Epilogue
"Xav . . ." Rinig ni Xavier ang mahinang pagtawag ni Kuya Zynder sa kaniya habang nakaluhod siya sa harapan ng puntod ni Elisa.
Isang linggo ng nakalibing ang kaniyang asawa doon ngunit sariwa pa rin sa kaniyang isipan ang lahat. Para bang kahapon lamang nangyari ang mga bagay na iyon. Para bang kahapon lamang ay kasa-kasama at kayakap pa niya si Elisa.
Hindi pa rin niya tanggap ang lahat. Aaminin niya iyon. Hanggang ngayon ay indenial pa rin siya sa lahat ng nangyari.
Wala na ang babaeng minahal niya ng buong buhay niya. Wala na si Elisa.
Naramdaman na naman niya ang unti-unting pagtulo ng kaniyang mga luha. Kahit na ilang araw na siyang patuloy na umiiyak ay hindi pa rin iyon nauubos. Ang sakit pa rin sa loob-loob niya na gumising kada araw na wala ang asawa sa tabi. The empty space beside him was the constant reminder that Elisa was already gone.
Hindi na siya babalik. Iniwan na niya ako.
"Kailangan na nating umuwi, Xav. Papagabi na," dagdag na paalala ng kaniyang Kuya habang tinatapik ang kaniyang balikat.
He doesn't want to go. Ayaw niyang iwan si Elisa doon ngunit alam niyang kailangan pa niyang balikan ang anak na pinaiwan muna nila sa mansyon.
Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at nilapag sa lapida na may nakaukit na pangalan ni Elisa ang mga papel na bulaklak na kaniyang pinagtiyagaang gawin buong gabi. She always adore these paper flowers. They always make her happy and he would always be a sucker for those sunshine smiles.
"El . . ." naiiyak niyang bulong sa hangin. "Gagawan kita ulit ngayong gabi ng mga papel na bulaklak. Babalikan kita bukas," pangako niya dito habang pilit na ngumingiti kahit na paulit-ulit ng tumutulo ang kaniyang mga luha sa lapida nito. Kahit nga ang mga papel na bulaklak na kakalapag pa lamang niya doon ay basang-basa na dahil sa mga luha niya.
"We have to go home now, Xav," paalalang muli ng Kuya niya.
"But my home is here . . . Elisa is here," he answered while gently caressing Elisa's grave.
Narinig niya ang malakas na pagbuntung-hininga ng kapatid niya bago nagsalitang muli. "She might be gone now but she never left. Always remember that the people we love never truly leave us. May mga bagay sa mundong ito na hinding-hindi kayang agawin ng kamatayan. Love is one of them."
He laughed sarcastically before saying, "Ang dali para sa inyo na sabihin na magiging maayos ang lahat, that I would get over it . . . and I might say it too someday. But I know that it's not true. I know that someday I would be happy again but I would never forget. I may fall in love with someone else but I know that it was because something reminds me of Elisa on her. She'll always be here." Mahina niyang tinuro ang puso habang diretso pa ring nakatingin sa lapida na kinauukitan ng pangalan ni Elisa.
"Xav, I'm not forcing you to accept Eloisa. What we just wanted you to realize is that your baby needs a mother, not because you are not enough as a father, but rather because having two parents is already a blessing and a gift. Alam nating kapag ikaw lamang ang mag-isa kasama ng anak mo ay hindi ka parating nasa tabi nito. You have to go out and work. Your attention wouldn't be solely dedicated to her at hindi mo kasalanan iyon. Willing kaming tumulong sa pagpapalaki sa anak mo ngunit hindi kami palaging nandiyan at makakatulong. Elisa asked you to let Eloisa became your wife because of a reason. That was her dying wish . . . to let Eloisa feel how it feels like to be human . . . how to be loved."
"Hi-Hindi ko alam Kuya kung kaya ko ba," nahihirapan niyang amin dito.
"Then just accept things in your own pace. Dahan-dahanin mo hanggang sa makaya mo na. Sometimes holding on does more damage than letting go," ika ni Kuya habang tinutulungan siyang tumayo. "Let's go home."
Yes . . . His baby is his home now.
He looked back at Elisa for the last time before whispering, "Hindi ito paalam, El. Pasasalamat ang nais kong sabihin sa iyo. Salamat dahil dumating ka sa madilim kong buhay. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Salamat dahil minahal mo ang isang tulad ko. Mahal na mahal kita El . . . hindi iyon magbabago."
He weakly smiled at her grave one last time before finally following his brother back to their horse carriage. Habang umaayos siya ng pagkakaupo sa kalesa ay unti-unti na niyang naisip na baka oras na upang bumitaw siya.
Letting go is hard but it's nothing compared to starting over. Mas mahirap na magsimulang muli kaya naman takot na takot siyang bumitaw. Elisa was his whole life and so much more. He already planned everything with her in mind, but now she was gone and he doesn't know what to do with his whole life anymore.
He felt lost without her. Para siyang barko na walang compass. Isang manlalakbay na walang mapa. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin ngayong wala na si Elisa.
Try loving Eloisa?
Baka dumating ang panahon na makakaya niya . . . maybe.
"Nandito na tayo Xav," anunsyo ng kapatid niya na agad namang nakapagpatanggal ng mga bagay na iniisip niya. Agad siyang napalingon sa paligid at napansing nakarating na pala sila sa mansyon niya.
It still looked the same yet lonelier. Para bang alam ng bahay na wala na ang ilaw ng tahanan doon.
"Salamat sa paghatid Kuya." pasalamat niya dito sabay baba sa kalesa. Before he can walk towards the house, Kuya Zynder suddenly called him.
"Xav." Nilingon niya ito at nagtatanong na tiningnan. "Everything has a reason. Remember that."
Napatigil siya dahil sa sinabi nito ngunit kalaunan ay mahinang tumango.
Maybe he's right . . . It's time to let go.
Matapos iyon ay umalis na si Kuya Zynder at siya naman ay nagpatuloy sa paglalakad sa loob. He already missed hugging his princess. Ito na lamang ang nagsisilbing dahilan kung bakit kumakapit pa rin siya upang mabuhay. Kung wala ito ay tiyak sinundan na niya si Elisa sa kabilang-buhay.
Habang naglalakad sa sala ay nadaanan niya si Pedro na kasalukuyang nililinis ang mga mwebles roon.
"Pedro," tawag niya dito na agad namang nakapagpalingon sa binata. "Nasaan si Elisabeth?" dagdag niyang tanong.
"Ahh . . . pinapatulog na po ni Binibining Eloisa sa taas," sagot nito na kaniya namang tipid na tinanguhan. Agad siyang naglakad papunta sa malaking hagdanan papunta sa pangalawang palapag ng mansyon.
Aaminin niyang simula ng namatay si Elisa ay palagi na niyang iniiwasan si Eloisa. Hindi niya nais makita ang pagmumukha nito o marinig man lamang ang boses.
It hurts looking at her and knowing that she may have Elisa's face but she would never ever be his wife that he truly loves. Her gentle voice became a constant reminder that he would never ever be able to talk to Elisa again.
Mas naiinis siya dahil mas malapit pa si Elisabeth kay Eloisa kaysa sa kaniya. She would cry and he would try to comfort her, but she would only stop wailing whenever Eloisa take her from him. Para bang isang hawak lamang ng babaeng iyon ay ok na ang anak niya.
He hated that but he has no choice.
Malakas siyang napabuntung-hininga nang makaabot na siya sa silid niya. He insisted that Elisabeth should sleep with him. Ayaw niyang ipatabi ang anak sa babaeng iyon ngunit may mga pagkakataon na umiiyak ito sa gitna ng gabi at hindi niya ito mapakalma. Eloisa's room was on the other side of the hallway, but she would always hear Elisabeth's cries and would go to his room at the speed of the light. Wala naman siyang magawa kundi ibigay dito ang anak niya dahil ito lang naman ang nakakapagpatahimik dito.
He slowly opened the door and peeked inside. Agad naman niyang nakita ang babae na bahagyang sinasayaw ang nakapikit niyang anak. Napatigil siya dahil sa pagkabigla.
At that instance, he saw Elisa.
Nakatayo lamang siya sa may pintuan at hindi kayang igalaw ang mga paa. He was so fascinated by watching his queen and princess having their own bonding time. Agad naman niyang pinilig ang ulo at pilit na pinaalala ang sarili na hindi si Elisa ang babaeng iyon.
He watched her put down Elisabeth on the wodden crib near his bed and kissed her forehead lovingly. Doon na niya naisipang pumasok ng tuluyan kaya naman biglang napalingon ang babae sa kaniya.
When their eyes met, he literally felt like a boulder was thrown at him. Napanganga siya at ang rami sanang nais sabihin ngunit iisang salita lamang ang lumabas sa kaniyang bibig.
"El . . ." naiiyak niyang tawag dito.
She smiled at him as if she didn't die on his arms. Na para bang normal na araw lamang ito at hindi ito nawala sa buhay niya ng isang linggo.
"Shh . . . natutulog na siya," ngiti nitong ani.
He can't help but bite his lower lip to stop his cries from coming out.
"Oh God . . ." he cried before walking hurriedly towards Elisa and scooping her in his arms. Narinig niya ang mahinang pagtili nito dahil sa ginawa niya at ang bahagyang pagtulak ng babae sa katawan niya upang ipalayo siya dito, ngunit hindi niya ito sinunod bagkus ay mas hinigpitan pa ang pagkakayakap dito.
"Bakit ka umiiyak? Isang linggo lamang akong nawala!" tawa nitong saad na para bang isang simpleng bagay lamang ang nangyari nitong nagdaang mga araw. Na para bang hindi niya ito pinanood na ibaon sa ilalim ng lupa.
"El . . . huwag mo na akong iiwan muli. Hindi ko kaya," iyak niyang pakiusap. Natatakot siya na baka panaginip lamang ang lahat at sa isang kurap lamang niya ay bigla itong mawala. Naramdaman naman niya ang mahinang paghagod ng kamay nito sa kaniyang likod. Isang mainit na simbolo na nagsasabing totoo ang babae at hindi imahinasyon niya.
"May dahilan ang lahat Dan," bulong nito sa kaniya.
"Putang-inang dahilan iyan. Inaagaw ka niya sa akin," mura niya habang nakabaon pa rin ang mukha sa leeg nito.
Napatawa naman ito dahil sa sinabi niya ngunit agad ring sumeryoso. "Utang natin ang lahat kay Eloisa. Siya ang dahilan kung bakit nandito pa ako."
"El . . ." he helplessly called her but she shushed him.
"Alam kong hindi mo siya gusto ngunit hindi magbabago ang katotohanan na siya ang nagligtas sa akin."
"Anong ibig sabihin mo, El?" nagtataka niyang tanong habang bahagyang lumalayo dito ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakayakap niya dito.
Nginitian siya muna ni Elisa at pinahid ang mga luhang bumabasa sa kaniyang mga pisngi bago siya sinagot. "Siya ang nakiusap kay Ginoong Percy na ibalik ako. Sinakripisyo niya ang pagkakataon na maging totoong tao upang mabuhay akong muli. Siya ang dahilan kung bakit ako narito."
Hindi na niya ito nasagot bagkus ay niyakap itong muli ng mahigpit. "Dito ka na lang. Huwag mo na akong iwan."
"Ngayon, alam mo na ang pakiramdam na maiwanan ng walang dahilan. Dan . . . ganito kasakit noong bigla mo akong iwanan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sana naiintindihan mo na ako ngayon."
"I'm sorry. Pasensya na. Kung kailangan kong lumuhod sa harapan mo ay gagawin ko. Patawarin mo lamang ako, El," pagmamakaawa niya dito.
"Shh . . . mangako ka lamang na hindi mo na ako iiwan ng walang dahilan. Na hindi ka na magsisinungaling sa akin. Magkasama tayo sa lahat. Walang lihim o sikreto," Elisa comforted him that made him cry more.
"Hindi na kita iiwan El . . . pangako iyan. Huwag mo lamang akong iwan muli," iyak niyang pangako dito.
"Huwag ka ng umiyak. Nandito na ako," tawa naman nitong ani. "At saka huwag kang maingay. Natutulog si Elisabeth."
Despite her words, he still hugged her even tighter and cried on her arms. He would never ever let go of her again. Hindi na niya ito iiwang muli.
Elisa came back to him. True love would always go back to where their home is.
Home is here. Home is where she is.
A/N: Pasensya na kung masyadong sabaw ang Epilogue! T_T All my hardwork was gone because of some technical issues. May 2 Special Chapters pa at some sneak peek for Lucas x Catalina and WarLyn's upcoming story!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top