Ang dami naman neto. Sure ka na sa 'kin lahat ng 'to?" takang tanong ko.
"Of course. You need this, right? Halika na at ihahatid na kita. Your mom needs medicine."
"Thank you," I sincerely said.
Napagmasdan ko ng maigi ang mukha niya dahil sa ilaw na nasa loob ng kotse niya.
He has a thick brows, long ang curve eyelashes and what I really like the most is his deep brown eyes.
Naging mabilis ang byahe at nahihiyang bumaba ako sa kotse niya. Pansin ko ang pagmamasid niya sa paligid at sa titig na titig sa bahay namin.
"Bahay niyo?"
I nodded.
Tagpi-tagpi man ang bahay na tinutuluyan namin ay kumportable naman kaming mamuhay sa ganoong lugar.
Wala akong narinig mula sa kaniya at sumunod lang ito sa 'kin.
Agad na sumalubong si nanay matapos na mamataan kami.
"Magandang gabi po, tita," magalang na bati niya.
Mom smiled and looked at me, giving a teasing look.
"Magandang gabi, iho."
Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi ko 'yon pinakita kay Tristo.
"Ma, si Tristo, kaibigan ko po," pakilala ko.
Agad na nakipagkamay si Tristo kay mama pero hindi pa rin nawawala ang mapagtuksong tingin ni mama.
"Ma! Tigilan mo 'yan!" mahinang bulong ko at ngumiti kay Tristo ng bumaling 'to sa gawi ko.
Binigay ko ang gamot ni mama at hindi ko rin inaasahan na magbibigay siya ng pera. Hindi ko pinilit na ibalik iyon dahil alam kong malaking tulong ang magagwa ng sampung-libong binigay niya. Nakahihiya man ay nilunok ko ang pride para sa 'min ni mama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top