Chapter 2

Chapter 2: Dagok






ISANG hagulhol agad ang bumungad sa 'kin nang makapasok sa mumunti naming bahay. Agad na dinalahik ng kaba ang buo kong sistema at marahas na binuksan ang sirang pintuan ng bahay.

"Ma?" tawag ko ng hindi ko siya makita sa kusina.

Tinungo ko agad ang kwarto niya at doon ko siya nadatnang nakayukyok sa kama habang nakasalampak sa kahoy na sahig.

Mabilis kong dinaluhan si mama. "Ma, anong problema? Bakit umiiyak ka?" marahang tanong ko, pilit na pinapawi ang kaba na namumuo sa loob ko.

Napatungo si mama at sumalubong sa 'kin ang nakahahabag niyang mukha. Mahigpit niya akong niyakap na parang wala ng bukas.

"Si papa mo, nahatulan na," ngunawa si mama. "12 years, anak. 12 years!" mas lalo siyang pumalahaw.

Biglang tumulo ang luha ko. Wala kaming sapat na pera para pyansahan si papa. Kahit sinong kamag-anak namin ay nilalayuan kami at ayaw magbigay ng tulong sa 'ming pamilya.

Talaga ngang kilala ka lang ng mga tao kapag nakaaangat ka sa buhay. Kapag walang-wala naman ay magsiunahang magtago para hindi mahingan ng tulong.

Nang gabing 'yon ay wala ako sapat na tulog. Kahit inaantok kinaumagahan ay pinilit ko ang sarili para makapasok sa trabaho dahil wala kaming makakain ni mama kapag tumigil ako.

Naglalakbay ang isip ko hanggang sa trabaho na hindi ko namamalayan na kulang-kulang ang sukli ko sa mga costumer.

"May problema ka ba, Shelsea?" puna ni Manang Armenia. Dumaan ang pag-alala sa mata niya at hinawakan ako sa bewang. "Kanina pa kita tinatawag. May sakit ka ba? Pwede ka namang huwag pumasok muna," aniya at dinampi ang likod ng kamay sa noo ko.

"Naku! Wala po, manang," pinasigla ko ang boses at inabot ang mangkok na dala niya. "Para kanino 'to? Ako na ho ang maghahatid." Ngiti ko pa.

I heard her let out a sigh.

Wala naman siyang magagawa kung gusto kong ilihim ang problema ng pamilya ko. Saka, alam kong mababalitaan na naman 'yan ng lahat dahil kami ang paboritong bida sa araw-araw na kwento ng bayan.

"Iyan nga dapat ang iuutos ko. Doon kay Tristo." Turo niya sa binatang nakasando na kulay itim at shorts na puti.

I was struck for a sudden view. Ang linis tingnan ng porma niya at maayos na naka-gel ang buhok. Walang kahit anong tattoo sa katawan at wala ring mga butas ang tenga.

Sa tingin pa lang ay malalaman agad na napakabango nito at mula sa angkan na may kapangyarihan. Ang mga mumunti niyang galaw ay nagsisigaw din na may mataas siyang pinag-aralan.

"Ito na po ang order niyo, sir."

Lumingon si Tristo sa 'kin at ngumiti. "Ah, salamat."

Marahan kong inabot sa kaniya ang mangkok na naglalaman ng mainit na sabaw pero nagkasalisihan ang kamay naming dalawa kaya nagkabanggaan iyon na naging dahilan para matapon ang sabaw sa damit niyang kulay puti pa.

Agad na nanlaki ang mata ko at tarantang pinunasan ng kamay ko ang puting damit niya na nagkulay dilaw na.

"Hala, sir! Sorry po! Hindi ko po sinasadya. Pasensya na talaga," nagsusumamong sambit ko.

"It's okay, it's okay. Don't worry," kalmadong aniya at ginawaran ako nang matamis na ngiti.

Nag-aabang ako ng galit pero ang nakuha ko ay magaang ngiti at pagtango lang sa kaniya. Halos hindi maproseso ng utak ko ang kabaitan niya dahil unang beses ito na ganito ang trato ng isang tao sa pagkakamali ko.

"Ano iyan, Shealsea? Nakung bata ka oo, hindi ka nag-iingat. Si Sir Tristo pa naman iyan!" pagalit na sermon ni Manang Armenia ng mapansin ang kumusyon dito. "Pagpasensyahan mo na ho, Sir Tristo. Hindi sinasadya iyon ni Shelsea."

"Manang, it's okay. Huwag mo pong pagalitan si Shelsea," malumanay na aniya.

I bit my lip when I heard my name coming out from his mouth. The way he spoke my name sofly brings a lot of emotions within me.

"Thank you po, Sir Tristo."

I shyly smiled at him and turned my back. Inasikaso ko na rin ang ibang costumer na kumakain at bumubili ng ulam. May pangilan-ngilan pang sinasamaan ako ng tingin dahil kilala ako ng karamihan.

"Bakit ba 'yan ang pinapasok mo rito, Armenia? Sige ka baka malugi ka dahil d'yan sa babaeng 'yan. Malas pa naman ang pamilya niya," parining sa akin ng isang Ale na hindi ko naman kilala.

"Naku ang bibig mo Rosenda, ang aga-aga nangbubwisit ka ng negosyo ko. Alis ka na kung tapos ka ng bumili," pagtataboy ni Manang Armenia sa kaniya. Bumaling siya sa gawi ko. "Huwag mo na lang intindihin ang mga sinasabi nila, Shelsea."

Napakagat ako sa pang-ibabang labinat pilit na ngumiti kay Manang. Aksidenteng napabaling ako sa gawi ni Tristo at hindi ko inaasahang mahuli siyang nakatingin sa gawi ko.

My heart beats faster for an instance as I swallowed the lump on my throat. His eyes gives a warm look that feels like home. I don't know why I feels this way but I can't help not to stare back at Tristo.

He gave me a gentle smile, walk towards me while his hands is in his pockets.

Parang modelo!

"Shelsea, right?" Napatulala ako habang napapatango. "Here. Bayad ko." Inabot niya ang isang libong piso.

"Teka, ho, sir. Ang sukli niyo po."

"It's okay. D'yan na 'yan. Manang, alis na po ako. Maraming salamat," tawag niya kay manang.

Lumapit si Manang sa kaniya kaya ako ang nag-asikaso sa costumer na kaharap niya pero angvtenga ko naman ay nanatili sa kanilang dalawa.

"Maraming salamat, iho. Bumalik ka ulit, ha?"

Tristo chuckled. "Oo naman, po, manang. At saka, may babalik-balikan na ako rito," makahulugang aniya kaya napalingon ako sa gawi niya na nakatingin na pala sa 'kin. "Mauna na ako, Shelsea."

"Ah. . .o-oo. . ." I stuttered as he smiled and go.

He waved his hand in a cute way that made me wave my hand too. Nakhihiya!

Nang mawala siya sa paningin ay siniko ako ni Manang Armenia. "Mukhang type ka ni Sir Tristo."

"Naku, manang, mahirap mag-assume sa panahon ngayon."

Iyon na lang ang nasabi ko at tinuon sa mga costumer na bumibili. Hindi ko na rin narinig ang pambubuyo ni Manang Armenia siguro ay nakalimutan na dahil sa dami ng bumibili sa karinderya.

However, my mind was wandering about Tristo. I was intrigued by his personality. Totoo ba ang pinapakita niya? Or he was  just another guy hitting on me, playing and having a past time flirting?

I shrugged the thought off back on my mind. This day was a tiring day. Nang makauwi ay okay na si mama, hindi na umiiyak pero kitang-kita naman na mugto ang mata niya.

"Ma, may dala akong ulam. Pinadala ni Manang Armenia, para raw ito sa 'tin."

Sinalubong niya ako ng ngiti. "Ang bait. naman ng bagong pinagtatrabahuhan mo, anak. Sabihin mo kay manang na salamat palagi, ha?"

"Sabi nga po niya ay p'wede po kayong magtrabaho ro'n kung gusto ni'yo. Dagdag na rin daw na tulong iyon sa 'tin mula sa kaniya."

Mom's expression ligthen. "Are you sure? Kailan ako magsisimula?"

"Kaya mo ba, ma?"

"Of course, anak. We don't live in wealth and priviliges anymore. Hindi p'wedeng papili-pili ng trabaho. Kung may opurtunidad, let's grab it, hindi ba?" masayang aniya.

I smiled the way she thinks now. I know mom's still adjusting at hindi sanay sa buhay mahirap but I appreciate how she makes an effort.

Hindi na siya ang dating materialistic na ina, na puno ng kolorete sa mukha at mga alahas. Malayong-malayo na at masaya ako sa kung ano man siya ngayon.

"At tsaka, ma, huwag kang panay english kapag sa karinderya, ha? Baka mahiya sa 'yo 'yong mga costumer at huwag na bumilo dahil hindi nakakapagsalita ng engles. Sinita rin ako dati ni Manang Armenia kesyo sa karinderya lang naman daw, e, englishera ang mga tao," tawa ko pa.

Mom laughed hard. "Sasanayin ko, anak."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top