Teaser for "My Infatuation In Her Future"


"What are you doing?" Nakakunot lamang ang noo ni Lucas habang matinding nakatitig sa babaeng nakaupo sa carpeted floor niya.

She has different dictionaries sprawled all over her while her eyes were looking intensely at the screen of the phone that he let her use for the meantime.

Mukhang hindi siya nito narinig sapagkat ni hindi man lamang ito nagpatinag sa ginagawa.

"Hoy Pusa!" inis niyang tawag muli dito sabay tapon ng sofa pillow sa direksyon nito.

Agad namang napapitlag ang babae nang matamaan ang likod nito at mabilis siyang nilingon.

"Por qué?" sagot nito habang inosenteng nakatitig sa kaniya. That expression made him so pissed off because she literally looks like a fucking child when she do that.

Being with her for a few weeks already taught him that what she said meant "why?"

"Ano iyan?" ulit niya sa tanong niya at dahil alam naman niyang hindi pa rin siya nito maiintindihan ay ginamit na niya ang daliri upang ituro ang ginagawa nito.

"Wattpad," she simply answered with her heavy Castilian accent. Matapos iyon ay wala itong pakialam na binalik ang atensyon sa binabasa ngunit dahil sa sagot nito ay mas kumunot naman ang kaniyang noo.

He doesn't use that application but he knew that it was already popular for girls. At alam rin niya na may mga content doon na hindi angkop sa mga bata. Hindi naman na bata si Cátalina ngunit isip-bata ito.

Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakahiga sa sofa at inagaw ang phone ng babae. Cátalina immediately whirled her head towards him and tried taking back her phone but he won't have any of it.

"Eso es mio!" sigaw ng babae habang hinahabol siya nito. He quickly raised his arm and made sure that she wouldn't be able to reach it. Hindi na iyon mahirap sa kaniya dahil mas mataas siya sa babae.

"No!" mariin niyang ani habang nilalayo ang sarili dito. "I would check your library first. Baka may adult content kang i-save dito. Mahirap na at napaka-inosente mo pa naman."

Wala naman siyang problemang magbasa ito sa platform na iyon. Ang sa kaniya lang ay napaka-inosente ni Cátalina at baka may mga bagay siyang mabasa doon na maaaring makaapekto sa pag-iisip nito. May lahing tanga pa naman ang babaeng ito.

Besides, Wattpad can help her learn a little bit of Filipino and English. Ang hirap pa namang kausap ng babaeng ito. Kailangan pa niya ng Google Translate upang magkaintindihan sila.

"Dámelo, por favor." Napalingon siyang muli kay Cátalina ngunit muli ring binalik ang tingin sa cellphone nito.

It was his old phone actually but since he was already planning to buy a new one, naisipan niyang ibigay sa babae iyon upang kahit papaano ay may matutunan ito tungkol sa bagay-bagay. She seriously has no knowledge about the simpliest things in this world.

Kahit nga unang encounter nito sa refrigerator ay hinanapan nito iyon ng "nieve". Dahil may pagkakahalintulad lamang ang salitang iyon sa Filipino word na "niyebe" ay agad niyang naintindihan na naghahanap ito ng snow sa loob ng ref.

She's the dumbest person that he ever met, yet he can't find himself throwing her out. There's just something about her that interest him.

Something he can't explain.

Maybe it was just an infatuation . . . Maybe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top