Chapter 63

Buntis si Elisa . . .

Hindi alam ni Xavier kung dapat ba siyang matuwa o matakot sa balitang iyon. He was partly happy because he was gonna be a father of the baby inside the womb of the woman that he dearly love. Ngunit may isang parte ng isip niya ang kumukontra sa kasiyahan na iyon. It was the part of his brain that kept on playing back the images of Elisa dying while in labour. The same images that he swore wouldn't gonna happen to her. Ang rason kung bakit nagpakahirap siyang mag-aral ng Midwifery.

"Oh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan, Xavier?" Percy mockingly asked while slowly standing up and walking towards him. Tumayo ito sa harapan ng kinauupuan niya at dumungo malapit sa tenga niya.

"Alam mo ba kung bakit mo nakita ang mangyayari sa hinaharap ni Elisa?" he asked but he didn't nod or shake his head. Ayaw niya itong sagutin dahil sa naiinis siya sa inaakto ng matanda. It was as if he was mocking him. "Tsk . . . tsk . . . tsk . . . Masyado kang naging pabaya Danilo. Hinayaan kong makita mo ang mangyayari sa hinaharap upang maiwasan mo ang trahedyang iyon ngunit tingnan mo naman ang una mong ginawa nang makabalik ka dito sa nakaraan . . . Binuntis mo kaagad ang asawa mo. Ang kapabayaan mo ang magiging dahilan ng kamatayan ng minamahal mo."

After saying those words, he slowly leaned back and moved away from him. Napakuyom naman ang kaniyang kamao at masamang tiningnan ito. Naiinis siya sa mapangkutyang ngisi na binabato ng matandang lalake sa kaniya. He was definitely mocking him.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Nag-aral ako ng Midwifery upang mailigtas ko ang asawa at magiging anak ko," mariin niyang saad habang matapang na nakatitig sa matanda.

"Your determination is highly commendable but sadly that wouldn't be enough," nakangiting ani ng matanda bago muling tumingin kay Elisa. "Hindi makakatakas ang asawa mo sa tawag ni Kamatayan. "

Iyon lamang ang sinabi ng matanda at walang paalam na naglakad papalabas ng mansyon. He just left them there dumbfounded with only one thing in mind.

How would they save Elisa from death?



"Don Roberto . . ." His bloodshot eyes suddenly glowered at one of his housekeeper when she suddenly entered his room. Kabilin-bilinan niya kanina na walang didisturbo sa kaniya. 

Nagluluksa pa siya. 

Nagluluksa sa pag-ibig na ilang taon niyang kinimkim at hinding-hindi masusuklian. 

Nagluluksa sa lahat-lahat ng mga sakripisyong pinagdaanan niya para lamang sa babaeng tinawag siyang "nakakadiri"

I'm disgusting . . .

"Putang-ina!" malakas niyang sigaw sabay bato sa babasaging baso na naglalaman ng alak na iniinom niya ngayon. Malakas siyang napasabunot sa buhok at pinigilan ang sariling suntukin ang mukha.

"Pa-Pasensiya na po Don Roberto . . . Alam ko pong kabilin-bilinan niyo na hindi kayo didisturbuhin ngayong gabi ngunit may naghahanap po sa inyo," natatakot na hinging patawad ng katiwala niya na nakatayo sa may pintuan ng silid niya. She looked like she was about to run away from him out of fear for her life. 

Hindi niya ito masisisi. He looks like a wreck right now. His hair was disheveled because of constant tugging from his frustrated self. His eyes were bloodshot from his unending crying earlier. Nangangamoy na rin ang damit niya ng alak dahil kanina pa siya umiinom.

"Sino?" inis niyang tanong habang tinitingnan ang dugong unti-unting pumapatak mula sa kaniyang palad. Mukhang nasugatan siya dahil sa bubog ng basag na baso na binato niya kanina. Ilang baso na ba ang nabasag niya kanina? Hindi na nga niya alam kung ilan. 

"Ginoong Percy po daw," nanginginig sa takot na sagot ng katiwala.

Mas dumilim ang presensya niya dahil sa sinabi nito at sa nanggagalaiting boses ay inutusan niya ito, "Papasukin mo."

Nagmamadaling lumabas ang babae at mukhang takot na takot sa kaniya. Hindi niya ito pinansin bagkus ay mabagal siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Malakas siyang napabuntung-hininga bago napiling maglakad papunta sa may teresa ng silid niya.

The view from his room was rather breathtaking. Siya mismo ang nagplano ng lahat-lahat sa mansyon na ito at inayon niya lahat iyon sa kung ano ang mga gusto ni Elisa. Everywhere he look, he can only see the traces of the woman he loves so much. Puro si Elisa ang nakikita niya saan man siya mapatingin kaya naman mas masakit ang nararamdaman niya ngayon. Tila ba ayaw ng puso niyang bitawan ang babae.

"Ang baho dito." Narinig niya ang nagrereklamong boses ng matanda sa kaniyang likod ngunit hindi niya iyon pinansin. He continued looking at the vast expanse of his land and remembered that the woman that he promised all of this wealth has chosen another man over him.

"Anong kailangan mo sa akin? Kukutyain mo ba ako?" pagak niyang saad habang pinipigilan ang galit na unti-unting umuusbong mula sa kaniyang puso.

The last thing he needed right now is someone mocking him for being thrown away like a trash.

"Kinakamusta lamang kita! May masama ba doon?!" tawang ani ng matanda habang lumalapit sa kaniya at tumayo rin katabi ng railings ng kaniyang teresa. "Nais ko lamang na balitaan ka dahil kakagaling ko lamang kina Danilo."

"I don't fucking care about them anymore," galit niyang saad sabay masamang tumingin sa matanda.

"Oh! Really? Hmm . . . hindi rin naman kita masisisi. Masayang-masaya na silang dalawa dahil wala ka na. In fact, magkakaanak na sila and just like how fairytales usually ends . . . they would live happily ever after," nangkukutyang kwento ni Percy sa kaniya. 

"I said I don't fucking care!" HIndi na niya napigilan ang sarili at nasigawan ito ngunit paglingon niyang muli sa kinatatayuan nito ay wala na ang matanda. Bigla na lamang itong nawala na parang bula. Para bang pumunta lamang ito dito upang pagtawanan siya. 

His breathing became laboured as he tried to calm himself down. All he can see is red. Galit na galit siya. Para siyang sasabog sa lungkot, galit at inggit.

That should have been me!

Dahil hindi na niya mapigilan ang damdamin ay galit niyang kinuha mula sa kaniyang bulsa ang bagong biling singsing na plano niya sanang ibigay sa babae at malakas iyong tinapon mula sa pangalawang palapag ng kaniyang mansyon. 

"Fuck!" sigaw niya. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kaniya. Hindi na nga siya nahiya habang unti-unti na namang tumutulo ang kaniyang mga luha. "Putang-ina!"

Gusto niyang manuntok. Gusto niyang manipa. Gusto niyang ilabas ang galit na namumuo sa sistema niya.

Galit niyang tiningnan ang lugar kung saan niya tinapon ang singsing at agad na napatigil. 

A silhouette of a woman wearing a simple white t-shirt and jeans paired with a black cap was picking something on the same spot where he threw Elisa's ring. Base pa lamang sa damit nito ay alam na niya na hindi ito galing sa panahon kung saan siya ngayon. She looked like someone who came from the future. Odd enough, the background of the woman doesn't look like his usual clean and well-taken care estate. Maraming dahon sa paligid ng babae na para bang nagsilagasan na ang mga iyon mula sa kaniyang mga puno. The atmosphere between them was totally different.

Him in the past.

Her in the future.

He caught his breath when she slowly glanced at his direction. He can't clearly see her face but there's only one thing that he can clearly see.

Hawak-hawak nito ang singsing na para kay Elisa.


A/N: Another update dahil ang iingay niyo sa comment section! Huwag kayong matakot na mag-demand ng another update sa akin. Mas ginaganahan akong mag-update kung nangungulit kayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top